LIGAW
"Winter melon milk tea and cheeseburger po." I ordered courteously. Sandaling bumaling sakin ang cashier pagkuwa'y sa monitor na nasa harap niya. Nagsimula siyang pumindot dito, kinikwenta at nirerecord ang inorder ko.
"One hundred thirty-five pesos, Miss."
Inilahad ko sa kanya ang tamang bayad. After that, tinalikuran niya ko para kunin ang inorder ko.
Luminga-linga muna ko sa paligid habang inaantay ang pagdating ng pagkain ko. Bilang lang ang mga estudyanteng nasa loob ng cafeteria kaya maraming bakanteng mapagkakainan. Pinili ko na lang iyong nasa tabi ng salamin kung saan natatanaw ang football field at mga building ng bawat program.
I was in the middle of biting my burger when I accidentally saw him with Darius and Aris. They are walking towards the cafeteria. Napatigil ako sa pagnguya at tulalang binaba ang hawak kong pagkain.
Inaasahan ko na naman na magkikita rin naman kami dahil sinabi niya sakin na babalik din sila ng school ngayon. Hindi ko nga lang inaasahan na ganito kabilis. Hindi pa sila nakakapasok, natagpuan na agad ako ng paningin ni Darius. He immediately waved and smirked.
Hindi ako tumugon dahil hindi ko naman alam kung ano ang irereact ko. At malay ko, hindi pala ako ang kinakawayan niya. Maybe some of his girlfriend here.
But then, my heart boomed when he neared his mouth to Aki and told something. Kahit hindi ko iyon narinig, nagawa ko iyong makuha lalo na't nilingon agad ako ni Aki pagkatapos. Ngayon alam ko ng ako talaga ang tinatanaw nila.
Umiwas ako ng tingin at napayuko. Hindi mapigilang punain ang kasalukuyang itsura ni Achilles. He's wearing a plain white jacket, black Nike shorts and white Fila. Bagay na bagay talaga sa kanya ang ganitong pormahan. Dagdagan pa ni Aris at Darius na pangfashion week ang damit. Kaya hindi na ko nagtaka kung bakit pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid.
Afterwards, hindi na ko nag-atubili pang lingunin sila. Though aware akong nasa loob na sila. I even saw Aris went to counter from my peripheral vision. Ang dalawa naman ay dumiretso sa...
"Magpony ka na lang palagi. Mas maganda ka d'yan tignan."
Naging mahirap sakin lalo ang pagnguya ng kakapiranggot na burger sa aking lalamunan dahil sa sinabi ni Darius. Panandaliang napaawang ang aking bibig at gulat siyang tiningala.
Nginisian niya lamang ako pagkuwa'y naupo sa upuang kaharap ko na para bang natural lang sa kanya ang mamuri bigla. I mean, alam ko naman talaga na gawain niya na ang ganito pero wag naman sana tuwing magkikita kami. Araw-araw kasing may baon siyang pambobola. I wonder, kung nauubusan pa siya?
"Lunch mo yan?" Sipat ni Aki sa kinakain ko. He's still standing in front of me. His hand is holding a key while the other one is inside the pocket.
Hindi ako sumagot. Sa halip, matipid na ngiti lamang ang ginawad ko sa kanya. Kumuyom ang kanyang panga na agad niya namang iwinala na akala mo'y hindi ko na nakita. Inalis niya rin ang kanyang tingin sa akin at binaling ito kay Aris. Sinundan ko siya ng tingin kahit na kinakausap na ko ng kaharap ko.
"Isa pa."
Luckily nakatingin sa aming pwesto si Aris kaya hindi na kailangan pang sumigaw ni Aki para lang tawagin siya. Kahit hindi ako sigurado kung nakuha niya ba talaga ang punto ni Aki dahil iba ang naging reaksyon niya. Wala naman kasing panunuya sa sinabi ni Aki para maging ganon ang tugon niya.
