Chapter 12

2786 Words
DUMB "Hi Miss....Mirabueno." Pinatagal pa talaga ni Darius ang salita niya para lang tuksuhin ako. He also winked at me. It made me protruded my lips in shame. Agaw pansin kasi ang pagpasok ko dahil sa ginawa niya. Nag-angat ng tingin sakin si Aki mula sa pagkakabuo ng mga piraso ng maliliit na bloke sa mesa. Si Aris naman at ang bago niyang girlfriend ay bahagya lang akong sinulyapan. Pareho rin kasi silang abala sa paggawa at pagdisenyo ng modelong bahay. "Ganda natin ngayon ah." Dagdag niya pang wika. Sinimangutan ko na lang siya pagkuwa'y inabot ang binili kong milk tea para sa kanya. After that, nilagpasan ko siya at tinungo ang kinaroroonan ni Aki. Bago ako dumiretso rito, dumaan pa muna ako sa cafeteria para bumili ng maiinom para sa lahat. Natanong ko rin si Aki kanina kung ilan sila rito kaya inaasahan ko na ang bilang nila. Nilapag ko ang dalang plastic bag sa dulo ng mesa at nilabas ang lahat ng laman nito. Nauna kong binigyan ang magkarelasyon at hinuli si Aki. "Thanks!" Aris' girlfriend uttered. Tumungo at ngumiti ako habang pasimple siyang pinagmamasdan. Banayad niyang tinusok ang straw sa bibig ng milk tea at inabot ito kay Aris. Tinanggap naman ito ni Aris ngunit mahahalata mo sa kanya ang kawalan ng atensyon. Halatang sanay na talaga siyang pinaglilingkuran ng babae. I bet he never courted anyone since he can entice them easily through his face and social status. I know from the start that he is playboy, the same with Darius and their other cousins. Yet seeing them doing this actually, it's quite harsh and merciless. Nakakaawa lang iyong babaeng hindi nababalikan ng pantay na atensyon at pagmamahal. I know that I have nothing to do with them because they choose it. It's them who decided to liked playboy. Somehow, I hope that they will woke up soon and get what deserves them better. "How's your practice?" Aki asked me hawkishly. Mukhang napuna ang matagal na pagtitig ko kay Aris. Iniwas ko ang tingin doon at agad na binaling sa kanya. "Okay naman. Medyo nakakapagod lang at nakakangalay dahil sa katagalan ng pagsuot ng heels." Sabay abot sa kanya ng inumin. Tinanggap niya naman iyon at sumimsim ng kaunti. "Practice para saan? Athletic ka?" Singit ng girlfriend ni Aris na mabilis kong inilingan. "Theatre." "Ah..you must be good in acting then?" Sandali kong sinulyapan si Darius na umupo sa tabi ko bago siya tinugonan. "We're doing musical theatre so it's more on singing and performances." "Wow! That's cool." She commented with amusement. "Expect me to watch your performance soon." "Syempre hindi tayo pwedeng mawala do'n." Si Darius sabay gitgit sakin. Hindi ko inasahan na gagawin niya ito kaya muntikan na kong masubsob. Buti na lang, mabilis akong nadaluhan ni Aki. "Oops sorry!" Nangingisi niyang wika na ikinaismid ng aking katabi. Muntik na kong atakihin sa puso ngunit pinili ko na lang na ikalma ang sarili at magpasensya. Aware naman kasi ako na isa lang ito sa pantitrip ni Darius. Isang linggo na ang lumipas simula no'ng naging kami ni Aki. At walang araw na dumaan na hindi namin kasama si Darius. Kaya nasanay na ko sa madalas niyang pagbibiro kahit minsan hindi nakakatuwa. Iniisip ko na lang minsan na intindihin na lang ang batang kulang sa pansin psh! "I should tell to Tita Christina to send you in white jail before you get worse." But then, Aki was different. Hindi ko alam kung bakit lagi siyang iritado at napipikon sa mga pinaggagawa ng pinsan niya. "Woah Kitten! I'm not crazy." "You sure?" He smirked with irony. He also crossed his arms and looked at his cousin without any emotion etched in his eyes. "The crazy man will always deny that he's not crazy." "Oh come on, Achilles Knoxx Mirabueno! Don't get smart with me. Do you know—" "Shut up the both of you!" Aris croaked then glared at his two cousins annoyingly. Binato niya rin ang mga mini blocks na hawak niya dahil sa iritasyon at kawalan ng pasensya. Parehong natigilan ang dalawa na ikinabuntong hininga ko ng malalim. Kanina pa kasi nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Ni hindi man lang