LAMIG
I don't know how long I'm watching him furtively. I'm sitting in the couch and he's standing far from me. He's busy talking with his peers. Wala naman iyon problema sakin. Hindi naman kasi sa lahat ng oras dapat magkasama at magkausap kami. Kontento na ko na nakikita siyang nag-ienjoy sa kuwentuhan nila kahit na mag-isa lang ako rito sa couch. Not that I'm being sentimental, I just prefer to be alone.
Besides, hindi ko masyadong kilala ang mga tao rito since majority of them are athletes. Victory party kasi ito ng kakatapos lang na Collegiate Athletic Competition and for the third time, MIU won. Actually exclusive lang talaga ito sa mga athletes. Naimbitihan lang naman ako dahil parte ang boyfriend ko ng pagkapanalo.
"You're here. I thought you can't come since your secretary told me that you have a hectic sched."
"I do sir but...I think, we should personally greet our aces."
That polite tone caught my attention. Aware akong hindi ganon kalayo ang kinaroroonan ng mga nag-uusap lalo na't malinaw kong naririnig ang usapan nila. Nilingon ko iyon at bahagyang nanlaki ang aking mata nang mapagtanto kung sino iyon.
"You're indeed a good head, Sebastian. You really deserve to be the MGC's CEO."
He grinned shyly. "Thank you sir."
"Although it was more good if you have a wife that can bear a basketball team." Ani ng kausap niya pagkuwa'y tumawa. He chuckled and that must be the reason why his eyes accidentally darted to me. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makita ang pagbalik niya ng tingin sakin. Nahagip ko rin ang bahagyang pag-awang ng kanyang labi.
His reaction made my forehead wrinkled in confusion. Does he know me? Ako kasi matagal ko na siyang kilala but I never met him in person. Kaya nagtataka talaga ako sa reaksyon niyang parang nagsasabing kilala niya ko. Imposible naman na ipinakilala ako ni Achilles. Sasabihin niya iyon sakin kapag ginawa niya nga.
The problem is he never introduced me to his brother just like he never mentioned his brother to me. Kilala ko lang talaga si Kuya Sebastian dahil kapatid niya ito.
"I'm sorry but that is something I couldn't rush."
"Yeah! We know that you're a meticulous man but I'm really looking forward for your engagement."
Hindi siya sumagot. Siguro ay ngumiti lang siya. Iba na rin kasi ang sinabi niya pagkalipas ng ilang sandali.
"I should go sir."
"Sure."
Now I know why I'm being attentive to his voice despite the noises around. Wala naman talaga akong balak na makinig sa mga usapan pero nangingibabaw talaga ang boses niya sa aking pandinig. Maybe instinct? And we also have the connection since he is Achilles' brother so that must be one of the factor.
"Kuya Sebastian!" Si Darius na hindi kalayuang nakatayo sa harap ko. Panandalian ko siyang pinasadahan dahil agad na lumipat ang tingin ko sa lalaking binati niya. Saka ko lamang napagtanto na konti na lang ang pagitan naming dalawa ni Kuya Sebastian nang nilingon ko siya. Nadatnan ko rin na nakatingin siya sakin na dapat kay Darius dahil ito naman ang tumawag sa kanya. Although mabilis akong tumayo at matipid na ngumiti kahit nag-aalinlangan ako kung ako ba talaga ang sadya niya.
"You know Rain, Kuya?" Hindi na nakakapagtaka kung ito ang naging tanong ni Darius. Halata kasi na para bang kilala ako ni Kuya Sebastian na lubos kong hindi maintindihan.
"Rain?" He asked back with confused eyes.
"I thought, Kitten already introduced her on you." Kunot noong wika ni Darius kasabay ng paglapit samin. "She was your brother's girlfriend, Rain Arguelles."
Tinikom niya ang kanyang bibig at pormal akong tinitigan, tinatago ang pagtataka kahit halata naman iyon sa dalawa niyang mata. I did everything to dodge his stares without letting him know that it was my intention. My heart pounded in nervosity as awkward atmosphere barely invaded us. Isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit bigla siyang natigilan. Marahil ay nagulat siya na may girlfriend ang kapatid niya.
"How are you related to Autumn Arguelles?"
Akala ko ay hindi na siya magsasalita but he did after a while. My mouth hang open upon hearing what he said. Nagpakurap-kurap ako. Hindi inaasahan na hindi ako makakarinig ng tutol mula sa kanya at lalong hindi makapaniwala na kilala niya ang kapatid ko.
"You know my sister?" I cleared my throat when I realized that my voice is sore. Umayos din ako sa pagkakatayo kahit na nanginginig na ang mga binti ko. I don't know why I'm terribly nervous as if my life is on the line. Mahinahon naman siya magsalita pero ito ako, sobrang natitense.