"Nagpatulong lang sakin ung isa naming professor." Sagot ko no'ng tinanong ako ni Darius kung ano ang ginagawa ko rito. Sa kalagitnaan na ko ng pagsasalita nang binalingan ko siya. Nadatnan ko siyang nagpabalik-balik ng tingin sa aming dalawa ni Aki.
"Uh..kayo?" At last, napirmi ang kanyang tingin sakin. Ngunit sana hindi na lang pala at hindi na rin sana ako nagtanong.
"Sinasamahan lang namin si Kitten na ligawan ka." Pormal niyang turan bagama't kitang-kita naman sa mata niya ang pang-aasar at panunuya. Malakas na kumalabog ang dibdib ko. Kahit muntik na kong maniwala at sobrang naapektuhan talaga ako sa narinig, hindi ko iyon pinahalata.
Sumimangot ako sa harap ni Darius para ipakita ang pagkadisgusto sa sinabi niya. Ngunit nang mapadako ang tingin ko kay Achilles, napakunot ang noo ko sa daglian niyang pag-iwas ng tingin.
Inaantay ko rin na marinig ang pagsaway niya sa pinsan o itama man lang ang sinasabi nito pero wala kong narinig ni isang salita. Kahit no'ng tumalikod si Darius para daluhan si Aris sa mga inorder sa counter. Imbes iba na naman ang narinig ko.
"Anong oras ka uuwi?"
Then kumilos siya para tabihan ako. Sinundan ko siya ng tingin at tinigil lang ito nang maupo siya sa tabi ko.
"H-hindi ako s-sigurado." Sabay iwas at kagat labing yumuko.
"Then just chat me if you're already done."
"Hindi. Huwag na...nakakahiya." I declined and mumbled the last word. His two brows immediately converged. He also shut his eyes as if it was his way to hold something.
"I'm sorry." I barely explained the moment our eyes met. "Ayoko lang na maghintay ka ng matagal dahil sakin."
"It's not that waiting for so long could kill me. I will wait until you done. That's final." He said with mark of finality. Gusto ko pa sanang tumanggi ngunit dumating na ang dalawa. Naiba na rin ang usapan dahil nakisama na siya sa usapan ng kanyang mga pinsan. Halata namang sinadya niya para hindi na ko makatanggi pa.
"Hindi niyo mapipilit 'yon. He's too passionate with his responsibility." Si Aris sabay lapag ng dalang tray ng pagkain sa mesa. Ganon din ang ginawa ni Darius na bahagya pang binati ng napadaang grupo ng mga babae.
"Si Keiros ba ang pinag-uusapan niyo?"
"Yeah. Niyaya ko siya na magbakasyon tayo samin ngayong sembreak kaso ang loko, tinanggihan agad ako." Si Darius ang sumagot sa tanong ni Aki. Hindi naman ako relate sa usapan nila kaya ibinaling ko na lamang ang atensyon sa pagkain. Pinalitan din ni Aki ang kinakain ko. Kaya pala sinabi niya iyon kay Aris kanina kasi para sa akin pala iyong pinaorder niyang isa pa.
"Pinili niya pa ata iyong leadership training. Mukhang susunod talaga sa yapak ni Tito Kiano."
"Let him do what he wants. Just ask River instead and some of your girl friends." Aki suggested. Tumungo-tungo si Darius na para bang magandang ideya ang sinabi ng pinsan. But when his eyes darted to me, he smirked.
"You should come too." At sabay na lumingon ang dalawa sakin. Bigla akong natigilan. Hindi inaasahan ang biglaang paglipat ng spotlight sakin.
"Uh..." Napaayos ako ng upo at napaismid ng mahina. "I don't think I can go. I have a business thing in Tokyo."
"Woah! Sembreak ah?"
"Mag-isa ka lang do'n?"
"Bakit Kitten? Sasamahan mo ba?" Darius shot back to Achilles. Kasabay ng pagsagot ko.
"Nope! I'm with Sam and Dad."
Ang pinsan niya ang nauna niyang pagtuonan ng pansin. Humalukipkip siya at tinapunan niya ito ng matalim na tingin. Naging gentle lang ang kanyang mata nang lumipat ito sakin.
"Hanggang kailan ka do'n?"
"The whole semestral break."
His lips parted a bit and after a while, he took a deep breath. His reaction made me jump into conclusion but I chose not to pay attention about it. Hindi ko na rin masyadong napagtuonan pa siya ng atensyon dahil napasulyap na ko kay Darius. Kita ko kasi mula sa aking balintataw ang mapang-asar niyang ngiti habang pinapanuod kami. Napatikhim ako.
"Kailan ang flight mo kung ganon?"
"Bukas."
Tumungo siya. Hindi na nagtanong pa. Mukhang napansin niya ata na hindi na ko nakakain ng maayos gawa ng paghinto maya-maya para sagutin ang tanong nila.
However, we're not totally quiet while eating. Nag-uusap din naman kasi silang magpipinsan. Minsan relate ako, madalas hindi.
"Hi babe!" A girl in her white crop top and tattered jeans greeted. Hinalikan niya rin si Darius sa pisngi bago umupo sa bakanteng upuan na nasa kabisera.
"Hi Aris. Hi Achilles." And she paused as her chinita eyes drifted on me. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya tinikom ko na lang ang bibig ko at kaswal siyang pinasadahan ng tingin.
"She's Rain, Achilles' girlfriend."
"Ow? Akala ko kay Aris." Tawa ng babae na ikinakunot ko ng noo. Ganon din ang naging reaksyon ng dalawa. Hindi ko nga lang alam kung pareho kami ng iniisip.
"I'm sorry but...I think, you misinterpreted what had Darius told. He meant that I'm Aki's friend." Pagtatama ko sabay sulyap kay Darius para hingin ang kanyang kompirmasyon. He said nothing though. Instead naiiling siyang tumawa.
"I really did. Hindi ko kasi alam na may space pala sa girlfriend." Sabi ng babae pagkatapos ay kunot noo nitong binalingan ang boyfriend. Nagkasabayan kasi sila sa pagsasalita kaya hindi ko nagawang maintindihan ang huling sinabi ni Darius. Hanggang "ang talino sana e kaso..." lang ang narinig ko. Ganon din ang marahas na pagsinghap ng aking katabi na s'yang dahilan para lingunin ko siya.
And once again, he went back to being irritated. Pinahalata ko rin sa kanya ang panititig ko para balikan niya ko ng tingin subalit nabigo ako. Kung saan-saan tuloy lumipad ang isipan ko.
Ayokong isipin na kaya siya nababadtrip ay dahil palagi kong tinitake na biro ang sinasabi ni Darius. Hindi naman ako manhid pero hindi rin ako assuming. I know that Darius' words and his reactions meant something. And I guess, I already know it. Hindi ko lang ito magawang paniwalaan dahil wala pa akong nakukuhang clarification o malinaw na sagot...
Three o'clock pa lang ng hapon, tapos na ko sa gawain sa faculty. Niyaya pa ko ni Miss Cagara na kumain kami pero tinanggihan ko na siya. Bukod sa busog pa ko, gusto ko na rin umuwi ng maaga. Kailangan ko pa kasi kausapin si Summer. Baka magbago pa ang isip niya.
Palabas na ko ng faculty nang kinuha ko ang aking phone. Pumunta ako sa messenger at bahagya pang nag-aalinlangan kung ichachat ko ba talaga siya. Sa huli, nagsend ako lalo na't naalala ko ang sinabi niya kanina sa cafeteria.
Me:
I'm done.
Ilang minuto ang lumipas, wala akong natanggap na reply mula sa kanya. Active siya pero hindi niya pa nasiseen ang chat ko. Ano kayang ginagawa niya?
Wala sa wisyo akong naglakad sa hallway. Iniisip ko kasi kung saan siya hahanapin. I don't want to call him either. Nakakahiya lang. Siya na nga itong maghahatid sakin, ako pa itong atat na atat.
Not until napadako ang tingin ko sa football field kung saan may naglalaro. Una kong nakita si Darius kaya hinahanap ko kaagad si Aki dahil alam kong lagi silang magkasama. Nahagip ko pa nga si Aris bago siya tuluyang natagpuan ng aking mata.