napapansin na nasa gitna nila ko. Hindi ko rin sila maawat. Kaya malaking tulong talaga ang ginawa ni Aris though he's extremely annoyed. "Kung pumunta lang kayo rito para mag-away, the door is wide open. Get out! I don't need the both of you." Humalukipkip si Aki samantalang si Darius, napasandal sa backrest ng sofa at nagpainosente. Kami naman ng girlfriend ni Aris ay walang magawa kundi lumunok dahil sa awkwardness ng paligid. Inaalu niya rin naman si Aris pero walang talab. Hindi ko rin alam kung saan ako titingin. Bukod sa pinapagitnaan ako ng dalawa, kaharap ko pa si Aris na nakaigting na ang panga. Sa kakalinga ko sa paligid, napadako ang tingin ko sa mesa kung saan may nakakalat na mini blocks at drawing ng bahay sa vellum. Saka ko lang napagtanto na pamilyar sakin ang ginagawa ni Aris. "Can I help you?" Malumanay kong tanong nang sinimulan ulit ni Aris gawin ang house model niya. Ramdam ko ang pagbaling nilang lahat pero iisang tao lang ang nilingon ko pabalik. "If you can help then do it but...if you're doing this just to save your boyfriend's ass, better don't." "Watch your mouth!" Aki warned that seems nothing to Aris. "I don't like trying hard." "Alright." I nodded which they interpreted wrong. Kaya nga nung nagsimula akong makialam ng gamit sa mesa, sinaway agad ako ni Aki. Akala ata natakot ako sa sinabi ni Aris. I mean yes, Aris was kinda mean and arrogant but I've already seen someone worse than him. "Let him, Rain." Lumingon ako kay Aki at prenteng ngumiti. "Geometry, mathematical patterns and architectural designs? I know about it. I already made an architectural project a year ago. It was a city model. Winter is studying architecture and I helped her with some of her projects." "You sounds like Aris' project is just a piece a cake for you." Darius chuckled that made me shook my head in sudden shame. "That's not what I mean—" "I'm just kidding. Of course! You are smart woman with humor as well. Not like other smart people around." Putol niya sa akma kong sasabihin. Nginisian niya rin ako pero tumatagos ang mapanuya niyang mata kay Aki. Buti na lang, hindi na siya pinatulan pa ng pinsan. Instead Aki bobbed his head at me as agreement. Mukhang nakumbinsi sa sinabi ko. "You are Rain Arguelles right? One of the candidates for the Latin honor." I startled for a moment when I heard her question. Sumulyap ako sa kanya, bakas ang pagtataka sa aking mukha. "How do you know me?" "Sabi na nga ba. Kaya pala pamilyar ang mukha mo." Ngiti niya saka hinarap ang salamin para magretouch. "I'm Diana Evangeles. We took the same program. I just came from Financial Management." Tumungo ako at matipid na ngumiti. Hindi na nagawang magsalita dahil sa panandaliang pag-iisip. She's not familiar though. Iisa lang ang building namin kaya bakit parang hindi ko naman siya nakikita o nakakasalubong? Pagkalipas ng ilang sandali, napatingin ako sa repleksyon niya nang muli siyang nagsalita. "Achilles seems to liked you a lot." "I don't think so. Mas gusto ko siya." Umiling siya habang mapang-asar na nangingiti. "Ang sweet at overprotective niya sayo kanina. Nakakainggit kayo." Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi niya. Sa huli, ngumiti na lang ako at ramdam kong weird 'yon. Mukhang hindi naman niya nahalata. Prente kasi siyang naglagay ng lip tint sa labi niya pagkatapos makita ang tinugon ko. I'm in the middle of organizing some stuff in Aris' project when I felt the needs to go in restroom. So I excuse myself at the boys immediately. Nang makarating ako, ilang segundo lang ang lumipas dumating din ung girlfriend ni Aris. And then, this is where our conversation starts. It's not that I felt uncomfortable because she followed me all the way here and talked to me all of the sudden. Sadyang hindi lang talaga ako sanay na bigla na lang may lalapit para kausapin ako. Simula kasi no'ng naging kami ni Aki, napapansin ko ang madalas na pakikipagkilala at pagbati ng iba sakin. And it's not right! Hindi naman sa judgemental but what could be the other reason then? Some of them doing it just because I was Aki's girlfriend. Naiintindihan ko naman na sikat ang boyfriend ko pero mali na kilala lang nila ako dahil doon. I never aimed for popularity. I loved Achilles because he was Achilles and not because he has everything.. Ala singko na ng umaga nang nagising ako at tiningala ang wall clock. I felt that my body is getting heavier as foundation anniversary is approaching. And finally, ngayon na iyon hanggang sabado pero pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko. At monday pa lang ngayon for goodness sake! But then, I left no choice. Pikit mata akong bumangon at tinungo ang comfort room para maligo. I rushed myself because aside sa pagtitheatre, may gagawin din kami na s'yang magrerepresenta sa department namin. Pasado ala sais nang makarating ako sa university. Nadatnan ko na iilan pa lang sa mga kadepartment ko ang naririto sa booth namin. Ang iba rito ay kaklase ko. Wala pa si Era. Mukhang malilate pa ata sa unang araw ng foundation anniversary. Although nagsimula na kong tumulong sa pagdidisenyo, hindi na siya inantay pa. Napag-usapan na rin naman ang gagawin no'ng nagheld ng general meeting ang business department kaya alam na namin ang dapat gawin. "Thank you." Sambit ni Bernadette no'ng kumuha ako ng isang box ng supplies. Tumungo lang ako at matipid na ngumiti pagkuwa'y tumalikod. Ganon din ang sinabi niya sa kasunoran ko. Nasa storage room kami ng COB para kunin ang mga supplies. Marami rin kaming nagvolunteer. 'Yon nga lang galing sa ibang majors ang majority kaya wala akong masyadong kakilala. Si Bernadette lang since isa siya sa officer ng student government sa COB. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ang pamilyar na bulto sa aking harapan di kalayuan. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang inaasahan kong makita. "Bakit nagbubuhat ka n'yan?" "Hindi naman mabigat." Ngiti ko sa kanya kasabay ng pagkuha niya sa hawak kong box. Binigay ko naman sa kanya pagkatapos sabay kaming naglakad. "Kaya pala hindi ka nagrereply. Busy ka pala. Hindi mo sinabi sakin na maaga kang pupunta." "Sorry. Akala ko kasi hindi ka pupunta since hapon pa ung practice mo." "Bakit naman ako hindi pupunta kung nandito ka? Tignan mo nga, nagbubuhat ka nito. Ang daming lalaki sa booth na mauutusan pero ikaw itong gumagawa nito." "Walang nag-utos sakin. Kusang loob ko 'tong ginawa." Hindi na siya nagsalita pa after niyang tumikhim. Binaling niya na lang ang tingin sa harapan. Ako naman kagat labi siyang sinulyapan. Pinipigilan ang sarili na ngumiti ng malapad. My man is being overprotective again psh. "Rain, dito ka na pala." Salubong sakin ni Era pagkarating namin ni Aki sa booth. Ngunit hindi ko iyon masyadong napagtuonan ng pansin dahil napadako ang tingin ko sa grupo nina Nathalia na mataray akong pinagmamasdan. Bukod sa kanila, may grupo rin ng mga babae na taga ibang majors na nag-uusap tungkol sakin. "I told you, she was Aki's girlfriend." The curly one said. Nakaekis ang braso habang nakatingin sakin. Kita ko iyon mula sa peripheral vision ko. Napagpasyahan ko na lang na balewalain. "Anong oras ka pumunta rito?" Muling wika ni Era. Mukhang hindi napapansin na hindi ako komportable sa paligid. She was a great help though. I can pretend that I wasn't bothered by everyone's glares and murmurs. "Pasado ala sais na." "Ang aga mo naman." At sabay naming sinulyapan si Aki nang pumunta siya sa puwesto ni Darius. Kakagaling niya lang mula sa loob ng booth, hinatid ang box na dala. Ako naman dumiretso kay Era kung saan nasa labas kami at medyo malayo sa booth. "Ayoko sanang pumunta kaso no'ng nalaman ko ang pakulo ng engineering department, tumuloy na ko." Kinunotan ko siya ng noo na tinugonan niya lang ng malademonyong ngisi. Napailing na lamang ako sa kaisipan may pinaplano na naman siyang kalokohan. Then luminga-linga ako sa paligid kung saan bahagyang nagtagpo ang mata namin ni Diana. She was with her friends. Hindi ko alam ang irereact. I don't know if I'm going to smile or not. Yet in the end, there's no need to do anything. She ignored me. Naiintindihan ko naman. Nagbreak na kasi sila