Chapter 2

3156 Words
FAVOR Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak habang nakasalampak sa sahig. Buti na lang, nasa rooftop ako kaya walang makakakita ng kalagayan ko. Napagdesisyunan ko na antayin na lang na dumilim at magsiuwian ang mga kapwa estudyante bago bumaba. Hindi kaaya-aya ang itsura ko ngayon lalo na't napansin ko ang punit sa aking damit. Ayokong makita nila akong ganito dahil siguradong pag-uusapan na naman ako. Tumayo ako sa pagkakaupo kahit na sa bawat galaw ko, para akong nilalatigo sa sobrang sakit ng katawan ko. Ang hapdi rin ng sugat ko sa siko ngunit ininda ko ang lahat ng ito. Dinampot ko ang basag kong phone at sinubukan itong buksan. Isang marahas na singhap ang aking pinakawalan nang mapag-alaman na sira na ito. I smiled bitterly. Kakabili lang sakin ni Dad ang phone na 'to last six months. Ni hindi man lang umabot ng taon. Wala sa sarili kong binaba ang hawak na phone. Ganon din ang pagdako ng aking mata sa pintuan ng rooftop. Napaatras ako ng bahagya dahil sa gulat. Halos ilang beses akong kumurap para kompirmahing tama ang nakikita ko at hindi lamang namamalikmata. "What are you doing here?" Nagdalawang isip pa ko kung sasabihin ko ang totoo pero naalala ko na magkakilala lang pala kami. "Uhh...nagpapahangin lang." Sabay iwas ng tingin sa kanya. "Hindi ganyan ang itsura ng nagpapahangin lang." I bit my lower lip as I shifted back my vision to him. Pasimple kong pinasadahan ang sarili na hindi ko na lang dapat ginawa. Tinamaan tuloy ako ng matinding hiya. Halos napatalikod ako at hiniling sa hangin na tangayin ako papunta sa malayong lugar. Of all people, bakit siya pa? Bakit siya pa ang nakakita ng itsura ko ngayon? At sa dinami-dami ng pagkakataon, bakit ngayon niya pa ko kinausap? I mean, I like the idea that he's talking to me at last but this is not fair. This is wrong timing. "Uhh...." Panimula ko na nauwi sa pananahimik. Nawalan na ko ng sasabihin kaya tinikom ko ang aking bibig at marahang bumuntong hininga. Siguro naman ay aalis siya kapag hindi ko siya kakausapin di ba? Di bale ng magmukha akong snobber o masungit, basta wag lang mukhang loser. Ayoko na kaawaan niya ko. Naramdaman ko ang paggalaw niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko aalis siya, na iiwan niya ko pero napagtanto ko na ung footsteps na naririnig ko ay palakas ng palakas. Mabilis din siyang nakarating sa gilid ko na ikinagulat ko. I startled even more when he entangle the handkerchief around my elbow without saying anything. Bumagsak ang paningin ko roon ngunit sandali lamang. Mas pinili kong panuorin ang mukha niya. Matamang tinataludtod ang bawat detalye nito. Ang ganda ng kilay niya, ang kapal. The same with his eyelashes. Mas nadedepina ang haba nito dahil nakabagsak ang tingin niya. I just noticed that his eyes was clear brown. Bumagay sa usual cold expression niya. Hindi rin exaggerated ang tangos ng ilong niya. He has distinct philtrum that gives emphasis to his lips. "I don't want to be indebted to someone so don't get me wrong," Tumingin siya sakin na s'yang dahilan para kumurap-kurap ako. Hindi ko kasi iyon inaasahan. At nahuli niya kaya akong nakatunganga sa kanya? "I'm just giving back the favor." Mukhang hindi dahil wala naman akong nakitang reaksyon mula sa kanya. His face is still the same. Ako lang ata itong nababaliw na psh! Marahan niyang binitawan ang siko ko nang matapos niya itong talian. Bahagya rin siyang umatras subalit hindi ko na iyon napagtuonan pa ng pansin. My whole attention was on my covered wound. "Naiintindihan ko. Salamat." Simple kong turan pagkaangat ko ng tingin. Hindi pinapahalata ang galak na kumikiliti sa aking sistema. Kanina pa kumakalabog ang aking dibdib. Feeling ko anytime, aatakihin na ko sa puso. "It's already dark. You should go home." Luminga ako sa paligid. Saka ko lamang napagtanto na madilim na pala katulad ng sinabi ni Aki. He must be the reason why time