It explains why he didn't reply to my chat. Naglalaro pala siya.
"Gago! Ang daya mo, Darius!" Sigaw ng kalaro nila na nadapa sa damuhan gawa ng pagtisod ni Darius. Tinawanan lang siya nito. Dagdagan pa ng mga pang-aasar ng kapwa niya kakampi.
"Ang lampa mo, Cameron!"
"Ulol!" Pagkuwa'y tumaas ang middle finger nito.
Napatikom na lamang ang aking bibig habang pinapanuod ang pag-aasaran at pagmumurahan nila sa isa't isa.
"Go honey!" Cheer no'ng isa sa mga babaeng nasa bleachers, kay Aris. Nando'n din ang girlfriend ni Darius na unang nakapansin sa pagdating ko.
"Hi Rain." She greeted. With same courtesy, I greeted her back with half smile.
"Hello."
"They're still playing." Tukoy niya sa magpipinsan. Matipid akong tumungo bilang tugon sa sinabi niya.
"Sino 'yan?" Singit ng babaeng nagcheer kay Aris. Ito rin ang dahilan kung bakit napasulyap sakin ang ibang babae sa paligid.
"She's Rain. Nililigawan ni Achilles." Yung girlfriend ni Darius, si Amanda. Gulat akong napabaling sa kanya at akma na sanang kontrahin ang sinabi niya kung hindi ko lang narinig ang pagtikhim ng kausap niya.
"Ah." Sabi pa nito, bakas ang panunudyo sa bawat pagpasada niya sakin ng tingin mula ulo hanggang paa. Mapagpasensya akong tao kaya hindi ko na siya pinatulan pa. Natigil din ang laro dahil sa pag-alis ni Aki upang puntahan ako sa bleachers. Saka ko lang napagtanto nang matanaw ko siya mula sa aking balintataw na papalapit.
"Aalis na tayo?" Entrada niya pagkarating. Medyo natagalan pa ko sa pagsagot dahil napasulyap pa ko sa mga kasama niya na nakasunod sa kanya.
"Ikaw ang bahala. Maaga pa naman."
"San ba punta niyo?" Nakakunot pa ang noo ni Darius pero halata naman sa kanyang mata ang malisya. Mabilis din gumapang ang kanyang kamay sa baywang ni Amanda. Si Aris naman ay dinaluhan agad ng babaeng nagcheer sa kanya. Mukhang girlfriend niya rin ata.
"Uuwi na si Rain at hindi sa condo ko." Supladong sagot ni Aki sa pinsan.
"Ang advance ha?"
"Alam ko na kasi 'yang takbo ng utak mo!" Pagkatapos ay nilingon niya ko. Isang kurap lang, nagbago na naman ang ekspresyon niya. His eyes returned at me with gentleness.
"Let's go."
And he walked past me. Nagpaalam muna ako kay Darius at Amanda bago sumunod sa kanya. Bahagya ko rin sinilip si Aris at ung mga kalaro nila pero lahat kapwa abala sa mga girlfriend nila.
The reason why I liked Aki among Mirabuenos, he's not like most of his cousins. Alam niya ang salitang contentment at sincerity. Hindi ko ito sinasabi dahil gusto ko siya. I just heard that he loved his ex so much at hindi iyon tsismis. Three years naging sila at naghiwalay lang dahil pinili ng babae ang career nito. Since then, he never dated anyone. Magtotwo years na rin siyang single.
Rachel was beautiful, smart and talented. Kung ikukumpara ako sa kanya, ni hindi man lang ako makaabot sa one fourth na katangian nito. Kaya nagtaka ako kung bakit bigla niya na lang itong sinasabi sakin.
"I'm going to court you."
Kung ako lang ang nagmamaneho, baka kanina ko pa naapakan ang preno dahil sa pagkagulantang.
"What?"
Bigla akong nabingi sa sinabi niya. Oo! Inaantay ko nga ang malinaw na sagot pero hindi ko inaasahan na hindi ko pa rin pala ito magawang paniwalaan. Kahit sa mismong bibig niya na nanggaling, hindi pa rin ako makapaniwala.
"I know that you're not interested in dating but...please, let me court you." He uttered and took a glance at me. Hindi ako nagsalita. Nakatulala lang ako sa harap niya. Gulat na gulat sa biglaang pagtapat niya.
"I'm willing to wait, Rain. Until you get prepared."
"But why?"
"Do I need to think a reason for courting you?"
"Hindi naman sa ganon. I mean, we just...started to talk recently."
"So time does matter to you?"
Natigilan ako at napaiwas ng tingin.
"No." Dahil unang kita ko pa lang sayo, nagustuhan na kita.
"Darius is right. Magulo nga talaga ang utak ng babae." He shook his head as ghost smile escaped from his lips. Napanguso na lang ako at binaling ang tingin sa labas. Kinukubli ang pag-init ng aking pisngi dahil sa kilig.
Sobrang lakas din ng t***k ng aking puso. Ito ang nagpapatunay na totoo ang lahat ng nangyayari. 'Na hindi lang ito isang panaginip. That Achilles Mirabueno, my long time crush, is courting me. I can't believe! I can't believe that at last, fate chose the way I really wanted for so long..
"People always ask me how I was able to have so much success at such a young age. It's pretty simple actually. Over the years, I've simply dedicated myself to serving others but through a specific way. I started my first business in offering homemade food to my neighbors and friends...." Ani ng speaker sa harapan na hindi ko na nagawang sundan dahil sa pagvibrate at pag-ilaw ng aking phone sa loob ng hand bag ko.
Sinadya kong nakabukas ito para mapansin ko kaagad ang pagpasok ng notifs or messages mula sa kakilala. Bukod sa mga oras-oras na update ni Aki sa bakasyon nila, inaantay ko rin ang reply ni Summer at Dad. Three days na kasi ako dito sa Tokyo at ni isa sa kanila, hindi pa nakakatupad sa plano.
Achilles sent a photo.
I tapped the notification to open it. I protruded my lips in amusement when I saw the photo. It was his half body picture. He's wearing a polo shirt na coconut trees ang design. Nakaunbuttoned ang tatlo nitong butones kaya kitang-kita ang silver niyang kuwintas.
Naiinggit ako. Hindi dahil nag-island hopping sila sa Carles kundi sa katotohanang hanggang picture ko lang siya nakikita. Sigurado akong pinagtitinginan na naman siya. He's naturally handsome and it getting defined because of his style.
I reacted 'love' to his photo. Then another message popped up in my screen.
Achilles:
We're going back to Mina now.
Me:
Ingat.
Achilles:
•Geh.
•Hindi pa tapos ang seminar mo?
Me:
Hindi pa. Last na guest speaker na ung nagsasalita ngayon.
Achilles:
Alright then. Brb. Just chat me if you're already done.
Me:
Are you busy?
Achilles:
Nope. I just know that you're not allowed to use the phone during the seminar. I'm not going to spoil you. Kaya h'wag matigas ang ulo.
I bit my lower lip to stifle my smile.
Me:
You sounded like a father.
Achilles:
Yeah?
Typing....
Achilles:
A father of your children?
Halos mapabalikwas ako sa kinauupuan nang mabasa ang chat niya. I even chuckled without knowing that I did it. Naging aware lang ako no'ng napalingon sakin ang mga katabi ko. Ang iba ay kunot ang noo, ang iba naman ay pinandilatan ako.
"I'm sorry." I immediately apologized then shut my mouth shyly. Tinago ko rin agad ang phone ko bago pa man may makapansin. Baka kasi isumbong ako at makarating pa kay Dad. Siguradong malalagot ako.
Umayos rin ako sa pagkakaupo at handa ng makinig nang muli ko na namang maalala ang chat niya. Kinikilig akong nangingiti hanggang sa matapos ang seminar. Nawalan na ng pakialam kung mapagkakamalan akong baliw.
• • • • • •