ni Aris. At sayang lang dahil sa lahat ng naging girlfriend ni Aris, siya itong maayos ang ugali. But then, playboy is always playboy. Kahit gaano ka kabait kung mali ang taong pinili mo, masasaktan at masasaktan ka.. I shifted my weight the moment my phone vibrated once. Kinapa ko iyon sa bulsa at nakita ang mga text ni Aki, ganon din ang kakapasok na mensahe. Dad: Book a flight to London soon. We're going to celebrate the Christmas there. Me: Okay po. Saka wala ako sa wisyong nag-angat ng tingin. Dumiretso ito kay Ranz na nakatayo di kalayuan sa kinaroroonan ko. Nakatingin siya sakin or maybe kakatingin niya lang din? Nagkataon lang siguro na nagkasalubong ang tingin namin. He smiled and with the same courtesy, I smiled back. Nagsimula siyang maglakad patungo sa direksyon ko. May hawak siyang bote ng tubig na bawas na. Huminto si Era sa pagkakalikot ng cellphone niya nang marahil mapansin na hindi ako gumagalaw. Hindi siya nagsalita para magtanong. Imbes humarap siya sa direksyon kung saan ako nakatingin. Sakto naman na nakalapit na si Ranz at tumabi sa kanya ngunit nasa akin ang tingin nito. "Nabanggit na ba sayo ni Director Shen?" Entrada niya na tinugonan ko lang ng nagtatanong na ekspresyon. "Sukat daw natin ung susuotin natin para maadjust na ung dapat i-adjust." "Hindi pa." "Then hanggang anong oras ka rito? Pwede mo na kasing sukatin ung damit mamayang hapon." "Hindi ko alam pero..titignan ko." Tumungo siya pagkuwa'y sumulyap kay Era. "Uhh...si Era, kaibigan ko." "Ranz Viajar." Ngiti niya na mabilis na napawi nang marinig ang sinabi ng katabi. Taka niya itong hinarap, ganon din ako. "I know you. You owned the RV Holdings." "No. It was my father." Ranz chuckled. "Magiging sayo rin naman 'yon. You're the only son after all." "You seems to know a lot about the business world. Your program fits you." "Hindi naman. Madalas lang talaga akong nakakarinig ng mga usapan tungkol sa mga A-list." Wala kong nagawa kundi ang ngumiti habang pinapanuod ang dalawa na komportableng nag-uusap. Ranz is quite approachable and comfortable to talk with. Kaya inaasahan ko ng magkakasundo agad sila ni Era. "My family owned a restaurant at minsan nagiging meeting place ito ng mga businessman—" At bigla siyang napahinto sa pagsasalita nang dumating si Aki. I startled too when he slide his hand around my waist in swift motion. My lips slightly hang open as I gazed at him with curious expression. "You went here early. We should grab a food." Paliwanag niya na lalo kong ikinataka. Naguguluhan ko siyang tinapunan ng tingin. At bago ko pa man masubukang basahin ang iniisip niya, nag-iwas na siya ng tingin at binaling ito kay Ranz. Ganon din ang ginawa ko kahit binabagabag ang isipan ko sa mga inaakto niya. Hindi ko rin matukoy kung guni-guni lang ba na nakita kong nakatingin si Ranz sa kamay ni Aki na nasa baywang ko. Everything happened in split second so I can't differentiate what is real and not. Masyadong naguguluhan ang utak ko kaya hindi na rin ako sigurado sa nakikita ko. "You can come too." "No, thanks." Kaswal na sagot ni Ranz saka sinalubong ang aking titig. "I should go now. Pumunta ka na lang sa theatre hall kapag wala ka ng gagawin mamaya." "Sige." Isang tungo lang ang tinugon niya sakin. Ngumiti naman siya kay Era bilang paalam pagkatapos mabilis na tumalikod at naglakad palayo. I halted in watching his back when Era darted her eyes to me and gave me a meaningful glares. Nakuha ko naman ang gusto niyang iparating subalit pinili kong iignora ito. Sa halip, tiningala ko si Aki. "Tara na." "Someone is being dumb and the other two are being jealous." Biglang wika ni Era na s'yang dahilan para sabay kaming mapalingon sa kanya. 'Yon nga lang nakatingin na siya sa ibang direksyon. Halatang iniiwasan ang mga titig ko. Itong babaeng 'to, hindi talaga maitago ang nasa isip psh! Dumapo rin ang tingin ko sa paligid. Saka ko lamang napansin na marami pa lang nakatingin at mukhang nang-uusisa na mga kadepartment namin. Kaya naman mabilis ko ng hinila si Aki para umalis.. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD