Chapter 21

3181 Words
NIGHTMARE Kumilos ako ng bahagya sa kinauupuan nang matanaw si Ranz mula sa salaming dingding ng coffee shop na kinaroroonan ko. Kakalabas niya lang sa kotse at kasalukuyang naglalakad patungo sa pinto ng coffee shop. "Kanina ka pa?" Tanong niya pagkarating. Umiling ako. "Hindi naman. Kakarating ko lang din kanina." Ngumiti siya saka luminga sa paligid. Ako naman bahagya siyang pinasadahan ng tingin. He's wearing a black shirt na may print na inspirational quotes, gray trousers and pair of sneakers. May shades din na nakasabit sa damit niya kaya halatang malayo ang pinanggalingan niya. "A cup of cappuccino and latte macchiato po." I politely order to the barista. "Then a slice of caramel butterscotch and croissant." "Okay, Ma'am. Wait for a moment." Anito pagkuwa'y tinalikuran ako. I just nodded then looked at our table's way. Nahagip ko si Ranz na nasa akin ang tingin ngunit nang makitang lumingon ako, agad nag-iwas at nagkunwareng abala sa phone niya. Hindi ko na lamang pinagtuonan ng pansin ang ginawa niya. Sa halip, binalik ko ang atensyon sa counter. Halos isang minuto rin ang inantay ko bago ibigay sakin ang order. Isang tray lang naman ang pinaglagyan pero pinuntahan talaga ako ni Ranz para daluhan. He also serve the cappucino to me and the cake while the rest is for himself. "Nakapag-usap na pala kami ni Aki tungkol sa bagay na iyon." Panimula ko habang ang tingin ay nasa flower art ng inumin. Nakita ko mula sa aking balintataw ang paghinto niya sa pagsimsim. "Anong nangyari?" "Nag-away kami. At...kasalanan ko lahat." "Bakit ano bang sinabi niya?" I bit my lower lip as I remembered what Aki said. And I don't think, I can tell it to Ranz. Baka ito lang lalo ang magpapakulo ng dugo nila sa isa't isa. "Sinabi niya bang sinungaling ako?" Dagdag pang tanong ng kaharap ko. Mukhang napansin na wala akong balak sumagot kaya siya na lang itong nanghuhula ng tanong. "Hindi naman pero..." Panandalian akong huminto para salubungin ang mata niya. "..nag-overthink lang talaga ko." He heaved a deep sigh. "What is it that you want to tell?" My lips parted. Hindi makapaniwalang kaya niyang basahin ang iniisip ko. "You know that I don't like you for getting all the blame. Sabihin mo na sakin, Rain. 'Yung totoo." My heart ached over the fact that I'm going to hurt him. But this is the only way I know to fix everything between us. "Mahal ko si Aki, Ranz. And I can't hurt him anymore. I'm sorry." Marahan kong wika na sinundan ng nakakabinging katahimikan. I just stared at my coffee to cope with awkwardness. Nilalaro ang dulo ng baso habang inaantay na magsalita siya. "I understand." He uttered at last after a long silence. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, kagat-kagat ang ibabang labi dahil sa bahagyang pag-atake ng lungkot sa aking dibdib. "We might know each other for so long but we just get closer recently. I can't blame you for choosing him. He's your boyfriend after all." Humina ang kanyang boses sa huling sinabi. At ako, hindi makatingin sa kanya ng maayos. I felt justly liable to him. "I just want you not to be hurt, Rain." My lips parted as I gazed at him. I can't believe that he still think about my own sake after what I've said to him. It might be the reason why he can easily convinced me. Kung bakit ang bilis kong maniwala sa kanya. Kung bakit hindi na ko nagtanong pa kay Aki at sinarili na lamang ang nakita. "I'm really sorry." He dodged my gaze and smiled sadly. "I think, I need to go." Then he pick up his phone in the table and stand up as well. Ni hindi na ko nakapagsalita pa nung tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Wala kong nagawa kundi panuorin siyang lumayo. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo at nakatulala sa harap ng mga pagkaing kaunti lamang ang bawas. Napabalik lang ako sa wisyo nang mapansin ang paulit-ulit na pagpatay-sindi ng ilaw ng phone screen ko. It was a call from Ate Elsie. I'm about to answer it when the call hang up first. Lumitaw pagkatapos ang mga notif. Maraming mensahe mula sa mga tao sa bahay at missed calls. Mabilis akong inatake ng kaba. Hindi man nakalagay ang dahilan kung bakit nila ko hinahanap, I still find it unusual and urgent. Kaya agad kong tinawagan si Ate Elsie subalit bago ko pa man iyon magawa, naunahan niya na ko. "Hello, Ate Elsie." "Ma'am Rain." Her trembling voice fuels my anxiety. I felt that something bad is happening and my instinct is right. "Si Manang Edith...sinugod siya sa ospital." Muli akong natulala. Nagawa ko namang marinig ang sinabi niya pero hindi ito maproseso ng utak ko. Inulan ako ng maraming tanong sa aking isipan na umabot sa puntong isang salita lang ang nasabi ko. "Bakit?" "Hindi ko alam, Ma'am. Bigla na lang siyang bumagsak sa sahig tapos..." Hindi ko na nasundan pa ang paliwanag ng kausap. Agad akong tumayo at patakbong lumabas sa coffee shop. Hindi na inalintala ang sarili na punasan ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. "Rain!" My chest hammered in extreme nervosity. Nanginginig ang buong katawan ko. I also started to overthink to the point na hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong atupagin. I'm intensely anxious by the thought that something might happened to her. "Rain! Anong nangyayari?" Hinila pa ko ni Ranz para lang humarap sa kanya. Hindi ko alam kung ilang beses niya kong tinawag. Masyado akong abala sa paghahanap ng masasakyan. "Kailangan kong pumunta ng hospital." Nanginginig kong wika saka iwinaksi ang kamay niya at itinuloy ang pagpapara sa mga dumadaang taxi. Muli niya kong hinila at hinawakan ang magkabilaang balikat ko para iharap ako. "Rain, look at me." "Please, Ranz..wag ngayon." I pleaded in hoarse voice. "I have a car," he announced. My lips parted in mild shock upon realizing that I'm panicking too much. Though I still managed to pull myself. "Let's go." Pagkuwa'y nagmamadaling tinungo ni Ranz ang driver seat. Ako naman dumiretso sa front seat. He instantly started the engine and drove his car in speed. Nanginginig ako sa buong biyahe ko patungo sa hospital. Wala kong inisip kundi si Nanay Edith lang. Buong buhay ko, nasanay ako na malakas siya palagi. I don't give so much attention about her getting older. Kasi umaasa ako palagi na nand'yan siya para sakin. Palagi akong sigurado na kinabukasan, pupunta siya sa kwarto ko para gisingin o i-tsek ako. Na sa kusina lang siya para ipaghanda ako o nasa hardin para magdilig ng mga alaga niyang bulaklak at halaman. I never thought that the way I used to live would change in just one blink... "Ma'am Rain." Naluluhang salubong ni Ate Elsie pagkarating ko. Nandito na rin si Ate Layla at Manong Dan. Napatayo nang makitang wala ako sa sariling naglakad ng tuloy-tuloy. Akma ko ng bubuksan ang pinto ng ER nang pinigilan ako ni Ate Elsie. Wala sa wisyo ko siyang sinulyapan. Bumuka man ang bibig ko, wala namang lumabas na salita mula rito. Ang maliit na bintana ng pinto ng ER ay sapat na instumento para makita ko ang nangyayari sa loob. Sobra ang pagtahip ng aking dibdib habang pinapanuod ang paulit-ulit na pagpump sa kanya ng doctor. And all this time, I looked at her face and prayed to heaven that our eyes can meet again. Ni hindi naging hadlang ang luhang naglalandasan para pakurapin ako at mawala ang atensyon ko sa kanya kahit isang segundo