CLARIFY
For the past weeks, everything appears to be negative for me. Hindi ko makuhang marelieve sa mga advices na sinasabi sakin. Perhaps because I'm drowning from so much sadness. I don't know when and where to start again. Sobrang hirap! Pakiramdam ko tuluyan ng namatay ang kung ano man ang meron sa loob ko.
Akala ko parte lang ang lahat ng pagdadalamhati. Lahat ng negatibong emosyon na naramdaman ko ay produkto lang ng masasakit na pangyayari sakin. Hindi ko inaasahan na may iba pa palang rason.
After one week of confinement in hospital, Daddy book a flight to London. They found out that I'm suffering from depression. Sinabi ng doktor na mas nakakabuti kung lumayo ako sa Pilipinas. I refused but they were all persistent. Ramdam kong okay ako at sinabi ko iyon sa kanila subalit hindi nila ko pinakinggan. Sa huli, hindi na ko nakaalma pa kahit sa pagpapagamot ko.
Dumaan ako sa iba't ibang uri ng proseso kabilang dito ang physical exam, lab tests at psychiatric evaluation. Nagpabalik-balik ako sa hospital for medication and psychotherapy. Umikot ang buong isang buwan ko sa dalawang lugar, sa condo ni Ate Autumn at sa hospital.
"Do you feel sad, unmotivated, depressed or burnt out until now?" Dr. Lori asked as she raised her hand, intertwined and rested it below her chin.
"Yes." I said honestly. Medyo natagalan sa pagsagot dahil mataman ko pang inikot ang mata sa paligid. I often here for the past month and I already memorized every detail of this room but its gloomy ambiance, I don't think I can used to it.
"What did you do to execute this kind of feeling?"
"I'm reading books and sometimes, I'm watching movies with my sisters."
"What was the genre of the books or movies?"
"Romance and comedy."
She smiled as she checked something in her note. Nakatutok siya roon kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na muli siyang pagmasdan. She has this angelic face and voice. So when I first met her, I didn't felt any awkwardness. She's approachable too. Hindi niya rin ako pinipilit na sumagot sa mga tanong na hindi ko kayang sagutin o mga bagay na hindi ko pa kayang ikwento.
I'm truly grateful towards her. My mental health felt better now. Napagtanto ko na hindi pala nakakabuti na sinasarili ang lahat. Every time na nagkukuwento ako sa kanya, unti-unting nawawala ang mabibigat na bagahe sa aking dibdib. Unti-unti ko na rin natatanggap na hindi na babalik ang mga importanteng bagay na nawala sakin...
"How's the evaluation?" Salubong ni Ate Autumn sakin pagkalabas ko ng naturang kwarto.
"I think, it went well."
Ngumiti siya, halatang natuwa sa narinig na balita.
"That's good to hear. Let's go then. It's my treat today." Aniya saka lumingkis sa aking braso. I chuckled and nodded afterwards.
Alam ko naman na wala lang sa kanya ang lahat ng ginawa niya para sakin ngunit kung tutuusin, sobra na ang naging abala ko. Umuwi siya ng Pilipinas sa kabila ng pagiging abala niya sa pag-aaral at sa kakatayo lang na Art Gallery niya. Isang linggo rin siyang namalagi sa Pilipinas para bantayan ako at asikasuhin ang mga bagay na dapat ako ang mag-aasikaso. Bago kami umalis, nilakad niya pa ang papeles ko sa school. Nagkaroon ng problema gawa ng hindi ko na natapos ang semestre.
Hindi ko alam na pumunta pala siya sa MIU para ayusin iyon. Wala rin akong kaalam-alam na magtatransfer na pala ko sa London. I felt like I was dumbfounded the entire two months. Ngayon na nahimasmasan na ko, nagkaroon na ko ng boses para tumanggi sa mga plano nila na dati pa isinagawa.
"Ayoko pong magtransfer. I'm gonna back there to continue my studies." Minsan kong sambit sa kalagitnaan ng dinner namin. Kapwa natigilan ang tatlo kong kasama. Pansin ko rin ang palihim nilang pag-uusap sa pamamagitan ng pagtitigan.
Tita Rosie moved a bit as she cleared her throat. "Szcharina, mas nakakabuti kong dito ka na mag-aral. Nandito pa si Autumn para samahan ka palagi."
"Mawalang galang na po, Tita, pero...doon na po ako lumaki sa Pilipinas. Dalawang taon na lang po makakapagtapos na ko. It such a burdensome if I'm going to transfer all of the sudden."
"Is that really your reason?" Bumaling ako kay Dad na kuryoso akong pinagmamasdan.
"Yes, Dad. And..." I lowered my gaze and sighed. "I won't ever get move on if I'll keep running."