"She's your sister? That must be the reason why you looked alike."
"She's actually my twin."
"You already met the other one?" Singit ni Darius na s'yang dahilan para mapatingin kami sa kanya.
"Yeah. I met her two years ago. I used to bought her paintings. It was quite unique and beautiful." The moment he uttered the last sentence, he glanced at me with furtive smile.
"Your words seems like for the painter." Ngisi ni Darius, halatang nanunukso at nanunuya. Nagawa kong maintindihan ang sinasabi niya ngunit nagpasya ako na isawalang bahala ito lalo na't ganon din ang ginawa ni Kuya Sebastian. Mukhang sanay na rin sa biglaang pantitrip ng pinsan. Sa halip, binaling niya ang atensyon sa paparating na kapatid.
"You didn't tell me that you have a girlfriend."
"You didn't tell me either that you'll gonna be here."
Achilles' reply sounded rude but his brother seems fine with it. Tumawa lang kasi ito ng mahina samantalang ako ay nangungunot ang noo. Hindi pinapahalata ang pagkadisgusto sa paraan ng pagsagot ni Achilles. Si Darius naman ay nangingisi lang na pinagmamasdan ang dalawa.
"Do you have a plan to follow Tito Kiano's path? Para kang nangangampanya sa pagpunta rito."
"I don't think politics will suit me."
Kuya Sebastian smile didn't fade even for a while. Para bang natural sa kanya ang palangiti. At nakakahawa ang vibes niya. Ibang-iba kay Achilles na kung hindi seryoso, wala namang ekspresyon ang mukha.
"I just came here to congratulate everyone for doing their best in the name of MIU." Saka bumaling siya sa gawi ko. Mukhang naramdaman ang panititig ko sa kanya. Bigla tuloy namula ang aking pisngi dahil sa hiya. Dagdagan pa ni Achilles na nakakuyom ang panga nang sinulyapan ako.
Hindi ko tuloy maiwasang magtaka lalo na't kanina ko pa napapansin na iniignora niya ang mga titig ko. May problema ba siya? Okay naman kami kanina ah. Naguguluhan tuloy ako kung sino ang pagtutuonan ko ng pansin at ano ang dapat na ikikilos ko.
"My brother was lucky to have you just like Zander have your sister."
Sa tuwing nagsasalita si Kuya Sebastian, napagtanto kong palagi na lang akong nahihiya, nahahanga at madalas na nagugulat.
"You know Kuya Zander too?" Then he first said swiftly sank into my mind. I felt like I'm going to explode anytime because of extreme embarrassment.
He nodded. "Pinakilala siya sakin ni Autumn."
Hindi ko na masyadong napagtuonan ang tinugon niya. I was overwhelmed by his compliments. Naghurumentado rin ang puso ko, sandaling nakalimutan ang masakit na katotohanan. He is sincere about what he's saying, I feel it. That's why I'm glad that I have his full support. It flatters me so much.
Hindi na rin ako nakapagsalita pa lalo na't may bahagyang tumawag sa kanya. Mukhang kakilala sa negosyo. Bukod kasi sa mga athletes, nandito rin ang mga shareholders ng MIU. Ito ang dahilan kung bakit may pagkapormal ang party.
"Nice to meet you, Rain. I hope that we will meet again."
Nahihiya akong ngumiti bilang tugon. Hindi na sinubukang magsalita dahil siguradong mahahalata niya lang na malaki ang naging epekto ng kanyang sinabi sakin. Mukhang hindi rin naman siya umaasa sa verbal response ko. Binaling niya kasi ang tingin sa dalawa pagkatapos. He smiled and nodded once at his brother and cousin to excuse himself.
"Mukhang boto sayo ah." Tukso ni Darius nang makalayo si Kuya Sebastian. I protruded my lips and turned my sight away from him to hide my shyness. Ito ang dahilan kung bakit napadako ang tingin ko kay Aki. At pumirmi ito sa kanya lalo na't napuna ko na madilim ang kanyang ekspresyon.
"I have something to tell you. Let's talk about it outside."
"Woah Kitten! Meron ka ba ngayon?"
Tumalikod agad si Aki na para bang walang sinabi ang pinsan niya. Nagsimula rin siyang maglakad kasabay ng pag-ukit ng pagtataka sa aking mukha.
His cold presence began to penetrate on my flesh. I can't help but wonder if I did something unknowingly that made him mad? Wala naman kasi akong natatandaan na may ginawa ako nitong mga nakalipas na oras na siguradong ikakagalit niya. I'm really clueless.
