INTENTION
"Hindi ba masarap ang pagkain? Sorry. Ito lang kasi ang pinakamalapit na restaurant sa school. Hindi ko na nacheck ung rate. I was in rush."
Umiling ako. "No. Okay lang naman ung pagkain. I'm just wondering...why we need to eat here when there's a cafeteria in school."
At panandaliang inikot ang mata sa paligid. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kaelegante ang restaurant na kinaroroonan namin. Sayang lang dahil wala akong panahong maappreciate ang bawat detalye ng disenyo nito.
"Because you don't want to be with me when we were in front of everyone." Aki replied frankly that made me halted for a brief moment. Hinanap ko ang kanyang mata at ni isa man lang ekspresyon mula dito. It stressing me out hearing his words while seeing his face without any emotion imprinted on it, at the same time. It made me think that all of this was just an illusion.
"Hindi naman sa ganon."
"Then what? You just don't like to see me around?" He asked bitterly.
My lips parted in disbelief. Hindi makapaniwalang ito ang tingin niya sa lahat ng ginagawa kong pag-iwas. Kung alam niya lang na hinahanap ko siya palagi kapag hindi ko siya nakikita.
"Bakit mo naman naisip 'yan? I'm just confuse why you are doing this." I muttered the last sentence and lowered my gaze as something came up on my mind. Kahit hindi naman alam ni Achilles ang nasa isip ko, nahihiya pa rin ako. Pakiramdam ko pinapangunahan ko siya.
"You act fine with my cousin but when it comes to me, you seems uncomfortable." Parang batang nagtampo ang naging dating ng tono niya sakin. Gusto kong matawa pero baka mairita lang siya at bigla na lang magwalkout.
Imbes inantay kong masubo niya ang pasta habang sinasalubong ang aking tingin. "Are you saying that I like Darius?"
"You're the one who says it ." He lazily replied yet irritation and bitterness filled his voice.
I bit my lower lip to stifle my smile. Binaba niya ang hawak na kutsara at bumagal ang pagnguya niya. Mukhang napansin ang pagpipigil ko. Sumandal siya sa backrest ng upuan habang pinaniningkitan ako ng mata.
"Darius isn't my type." Kasi ikaw ang type ko.
Heat boiled within me. Sinubo ko ang pasta boglonese ko sa tinidor para itago ang pamumula ng aking pisngi. Hindi ko talaga gusto ang paraan ng pag-iisip ko kapag siya ang kaharap ko. Nagiging naughty ako.
Hindi na siya nagsalita pa. Kaya ganon din ang ginawa ko. Napuna ko rin na medyo magaan na ang mukha niya although nando'n pa rin ang cold niyang aura. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon dahil ganon naman siya palagi.
After namin maglunch, bumalik din kami agad sa school. Naging busy kami pareho sa mga sumunod na oras gawa ng examination day. Hindi ko alam kung nakapagreview lang ba ko kaya ang dali ng mga exam o sadyang motivated lang ako na sumagot. Maaga kasi akong natapos compare sa mga kaklase ko.
Nasa parking lot na ko at nag-aabang sa pagdating ni Manong Dan nang matanaw ko si Darius at mga kaibigan niya na papunta rin sa kinaroroonan ko.
Hindi ko na siya tinawag pa dahil abala siya sa pakikipagkuwentuhan. Kaya nga hindi ko inasahan na mapapansin niya pa ko.
"Ulan!"
Napalingon ako sa kanya habang kagat-kagat ang ibabang labi upang pigilan ang pagsimangot. Nadatnan ko siyang mag-isa na lang at hawak ang seradura ng pintuan ng sasakyan. Bukas na ito at mukhang papasok na siya. Napahinto nga lang marahil ay nakita ako.
"Sama ka?" Sigaw niya since tatlong sasakyan ang pumapagitna sa puwesto naming dalawa. "Nightclub kami mamaya kasama si Kitten at Aris."
Ayokong sumigaw kaya umiling na lang ako bilang pagtanggi. Kahit gustuhin ko man na makasama sa kanila, siguradong hindi papayag si Nanay Edith. Besides, feeling ko maa-out of place lang ako roon. Hindi ko naman kasi kilala ang mga circle of friends nila.
"Oo nga pala. Strict nga pala ang parents mo." Tawa niya saka kumaway sakin. "Una na kami."
Kumaway ako pabalik at matipid na ngumiti. He take it as cue to continue what he's about to do a while ago. Pumasok siya sa front seat at maya-maya lang ay kumilos na ang sasakyan. Hindi ko na ito nagawang sundan pa ng tingin dahil lumipat agad ang aking mata sa paparating na sasakyan...
Napamulat ako ng bahagyang maramdaman ang paglapat ng sinag ng araw sa aking mukha. Bumungad sa akin ang tanawing palagi kong nakikita sa paggising ko.
Sa kabila ng nagtatayugang pine trees na nakatirik sa bawat gilid ng daanan ng subdivision, hindi no'n napigilan ang pagsilip ng sibilisasyon mula sa aking kinahihigaan. Gumalaw ako upang gawing unan ang aking palad habang pinagmamasdan ang pagsayaw ng kurtina sa bawat pag-ihip ng hangin.
This is why I chose to live here. Every time I woke up in the morning, magandang tanawin agad ang bubungad sakin. Bata pa lang ako, ito na ang palagi kong nakikita pero kahit kailan hindi ako nagsawa na panuorin ito ng paulit-ulit.
Kung hindi pa kumatok si Nanay Edith sa pintuan, hindi pa ko babangon. I don't know why I still felt sleepy. Maaga naman akong natulog kagabi. Perhaps I was totally drained for the past week. Sobrang dami ko kasing iniisip bukod sa pagrereview ng exam. Buti na lang, natapos na ang lahat.
"Nasa hapag na ang breakfast mo. Kumain ka na."
Huminto pa talaga si Nanay Edith sa pagwawalis sa sala para lang tingalain ako na bumababa sa grand staircase.
"Kayo po? Kumain na po ba kayo? Magandang umaga po pala." At tuluyan na kong nakababa. Tuluyan din siyang huminto sa pagwawalis. Inutos at ipinatuloy niya na lang ang ginagawa sa isa pa naming katulong. Sumabay na siya sakin patungo sa kusina.
"Kanina pa ko kumain. May pupuntahan ka ba?"
"Wala po. Sa Monday pa po ako babalik ng school." Iling ko at naupo sa harap ng counter kung saan may nakahain ng almusal. Biglang kumalam ang sikmura ko lalo na't nakita kong toasted bread, bacon and fried eggs ang nakalagay sa pinggan. Sinimulan ko iyong lantakan habang nakikipag-usap kay Nanay Edith.
"Nakakuha ka na ba ng ticket papuntang Japan?"
"Opo. Sa tuesday po ang alis ko."
"Mabuti naman. Pero teka...natanong mo na ba si Summer kung sasama siya sayo?"
"Mamayang gabi ko na po siya tatawagan. Baka tulog na iyon ngayon."
"Ikaw ang bahala. O s'ya, tapusin mo na yan at dito muna ako sa hardin."
Ngumiti ako bilang tugon pagkatapos ay binalingan ang aking pagkain. Siya naman ay umalis upang tumungo sa hardin katulad ng sinabi niya.
It's already semestral break but I'm not going to Tokyo for a vacation. I will go there to attend a business seminar and leadership training. Utos iyon ni Dad kaya anong magagawa ko? Not that I don't like it even I have a choice. I understand my father's intention. It was for my own good in the first place.
The reason why I'm taking business ad is because he wants me to take over our company in the near future. Dapat talaga si Kuya Skyler dahil nag-iisang lalaking anak siya at panganay pa but he refused. He chose to enter in music industry with his bestfriend Blake in South Korea. Hindi naman mali ang naging desisyon niya. Nagbunga naman kasi ang katigasan ng kanyang ulo. Now, he had a band and it was extremely popular around the corner.
"Bakit po kayo ang gumagawa n'yan? Nasan po si Ate Elsie at Ate Layla?" Bahagya kong tanong nang madatnan si Nanay Edith na nagdidilig ng halaman. Mabilis kong tinapos ang aking breakfast at lumabas para magpahangin. Ang hardin namin ay nasa gilid lang ng bahay. Nabanggit niya na dito nga siya pupunta kaya dito na rin ako tumuloy.
"Naglilinis si Elsie sa kwarto ni Winter, pinapunta ko naman sa mall si Layla para maggrocery." Agad na sagot niya ng hindi ako nililingon. Gumalaw siya upang lumipat sa isang hanay ng mga bulaklak para roon magdilig. Kumilos din ako para sundan siya.
"Ako na po n'yan." Sabay muwestra ng aking palad sa harapan niya. Umiling siya.
"Ako na. Magpahinga ka na lang." Pagkuwa'y tinalikuran niya na naman ako. Sumimangot ako habang marahang hinihimas ang aking noo.
"Lagi na lang po akong nagpapahinga. Hayaan niyo na po akong tumulong. Mabobored lang ako sa loob."
"Lagi? Ni hindi ka nga nagpapahinga. Puro aral lang ginawa mo nitong buong linggo. Bakit hindi ka maglibang sa labas kasama ang mga kaibigan mo? Mamasyal ka. Magshopping."
May dumaang lungkot sa aking dibdib pero hindi ko hinayaang maapektuhan ako nito.
"Magagawa ko naman po iyon sa Japan at kasama pa si Summer."
"Hindi naman bakasyon ang punta mo roon. Ewan ko ba kay Richard kung bakit pilit ka niyang pinapasok sa business-business na yan. Masyado ka pang bata."
Natawa ako ng makita ang pagsalubong ng kanyang kilay habang nakapameywang. Akala mo naman ay nasa harap niya si Daddy para manermon.
"Nay, kalma lang po. Baka atakihin kayo n'yan." Biro ko na ikinaismid niya. Sinarado niya ang gripo ng hose at binaba ito saka tuluyan akong hinarap.
"Itong batang ito. Ginagawa na kong matanda." I chuckled the moment she glared at me. She even pinched my cheek that made me groaned scowlingly.
"Naiinis lang ako sa Daddy mo. Ganon din sa mga kapatid mo. Bakit kasi hindi na lang sila dito nag-aral? Bakit ka nila hinayaang mag-isa rito? Paano na lang kung mawa—"
"Nay?!" Putol ko sa akma niyang sasabihin. Alam ko na kasi kung saan ang patutungohan ng usapang ito. "Don't say that. Binabawi ko na po ang sinabi ko kanina. Bata pa po kayo at...kayo po ang maghahatid sakin sa altar kapag kinasal na ko sa mayamang lalaki."
And the image of him flashed on my mind so sudden. Naguluhan ako bigla kung bakit bigla na lang siyang lumitaw sa isip ko gayong hindi ko naman siya iniisip. Subalit may sariling utak ata ang aking katawan. It reacts the way it want.
"Naku kailan pa kaya 'yon? Eh bente anyos ka na pero wala ka pa rin pinapakilalang boyfriend sakin."
"Malapit na—I mean..." Gad Rain! Muntikan ka na! "..uhh ang ganong bagay po ay hindi minamadali. Kayo na po ang mismong nagsabi no'n."
Humalakhak siya. "Napakamasunurin mo talagang bata pero...ang konting katigasan ng ulo ay hindi naman masamang ideya."
"What does it mean? Are you going to—" I have the big smile while talking to her but eventually, it faded. Everything was light and genuine. I never thought that it would change in instance.
Mabilis na dumapo ang kanang palad ko sa aking bibig ng makita ang sariwang dugo na tumulo galing sa kanyang ilong.
"Anong problema?"
Hindi ako nakasagot. I was looking at her nose the whole time, too stunned and scared. Her smile vanished. Perhaps because of my reaction and the way I gazed at her.
She slowly hold her nose. Maybe she already felt that there is something wrong there. Afterwards, she looked upon her fingers. It was blood but I don't understand why I can't see any hint of shock or uneasiness coming from her.
"Ano ka ba, Rain. Wala lang ito." Kinuha niya ang puting panyo sa bulsa saka marahang pinunasan ang kanyang ilong. "Wag kang mag-alala, epekto lang ito ng abnormal na panahon."
It explains the reason why I'm already anxious and extremely panicking while she's just taking everything lightly.
Lumingon siya sakin at ngumiti. It was a smile with assurance. Ilang beses niya pang sinabi sakin na okay lang talaga siya pero hindi ako nito nagawang kumbinsihin.
I called Dr. Angeles right after. She's our family doctor. Chineck up niya si Nanay Edith. Saka lamang ako naging panatag no'ng sinabi niyang okay lang ito. Nanay Edith even teased me for being worrisome for nothing. Aside from that incident, nothing happened next..
"Sasama ka ba sa Tokyo?"
Tumaas ang kilay niya sa tanong ko. She even crossed her arms and gave me a morose look.
"Sinabi ko na kay Dad na hindi ako makakasama."
"Bakit?"
"Iba ang semestral break ng America sa Pilipinas. Besides, marami pa kong inaasikaso dito."
"It's just a week. Hindi ba talaga pwede?"
"Second version ka na rin ba ni Winter?" She asked instead of answering my question. Daglian akong kumurap ng suminghap siya at pinukolan ako ng madilim na titig. She's mean!
"Okay." I uttered lively even though sadness already poured me inside. "Hindi na kita pipilitin."
I even smiled just to show her that it's okay. That she can do whatever she wants to do. Alam ko na naman na tatanggi siya. For business purposes lang naman kasi ang punta namin doon. If it was a vacation, maybe she will come.
Subalit mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi o ekspresyon ko? Hindi kasi maganda ang naging timplada ng kanyang mukha. My smile must come off horribly. She heaved a deep sigh and looked at me with complicated eyes.
I bit my lower lip because I felt that it was my fault. Nadistorbo ko pa ata siya sa ginagawa niya para lang yayain sa isang bagay na hindi naman siya interesado.
"I'm sorry. It's—"
"Did someone told you already that you are good at causing guilt?"
My forehead barely creased. Naguguluhan kong sinalubong ang kanyang mata. Nagugulat sa bawat pagtanong niya na wala namang kinalaman sa topic na pinag-uusapan namin.
"I wonder, what kind of situation you have been facing all these years?" Dagdag niya pang turan, hindi na ko binigyan ng pagkakataong sumagot sa nauna niyang tanong. But the second one made me paused and think a valid excuse quickly.
Iba rin kasi ang instinct ni Summer. She can easily read your thoughts through your action. At mabilis siyang manghinala o nakakaamoy kapag may maling nangyayari. Kaya maingat ako pagdating sa kanya. Besides, ayoko ng idamay pa siya sa issue ko sa sarili ko. Iba siya magalit. She's fearless and quite brutal.
"Okay lang naman." I thanked myself for not shuttering in front of her.
"Really?"
Tumungo ako. "We're already in college, Sam. Such things in grade school doesn't exist anymore. And...MIU was a good and noble university."
Her brow still furrowed. Akala ko ay hindi pa rin siya maniniwala kasi ginalingan ko na ang pagsisinungaling. Sayang naman ang effort kapag nagkataon. Thankfully, she did.
"Naninigurado lang. Most of the bitches and assholes were hidden in noble place."
Kahit ugali na talaga ni Summer ang magmura at magsalita ng masama. Hindi pa rin talaga ako sanay. Wala naman akong magagawa kundi iiling na lang ang disappointment. Wala rin naman siyang pinapakinggan. She always do what pleases her.
"I'm sure most of your schoolmates are bragging about their crown and treasures. Your university sucks. I don't get why you chose to study there." Irap niya na ikinanguso ko na lamang. Halata naman sa mukha niya na marami pa siyang sasabihin ngunit hindi ko alam kung bakit bigla na lang siya nagpaalam.
"I need to go, Zscharina. I will try though if I can insert that damn seminar on my sched."
"Okay. Bye." I nodded and smiled slightly. Hindi na pinigilan ang kapatid. Ako na rin ang nagbaba ng tawag. It's already 9:00 o'clock in the evening here so basically, it was 8:00 am there in Florida. It's either she will go to school or going to practice a soccer.
Tulala kong pinagmasdan ang screen ng laptop kung saan ang wallpaper ay family picture namin hanggang sa namatay ang ilaw nito. Pagkatapos umalis ako sa pagkakadapa sa kama at pinili na lamang na tumihaya at titigan ang puting kisame.
Hindi rin naman nagtagal ang pagmuni-muni ko dahil pagkalipas ng ilang sandali, umilaw ang laptop sa pagpop up ng notifications.
Achilles Knoxx Mirabueno sent you a friend request.
Bumangon agad ako sa kama at nag-indian sit sa harap ng laptop. Binuksan ko ito at in-accept ang friend request ni Aki sa f*******:. Hindi ko maiwasang mapakagat sa aking ibabang labi sa kaisipang may plano ata siyang alamin ang lahat ng social media accounts ko. Hindi na ko magtataka kung makikita ko rin ang pangalan niya sa notif ko sa Twitter psh!
Hindi ko alam kung ano ang intensyon niya. Sa isang bagay lang ako sigurado. Unti-unti akong umaasa at alam kong masasaktan ako ng sobra kapag nagkataong hindi pala kami pareho ng iniisip.
"Hindi sasama si Summer?" Bahagyang tanong ni Nanay Edith sa kalagitnaan ng pag-iimpake niya ng mga susuotin ko sa Japan.
"Hindi po ako sigurado nay eh. Mukha kasi siyang busy." Tumigil ako sa pagsuklay sa mahaba at mamasa-masa kong buhok para lingonin siya.
"Busy? Baka naman bumalik siya sa dati niyang gawi. Paano ka roon? Mag-isa ka lang."
"Pupunta naman daw po si Daddy kaya hindi ako mag-iisa roon."
"Sana nga. Kung pwede lang ako sumama, sasamahan talaga kita. Kaso ang dami kong aasikasuhin rito eh."
Napangiti na lamang ako sa pagiging concern ni Nanay Edith. Hindi ko maiwasang maflattered habang tinititigan siya mula sa repleksyon niya sa kaharap kong salamin.
Hindi man kami magkadugo, she still my mother. I loved her so much that I can't live without her. Alam ko naman na dadating sa puntong iiwan niya rin ako pero gusto ko nasa tabi niya ko kapag nangyari 'yon. At alam kong hindi rin iyon ngayon. She is still strong in the age of sixty. She's going to live farther.
"Hanggang anong oras ka?"
"Sandali lang po. Kikitain ko lang po ung prof ko sa isang subject ko."
"Sige. Mag-ingat ka, text mo na lang ako kung pauwi ka na."
She's already done in packing my clothes. Tinutulungan niya na ko ngayon na i-hairblower ang aking buhok. She even combed it gently afterwards.
"Thank you po." I gratefully said. She smiled and caressed my cheek as she voice out her words.
"You're grown up now. Kailan ko kaya mamimeet ang boyfriend mo?"
"Nay? Wala po akong ganon." Gulat kong paliwanag. Bahagya rin akong lumayo sa kanya at nag-iwas ng tingin.
"Hindi ako naniniwala. Ramdam ko kung may nililihim ka. Nakalimutan mo bang ako ang nagpalaki sayo?"
Humalakhak ako at lumapit sa kanya para yakapin siya. "Why would I forget it? Buong buhay niyo po, inalagaan niyo ko ng mabuti. And I'm forever grateful for that."
"Naku nagdrama na naman ang aking dalaga." Sabay kurot sa aking tagiliran na ikinanguso ko. I even glared at her for doing that. She just chuckled and teased me more.
Pasado alas nuwebe na ng makarating ako sa school. Kaunti lang ang estudyante na bumalik since semestral break na. Baka ang iba ay lumipad na sa kung saan-saan para magbakasyon.
Bukas na ang flight ko at hanggang ngayon, wala pa rin akong natatanggap na kompirmadong sagot mula kay Summer. Maybe mag-isa na lang talaga ako bukas.
Dumiretso ako sa faculty since si Miss Cagara naman ang ipinunta ko rito. Nagpatulong siya sakin sa pagrecord ng exam scores. Wala namang problema iyon sa akin dahil kung tutuusin, light lang naman ung trabaho.
Almost three hours ata akong nakaupo lang at kaharap ang laptop. Saka lang ako tumayo nang nakaramdam na ko ng gutom.
Wala ung mga professors dahil nagkaroon daw ng urgent meeting sa dean's office. Naiwan lang ako sa faculty kasama iyong mga estudyante na nakaimmersion sa mga professors.
"Ikaw di ba ung girlfriend ni Aki?" Harang sakin ng hindi pamilyar na babae bago pa man ako makalabas ng faculty. Balingkinitan, maputi at masasabi kong may ibubuga ang mukha niya.
Nagtataka akong umiling. Una, dahil sa tinanong niya na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Pangalawa, ayokong magsalita dahil kahit ako hindi sigurado kung ano nga ba talaga kami ni Aki.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
"Really? E bakit magkaholding hands kayo no'ng nakaraan? Even friends didn't do that."
Napaawang ang bibig ko, hindi makapagsalita dahil sa sunod-sunod niyang tanong. Hindi ako makakapa ng sagot. My throat suddenly felt dry. I can't swallow because it was hard for me.
"Uh.."
She arched her brow more, demanded me to answer her immediately. Naiwan sa ere ang sasabihin ko nang may nauna ng nagsalita mula sa aking likuran.
"Hey, Myra! Stop it."
Kasabay ng pagsimangot ng kaharap ko, ang pagsulyap ko sa likuran. Nadatnan ko roon si Ranz, isa sa mga kasama ko sa theatre club, na kunot noo ang mukha. Subalit nang maramdaman niya ang pagbaling ko sa kanya, he briefly smiled.
"Don't mind her. Mahilig kasi ito makinig sa mga tsismis." Aniya saka inakbayan si Myra. Sumalubong ang kilay nito na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Ranz.
"It's not just a nonsense gossip Ranz. You even saw—" Hindi niya na nagawang ituloy pa ang sasabihin nang inagaw ni Ranz ang aking atensyon.
"You can go Rain."
"You know her?" Umalis sa pagkakahalukipkip si Myra at kuryosong nilingon ang katabi. Imbes na balingan siya pabalik ni Ranz at sagutin ang kanyang tanong, Ranz talked to me as if I'm the one who's talking to him.
"Let's talk some other time."
Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa dalawa bago ako nagpasyang iwan sila. May narinig pa ko na sinabi ni Myra ngunit hindi ko ito nagawang maintindihan. I even heard Achilles' name or maybe I just heard it wrong?
• • • • • •