lang. "Ma'am, umuwi ka na muna. Tatlong araw ka ng walang pahinga. Ako na muna ang magbabantay kay Manang." Umiling ako. "Hindi. Hindi ko siya pwedeng iwan." "Pero Ma'am—" Naiwan sa ere ang sasabihin niya nang tiningala ko siya. Bago pa man magkasalubong ang tingin namin, umiwas na siya. I'm not aware of the way I gazed back at her but based on her reaction, I know that it is somewhat mean. "Pakikuha na lang po ako ng bagong damit sa bahay at pakidala po rito." Marahan kong utos at ngumiti pa ko para lang ipakita sa kanya na hindi ako galit. Para ipaalam sa kanya na hindi ko sinasadya na tignan siya sa paraang iyon. Alam kong alam niya na ginawa ko lang iyon para pagaanin ang loob niya. At mukhang hindi niya iyon gusto dahil malalim siyang bumuntong hininga. Yet she nodded still. After a while, I shifted back my attention to Nanay Edith. I don't know when did I start tracing every details of her face through my eyes, I just found out that I'm already doing it. Even she's not confused, she still have small ridges in her forehead that appears to be permanent from now on. Her lips that only speak wisdom is dry now, obviously didn't taste a water for days. She breathed calmly and this is important thing I needed to know most. But you know what's the most ironic thing? It is when you wish for a good dream but life gives you a nightmare. "Anong nangyayari?" Garalgal kong tanong nang nagsimulang magconvulse si Nanay Edith. Napatayo si Ate Elsie. Sandaling nataranta pagkuwa'y mabilis na tinawag ang doctor. "Nay! Please..." Tears streamed down to my cheeks. I hold her hand and pray to God for her safety. Every beep of her lifeline puts me in much anxiety. Nanginginig man ang kamay kong nakahawak sa kamay niya, hindi ako kumawala kahit na dumating pa ang doctor at mga nurse. "Ma'am, sa labas po muna kayo." Utos pa ng isang nurse na hindi ko sinunod. I don't want to leave. Ayokong makaligtaan siya kahit isang sulyap lang. Nanghihina ako dahil sa sari-saring emosyon ngunit nagpapakatatag ako. Alam ko na lalaban siya. Hindi niya ko iiwan. Hindi niya iyon pwedeng gawin! "Ma'am Rain, halika na." I shook my head and tightened my grip on her more. Kung si Ate Elsie lang ang humihila sakin, makakaya ko pa siyang iwaksi pero pinagtulungan na nila ko. "Hindi! Ayoko siyang iwan!" Basag boses kong pagtanggi. Niyakap pa ko ni Ate Elsie para lang mapigilan ako sa muling pagbalik sa loob. Nagtagumpay siya at ako, napaluhod na lamang dahil sa panghihina at napahagulhol ng malakas. Nagmimistulang ilog kung umagos ang aking luha. She even pat my back just to comfort me but I was uncontrollable. Nothing could make me felt better. Nothing could comfort me. Nothing could ever ease this overwhelming pain. It hurts a lot! Sobrang sakit na hiniling ko na lang na maging manhid na ko. Kung kinakailangang magturok ako ng anestesya, gagawin ko. Huwag lang ako makaramdam. Sobra na 'to! Ginawa ko naman lahat pero bakit ito ang naging kapalit? Naging mabuti akong tao. Hindi ako nanakit. Wala kong sinaktan pero....bakit ito ang nangyayari sa buhay ko? Anong rason kung bakit kailangan kong pagdaanan ang ganitong klaseng sakit? Kasi hindi ko makuha. Hindi ko maintindihan! "Rain." Malungkot na tawag ni Ate Elsie. Nilapag niya ang hawak na tray ng pagkain sa bedside table at naupo sa tabi ko. The bed vibrated because of her sudden action yet it failed to caught my entire attention. I was staring blankly into space. Iniisip ang mga pangyayari sa aking buhay na sa isang iglap, naging ala-ala na lang. "Ilang araw ka ng hindi kumakain. Huwag mo sanang pabayaan ang sarili mo, Rain. Alam mong magagalit siya kapag nalaman niya ang ginagawa mo." "Bakit? Bakit niya sakin tinago ang lahat? Sinabi niya sakin na hindi niya ko iiwan. Sinabi niya sakin na hindi siya gagaya kay Mommy. Bakit hindi siya nagpagamot? Bakit hindi siya lumaban?" Kasabay ng pagsasalita, ang paglandasan ng aking mga luha. Hindi ko nga alam na may natitira pa pala akong luha. I mourned for two weeks and each day was a torture to me. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na wala na siya. Parang kahapon lang, nand'yan siya para gisingin ako at ipaghanda ng almusal. Ipinagbibili ang mga gusto ko at magtatampo kapag hindi ako nakakapagpaalam. Things ended so fast and no words could describe how hurt I am right now. "Kasalanan ko lahat. Kung pinaglaanan ko lang siya ng atensyon, malalaman ko sana na may sakit siya. Mapipilit ko pa sanang magpagamot siya. Edi sana ngayon—" "Rain, hindi mo kasalanan. Hindi totoo ang sinabi nila. Wala kang kasalanan. Pinili iyon ni Manang Edith. Kahit nalaman mo man na may sakit siya, wala ka rin magagawa lalo na't buo ang naging pasya niya." Her comforting words seem nothing to me. Hindi ko alam kung ano ang makakapagpagaan sa loob ko. Kahit ang mga kapatid ko, hindi naging sapat. I felt like a whole me died. Unti-unti akong nawawalan ng rason para magpatuloy na mabuhay. Mula sa pagkakayakap sa tuhod, kumilos ako upang humiga. Hinila ko ang comforter at nagmukmok doon. Ramdam ko ang panititig ni Ate Elsie sakin. Hindi ko lang alam kong ilang segundo o minuto niya iyong ginawa. Basta narinig ko na lang ang bigo niyang pagbuntong hininga. Muli rin gumalaw ang kama, senyales na tumayo na siya at aalis. Saka ko lamang tinanggal ang pagkakatakip ng kumot sa aking mukha nang marinig ang pagsarado ng pintuan. Pagkatapos kong punasan ang mga natirang luha sa aking pisngi, binagsak ko ang aking tingin sa bedside table. Nadatnan ko rito ang tray ng pagkain na hindi pa nagagalaw. Imbes na iyon ang pagdiskitahan, drawer ang ginalaw ko. Agad kong natagpuan ang hinahanap sa aking pagbukas. I open the white bottle and get one capsule from it. Ininom ko iyon at muling nahiga. Nilibot ko ang paningin sa paligid. The wall clock caught my attention for a while. Nakaturo ang kamay nito sa alas otso and later on, the clock ticking fastly. I thought it was one of my hallucination but not. Hindi ko namalayan na apat na oras na pala kong nakatitig sa kisame. Marahas akong suminghap at napabalikwas sa kinahihigaan. Gusto kong matulog at magpahinga pero hindi naman ako makatulog. I already took a medicine. Isn't it still enough? Kunsabagay lahat na lang ata hindi na nagiging sapat. Tuluyan akong tumayo at tinungo ang comfort room. Akma akong didiretso sa toilet bowl nang mahagip ng aking peripheral view ang repleksyon ko sa salamin. Huminto ako at humakbang pabalik. With messy hair, a pair of black circle around my almost hooded eyes and dry lips. I'm bit hesitant towards the reflection if it's really me or just someone who lost her mind. Kung gaano kagulo ang buhay ko, ganon din kagulo ang mukha ko. I don't know how long I've been doing this to myself. Kung ilang araw na ba kong ganito? Kung ilang araw na ba kong umiiyak at madalas ay tulala? Hindi ko na nga matandaan kung kailan siya nilibing. Dahil pagkatapos ng araw na iyon, bumyahe agad ako pabalik dito sa bahay at nagkulong sa aking kwarto. Nawalan na ko ng gana na makisalamuha. Ni hindi na rin sumagi sa aking isipan na bumalik pa sa unibersidad. Hindi na rin ako kumakain minsan. Gusto ko na lang mapagod para wala na kong lakas umiyak o mag-isip pa ng kung anu-ano. Kung kaya nga lang i-switch off ang utak at pakiramdam, baka matagal ko ng ginawa. At hindi ko na rin babalakin pang buksan ito kapag