ASSUMPTIONS
"Kalma Rain." Bulong ko sa sarili habang papalapit ako ng papalapit sa classroom. Wala naman itong naging talab. Mas lalo lang nadagdagan ang kabog sa aking dibdib imbes na kumalma. Napahawak pa ko ng mahigpit sa shopping bag na hawak ko.
It's funny somehow that I'm being anxious for nothing. Bakit nga ba nakalimutan kong lagi siyang late pumasok? Masyado ba kong excited kaya nalimutan ko?
Naiiling akong umupo sa upuan ko at nilabas na lamang ang notes ko habang inaantay ang pagdating ni Miss Cagara. Ramdam ko kasi na mas mauuna pang dumating ung instructor namin kaysa sa kanya.
"Really? Bakit hindi niya na lang tanggapin that you dumped him? He's crazy."
Napaayos ako ng upo ng marinig ang boses ni Nathalia. Pagkapasok niya pa lang sa hamba ng pintuan, nagkasalubong na agad ang mata naming dalawa. Wala akong pinalagpas na oras, iniwas ko agad ang aking tingin. Nahagip ko pa ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi niya na may kasamang panunudyo.
"I don't know. He even punched Leonard as if he was my jealous boyfriend." si Suzzy.
Tahimik akong tumikhim at nagpasyang balewalain si Nathalia kahit na sinadya niyang banggain ang upuan ko sa pagdaan niya. I guess, hindi naging sapat ang sorry ko sa kanya sa text. Like the usual. Ano pa nga bang bago, Rain? Hayst!
"Here." Si Kyla sabay abot ng portfolio sa akin. Huminto ako sandali sa pagliligpit ng gamit ko at kinuha ang inaabot niya. Saka siya muling nagsalita nang sa kalagitnaan na ko ng pagtsitsek ng gawa niya. "Inantay kita na kunin yan no'ng Friday dahil sinabi mo na papunta ka na. Wala akong natanggap na reply after kong magsend ng maraming text."
"I'm sorry. May emergency kasi ako that time. Naghintay ka ba ng matagal?"
"Luckily not. Nasabi ko ba sayo na hindi ako marunong maghintay." She said that lessened my guilt. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo dahil siguradong galit na galit siya ngayon kung sakaling inantay niya nga ko na dumating noong biyernes.
Sinundan ko si Kyla ng tingin nang tinalikuran niya ko at bumalik sa kanyang upuan. I'm about to retract my eyes from her when it bounce back to an empty chair next to her.
First period pa lang na hindi siya pumasok, alam ko ng hindi na siya papasok sa second at last subject for morning class. Ni hindi ko man lang nakita ang anino niya. I wonder if something happened to him? Sana wala. Alam ko naman na wala akong karapatang mag-alala sa kanya pero hindi ko maiwasan. It's bothering me not to see him around.
"Hindi mo naman sinabi na maganda pala ang boses mo."
Mabilis kong tinanggal ang nakapasak na earphone sa aking tainga nang makarinig ng palakpak mula sa aking likuran. Taka ko iyong nilingon at bahagyang nagulat nang mapagtanto kung sino ito.
"Uhh..kayo pala." Then I shifted my weight a bit. Mariin din akong napakagat sa ibabang labi dahil masyado ata akong nacarried away sa kantang pinapakinggan kaya napalakas ang pagkanta ko. Bigla tuloy akong tinamaan ng hiya sa katotohanang narinig nila ko. Kung pwede nga lang tumakbo, baka kanina pa ko napakaripas.
"Ngayon alam ko na kung bakit pati pictures mo nakaprivate." Ngisi ni Darius pagkuway tumabi sakin. Umusog ako ng bahagya kasabay ng pag-iwas ko ng tingin dahil sa sobrang kahihiyan. Si Aki naman ay nakatayo lang at mukhang bad mood na naman. Gusto ko sanang tanungin kung bakit siya absent kaninang umaga pero baka balewalain ako.
"Thank you rin sa maraming hearts." Tawa pa ng katabi ko. "Gusto sana kitang i-heart back kaso ni isang pictures mo, wala akong makita."
"Uh..hindi kasi akong mahilig sa publicity." Sagot ko pero ang isip ay lumilipad sa katotohanang masyado atang masaya si Darius ngayon kumpara noong biyernes. He smirked and chuckled a lot today and I don't know what was the reason. Ibang-iba kay Aki na mukhang pinagbagsakan ng langit.
"Halata nga." Pagkatapos ay tiningala niya ang pinsan. "Magsusundalo ka ba Kitten? Umupo ka rito. Ayokong nakikita kang nahihirapan."
At humagalpak na naman siya. Kahit kumalabog ang dibdib ko sa kadahilanang baka umupo siya sa kanang tabi ko since iyon lang ang bakante, hindi ko pa rin maiwasang ngumiti sa pambobola ni Darius sa kanya. Ngayon aware na kong ganito ang ugali ng pinsan niya sa lahat ng tao. Naiintindihan ko na rin kung bakit ang daming nagkakagusto dito. Sobrang light niya kasi kausap although pambobola ang madalas na lumalabas sa bibig niya.
Humalukipkip si Achilles at walang ekspresyon niyang sinulyapan ang bakanteng puwesto. Halata rin ang pag-aalinlangan sa kanyang mata lalo na't napansin niya ang panunuod ko sa kanya.
"Uh...I think, I should go." Paalam ko pagkuwa'y tumayo. Medyo nauutal pa ko gawa ng panititig ni Aki sakin.
"Huh? Mamaya pa naman ang klase mo ah." Si Darius na sumilip pa sa wristwatch niya.
"Naalala ko, may gagawin pa pala ako." Pagsisinungaling ko na mukhang nahalata pa ni Achilles dahil sarkastikong umangat ang gilid ng labi niya. Nag-iwas kasi agad ako ng tingin at napakagat sa ibabang labi.
Nagkunware akong hindi ko iyon nakita. Dali-dali akong tumalikod after kong magbabye sa kanila. Hindi na hinayaan pang makapagsalita ulit si Darius.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko habang naglalakad palayo. I even felt his menacing eyes watching my back. Nakoconscious tuloy ako sa bawat paghakbang ko. Palihim akong nagpasalamat na nakaapak na ko sa hallway ng COB na masyado ng malayo sa puwestong kinalalagyan nila para matanaw pa ko.
Huminto ako sa side ng hallway at malalim na bumuntong hininga upang ikalma ang aking sarili. I'm about to take a step when something flashes on my mind.
@aki.mirabueno messaged you.
aki.mirabueno: Rain?
"How's your elbow?"
I'm in the middle of organizing my reviewer when a familiar voice interfere. Natigilan ako at bahagya iyong tiningala. Kahit na inaasahan ko na si Achilles ang makikita ko. Kumurap pa rin ako ng ilang beses para makasigurado na tama ang nakikita ng mga mata ko.
"Uhh...pagaling na." Mahina kong tugon lalo na ng mapansin ko ang pag-angat ng kilay ni Nathalia.
Isa pa, sa aming dalawa siya pa itong mukhang hindi makapaniwala na kinakausap ako ni Aki ngayon sa harap ng mga kaklase namin na dapat ako ang mayroong ganong reaksyon.
"Alright then." He said the moment our eyes met. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba na nakitaan ko siya ng iritasyon at kabiguan dahil okay naman ang ekspresyon niya nang tinalikuran niya ko.
Dumiretso siya sa kanyang upuan. Hindi ko na nagawang sundan pa siya ng tingin. Halos lahat kasi ng kaklase ko kuryosong nakabaling sa amin.
Isa rin ito sa dahilan kung bakit kailangan kong magkunwareng hindi ako interesado kay Achilles. His existence is taking too much attention. Konting interact lang ng katulad ko sa kanya, nagiging issue na. Pakiramdam ko nasa hot seat ako lalo na't bulgar kong tumingin ng matalim ang mga babaeng kaklase ko. It's like they're going to eat me alive anytime.
arguellesrain: Pwede ba tayong magkita sa rooftop?
Ilang beses na kong nagtipa ng mensahe para sa kanya pero palagi itong nagtatapos sa pagbubura. Dalawang minuto ang lumipas bago ako nagpasyang tuluyang magsend ng isa. At kapag wala akong natanggap na reply mula sa kanya, ipagpapabukas ko na lang ang pagsauli ng kanyang panyo at ng jacket. Baka kasi may gagawin siya ngayon, nakakahiya naman kung pipilitin ko siyang makipagkita sakin.
However, he replied. Naglalakad na ko sa hallway nang magnotif sakin ang mensahe niya. Napanguso ako ng mabasa ito.
aki.mirabueno: k
"Tipid naman." I mumbled to myself as I walked towards the stairway. Tahimik akong pumanhik pataas habang marahang siniswing ang kamay na may hawak ng shopping bag. Medyo konti na lang ang estudyante dito sa building ng COB. Kanina pa kasi nag-uwian ang ibang section.
Saktong 5:30 ng hapon nang makarating ako sa rooftop. Inaasahan ko ng mauuna ako sa kanya dahil umalis siya agad pagkadismiss ng klase kanina. Kaya hindi ko nagawang maibigay sa kanya ung gamit nila. Hindi ko rin siya matawag-tawag o mapigilan sa pag-alis dahil sa taong nakapaligid samin. Hindi ko nga rin inasahan na papayag siyang makipagkita sakin ngayon. Akala ko kasi umuwi na siya agad. Nagbakasali lang talaga ako.
One, two, five minutes na paghihintay, patayo-tayo at pabalik-balik na paglalakad ang ginawa ko. Maya-maya rin ang pagsulyap ko sa aking phone para i-tsek kong may mensaheng pumasok. Sa huli, tinungo ko ang banister ng rooftop at sinilip ang malawak na tanawin sa baba. Ito ang naging dahilan kung bakit nalibang ako at panandaliang nakalimutan ang paghihintay.
"Thank you dito. Don't worry, nalabhan na yan." Sabay abot ko sa kanya ng shopping bag na kaninang umaga ko pa dala-dala. Sa halip na tanggapin, sinilip niya lang ito ng wala man lang ekspresyong makikita sa kanyang mukha. Yet the moment he looked at me, I saw how his pair of brown eyes shadowed by dire coldness. It sent shivers to my spine. I can't help but bit my lower lip.
Umismid siya. "We went all the way here just because of that?"
"Sorry. Hindi ko nagawang ibigay kanina. Bigla ka kasing umalis. And...I don't want them to see us talking."
"I know it. You hated to talk with me in front of them." he uttered bitterly.
"Hindi sa ganon. It's just..."
"It's just what?" He arched his brow, obliged me to continue whatever I'm trying to explain. Imbes na sumagot, napatikom na lamang ako at napaiwas ng tingin nang makita ang suplado niyang mukha. Hindi ko tuloy maiwasang magtanong kung ano ang problema niya? Kaninang tanghali pa siya ganyan.
He heaved a deep sigh after a moment of silence. Ito ang dahilan kung bakit bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Keep it or you can use it if you want." Tukoy niya sa shopping bag na dala kung saan nakalagay ang panyo niya at jacket ni Aris. This time, mahinahon na ang mukha niya. "Hindi nagsusuot si Aris ng damit na ginamit na ng iba."
Kumunot man ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tumungo na lang ako at hindi na tinanong sa kanya ang pagbago bigla ng mood niya. "Ah.."
And again, silence enveloped between us. Kung kami lang ang artista na gumanap sa movie na 'The Quiet Place', siguradong pareho kaming mabubuhay. Napakatahimik na nga, sobrang awkward pa.
"Aren't you going to say something?"
"Uh..wala naman."
He hissed. "Kapag si Darius ang kaharap sobrang daldal."
"Huh?"
"Nothing. I will leave now." Suplado niyang sagot pagkuwa'y tinalikuran ako. Naguguluhan ko siyang sinundan ng tingin. Takang-taka sa mga kinikilos niya.
Seriously? Anong problema niya? Napakagulo niya kumilos. Ang bilis pa magbago ng mood. Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya psh!
"Uy Rain, may notes ka sa Marketing Management?" Kalabit sakin ng aking katabi. Tinanggal ko ang nakasapak na earphone sa aking tainga at panandalian silang sinulyapan ng kasama niya.
They both smile widely like it was their tactic to persuade me. I left no choice but to let them borrow my notes. Tutal tapos ko na naman iyong reviewhin.
"Thanks."
Tumungo na lang ako saka muling bumalik sa dati kong ginagawa. Nilakasan ko ang volume ng aking phone at nagpakalunod sa mga soft music sa iTunes.
I was on that peaceful position for almost whole fifteen minutes until someone cross halfway. Hindi ko naman sana iyon papansinin kung hindi ko lang kilala ang bulto.
Mabilis ko iyong nilingon at nadatnan ang taong inaasahan kong makita. Hindi ako pinatulog ng mga tanong sa aking isipan kagabi kahit anong pilit ko sa sarili na huwag itong isipin. Gusto ko siyang kausapin at tanungin kung may problema ba kami pero hindi ko nagawa. I'm too nervous to do it. Hindi rin ako sigurado kung magkaibigan na ba kami o magkakilala lang.
Kasabay ng aking pagharap sa unahan, ang malakas na paglagapak ng mga librong hawak ni Amanda. Nilagpasan kasi siya ni Nathalia at bahagya pang tinabig kaya ganon ang naging resulta.
"Hey!"
"What?" It was a lazy voice of Nathalia. There's no emotion expressed in her face but logically, Amanda's hawk eyes faded.
"Wala." Pagkuwa'y dinampot na lamang ang mga nahulog na libro. Binalik ni Nathalia ang tingin sa harapan, unfortunately nagtama ang mata naming dalawa. The sharp stares of her made to infiltrate in my whole system. It was the reason why I took away my sight from her. And that's when her brow crooked with insult.
Akala ko ay hihinto talaga siya sa gitna the whole minute para lang titigan ako ng masama. Buti na lang at napagpasyahan niyang magpatuloy sa pagpunta sa upuan niya.
I took a deep breath because of intense atmosphere between us. I remembered suddenly about what she told to me. She is right. Sa aming dalawa, ako talaga itong nakakaawa. I'm indeed a loser with the thought that I'm better than her. Ni hindi ko nga aakalain na ganito pala ako kaassumera.
It took so long before I could pull myself from deep thoughts. Umiling ako kasabay ng pagkalimot sa lahat ng bumabagabag sa aking isipan. That's right, Rain. Let's forget everything and focus instead to your studies like you always did.
"You must put your bag under your chair. Handkerchief is not allowed. What I only see in your arm desk are this test paper..." sabay pakita samen ng exam sheet ni Miss Pueblo. "..and your ballpen. Is that clear?"
"Yes prof!" Half of the class said, ang iba naman ay tumungo lang.
"Asking your classmates or even glancing at them will considered as cheating. Let's start!"
She started to distribute those exam sheets. Mayroon kaming one hour and thirty minutes para sagutan ang mga tanong sa pagsusulit.
Hindi naman mahirap masyado dahil pinag-aralan naman ang mga nakalagay, at least maybe me for me. Ewan ko lang sa mga kaklase ko. The same with second subject before break time.
"For all those who finished, you may pass your exam sheets and leave this room."
Pagkatapos magdeklara ni Miss Cagara, tumayo ang ilan sa mga kaklase ko kasama iyong katabi ko sa kaliwang banda.
Wala naman akong planong tingalain siya kung hindi lang ito huminto sa aking harapan. Nadatnan ko siyang nakatingin sa bandang likuran ko. Out of curiosity, sinulyapan ko iyon at nakita si Aki na papalapit.
Agad akong nag-iwas ng tingin bago pa man siya tumingala mula sa pag-aayos ng strap ng kanyang backpack. I know that he caught me but I chose to pretend and act innocently.
Nilagpasan niya ko pati si Aika na huminto pa talaga para lang paunahin siya. Pinasa niya ang hawak niyang exam sheet kay Miss Cagara saka dumiretso palabas.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa aming dalawa. Everything changed so fast. Parang kahapon lang, nagkapalagayan na kami ng loob then lumipas ang isang araw, bumalik ulit kami sa dati. We're complete stranger again.
Nawalan na rin ako ng pagkakataon na makausap siya. I don't know if it was a pure coincidence that we don't see each other even we're classmate o sinasadya niya talaga na iwasan ako? I'm not sure though kung ano ang sasabihin ko kapag nagkausap kami. Hindi ko talaga kasi alam kung ano ba talaga ang naging problema naming dalawa.
"It seems that you will perfect the exam." Nakangiting wika ni Miss Cagara pagkatapos niyang pasadahan ng tingin ang mga sagot ko sa exam sheet. Kanina pa naman ako tapos pero ngayon ko lang napagdesisyunang tumayo at ipasa ang exam sheet ko. Sa malapit na bench lang naman ako kakain kaya hindi ko na minadali ang sarili.
"Uhm..Hindi naman po!" Nahihiya kong tugon pagkuwa'y umiwas ng tingin. I saw her smiled teasingly from my peripheral view habang kinukuha niya lahat ng exam sheets sa kaharap na desk. Ako ang pinakahuling nagpasa ng exam sheet kaya kaming dalawa na lang ang natira ni Miss Cagara dito sa classroom.
"Hindi ka ba pupunta ng cafeteria?" She asked without looking at me. Sumulyap ako sa kanya at sandaling natigilan. Niyakap niya ang mga exam sheets pagkatapos ay hinarap ako para kunotan ng noo.
Umiling ako. "D'yan lang po ako sa labas kakain."
"Okay. I'll go first then."
I slight smiled as reply. She nodded then leave me right away. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumirmi ang aking mata sa lalaking nakasalubong niya sa pintuan.
Pinadaan siya ni Aki na kuryoso niyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi rin ako nakatakas sa kanyang paningin. Pinaningkitan niya ko ng mata na para bang tinatanong niya if may something samin ni Aki. I thought, it was going to stay in her mind. That question. So I caught off guard when she expressed it verbally.
"He's courting you?"
"Po?"
"My instinct was right. You're waiting for someone that's why nagpahuli ka sa pagpasa kahit kanina ka pa tapos." The way she jump into conclusion made me speechless. I don't get why she can't see how bewildered I am when it was very visible on my face.
"Then I will leave you both."
Nawala na ko ng pagkakataon pang itama ang iniisip niya nang tinalikuran niya na kami ni Aki. She even grinned from ear to ear as if she's watching a romantic scene before leaving us.
"I'm sorry." It was for creating a misunderstanding in front of our instructor. It's up to him though if how he would take my sorry for. But look like it doesn't matter to him kasi parang wala siyang narinig. Iba kasi ang sinabi niya na s'yang dahilan kung bakit muli akong maguluhan.
"Let's go."
"Saan?"
"Hindi ka ba kakain?"
"Kakain pero..." Nag-aalinlangan kong wika saka matapang na sinalubong ang kanyang mata. I couldn't tell what he is thinking right now because of his expression. It was neutral since he went back here. At hindi man lang ito nagbago ni isang beses. Nahihirapan tuloy akong manimbang ng sasabihin.
"Pack your things. I'll wait you in parking lot." he ordered and walked away right after.
Hindi na ko hinayaan pang magsalita or rather makapag-isip ng excuses. A lot of questions formed in my mind and I know, I'm still the one who would answer it with...assumptions.
• • • • • •