flew fast. Ni hindi ko man lang namalayan ang paglipas nito. "Oo nga. Uhm...mauna na ko." Ngiti ko na mukhang iba pa ata ang naging kalabasan. Kumunot kasi ang noo niya. "Bye." Para hindi na madagdagan ang kahihiyan, agad akong nagpaalam at dali-daling umalis. Pilit na binabalewala ang sakit na dulot ng bawat paghakbang. He followed me. And I briefly understand what his previous reaction for. Siguro naiisip niya ng baliw ako. I can't blame him. Sino ba naman ang magpapaalam sa taong kasabay mo lang sa pag-alis? Hindi ko naman kasi alam na aalis din pala siya. Akala ko tatambay pa siya sa rooftop e. He was behind my back. Kaya todo ang pagkukunware ko na hindi nasasaktan. Ang sakit kasi ng binti ko. Lihim akong nagpapasalamat dahil hindi niya nakikita ang pagngiwi ko sa bawat paghakbang. Hanggang sa makarating kami sa third floor, nananatili siyang tahimik. Hindi naman sa ini-expect ko na magkuwentuhan kami. I'm just curious why he keep his distance when in the first place, pwede niya kong unahan sa paglalakad? At maunang umalis? Huminto ako sa pagbaba at bahagya siyang nilingon. Nakahinto na rin siya. Nakatingin sakin o baka nagkataon lang na kakatingin niya lang sakin? Sadyang nag-assume lang agad ako! "Uhm....mauna ka na. Mabagal talaga ako maglakad." "Really?" Aniya saka dahan-dahang bumaba ng hagdanan hanggang sa mapantayan niya ko. "Does I make you uncomfortable?" "Huh?" Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Siya naman ay prente lang akong pinagmamasdan. I don't know how to talk with him properly. Yung tipong magsasalita lang ako without worrying how would I look like. Pakiramdam ko kasi sa bawat pagbuka ng bibig ko, iba ang nagiging dating ng salita ko sa kanya kaya hindi kami nagkakaintindihan. I thought, talking with him is the easy way to getting know him. Hindi ko alam na ganito pala ako ka-intimidated kapag kaharap ko na siya. Sino ba naman kasi ang hindi mapaparanoid kung ang dami-dami mong nararamdaman?! Ni hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin kong intindihin. "Uh...hindi naman sa ganon." "Then I will carry you." Gulat akong napabalik ng tingin sa kanya. Nawalan na ng pakialam kung obvious sa mukha ko ang pagtanggi. I mean, why would he do that? Nahalata niya ba? "Why would you carry me? I know how to walk." Tawa ko na ikinahalukipkip niya. Tumigil tuloy ako at napaayos ng tayo. His left brow arched. Iminuwestra niya ang likurang gawi ko. "I saw you," Sinulyapan ko iyon at nakita ang repleksyon naming dalawa. I even saw there how my lips parted in shock. "I know that you have two feet and I also know that the other one is injured." I bit my lower lip because of guilt. Parang gusto ko na lang mawala bigla. Magsisinungaling na nga lang, sa taong gusto ko pa. Ano na lang ang sasabihin niya sakin? 'Na napakasinungaling ko? Nakakahiya! Ano bang ginagawa mo, Rain?! "Sorry." I whispered. Nakatungo ako kaya hindi ko nakita ang naging reaksyon niya. Wala rin akong planong ibalik pa ang tingin ko kaso may sinabi siya na sumira sa plano ko. "Sumampa ka na." "Hindi mo naman ako kailangang buhatin. Aalalay lang naman ang—" "It was an order." He cut me off with a note of irritation crept in his voice. Also, the way he looked at me is with authority and caution that eventually, turned into gentleness. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng mabilis na pagbabago ng mood niya. "Don't make it hard for us." Ngumuso ako na parang batang biglang sinaway kasabay ng pag-iwas ko ng tingin. Bakit ba iba ang dating sakin ng mga sinasabi niya? At bakit ba ang masyado siyang mapilit? Hindi niya ba alam na ang hirap tumanggi? Sa huli, wala rin akong nagawa kundi sundin ang utos niya. Alam ko naman kasi na malaki ang maitutulong niya sakin. Nanginginig pa ang aking mga braso no'ng inikot ko ang mga ito sa kanyang leeg. Kasabay ng pagsampa ko sa likod niya, ang pagwawala ng aking sistema. I shut my eyes to calm myself. Natatakot na baka maramdaman niya ang malakas na pagtibok ng aking puso. Pero paano ako kakalma kung ganito kami kalapit sa isa't isa? Kung ganitong naaamoy ko ang shampoo niya? Kung ganitong magkadikit ang likod niya at dibdib ko? "Uhh...pwede mo na kong ibaba. I can walk from here." Sambit ko nang makababa kami sa first floor. "Kaunti na lang ang mga estudyanteng natitira ng ganitong oras kaya kung nag-aalala ka na may makakita satin, hindi iyon problema." At nagpatuloy siya sa pagbagtas sa hallway. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi dahil sa katigasan ng ulo niya. Bahagya kong siniksik ang aking mukha sa likod ni Aki nang matanaw ko ang grupo ng mga estudyante na makakasalubong namin. Kung pwede ko lang takpan ang mukha ni Aki ay gagawin ko. Mahirap na kasi kapag nakita nila kaming magkasama. People nowadays believe what they only saw. "Hi Achilles." Bati sa kanya ng isang boses babae. Hindi ko alam kung nginitian niya ito o ano. Ang alam ko lang ay hindi siya huminto sa paglalakad. I felt their stares at nadala iyon ng aking pakiramdam. Kahit na wala akong naririnig sa paligid, pakiramdam ko may taong nakatingin sakin. Kaya naman inangat ko lang ang aking ulo nang maramdaman ko ang paghinto ni Aki. Napag-alaman ko na nasa parking lot kami kung saan may iilan pang sasakyang nakaparada. Binaba niya ko. "Salamat." "Sumabay ka na." "Naku hindi na!" Iling ko na ikinataas ng kilay niya. "Ang ibig kong sabihin, papunta na naman ung magsusundo sakin." Sabay iwas ng tingin sa kanya. Nagkunware akong luminga sa paligid at umaktong hinanap ang sasakyang magsusundo sakin kahit na ang totoo, ginagawa ko lang ito para maiba ang usapan. His offer was quite good and convincing pero hindi naman ata tama na abusohin ko ang pagmamalasakit niya. I know na chance ko na 'tong mapalapit sa kanya but this is not right. I'm just being burdensome. [Hello?] "Manong Dan, si Rain po ito." [Oh hija?] "Nasan na po kayo? Dito na po ako sa parking lot ng school." [Naku! Hindi mo ba natanggap ang text ko?] "Po?" [Nakasagasa kasi ako. Nasa presinto ako ngayon. Kanina ka pa ba d'yan? Pasensya na. Bibilisan ko na lang ang pag-aasikaso nito. Antayin mo ko.] "Huwag na po. Magkocommute na lang po ako." [Sigurado ka ba Rain? Baka magalit ang daddy mo.] "Hindi po. Okay lang po talaga ako. Kayo po ba? Okay lang po ba kayo? Hindi po ba kayo nasaktan?" Umalik-ik siya na ikinasimangot ko. Nakuha niya pa kasing tumawa sa kabila ng pag-aalala ko. [Okay lang naman ako, Rain. Huwag kang mag-alala.] "Sige po. Paalis na po pala ako. Take your time po." [Oh s'ya.] Ako na ang pumatay ng tawag. Marahan akong bumuga ng hangin bago hinarap si Aki. Sampung minuto na ang nakalipas simula ng makarating kami. Ang kunwareng paghahanap ko kay Manong Dan kanina ay naging totoo na. Dapat kasi kanina pa siya naririto kaya nagtaka ako kung bakit madilim na, wala pa siya. Good thing, saulado ko ang contact number niya kaya nanghiram ako sandali kay Aki ng cellphone para tawagan siya since nasira ang phone ko. "Salamat ulit." Sabay abot ng phone sa kanya. Kinuha niya ito ng hindi pinagtutuonan ng pansin ang sinasabi ko. "Ihahatid na kita." Alam ko naman na susundin ko rin siya sa huli ngunit pinili ko pa rin tumanggi. "Huwag na. You did so much help. Magkocommute na lang ako." "Ng ganyan ang kondisyon?" "Okay na naman ako." Tumikhim siya na s'yang dahilan para maalerto ako. He even crossed his arms and stared at me with dismal. "I don't get why you keep discarding me." I swallowed the bile in my throat as I repeatedly dodged his stares. I don't know what to say. I felt like I lose my voice and couldn't find it. "Konti na lang iisipin ko na....may gusto ka sakin." Literal na napanganga ako ng marinig ang sinabi niya. Gusto kong sabihin na paano nga kung may gusto nga ako sayo, lalayuan mo ba ko? Like you always did when you found out that someone likes you? You're going to reject me too right? Kasi kumpara sa mga babaeng nagkakagusto sayo, nag-iisa lang akong loser, pathetic...nakakaawa. Buti na lang, napigilan ko ang sarili. At bakit kasi ganon ang sinabi niya? Ang awkward tuloy! "Sumakay ka na...if you don't want to be misunderstood." Muli niyang wika pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. Hindi niya na rin ako inantay pang magsalita. Naglakad siya diretso sa driver seat ng kanyang sasakyan. Huminga ako ng malalim habang sinusundan siya ng tingin. Papasok na siya sa driver seat no'ng sumunod ako. Nabasag ang nakakabinging katahimikan namamagitan sa aming dalawa ng bahagyang tumunog ang kanyang phone. Kinuha niya ito gamit ang kanyang kanang kamay habang ang kabilang kamay niya ay minamaneho ang manibela. Akala ko pinatay niya ang tawag dahil binalik niya rin agad ang phone niya sa dashboard. Napag-alaman ko lang na kinonek niya lang pala sa bluetooth ng sasakyan nang may magsalita mula rito. [Kitten!] "Kung wala kang sasabihing matino, ibababa ko na 'to." Sumulyap ako kay Aki. Bakas sa kanyang mukha ang bagot at pagkairita sa kausap. Isa ata ito sa mga pinsan niya. Wala naman kasi akong natatandaan na may ibang kaibigan o kasama si Aki maliban sa mga pinsan niya. Kilala ko lang naman ang mga ito sa mukha ngunit hindi sa pangalan. [Okay! Fine! Chill kitten. Naistorbo na naman ba kita?] Natatawang wika nito na ikinasinghap ng katabi ko. "Obviously." [Tsk sorry na. Hayop kasi 'tong kapatid mo. Iniwan ako rito kasama si Kuya Dimethre and....he's drunk. Ewan ko kung ano ang problema ng mokong na 'to. Hindi ko naman matawagan si Aris, busy ata sa kakapanuod ng porn.] Nakatitig ako sa mga nagtataasang gusali na nadadaanan ng sasakyan pero ang aking mga tainga ay nananatiling nakikinig sa usapan ng magpinsan. Bukod sa nakaloudspeaker ito, nagbibigay ito ng ingay sa loob ng sasakyan. At least hindi awkward ang atmosphere. "So? You're his sibling. Why are you giving the responsibility to me?" [What? Are you dead serious? Hahayaan mo talaga ako na asikasuhin 'to mag-isa? Alam mo naman na ikaw lang ang maaasahan ko di ba?] Pasimple kong sinilip si Aki. Nadatnan ko siyang kinakamot ang kanyang batok habang paulit-ulit na bumuntong hininga. Mukhang hirap magpasya. Napangiti ako ng palihim. He's cute. I bet, tutulungan niya rin ang pinsan niya. "Saan yan?" See? I know it. Ako nga na kilala niya lang tinulungan niya, paano pa sa mga pinsan niya di ba? [Arthena Bar.] "Alright." At agad niyang pinatay ang tawag. Hindi na inantay pa ang akmang sasabihin ng kausap. Imbes bumaling siya sakin. "Saan ka?" "Greenfield Village." Medyo napatagal pa ang sagot ko dahil hindi ko inaasahan ang pagbaling niya ng atensyon sakin. "It's kinda far." Bulong niya habang ang mata ay nakatutok sa kalsada. "Okay lang ba kung dadaanan ko muna sandali si Darius?" "Okay lang. Hindi naman ako nagmamadali." Ngiti ko sabay baling sa unahan nang maramdaman ang pagsulyap niya sakin. Nagtagal iyon ng ilang segundo but it felt so long to me. Halos masugatan na ang labi ko kakapigil sa sarili na kiligin. So Darius was the name of his cousin? I wonder if sino sa apat na palagi niyang kasama ang nagmamay-ari ng pangalang iyon? At bakit naman "Kitten" ang tinatawag sa kanya? Hmm sa tingin ko, alam ko na ang sagot. Sobrang dilim na ng paligid no'ng makarating kami sa sinasabing bar. Puno ang parking lot kaya nahirapan pang maghanap si Aki ng mapagpupuwestuhan ng kanyang sasakyan. "Hindi ako magtatagal." Paalam niya habang tinatanggal ang seatbelt sa kanyang katawan. I don't think he need my permission yet I nodded as response. Lumabas siya ng hindi man lang nag-atubiling lumingon sa kinalalagyan ko. Dire-diretso niyang tinahak ang naturang bar. Tahimik ko siyang pinagmasdan hanggang sa makapasok siya sa loob. May kalakihan ang bar dahil kita ito mula sa kinauupuan ko. Hindi ko nga lang masasabing maganda ang loob kasi hindi pa naman ako nakakapasok do'n but it seems luxurious. Mukha pa lang kasi nito sa labas, mukhang mamahalin na. Umalis ako sa pagkakatagilid at binaling ang aking atensyon sa loob ng sasakyan ni Aki. Ngayon ko lang napansin ang magandang disenyo nito. Its inside was a combination of white, gray and blue. Mula sa dashboard, ceiling at mga upuan. Agaw pansin din ang logo na nasa central part ng manibela. Minsan ko na itong nakita sa magazine ni Kuya Skyler at ayon pa sa title ng article, it's one of the most expensive car in the world. Ngunit hindi naman nakakapagtaka, hindi lang kasi pipitsugin ang business na pagmamay-ari ng pamilya ng Mirabueno. Their business known for being competitive not just in local market but international too. Kaya kahit siguro bumili sila ng maraming international brand na sasakyan, hindi sila malulugi. Hindi ko alam kong ilang minuto akong nag-aantay. Masyado kasi akong naging abala sa pagpasada ng sasakyan ni Aki. Subalit ng makarinig ako ng kaluskos mula sa labas, tinigil ko ang pag-iikot ng tingin sa loob pagkuwa'y pinatay ang ilaw. Saka ko lang din napansin na sa lahat ng nakaparadang sasakyan, ang kinaroroonan ko lang ang mayroon. Kitang-kita tuloy na nag-iisa lang ako and it made me anxious. Napayakap ako sa aking bag at nagpasyang pakiramdaman ang paligid. I was clouded by negative thoughts the whole time not until I heard voices from somewhere. Nilingon ko iyon na s'yang dahilan para mapabaling ako sa kinalalagyan ng bar. At last, nakahinga ako ng maluwag. Natanaw ko kasi si Aki na kakalabas lang mula sa bar. May kasama siyang dalawang lalaki na kapwa pamilyar sakin. I didn't know their name though, only the familiar thing was their faces. Inaalalayan nila ang isa pang lalaki na kahit malayo ay mapapansin mong lasing dahil sa paraan ng paglalakad nito. Nag-uusap sila ngunit hindi ko magawang marinig o maintindihan. Nagiging malinaw lang ito habang papalapit sila sa posisyon ng sasakyang kinaroroonan ko. "Ano pang silbi ng sasakyan niyo kung hindi niyo naman ginagamit? Am I even your cousin or your personal driver?" "Depende sa sitwasyon." Halakhak ng isa. "Seriously? What's going on with you, Achilles? You're being a nagger." The other one commented. Mukha niya pa lang, mahahalata mo ng may attitude siya. Kung babae lang ito, ito siguro ung madalas na umiirap. "Maybe he has a period today." Hindi ko maiwasang sumimangot habang pinapanuod ang pagtiklop niya sa mga kausap. The irritation was obvious on his face but I don't get why he chose to shut up. Somehow, I saw myself at him. "Tabihan mo 'yang kapatid mo. Front seat is mine." Naalerto ako ng marinig ang sinabi ng pinsan niya. Kinabahan din ako bigla lalo na't hindi ko namalayan na nakalapit na pala sila. Nakahawak na rin ito sa seradura ng pinto ng sasakyan at akma ng bubuksan. Buti na lang, nagsalita si Aki na siyang ikinatigil nito. "You can't sit there." Aki's cousin didn't say something after he glanced back at my position from tinted window. Mukhang napansin niya ko dahil umalis siya at umikot patungo sa kabilang passenger seat. Bumukas din ang pinto banda sa likuran ko. Pinasok ni Aki at ng pinsan niya ang kanina pa nilang inalalayan. After a couple of seconds, pumasok na rin ang isa at bahagyang natawa. Hindi ko alam kung ano ang dahilan but it seems related to me? They even both muttered something ngunit hindi ko na iyon napagtuonan pa ng pansin. Mas binigyan ko ng atensyon ang pag-ikot ni Aki sa harapan ng sasakyan at pag-upo niya sa tabi ko. "Is it fine if we won't use the light?" He asked as he started the engine. "Okay lang." Mahina kong sagot gawa ng nahihiya ako sa mga pinsan niya. Isa pa, pabor sakin na patay ang ilaw dahil hindi nila masyadong makita ang mukha ko. Nakakapangliit kasi kapag sila pala talaga ang kasama mo. At baka may makakita pa sa kanila na kasama ako, mamaya ano pa ang sabihin ng mga ito. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD