BOYFRIEND
"Hay naku! Mga babae talaga. Kahit alam na may girlfriend na ung crush nila, todo pa rin ang harot."
"Era!" Saway ko saka matamang pinasadahan ang paligid. Buti na lang, walang nakakarinig sa mga sinasabi niya.
"What?" Irap niya. "You are the girlfriend but you let other girls marry your boyfriend."
"It's just a fake wedding."
"Kahit na 'no. Hindi ka dapat pumapayag."
"Ako ba talaga ung girlfriend o ikaw?" I giggled teasingly that made her hissed. Humalukipkip din siya at muli akong inirapan. "I'm just kidding. Hayaan mo na sila. Even they spent millions there, they can't steal Aki from me."
Hindi makapaniwala niya kong nilingon na ikinangisi ko. Maya-maya tinamaan rin ako ng hiya dahil sa nasabi at halos magpalamon na sa lupa.
"Oo nga naman. Achilles Mirabueno would be the one who's going to propose and pay the wedding as well."
I protruded my lips when sarcasm filled her voice.
"Ni hindi pa nga kayo nag-iisang buwan. Kung makapagsalita ka, akala mo kayo pa rin hanggang huli."
"Oo na nga. H'wag ka ng magalit. Nagbibiro lang ako."
Umismid siya saka binaling ang tingin sa gilid. I bit my lower to avoid myself from smiling hard. Itong kaibigan ko, ang lakas mang-asar minsan pero pikon naman psh!
"Tara na. Punta na tayo sa engineering department."
"Akala mo ba makukuha mo ko sa ganyan?"
"Balita ko ang president nila ngayon ang bantay sa booth." Painosente kong parinig habang nagkukunwareng tinatanaw ang kinaroroonan ng booth ng engineering department.
Pasimple ko siyang sinulyapan. Napangiti ako no'ng makita ang pagkukunware niyang hindi apektado. Kitang-kita naman sa mata niya na natitempt siya kaya para tuluyan siyang bumigay, nagsimula na kong humakbang.
Ilang sandali lang, naramdaman ko ang pagsunod niya. Ni hindi pa nga ko nagsisimulang magbilang sa isipan, bumigay na agad siya. Bago ko pa man siya malingon, nilingkis niya na ang kanyang kamay sa aking braso.
"Ikaw ang magbabayad ha! 10 rounds."
"Alright." Nangingiti kong tugon pagkuwa'y sabay naming binagtas ang daan patungo sa booth ng engineering department. At okay na ulit kami ng ganon kabilis.
Sa mga nakalipas na buwan, ang daming nagbago. Kasabay ng pagbuo ng relasyon namin ni Aki, ang pagkakaroon ko ng lalaki at babaeng kaibigan. Hindi ko alam kung coincidence lang ba ang lahat but for the first time of my whole existence, I got everything I wished.
In just one flick of finger, everything happened the way I want it. Hindi ko inasahan na dadating ako sa puntong halos wala na kong mahihiling pa. Everything changed so fast in nice circumstance and I never failed to feel grateful everyday..
"Gutom ka na ba? Should we eat?"
Umalis siya sa pagkakahilig sa pader para salubungin ako. Kakalabas ko lang ng restroom dahil nagpalit ako ng damit na galing sa isa sa mga shop ng amusement park na kinaroroonan namin.
Umiling ako sa tanong niya habang ang mga mata ay nakabaling sa suot niyang damit. Ang bilis niya namang magpalit dahil mukhang kanina pa siya nag-aantay sakin.
"Ikaw? Kaunti lang ang kinain mo kanina."
"Mabagal ang metabolism ko kaya busog pa ko." He replied then began to walk. Sinundan ko siya at bahagyang hinagilap ang kanyang kamay.
"Kung ganon, rides ulit tayo."
"Sure. Basta wag na sa Rio Grande."
We both chuckled as we remember what happened a while ago. Since ang Rio Grande lang ang may pinakaunting pila, ayun ang inuna namin. At ang naging resulta, pareho kaming nabasa. Paborito kasi kaming puntahan ng tubig. Nagride na naman ako rito dati pero hindi naman ako nabasa ng ganito katindi. Napabili tuloy kami ng damit sa store ng wala sa oras. Though the experience is quite fun.
Dapat talaga ay school ang punta namin ngayon. Since monday pa lang, tumulong na kami sa department namin. Sinabi samin na okay lang kahit hindi na kami tumulong ngayong miyerkules. But we still need to go in university for cooperation in foundation week.
'Yon nga lang lumiban kami ngayon. Aki texted me last night. Tinanong niya kong pupunta ba ko at sinabi niya rin na wag na muna kaming pumunta. He want to be with me today. Makakatanggi pa ba ko? This is our first date after all. Ako rin ang pinapili niya ng lugar so that's why we were here.
"It's beautiful."
I was astonished by the vastness and creative lightings below. I can't help but stared at it with pleasant smile. I don't even know how long I stayed that way. I'm like a little girl who is easy to please by glowing things.
Saka lamang ako huminto sa panunuod nang mapagtanto na hindi nga pala ako nag-iisa. Liningon ko si Aki at agad na nagtagpo ang aming mga mata.
It seems that he's watching me. Hindi nga lang ako sigurado kung ngayon lang ba o kanina pa. Masyado akong naging abala sa pagtitig sa mga nagraragasang tao at mga umaandar na rides sa paligid.
"Uhh..we should go after this." Nauutal kong wika. Naguguluhan sa paraan ng pagtitig niya sakin. Kaya kung ano ung unang pumasok sa kukote ko, yon lang ang nasabi ko.
Hindi siya nagsalita. Bigla tuloy akong nagdoubt sa sarili kung nagsalita ba talaga ako o baka sa isip ko lang 'yon. He just stared at me through his deep eyes. At tila ba hindi siya matitinag.
I saw him blinked once after a few minutes so I take it as a cue to end his stares right away.
"Why..." I paused to swallow the bile in my throat. "...are you staring at me like that?"
"Because I realize that you are more worthy to stare at."
My heart jumped the moment I heard his reply. Mabilis kong iniwas ang aking tingin at napakagat sa labi para pigilan ang sarili na kiligin.
Bakit ba bigla na lang siyang magsasalita ng ganito? Hindi niya ba alam na ang hirap magpigil? I always keep my posture intact all the time but here he comes, destroy it through his simple words and gestures.
"And I also wonder...what if a day comes that you need to choose between us. Who will you going to choose?"
"Who choose who? I don't understand what you are talking about." Taka kong wika.
"Ranz..He likes you right?"
Mas lalong kumunot ang noo ko sa narinig. Hindi makapaniwala na ganito pala ang napapansin niya.
"I don't think so. We're just friends."
"Maybe that's what you think. I'm a man too, Rain. Magkaiba ang trato ng kinakaibigan ka lang sa gusto ka."
Natawa ako ng bahagya na s'yang dahilan para magsalubong ang kilay niya. Tinapunan niya ko ng nagtatanong na tingin. Nagtataka kung bakit ganito ang inaakto ko. Tumikhim din siya at humalukipkip.
"So all this time, you took Ranz as a threat? Kaya ba ang clingy mo sakin kapag nasa paligid natin siya?"
Hindi siya nagsalita. His lips slightly hang open then after a while, he turned his head away from me. Halatang iniiwasan ang tanong ko. Hmm guilty! A small smile touched my lips.
He's jealous. My Achilles is damn jealous!
Heat boiled within me. I want to scream my joy but not now, not in front of him. Dinaan ko na lang ang lahat sa iling saka tumayo. Ni hindi naging sagabal sakin ang paggalaw ng kinatatayuan ko upang makalapit ako sa kanya.
Bago pa man niya mahanap ang mga mata ko, siniil ko na siya ng halik. Ramdam kong nagulat siya dahil ilang segundo pa muna ang lumipas bago niya ko hinalikan pabalik.
It was an intense kiss that getting slow. My grip on banister tightened when his both hand hold my waist. It ruled me to stay still on my position. My body was bent so that our gaze would be levelled. Though kailangan niya pa rin tumingala ng kaunti para magkatitigan kami.
"Trust me. If I think him as a friend, that's how he was until the end." Sambit ko. Direkta sa kanya ang mata para maramdaman niya ang aking sinseridad. "I will always choose you, Achilles, even you're not in the choices."
Hindi na naman siya nagsalita. Hindi ko matukoy ang dahilan ng pananahimik niya. Kung dahil ba iyon sa nasabi ko o may malalim lang siyang iniisip?
Muli rin niya kong tinitigan. And the way he looked at me, it's like I was his greatest possession. Parang kahapon lang, ang malalim at malamig niyang mga mata ay ni hindi man lang ako magawang sulyapan. Parang kahapon lang, wala siyang pakialam sakin at dinaan-daanan lang ako. Parang kahapon lang, estranghera ako sa kanya.
I thought we will always be that way. I thought I'm just going to watch him from afar until the end. Always telling my self that he was a dream that impossible to reach. Hindi ko inasahan na darating ang araw na ito na palagi ko siyang kaharap at kausap, nahahawakan ang kamay niya, nayayakap at nahahalikan..
"Rain."
Kasabay ng pagtawag sa aking pangalan, ang marahang pagtapik sa aking pisngi. I moaned as I rubbed my eyes lightly. I blinked once and the blurred images around me became vivid.
"I'm sorry for waking you up. We're already here."
Luminga ako sa paligid at nakita ang pamilyar na anyo ng gate. My eyes also accidentally darted at the digital clock underneath the dashboard and saw the time. Madaling araw na pala! Kaya pala bagsak na ung mata ko kahit nakatulog naman ako.
But then, I realized something the moment I saw Achilles. "You must be tired. Sigurado ka bang kaya mo pang bumyahe pauwi?"
"Don't worry. Hindi na sakin bago 'to. You should go and sleep immediately," aniya.
Halatang tinatago ang nararamdaman niyang pagod at antok sakin. He didn't know though that it was obvious in his weary eyes and throaty voice.
"You sure?" I asked worriedly. "Bukas ka na lang kaya umuwi. Marami namang kwarto sa—"
"Rain..." He cut off that made me stopped in the middle of talking. My mouth parted. He even held my hand just to convince me.
I really don't want to let him go especially with this kind of disposition. Ilang oras din siyang nagdrive. Siguradong napagod siya at inaantok na rin. Hindi man hinihiling, may posibilidad na may mangyari sa kanya sa daan. At hindi ko iyon hahayaan.
"I'm fine, I assured you." Muli niyang wika na s'yang dahilan para salubungin ko ang mga tingin niya. Hoping that I might read his thought. 'Na baka kabaliktaran naman talaga ng iniisip niya ang lahat ng sinasabi niya.
Somehow I had to took away my sight because I can't watched him for so long. Isang marahas na singhap ang aking pinakawalan bago ko binuksan ang pintuan ng sasakyan.
"Text mo ko kapag nakauwi ka na."
"Yeah...good night."
"Good night rin. Ingat ka." Saka tuluyang bumaba sa kanyang kotse. Kasabay ng pagsarado ko ng pintuan ng sasakyan, ang pagtungo niya. Then he maneuvered his car right after.
Sinundan ko ito ng tingin. Kumilos lang ako no'ng hindi ko na ito matanaw. Hindi ko na kailangang kumatok dahil pinagbuksan na agad ako ng gate ng guard namin. Bahagya pa nga akong binati nito na tinugonan ko lang ng matipid na ngiti.
Sa sobrang pagod at antok, naiimagine ko na ang aking malambot na kama habang naglalakad. Pakiramdam ko may nakadagan na kung anong mabigat na bagay sa aking balikat. Feeling ko di na ko aabot sa kama ko sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. But then, hearing a familiar voice nearby. Bigla akong natauhan at sandaling nanigas sa kinatatayuan.
"Sabi na nga ba. Hindi school ang pinuntahan mo."
"Nay.." Pagkalingon ko kay Nanay Edith. Agad ko rin iniwas ang tingin ng makita ang seryoso niyang mukha. I bit my lower lip as my heart bursted in nervosity and guilt.
"Boyfriend mo ung naghatid sayo?"
Dahan-dahan akong tumungo. Hindi na nagdalawang isip pa na itanggi ang lahat. It seems that she already knew everything. Wala naman akong intensyon na itago ang relasyon namin ni Aki lalo na sa kanya ngunit wala rin akong lakas ng loob na sabihin ito.
She's my mom but my dad was her boss. Ayokong magsinungaling siya kapag tinanong siya ni Dad tungkol sa mga pinagkakaabalahan ko at sa mga taong nakakasalamuha ko. Dad is strict and overprotective when it comes to me. Hindi niya magugustuhan kapag nalaman niyang may boyfriend ako. I don't want to lie yet he shouldn't find it out. At least, not this early.
"Sorry po. Hindi ko masabi sa inyo dahil ayoko pong magsinungaling kayo kay Dad para lang pagtakpan ako. At..."
Hindi ko na nagawang ituloy ang pagpapaliwanag nang isang marahas na singhap ang pinakawalan ni Nanay Edith. Sinarado ko ang nakaawang na bibig nang marahan siyang lumapit sakin. I also watched her with wrinkled forehead when she smiled languidly.
"Pumanhik ka na sa kwarto mo. Bukas na lang tayo mag-usap."
Nagtataka man sa kinikilos niya, hindi na ko nag-atubiling magtanong pa dahil mukhang wala siyang balak makipag-usap sakin. Marahil masyado ng late at mukhang hindi pa siya natutulog. Bigla tuloy akong tinamaan ng guilt. Siguro ay inantay niya talaga na dumating ako.
Bakit ko nga ba nakalimutang magtext sa kanya na gagabihin ako sa pag-uwi? Ni wala na kong inisip kundi ang sariling kasiyahan hayst!
I nodded politely as response then walked past her. Hindi ko napigilang humikab habang pumapanhik sa aking kwarto. Ramdam ko rin ang pagsunod ng tingin niya sakin at bago pa man ako pumasok sa aking kwarto, sinigurado kong tumungo na rin siya sa kwarto niya.
Nagmamadali akong nagtanggal ng sapatos at nagbihis. Unti-unting kumalat ang ngalay, simula sa aking binti pataas sa likod at leeg. Nagmimistulang triple ang timbang ko sa lakas ng pagvibrate ng kama gawa ng pagkakasalampak ko.
My phone beeped. Sa lockscreen pa lang, nakita ko na ang pangalan ni Aki pati ang mensahe niya. Hindi ko na iyon masyadong nabalingan ng atensyon lalo na't tuluyang nandilim ang aking paningin kasabay ng pagwala ng mga bagay na bumabagabag sa aking isipan..
Wearing a white shirt and pajama, I get up languidly from my bed. Hindi ko na kailangan tignan ang wall clock sa pader para malaman ang oras. Ang mainit na sikat ng araw sa labas ay sapat ng impormasyon para malaman kong tanghali na.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal naupo sa gilid ng kama ko at nakatulala. Dinadamdam ang mabigat na talukap ng mata at panghihina ng katawan. Hindi kasi ako sanay magpuyat. I always follow my routine everyday which is matulog ng maaga.
Pinilit ko na lang ang sarili na kumilos nang mapagtanto na may kailangan pa kong gawin ngayon. I'm nervous and anxious the whole time I was in my bathroom. Ni hindi nga ako ginising ni Nanay Edith. Mukhang galit siya o nagtatampo? Feeling ko magigisa ako ngayong araw. Kaya naman napagpasyahan kong ihanda ang sarili.
Nakaligo at nakabihis na ko no'ng lumabas ako ng kwarto. Ngunit sa hamba pa lang ng pintuan, napahinto na ko ng matsek ko ang cellphone at mga mensaheng hindi ko pa nababasa.
I'm home. Matulog ka na. Good night!
Good morning.
Anong oras ka pupunta sa university?
Sinend iyon ni Achilles sa magkakaibang oras. And I'm bit worried as I noticed it. I wonder kung nakatulog ba siya? Almost one o'clock or two na ata kami dumating tapos ang pangalawang mensahe niya, sinend ng 6:00 am.
Me:
•Slr. Good morning!
•I'm not sure kung anong oras ang punta ko sa school. May aasikasuhin pa kasi ako.
Dalawang reply ang tinipa ko para sa kanya. Pagkatapos sinarado ko ang aking phone at tuluyang lumabas ng kwarto. Dahan-dahan ang pagbaba ko sa hagdanan habang tahimik na pinapasadahan ang paligid.
She's not in living room so I assume that she's in kitchen. I headed off towards there. Sa b****a pa lang, nagtagpo na ang mga mata namin.
"Ilang beses akong kumatok kanina pero mukhang antok na antok ka. Aalis ka ba ngayon?" Wika niya saka hinarap ang tingin sa niluluto. Ni hindi ako sigurado kung nakita niya ba ang pagtungo ko.
"Opo. General practice po namin ngayon sa play. Bukas na po kasi ung official performance." Mataman kong sagot. Naupo na rin ako sa high chair at panandaliang pinasadahan ng tingin ang mga pagkaing nakahain sa countertop. I briefly realized that it wasn't a breakfast meal.
Hindi ko muna ginalaw ang mga ito. Inantay kong matapos si Nanay Edith sa ginagawa niya. Pagkalipas ng ilang sandali, humarap siya sakin upang ihain ang beef broccoli na niluto. She paused when she saw perhaps that I'm not moving nor eating.
"Wala ka bang gana kumain, Rain?"
"Galit po ba kayo?" Balik tanong ko. Hindi mapigilang kagatin ang ibabang labi at tahimik na bumuntong hininga.
Umalik-ik siya na s'yang dahilan para kunot noo ko siyang tingalain.
"Bakit naman ako magagalit sayo?"
"Dahil po naglihim ako sa inyo."
Tinapos niya muna ang pagsasalin ng niluto sa plato bago siya nagsalita. "Ano bang nilihim mo?"
Hindi ako makasagot. Naguguluhan ako sa mga bagay na nakikita ko sa kanya. Her words, actions and smile, it's odd. I felt like there is something wrong. Hindi ko nga lang mapoint out kung ano 'yon. Ang Nanay Edith na kaharap ko kagabi ay parang iba sa kaharap ko ngayon.
"Hindi ka naman naglihim hija. Ang madalas mo pa lang na hindi pagpapasundo kay Danilo, alam ko ng may gumagawa na no'n sayo. Ang palagian mong pag-uwi ng gabi, pag-alis ng sabado at paghawak ng telepono. Halata ko ng may pinagkakaabalahan ka na."
My mouth parted in disbelief. Ngayon lang napagtanto na masyado pala akong halata sa mga nagdaang buwan.
"Kailan pa naging kayo?" Nakangiti niyang intriga pagkuwa'y lumipat siya sa puwesto ko at naupo sa tabi ko. I purposely shifted my attention to the food to avoid her silly smile.
"Noong nakaraang buwan lang po."
"Papuntahin mo siya rito." She demanded that made me lose my hearing for a moment. Gulat din na bumalik ang tingin ko sa kanya. Halos mapanganga ako nang marinig ang sinabi niya.
Hindi ko kasi inaasahan na ito pala ang sasabihin niya. I thought she will get mad at me for not asking her opinion about this matter. Hindi ko alam na kabaliktaran pa pala ang mangyayari.
"Po?"
Ngumiti siya. "Yung boyfriend mo. Gusto ko siyang makilala."
• • • • • •