"You should follow him now. Mukhang bad trip na naman tss!" Si Darius habang sinusundan ng tingin ang pinsan. Humalukipkip din siya at naiiling na para bang disappointed siya sa inaasal ni Aki.
Hindi ko siya masisisi. Ako man din ay nabibigla sa madalas na pagbabago ng mood ng boyfriend ko.
Nagpaalam na rin ako kay Darius para sundan ang pinsan niya pagkaraan ng ilang segundo. Napansin ko na medyo nakakalayo na si Aki. Baka mas lalo pa itong magalit kapag napansin niyang hindi ako sumunod. Kaya mabilis akong naglakad para maabutan siya. Pinanatili ko rin ang isang metrong distansya sa pagitan naming dalawa. I don't think clinging to him will lessen his anger.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naglalakad. I'm just following him the whole time. Ramdam niya iyon kaya ni isang lingon sakin, hindi niya ginawa. Saka niya lang ako hinarap nang makarating kami sa kinaroroonan ng sasakyan niya.
Hindi siya agad nagsalita. Isang matinding katahimikan pa muna ang panandaliang naghari sa aming dalawa. He stared at me without any emotion engraved in his face yet his eyes shadowed with uncertainty. Mapanimbang kong sinalubong ang kanyang tingin.
"Does he really matter to you?" Sipat niya sakin pagkatapos ng ilang minutong pagsusukatan ng tingin.
My forehead furrowed. "Sino?"
"One of my teammates saw you with Ranz last week."
My lips slightly parted. Mabilis din kumalabog ang aking puso dahil sa pag-atake ng kaba. Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko biglang may bumara na kung ano sa lalamunan ko. And I don't like this feeling. I felt like I'm guilty about something.
Tumikhim siya at matabang na ngumiti. "Akala ko ba malinaw na napag-usapan natin ang tungkol dito?"
"Nagkataon lang na nagkasabay kami sa pagpasok sa gymnasium." My voice shuddered. Ramdam kong nahalata niya iyon ngunit hindi ako nagpaapekto. Instead, I sighed and swallowed the bile in my throat. "And he's a good friend of mine. Hindi pwedeng iwasan ko na lang siya bigla."
"Hindi ganyan ang sinabi mo sakin noon."
Natigilan ako. Hindi inakalang matatandaan niya pa ang sinabi ko noon. Sa halip na tugonan siya, tinikom ko na lang ang aking bibig.
Maybe I said it back then but that was when I don't know everything yet. When I just think all the time that I'm living in my dreams. That at last, fate go on the way I want.
Now, I started to feel again the pain and frustration that I kept for a month. Akala ko ay kaya ko pa rin magkunwareng hindi nasasaktan. At least a little longer but it appears that I can't take it anymore.
"Dahil lang ba talaga gusto ako ni Ranz kaya mo ako pinapalayo sa kanya o..." I paused as I felt how my own words burned me. My eyes is getting stung too and the only way I know to stop my tears from pouring is to blink many times. "....mayroon pang ibang rason?"
"What are you saying?"
"Everything between us was true right?" I faintly asked that puts him in much confusion. Nag-iwas ako ng tingin dahil biglang nanikip ang aking dibdib. Nanghihina rin ang mga tuhod ko ngunit kinakaya ko pa rin tumayo. "You didn't approach me on purpose right?"
"Siya ba ang nagsabi sayo n'yan? Kaya ba biglang nagbago ang pakikitungo mo?"
"Hindi na importante kung sino ang nagsabi-"
"Importante iyon sakin lalo na kung si Ranz ang pinag-uusapan!"
Kasabay ng pag-awang ng aking bibig, ang pag-atras ko dahil sa bahagyang pagtaas ng kanyang boses.
"Bakit? Dahil ba sa paghihiganti?" I shot back with trembling voice. Sobrang naapektuhan sa ugaling pinakita niya kaya hindi na nagawang itago pa ang mga tanong na matagal nang bumabagabag sa aking isipan.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Rain?"
Napatikom ako ng bibig at napalunok nang mapuna ang pagguhit ng sakit sa dalawa niyang mata sa kabila ng galit niyang ekspresyon.
Something is wrong. Hindi dapat ganito ang reaksyon niya. Hindi siya dapat nasasaktan ng ganito.
"Revenge?" Ulit niya, bakas ang sarkasmo at panlalamig. "For what?"
"Because you think that he was the reason why Rachel and you broke up."
"And you believe him?" He interrupted, almost look like a mad cat. "So all this time, you think that I'm just using you to get on his nerves? That I'm dating you to annoys him?"
"You can't blame me. I saw your convo with Rachel, Aki. She wants you back." I said in broken voice.
"And when did I agree about it?"
Napaiwas ako ng tingin. Hindi makasagot dahil alam ko sa sarili ko na wala akong nabasang pumayag siya.
"That's the problem with you, Rain. You always choose to believe other people over me. What I am really to you?"
"Aki..." Halos hindi ko mahanap ang boses dahil sa nakikita. My Aki is hurting so bad and it is because of me. I can't imagine that I will do this him.
Inilingan niya ko, disappointed. Humakbang ako para hagilapin siya pero mabilis siyang umatras.
"I want to be alone." He coldly said. Sapat lang para marealize kong ayaw niyang makipag-usap. Tinalikuran niya na rin ako at wala kong nagawa kundi panuorin siyang pumasok sa sasakyan at umalis.
Gustuhin ko man sundan siya, alam kong lalala lang ang away namin kapag nagpumilit pa ko. We have a lot of fights and arguments in the past but I felt that this one is different. Hindi ito ang away na kayang idaan sa isang sorry o simpleng panlalambing.
At mas napagtanto ko iyon nang gumising ako kinabukasan na walang nakitang isang mensahe mula sa kanya. I tried to send him a message but I end up on backspacing it.
Sa huli, nagpasya ako na hayaan munang lumamig ang sitwasyon. Kapag hindi na siya galit at handa ng makinig sa paliwanag ko. I also think about reflecting on my own mistakes. Alam ko naman na ako talaga ang may kasalanan. Nasasaktan ako dahil sa mismong kagagawan ko. Ako kasi itong pinangunahan ng overthink, selos at takot. And it was the stupidest thing I've ever done.
It might be valid that I get scared for finding out that he still talking to Rachel, his ex and first love, but it wasn't a good excuse for not trusting him, for doubting his feelings and intention towards me.
We've been in relationship for three months and even once, he never failed to show me how much he cares for me. Kaya bakit pinaniwalaan ko na naman ang ibang tao? Kasi hindi ibang tao si Ranz. Mabuti siyang kaibigan para sakin. At wala kong nakikitang rason para magsinungaling siya sakin.
Naguguluhan na talaga ko. Gusto kong pagharapin silang dalawa para malaman ko kung ano ba talaga ang problema nila sa isa't isa. But I can't do it now dahil nasa away kami ni Aki. Though I decided to have a talk with Ranz.
Him:
Why?
Sa kalagitnaan na ko ng panananghalian nang matanggap ang tugon niya. Ibinaba ko ang hawak na kutsara at dinampot ang cellphone sa mesa para replyan siya.
Me:
•Are you free?
•Can we meet?
Him:
Pwede naman pero mamayang gabi siguro? Nasa Laguna pa kasi ako ngayon, Rain.
Me:
Hindi. Okay lang naman kung hindi ka free ngayong araw.
Him:
I am. Uuwi rin naman talaga ko d'yan sa Manila mamaya. Don't worry.
Typing...
Kumurap-kurap ako habang inaantay ang susunod niya pang sasabihin. Napadako rin ang tingin ko sa bilog na icon kung saan nakadisplay ang mukha niya at ang pangalan niya sa kanang gilid nito. Ranz Michael Viajar.
Him:
Saan mo planong magkita tayo?
Sandali akong natigilan. Not that I don't know where we hold a meeting. I already found a place that we can comfortably talk but I don't know if he's going to like it. Medyo malayo kasi ung condo niya sa coffee shop na pagkikitaan namin.
Me:
Okay lang ba sa Leshus Coffee?
Him:
Why don't we meet in the coffee shop near your house?
Me:
It wasn't accessible for you.
Him:
It's fine. I'm driving my own car, Rain.
Ilang segundo rin ang ginugol ko sa pag-iisip kung ano ang itutugon ko sa kanya. Sa huli, pumayag na lang ako sa gusto niya lalo na't sa akin naman ang pabor.
Me:
Ok. If that's what you want, I'll go with it then.
Pagkatapos napagpasyahan ko nang tapusin ang pagkain at pumanhik na sa kwarto para mag-aral o maghanap ng paglilibangan habang inaantay na kausapin ako ni Aki. Kahit kasi ang pinsan niya, hindi niya rin nirereplyan. Pero sinabi na sakin ni Darius na pupunta raw sila mamaya sa condo ni Aris. Sigurado naman na pupunta si Aki dahil matagal ng nakaplano ang laban nila ngayong sabado. Isa pa, pustahan iyon.
I'm also planning to go there after kong makausap si Ranz. Sa tingin ko naman sapat na ang isang araw para humupa ang away namin.
• • • • • •