nagkataon. Tamad akong umupo sa kama, banda sa bedside table. Muli kong binuksan ang drawer at kinuha ang gamot. Tatlong kapsula na ang nilabas ko. Hindi kasi gumana ang isa lang kaya baka kailangan ng marami para tuluyan akong makatulog. Ayoko munang mag-isip. I want to sleep soundly and for a while, forget all the disasters that happened to me. I'm about to swallow the capsule when my head suddenly tormented. My sight became blurry too. I squeezed my eyes to sharpen the blurry images in front of me. Ngunit mas lalo lang nag-ikot ang aking paningin na dumating sa puntong napapikit na lang ako. Nabitawan ko ang hawak na gamot sa panghihina. Nagmimistula itong mabigat na bato kung bitawan ko. Sapo ang aking ulo, tumayo ako. I just noticed that my knees are trembling too. Sa pangangapa, natabig ko ang bote ng gamot at tray ng pagkain. Kasabay ng pagbagsak ng mga ito, tuluyan na rin akong nawalan ng malay at sumunod na rin bumagsak sa sahig. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa hospital bed isang araw. Mabilis na dumapo ang aking paningin sa kamay na may nakatusok na dextrose pagkatapos sa makinang nasa aking gilid. Natigilan ako sandali at napaisip kung ano ang nangyari. Kumirot lang ang ulo ko sa paghahanap ng sagot sa aking utak, wala naman akong nakuha. I can't remember anything even one memory. Pumikit ako at dinamdam ang bawat pagtaas-baba ng aking dibdib. Pagkalipas ng ilang segundo, muli akong nagmulat nang marinig ang pagbukas ng pinto. Umawang ang aking bibig ng makita kung sino ang pumasok. Kumurap ako ng ilang beses dahil sa tingin ko, nag-iimagine na naman ako. "You already awake." She uttered with half smile. Dahil sa pagkagulat, hindi ako nakasagot. I dazedly watched her instead. Nilapag niya ang dalang bulaklak sa mesa bago ako hinarap. "How are you?" Muli niyang wika. Hindi agad ako nakasagot. Masyado akong abala na iproseso ang lahat ng nakikita ko. Ni hindi ko na kailangan pang tumingin sa salamin para lang makita kung gaano ako naguguluhan. "I'm not dreaming right?" Balik tanong ko sa halip na sumagot. She smiled yet I felt that it wasn't sincere. The pain and sympathy was etched on her pair of almond eyes. Kita ko iyon at alam kong hindi siya aware na halatang sinusubukan niya lang na pagaanin ang presensya ng paligid. I'm thankful for her efforts but I don't think, it was an effective way to lessen the pain in my heart. "You're not dreaming, Rain. I'm really here." Aniya saka marahang sinipit ang tikwas na buhok sa aking tainga. A memory with Nanay Edith flashed on my mind like a lightning. She used to do it to me back when I was a child. Hinahaplos ang buhok ko habang pinapanuod ako ng maigi na akala mo'y mawala lang ako saglit sa paningin niya ay ikakamatay niya na. At ngayon, nararamdaman ko na rin ang nararamdaman niya noon. Sobrang daya lang dahil hindi lang saglit ang pagkawala niya sa paningin ko. It was eternally and I couldn't accept it. "I'm sorry...if we're not there to accompany you. We're badly sorry for leaving you behind. We shouldn't let you deal with it all alone." Nag-angat ako ng tingin kay Ate Autumn at nadatnan siyang lumuluha. Kumirot ang puso ko. Ramdam ko na rin ang nagbabadyang luha sa aking mata subalit nagpigil ako. Kinagat niya ang ibabang labi kasabay ng paghagilap niya sa aking kamay. "From now on, I'm gonna be here for you. Just don't do it again ha?" Then she embraced me tightly. Hindi ko man naintindihan ang ibig niyang sabihin, hindi na rin ako nagtanong pa. Ipinatong ko ang aking mukha sa kanyang balikat. Maya-maya lang ay nagsimula na rin maglandasan ang aking mga luha. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD