NOTIFICATION
"Naistorbo ba namin ang date niyo?" Bahagyang tanong ng pinsan ni Aki na nakaupo sa aking likuran. Okay naman kanina kahit tahimik lang not until that question has been out. Ngayon tuloy nadagdagan ang atmosphere ng awkwardness.
Tumikhim si Aki. I don't think he will say something so I'm the one who do it. Kahit anytime, pakiramdam ko magkakamali ako sa pagsasalita. "Achilles just helping me. We're classmates."
"Helping in what?"
"I have an inju—"
"Just ignore him." Aki intruded that made my mouth left hang open. Taka akong napabaling sa kanya.
"You're just widening his dirty mind." He added without looking back at me.
"Woah easy!" Imbes na maoffend sa sinabi ng pinsan, tumawa ito na pansin kong madalas niyang ginagawa. Napagtanto ko rin ang pagkakapareho ng boses nito sa kausap ni Aki sa phone niya kanina. He must be Darius?
"I understand na magkaklase lang kayo, Kitten. I just want to know her, nothing else."
I'm not certain about the expression of his face but his silence is enough proof that he's in bad mood. Hindi ko alam kung hindi ba marunong makiramdam si Darius o ramdam niya pero ugali niya lang talaga ang mang-asar lalo?
"Hindi ko masyado kilala ang mga kaklase ni Kitten lalo na ung mga bago. How people call you by the way?"
"Uhh..Rain, Rain Arguelles."
Tumahimik siya sandali. Kaya naman kunot noo ko siyang sinulyapan mula sa kinauupuan ko.
"Your name sounds familiar." He uttered that made me wonder for a moment. Does he know me? I bet, he doesn't. A girl like me can't catch his attention. He noticed more those girls who wear short skirt and fitted dress.
Ngayon na nakita ko siya ng malapitan, bigla kong natandaan ang konting impormasyong nalaman ko tungkol sa kanya. That he's the most playboy among Mirabueno cousins. Isang linggo lang ata ang pinakamatagal niyang nakarelasyon. I understand though if girls fall for him even they know that he wasn't committed and serious. Hindi naman kasi maipagkakaila ang karisma ng isang ito. He has the looks, sense of humor and fine attitude. I mean, ung attitude niya na komportable kausap at palatawa.
"Maybe one of your exes' name?" Komento naman ng isa na akala ko ay walang pakialam sa paligid. Simula kasi no'ng pumasok at umupo siya, wala na siyang ginawa kundi pagtuonan ang kanyang hawak na phone.
"Baka nga.." Tawa nito saka bumaling sakin. "I'm Darius Mirabueno but...you can call me baby if you want."
My mouth swung open because of shock. Aware akong obvious iyon sa mukha ko lalo na't humagalpak si Darius. Kasalungat ng reaksyon ni Achilles na tumikhim at dumilim bigla ang aura. 'Yung isa naman ay wala lang pakialam.
I protruded my lips and barely shifted back my attention at the front. Ayokong makita ni Darius ang pagkadisgusto ko sa sinabi niya. Alam ko naman na biro lang 'yon pero ang awkward sa pakiramdam.
"Cute mo, Rain." Pambobola niya pa. I bit my lower lip to stifle my frown. Ang persistent ha! "May boyfriend ka ba?"
"Ah..wala. Hindi ako interesado."
"Ouch! Basted agad." Aniya at may paghawak pa sa dibdib. Kumunot ang noo ko. Hindi nga lang nagtagal dahil nagets ko kaagad na mali ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko.
"Ang ibig kong sabihin, hindi ako interesado sa dating." Agap ko.
"Why? Studies ba muna?...Ayan din kasi ang reason ng girlfriend ko. Tignan mo, tatlong araw pa lang akong nangungulit sinagot na agad ako." He chuckled. "Hindi naman sa kinokompara kita. Curious lang talaga ako kung bakit karamihan sa mga babae magulo mag-isip."
"I don't know your girlfriend. I don't think I have the rights to tell my opinion about it. But...I can say that we had own reasoning and it wasn't the same." Nasa labas ang tingin ko kaya hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya sa sinabi ko. May katahimikan pa kasing pumagitna bago siya ulit nakapagsalita.
"So what's yours?"
I'm about to answer Darius when the monitor rang because of a call from Aki's phone. Sabay-sabay namin iyong binalingan. My forehead creased upon seeing those 11 digits. I didn't pay too much attention about it lalo na ng marinig ko ang winika ni Darius.
"Maybe one of your stalkers."
And a click of ended call was the next sound I heard. Pasimple ko pa iyong sinilip kung totoo bang pinatay niya ang tawag and he did. Napalunok ako ng may mapagtanto.
What am I doing? Why would I care if he answer that call? It came from my own mouth that we're just classmates so what's going on with me?
"Woah! Persistent siya." Halakhak ng lalaking nasa likuran ko ng muling tumawag ang unknown caller. I'm about to shifted my attention outside when I accidentally noticed the last three digit. Mabilis kong binalik ang tingin at bahagyang tsinek ang buong contact number.
"Yung number..." Wika ko na ikinatigil ni Aki sa akmang pagpatay ng tawag. He looked at me curiously. I even felt his two cousins' confuse stares at me. Hindi ko naman sila masisisi dahil medyo napalakas ang boses ko.
"I know it." Tukoy ko sa number. Kay Nanay Edith kasi ito. Hindi nga lang ako sigurado kung paanong nacontact niya si Aki.
"Alright. You can answer it." si Aki sabay bawi ng kanyang kamay mula sa harap ng monitor. I nodded obediently and answer the call right after.
"Nay?"
[Hija? Rain?]
Sabi na nga ba. "Po?"
[Sinabi sakin ni Danilo na magkocommute ka raw. Nasan ka na? At nasan ang telepono mo? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi kita macontact.]
I went blank for a sudden embarrassment kaya hindi ko agad nasagot si Nanay Edith. Buti na lang mabilis na dinisconnect ni Aki ang phone niya mula sa monitor ng sasakyan at walang atubilin itong binigay sakin.
Kasabay ng pagsagot ko, ang paghinto ng sasakyan gawa ng naabutan nito ang stop light.
"Malapit na po ako at ung cellphone ko po..." I paused to think if I'm going to tell her the truth about my phone or not? Sa huli, nanaig ang pagiging tapat ko sa tinuturing na ina. "...nasira."
[Bakit nasira?]
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari. Ilang beses na rin akong nagsinungaling ngayong araw na 'to sa dalawang taong gusto ko. Nakakaguilty na.
[At kaninong numero itong ginamit mo para tawagan si Danilo?]
"Sa kaklase ko po." Pinili ko ang huli niyang tanong dahil iyon lang naman ang kaya kong sagutin sa ngayon. Although nag-aalinlangan din ako dahil hindi ko alam kung paano i-address si Achilles. At nakakahiya naman kung sasabihin ko na kaibigan ko siya. We just started talking to each other today. Kaya pinili ko na iyong totoo at mas malapit na label.
I saw how he gazed at me from my peripheral vision. I'm curious why he do that kaya sinalubong ko ang titig niya. And for a couple of seconds, our eyes met. Nakakatawa lang, wala rin naman akong nakuhang sagot dahil ako ang unang umiwas.
[Oh sige na. Nakakahiya naman sa kaklase mo pero ito rin ang tatawagan ko kapag alas otso na, wala ka pa.]
"Opo."
[Kilala mo naman ang daddy mo. Siguradong magagalit iyon kapag nalaman niyang nagcommute ka.]
"Alam ko po kaya wag niyo na pong isumbong si Manong Dan. Wala siyang kasalanan. Aksidente lang po ang nangyari."
[Naku pinagtakpan mo pa. Manang-mana ka talaga kay Danilo, pareho kayong clumsy.]
Natawa ako sa sinabi niya na s'yang dahilan para lingunin ako ng mga kasama. Isinawalang bahala ko iyon kahit medyo awkward sa pakiramdam.
[Oh s'ya. Ingat ka.]
"Opo..." At ako na mismo ang nagbaba ng tawag. Ibinalik ko rin ng agaran ang cellphone kay Aki at muling nagpasalamat. He just nodded like he always do when I'm thanking him.
"Sa tingin ko, alam ko na kung bakit hindi ka interesado sa dating. Bukod sa strict ang parents, masyado kang magalang at masunurin," ani Darius na nakasandal na ngayon sa backrest ng upuan. Thankfully, saka lang siya nagsalita after ng tawag. Hindi ko pa kasi sinasabi kay Nanay Edith na lalaki ang mga kasama ko. Kapag nalaman niya kasi, siguradong magwawala iyon.
"Bigla ko tuloy namiss ang lola ko sa Iloilo. She used to call us hijo too."
Tumungo ako kahit kuryoso ako kung bakit masyadong pormal ang tawag sa kanya ng lola niya. "I already clarified to her that I don't like the way she called me. I don't like formalities especially when it comes to her. She's like a mom to me."
"Where's your biological mother then?"
"She died twenty years ago."
"Ow? I'm sorry."
"Darius." Mahinang saway ni Achilles na hindi ko inaasahang nakikinig pala. He glanced at me with sympathetic eyes but I saw something that shadows at it. Hindi ko na iyon nagawang malaman dahil mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Mukha lang akong walang pakialam pero kanina ko pa napapansin na masama ang mood niya. I wonder why? It's bothering me.
"No. It happened a long time ago. We already moved on." I even smiled just to gave them the assurance. It was really hurtful that we never met her for once but life must go on. Besides, there's no magic that will bring back the life of the dead person. So the better remedy to continue living is acceptance.