Mabilis akong dinaluhan ni Ate Autumn, bakas sa kanyang mata ang pagmamalasakit at pakikisimpatya. I smiled to assure her that I'm okay. Nandito pa rin naman ang sakit ngunit hindi katulad noon, nakakaya ko na itong i-set aside ngayon.
"If that was your final decision then go for it."
"Thank you, Dad." Muling ngiti ko na mabilis na napalitan ng pagkagulat nang marinig ang dineklara ni Ate Autumn.
"I should go with you too, Rain."
"Ate?"
"Why? Am I not allow to do it?" Natatawa niyang tanong na akala mo'y sobrang daling gawin ng sinabi niya.
"Are you serious, Autumn?"
"Yes po, Tita. Matagal ko na rin 'tong pinag-isipan."
"At ano naman ang dahilan mo?" Si Dad na matamang nakakunot ang noo.
"Lahat po kasi na napinta ko ay naiimpluwensyahan ng European perspective so I want to try something new. I think, Philippines is pretty good as my concept for my incoming works."
"Sarili mo ba talagang desisyon 'yan?"
"Yes, Dad." She replied firmly then glanced at me with bright smile. I smiled back. Pinipilit na hindi ipahalata ang pagkadisgusto ko sa sinabi niya.
Her explanation is actually convincing pero hindi ko magawang maniwala. I felt that there is more justified reason behind it. I just can't point out what is it.
"Sigurado ka ba talaga?"
Hindi ko na nabilang ang beses na nagtanong ako sa kapatid. Hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala na uuwi siya ng Pilipinas.
"How about Kuya Zander? Iiwan mo siya?"
She chuckled demurely. "I'm really sure, Szcharina. And Zander is already adult, kaya niya na ang sarili niya."
"Hindi mo nga ba talaga ginagawa 'to para sakin?"
"I told you, I want to use our cultures as my concept for my future expo. Bakit hirap kang maniwala? O baka ayaw mo na kasama ako?" She said the last question with pouting lips.
Mabilis akong umiling. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na makakasama ulit kita at matagal pa."
"Ganon naman pala." Ngiti niya saka tinusok ang isang slice ng Beef Wellington at nilagay ito sa aking plato. I gave her a smile, shows that I appreciate her sweet gesture.
"Zander and I already talked about it. Of course, he can't accept it at first. I mean, I understand him since hindi pa kami nagkakalayo ng matagal sa buong apat na taong relasyon namin."
Tumungo-tungo ako. Hindi na sumubok pang magtanong sa naging desisyon niya. Isa pa, wala na rin naman akong magagawa lalo na't mukhang buo na ang kanyang pasya.
"How about you?"
Huminto ako sa pagnguya para tingalain siya. Kumunot pa ang noo ko dahil sa tanong niya. Palagi naman kasi kaming magkasama at kakatanong niya lang din sakin kanina about sa condition ko.
"Nag-uusap na ba kayo?"
My forehead wrinkled more in confusion. Hindi ko kasi talaga alam kung sino ang tinutukoy niya. Someone crossed my mind but I found it impossible o baka naman nag-uusap pa rin sila ni Kuya Sebastian? Sinabi niya ba sa kanya?
"Achilles." Sambit niya na halos ikakalaglag ko sa aking kinauupuan. Matamang umangat ang labi niya. Marahil dahil sa naging reaksyon ko. Halata kasi sakin ang pagkagulantang. I mean among my siblings, alam kong si Ate talaga ang unang makakaalam ng tungkol samin ni Aki. Hindi ko lang inaasahan na malalaman niya ito ng mas maaga kaysa sa inaasahan ko.
"When did you find out about us?"
Sumimsim siya muna sa baso niya bago niya ko sinagot.
"When you borrowed my phone to text him. You forgot to erase it."
Napayuko ako nang maalala ang pangyayaring iyon. I also considered that night as one of the darkest moments of my life. When I send him a lot of messages yet I received nothing. Hindi ako sigurado kung kinontak ba niya ko no'ng mga araw na nasa hospital ako. I lost my phone and couldn't remember where and how.
Inisip ko na rin na kung sakali ngang hindi ito nawala, makakaligtaan ko pa rin na kontakin siya, si Era. Masyado akong abala kay Nanay Edith noon na nakalimutan ko ng nag-iexist sila. Huli ko ng napagtanto na kailangan ko silang makausap nung paalis na kami ni Ate Autumn papuntang London.
Subalit kay Aki pa lang, nadismaya na ko. Ang dami kong sinend na mensahe sa kanya pero wala kong natanggap ni isang reply. Tinawagan ko rin siya pero out of reach. Kaya naman hindi ko maiwasang magtanong na imposible ba talagang makaligtaan niya rin ako? Pumunta ba siya sa bahay para kamustahin ako? Dahil isang buwan din akong nawala sa school. Hindi ba siya nagtaka sa biglaang pagkawala ko?
But does it really make a difference if they were there to comfort me? Hindi ba talaga ako aabot sa puntong kinailangan ko ng professional help para lang makaahon sa pagkalugmok?
I embraced my self more as I merely felt the cold temperature in my flesh. Hindi ko alam kung anong oras na ngunit ang matanaw ang senaryo sa baba, nahinuha kong madaling araw na.
Hindi ko na binuksan pa ang ilaw sa loob nang lumabas ako dito sa terrace ng condo unit ni Ate Autumn. Ayokong maistorbo pa ang pagtulog niya. I can't sleep. I don't know what's the reason. Kung inaatake ba ulit ako ng insomnia o sadyang nagsisimula na naman akong mag-overthink?!
I sighed heavily then shook my head as I finally decided to stop from thinking so much. Sa halip, tinanaw ko ang kaharap na tanawin kung saan may nakatayong Victorian buildings na bilang lang ang unit na may bukas na ilaw. Sa baba naman ay hi-way na may mga dumadaang sasakyan, madalas black taxi cabs. Open din ang mga 24/7 establishments na may isa o dalawang customers.
Pagkalipas ng ilang sandali, inalis ko ang tingin doon at binaling sa upuan sa gilid. Tahimik akong nagtungo roon para maupo.
Eksaharado akong bumuntong hininga sa pangalawang pagkakataon. Sumandal ako sa headrest ng upuan at bahagyang kinapa ang cellphone sa aking bulsa. Kahapon ko lang ito binili pero ngayon lang pumasok sa isip ko na pakialaman ito.
I unlocked the screen and went to menu. There's a lot of apps but I chose to tap the f*******:. Bumungad sakin ang mga instructions kung paano i-activate ang account. Saka lamang nagsink in sa utak ko na dalawang buwan na rin pala ang nakalipas simula nang isarado lahat ni Ate Autumn ang social media accounts ko.
Ito rin ang isa sa rason kung bakit hindi ko nacontact ang mga kaibigan. My family think that getting into social platforms will worsen my condition. Kaya naman ipinagbawal nila iyon sakin. Recent ko lang nakuha ang freedom ko sa ganitong usapan dahil kakasabi lang din sa kanila ni Dr. Lori na okay na ko.
"You already activated your social accounts?" Entrada sakin ni Ate Autumn na kakapasok lang sa kusina kung saan ako naroroon. Sa halip na sagutin siya, mas pinili kong panuorin kung paano siya dumiretso sa ref at kumuha ng maiinom. Inantay kong harapin niya ko na ginawa niya lamang pagkalipas ng kalahating minuto.
"Nabasa mo ba?" Naninimbang kong tanong sa kanya saka binagsak ang tingin sa nakahaing pagkain. Gusto ko pa sanang humabol ng paliwanag para iklaro sa kanya ang tinutukoy ko pero naunahan niya na ko.
"I did." She honestly answered. It made me shifted back my attention at her with parted lips.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?"
"What if I did? What are you going to do?"
I shut my mouth right after I heaved a sigh. Muli kong iniwas ang aking tingin at matamang yumuko. Masyadong naninikip ang aking dibdib para makapagsalita.
"I thought back then that it is also one of the reasons why you're depress but I found out eventually that it's not. I notice that you don't have an idea at all when I saw your messages for him. You're already suffering from too much pain, Szcharina. Telling that new issue will worsen your situation."
"Pero naayos ko pa sana kung nalaman ko lang ng mas maaga."
"Do you think you can fix that issue when you yourself needs to be fix?" She shot back. Tinanggalan na ko ng boses para makapagsalita. Tama naman kasi siya. Hindi ko naman talaga maaayos ang problemang iyon kung ako mismo, kailangan din ayusin.
"Look, Rain." Sipat niya sakin pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan. "Nasaktan ka na sa pagkawala ni Nanny at sobra ang naging epekto no'n sayo. I can't endure watching you suffers more because of that issue. I hope, you understand why I hide it from you."
"Naiintindihan ko naman, Ate. Nagulat lang talaga ko sa nabasa ko kagabi."
Pagkabukas ko kasi kagabi ng f*******: ko, una kong pinuntahan ang messages ko dala ang pag-asang chinat ako ni Aki o ni Era habang nasa hospital ako. Habang nasa lamay ako ni Nanay Edith. Yeah, they did pero hindi pangangamusta ang dahilan.
The last chat I received from Aki, he is asking me where I am. Sinend niya iyon alas dyes ng gabi. Ito dapat ang time na pupuntahan ko siya sa condo ni Aris pero hindi ko nagawa dahil sinugod si Nanay sa hospital.
The next day which is Monday, nakatanggap ako ng chat mula kay Era. Tinatanong niya ko about sa kumakalat na rumors. She even send me a screenshot of a post from university portal. Post na naglalaman ng picture namin ni Ranz na magkasama.
Hindi ko naman dinideny na ako nga ang nasa picture pero itatanggi ko ang bintang nila sakin na niloko ko si Aki na kahit kailan hindi ko ginawa o inisip na gagawin. Mahal ko si Aki kaya bakit ko siya lolokohin? Alam ko naman na huli na para isalba ang aking sarili pero gusto ko pa rin itama ang lahat.
"I am too but of course, I didn't believe it even there's a lot of pudding on the table. Because I know you most. You're not capable of doing that kind of wrongdoings."
"I hope, everyone think the way you thinks about me." I whispered as sadness trickled down to my spine. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain kahit nawalan na talaga ko ng gana.
Mula sa gilid ng aking mata, naaaninag ko ang paglapit ni Ate Autumn sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa high chair na katabi ko lamang at saka tinap ang balikat ko.
"Don't concern yourself about how everyone think about you. You should focus to those people who are important to you. You might be late for clarification but it's never late to have a talk with him, Rain."
"Pero paano?" Baling ko sa kanya. "Siguradong hindi ako papayagan ni Daddy na umuwi ng Pilipinas."
"Did you already try to contact him?"
"I did pero hindi niya pa nakikita. At kung nakita man niya, I don't think he will reply."
"How about w******p?"
Umiling ako. "Pinalitan niya na ang ang number niya." Then I took a deep sigh and sadly smiled. Bumagsak din ang tingin ko sa kamay kong pinaglalaruan ang pagkain gamit ang tinidor. Si Ate Autumn naman, tahimik akong pinagmamasdan.
Kahit si Era, hindi ako nirereplyan. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito? Miski ako, naguguluhan hanggang ngayon. Hindi ako pinatulog kagabi ng nabasang balita. Hinanap ko rin ang post sa university portal pero hindi ko na ito nakita. Mukhang binura na pagkatapos kumalat.
Akala ko, kaunti lang ang nawala sakin sa loob ng tatlong buwan na wala sa wisyo. Hindi ko alam na may malaking parte pa pala sakin ang nawala. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat, si Aki at Era. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat sa paraan na maiintindihan nila ko.
"Long time, no see."
I slightly smiled the moment our eyes met. Nakita ko kung paano gumuhit ang gulat sa kanyang mata kaya kahit nagkunware siyang hindi apektado sa biglaang pagkakakita sakin, pinakita ko pa rin na alam kong nagkukunware lang siya.
"Ano po ang order niyo, Ma'am?" She briefly cut off that made my heart ached. Subalit apektado man, hindi ko iyon pinahalata. I already saw this coming that's why I prepared myself.
"Katulad ng palagi kong inoorder dito."
"Be specific, Ma'am. Masyado kayong marami para matandaan ko ang bawat order niyo dito."
"Era.." Mahina kong tawag na ikinatikhim niya.
"Aren't you guilty about something? You leave without saying a single word then you came back as if nothing happened."
"I am. I'm just pretending."
"Wow! That's new. Hindi ko iniexpect na magsasabi ka sakin ng totoo ngayon." Patuya niyang wika. Halatang iritado sakin lalo na't magkasalubong ang dalawa niyang kilay habang nakatingin sakin.
"Sana noon mo pa 'yan ginawa."
"I'm sorry." I sighed that made her lips parted a bit. Akala ko ay magsasalita siya dahil matagal niya rin akong tinitigan pero hindi niya ginawa. Imbes pagalit niyang iniwas ang kanyang tingin at marahas na suminghap. "Alam kong marami akong hindi sinasabi sayo pero...ayoko lang na madamay ka."
"Matagal na kong damay, Rain." Irap niya pagkuwa'y tinalikuran ako upang ihanda ang inorder ng kakarating lang na customers. Medyo natagalan pa siya dahil ipinaghanda niya rin ako. Nalaman ko lang no'ng bumalik siya na may dala-dalang strawberry shake at fries.
Ngumiti ako. Alam kong alam niyang pinagmamasdan ko siya habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko pero ginawa niya ulit ang lahat para magkunwareng hindi apektado. Para magkunwareng galit pa rin siya sakin.
I'm glad that she's still the Era I know since then. Kahit anong galit niya sakin, nagagawa niya pa rin akong pakinggan. Sana lahat ng tao katulad ng mindset niya but then, universalism doesn't exist. Hindi lahat kayang makinig habang galit. Hindi lahat kayang magpatawad habang nasasaktan.
• • • • • •