"Alright. If you said so." he shrugged.
Hindi na siya nagsalita pa kaya naman tumahimik na rin ako. Tanging ang ingay lang sa labas ang naririnig ko the whole five minutes. Kakapansin ko lang din na ang daan patungo sa Greenfield Village ang binabagtas namin. Saka lang ako nagsalita nang malapit na kami sa coffee shop na kaharap ng pedestrian lane na tatawiran patungo sa mismong subdivision.
"Dito na ko."
Takang lumingon sakin si Aki subalit hininaan niya rin ang speed ng sasakyan.
"Sigurado ka? I don't think you can walk farther. We can directly drop you in your house."
"Hindi na. Sa b****a lang naman ang bahay ko kaya konting lakad lang naman ang gagawin ko. At..okay na ko. Salamat sayo." Wika ko habang tinatanggal ang seatbelt sa aking katawan. Narinig ko pa ang pagtikhim niya pero nawala agad iyon sa isip ko nang tinawag niya ko.
"Wait for a minute, Rain."
I stunned not because he called me but because of the way he called my name. This is the first time I heard him saying it and I'm literally left dazed. All this time na magkasama kami, all I want is to heard him calling my name even once. I was clouded by the thought that 'Does he even know my name at least?' So after that moment, everything seems magical to me. My heart melted in happiness. My name sounded so beautiful when it came from his own lips. Rain.
"Let me borrow this for a while, Aris." Nadatnan ko siyang hawak ang denim jacket na dala ng pinsan niya simula pa lang. Aris didn't say anything even the confusion was obvious in his face. Imbes sumulyap siya sakin kasabay ng pagkausap sakin ni Aki.
"Here. Wear this." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa jacket na inabot niya at kay Aris.
"Hindi niya 'to nagamit and you need this right now." He briefly explained. Mukhang napansin ang pag-aalinlangan ko. Eventually, tinanggap ko rin naman at mabilis na sinuot bago tuluyang lumabas ng sasakyan.
"Bye Rain. See you soon." Si Darius na tinunguan ko lang at tipid na nginitian. Ganon din kay Aki na nakikita ko mula sa salaming bintana ng front seat.
Wala rin siyang pinalagpas na oras dahil pinaharurot niya agad ang sasakyan pagkatapos kong bumaba. Inantay kong makalayo sila at mawala sa aking paningin bago ako nagpasyang tumawid sa pedestrian lane.
"Good evening, Rain!" Masiglang bati ni Mang Tasyo, ang nakaduty na guwardya tuwing gabi sa bahay pagkabukas niya sa gate.
"Good evening din po.." sagot ko saka henuwino siyang nginitian. "Dito na po ako, Mang Tasyo."
"Sige hija."
Ngumiti muli ako at nagsimula ng maglakad papasok sa bahay. Sa pintuan pa lang ay natanaw ko na si Nanay Edith na mukhang nag-aabang sa pagdating ko.
"Salamat naman at nandito ka na. Muntik ko ng tawagan ulit ang kaklase mo."
"Nay!" Saway ko na ikinahalakhak niya. "Nakakahiya po. Sobra na po ang istorbo ko sa kanya."
"Alam ko naman 'yon pero sigurado ka bang kaklase mo lang iyon?" Usisa niya na ikinatigil ko ng bahagya. Buti na lang, nasa unahan ko siya kaya hindi niya nakita kung paano ako pinamulahan ng pisngi.
"Opo. Pareho lang naman kami ng direksyon na pupuntahan kaya sabay kaming nagcommute." I swear, I don't want to lie to her. Ayoko lang na gawing big deal iyon sa kanya.
"Buti naman. Oh s'ya, pumanhik ka na sa kwarto mo at magbihis. Ipaghahanda lang kita ng makakain."
"Sige po." At umakyat ako sa aking kwarto katulad ng inutos niya. Siya naman ay dumiretso sa kusina.
Kahit nawala si mommy, lumaki naman ako na may itinuturing na ina and it was Nanay Edith. Siya ang nag-alaga samin noong sanggol pa lang kami at hanggang ngayon, nandito pa rin siya sa tabi ko. Hindi na nag-asawa pa si Dad. He loves her so much that he promised to himself not to replace Mom. He decided instead to focus his attention on our business kaya nagawa nitong lumago.
I don't know how long I stared at my reflection on the full length mirror. Nakatanggal na rin ang panyong nakatali sa siko ko kaya kitang-kita ko ang sugat dito. Naging abala ako sa nararamdaman ko habang kasama si Aki na nakalimutan ko ng may nangyaring masama sa pagitan namin ni Nathalia.
I took a deep sigh as frustration began to attacks me. Nagvibrate ang kama sa pag-upo ko. I felt guilty about what I said to her. I was mean. Kung naging mapagpasensya lang sana ako o mas nilawakan ko ang pag-intindi, hindi sana ito mangyayari. Hindi sana kami aabot sa puntong nasaktan na namin ang isa't isa.
Nahiga ako sa kama at kumilos pakaliwa kung saan nakalapag sa harapan ko ang jacket ni Aris at panyo ni Aki. A lethargy was complete that I never did anything but staring blankly into space. Hindi ko rin namalayan na ang dalawang bagay na iyon ang huli kong makikita sa araw na iyon.
"Kumuha ka ng para sayo, Rain."
Napahinto ako sa pagpasada ng mga pagkain na nasa harapan ko at nakangiting nilingon si Nanay Edith na may tulak-tulak na cart.
"Hindi na po. Ito lang naman ang pinunta ko rito." Tukoy ko sa hawak kong cellphone. It was Saturday at madalas kapag ganitong weekends, inuubos ko lang ang oras sa pagbabasa ng mga libro o kaya pagsusulat ng kanta. Hindi ko naman ugaling lumabas o mamasyal sa mall but since kailangan kong bumili ng panibagong cellphone, niyaya ko na si Nanay Edith. Tamang-tama dahil maggogrocery din siya kaya nagsabay na lang kami.
Alas diyes na ng umaga nang makauwi kami sa bahay. Nagbihis lang ako sandali tapos bumaba rin ako sa kusina para tulungan si Nanay Edith sa pagluluto ng lunch. Naging abala ako sa mga sumunod na oras na umabot na ng gabi bago ko nakalikot ung bago kong phone. Hiningi ko rin ang number ni Aki kay Nanay na agad niyang binigay. Good thing, hindi niya pa nabubura. It's not that I will call him, just for keeps.
Sunod-sunod din ang pagpasok ng mga messages sa SIM card ko. Mga text pa iyon kahapon mula sa mga tao na nagtatrabaho sa bahay. Patay na bata ako pagdating sa personal, ganon din sa social life. Mayroon akong social media accounts pero madalang ko lang itong binubuksan. However, something urged me to open my sss account.
Scroll lang ang ginawa ko ng buong limang minuto. I even saw Summer's post about her game, Winter's sexy pictures and Autumn's new place for her art exhibit. At lahat ng iyon ay bentang-benta sa mga likes, reacts and comments.
Hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa sarili. Loser ba talaga ako? Magkamukha kaming apat pero bakit pakiramdam ko naiiba ako sa kanila? Does staying here was a wrong decision? Or it's just my choice to be like this?
At nadagdagan pa lalo ang insecurities ko nang mapadaan ako sa "people you may know". Nakadisplay doon si Aki at mga pinsan niyang babae at lalaki. Hindi kami friend sa lahat ng social media accounts niya. Sinadya ko iyon kahit ang hindi pagtingin sa kanya kapag napapadaan siya sa harap ko. Ang pagkukunware na wala akong pakialam sa kanya.
Ayokong malaman ng kahit na sino na gusto ko siya. Kaya hindi ko lubos maisip kung paano nalaman ni Nathalia na may gusto ako kay Aki.
@aki.mirabueno requested to follow you.
Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang magpop up sa screen ko ang notification mula sa i********:. Grabe ang pagkukumahog ng puso ko habang tsinitsek ulit ang notif sa phone ko. Baka kasi namamalikmata lang ako kaya gusto kong masigurado but after a while, I proved that I saw things rightly.
Gulong-gulo ako. Hindi alam kung ano ang gagawin. Ni hindi nga ako makapaniwala na he followed me kahit nakita ko na ang ebidensya. I mean, why would he do that? And why I'm acting like this? Why I'm taking everything he's doing as a big deal?
Napailing na lamang ako, disappointed sa sarili. Pagkatapos ay tinanggap ang request ni Aki. I also followed him back na mabilis kong pinagsisihan. Bumungad kasi ung mga pictures niya nang magrefresh ang newsfeed ko. Ganon din ang sunod-sunod na pagpasok ng mga requests sa notif ko.
@admirabueno requested to follow you.
@mikeesy requested to follow you.
@eliasgeorgedude requested to follow you.
@itstammy requested to follow you.
At marami pang iba na related sa account ni Aki. 'Yung una lang ang in-accept ko since napag-alaman kong si Darius iyon. Kahit wala naman silang makikita kasi pati pictures ko nakaprivate. Limitado pa rin ang pag-accept ko ng followers. Iyong mga kilala ko lang. Nahiya nga ang 324 followers ko sa followers nina Darius at Aki na umabot ng 20,000.
After kong mangstalk sa account niya at magheart sa post ni Darius, nag-out na rin ako at nahiga sa kama. Ni hindi na pinagtuonan ng pansin ang muling pagtunog ng aking phone gawa ng pagpasok ng bagong notification.
• • • • • •