Chapter 1

2978 Words
MYSELF "Pinapatawag ka ni Mrs. Lopez. Pumunta ka raw sa faculty niya." Bungad sakin ng isa kong kaklase pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom. Gusto ko man tanungin ang dahilan subalit inisip ko na lamang na napag-utusan lang din siya kaya baka hindi niya rin alam. Imbes tumungo na lang ako bilang tugon. Nilapag ko ang bag at mga dalang libro sa aking upuan pagkatapos agad na nilisan ang classroom para puntahan si Mrs. Lopez, instructor namin sa Business Communication. Tahimik kong tinahak ang malawak na hallway sa kabila ng nagkalat na mga estudyante. Five minutes na lang magsisimula na ang klase. Kahit may valid reason naman ako kung bakit malilate ako, ayoko naman na lumiban sa mga lessons namin. Kaya naman minadali ko na ang paglalakad. Nang makarating sa faculty, marahan kong tinulak ang pintuan nito para makapasok. Binabati ko ang bawat propesor na nadadaanan hanggang sa makarating ako sa mismong kinaroroonan ni Mrs. Lopez. "Good afternoon po!" Magalang kong bati sa kanya. Kunot noo siyang nag-angat ng tingin pero ngumiti naman agad siya ng napag-alaman sigurong ako ung kaharap. Binuksan niya ang kanyang drawer at may kinuha roon. Napag-alaman kong rubrics ito ng inabot niya sakin. "Inform your classmates about the schedule of submission of their written project and the rubrics for their performance. Isang linggo akong mawawala dahil may pinapaasikaso sakin ang dean natin. Isesend ko na lang ang iba pang detalye sa group chat. And...sorry for the burden." I shook my head. "No, Ma'am. I'm willing to do this anyway." "Okay. Thanks then." Ngiti niya. With same courtesy, I smiled back. Nagpaalam na rin ako sa kanya na ikinatungo niya lang. Pabalik na ko at hindi katulad kanina ay halos wala ng estudyanteng nagpakalat-kalat ngayon sa hallway. Dito lang naman sa COB dahil sa ibang building, marami pa rin estudyante sa labas. Ganon din sa soccer field. Siguro vacant time nila. Ten minutes na kong late sa klase ko kaya binilisan ko na rin ang paglalakad. Napahinto lang ako nang may matanaw. Achilles! Sa sahig siya nakatingin habang nakasandal sa pader kaya hindi niya napansin na naririto ako, na pinapanuod siya. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na pagmasdan siya ng matagal. He's wearing a striped shirt, black shorts and a pair of Nike shoes. Ito ang madalas niyang pormahan since day one. Though hindi ko maiwasang magwapuhan sa kanya araw-araw. Ganon siguro kapag crush mo ang isang tao. Kahit walang bago, naappreciate mo pa rin ang detalyeng alam mo na. Ginulo niya ang kanyang buhok saka bumaling sa kanang gilid kung saan nakatayo ako ng may ilang metrong distansya mula sa kanya. Kumalabog ang aking dibdib ng magtama ang aming mga mata. Agad akong nag-iwas ng tingin at pinagpatuloy ko ang paghakbang bilang palusot kahit alam ko naman na nahuli niya na ko. Nilagpasan ko siya na para bang wala akong pake sa kanya although ramdam ko anytime, makikita niya kung gaano kapula ang pisngi ko. Sa halip na kumatok, mas nauna kong pinihit ang seradura ng pintuan dahil sa kaba at nerbyos. Bago ko pa maitulak ang pintuan, pinigilan niya na ko. For goodness sake! Nagwala ang aking sistema ng makita ang kamay niyang nakahawak sakin. "Can you help me just this once?" Tiningala ko siya at pinagsisihan kong ginawa ko pa iyon. Ni isang salita ay wala akong nasambit. Masyado akong bothered sa amoy ng hininga niya. Exaggerated man pakinggan, mas mabango pa ata ang ang hininga niya kaysa sa pabango ko. Ngayon ko lang din napansin na matangkad nga talaga siya. Ito kasi ang unang pagkakataon na magkalapit kami kaya nagawa kong maikompara ang height namin. Hanga rin ako sa sarili ko dahil sa kabila ng kahibangan, nagawa ko pa rin ibalik ang aking tamang pag-iisip. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang tapang na kumawala sa parang panaginip na ito. "Sige." Matipid kong wika saka pasimpleng binawi ang aking kamay. Mukhang napagtanto niya ata na hindi ako komportable sa distansya namin sa isa't isa kaya siya mismo ang umatras ng bahagya. Ramdam ko ang mga titig niya at ako, ginawa ko lahat para balewalain ito. "Oh Miss Arguelles." Pansin sakin ni Mrs. Geronimo pagbukas ko ng pintuan. Ganon din kabilis kong lumipat ang tingin ng mga kaklase ko sakin at sa lalaking nasa likurang bahagi ko. Kung tutuusin wala naman talaga silang pakialam if I would be in the class or not. Kung papasok man ako ng late o hindi but the situation is different right now. There is eye-catching Achilles with me. "Good afternoon. We're really apologize for being late." Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang aking lakas para magsalita ng ayos at hindi nauutal despite his presence behind my back and my classmates' sharp stares and confused look. "Magkasama kayong dalawa?" She asked suspiciously. Nagpalipat-lipat pa ang kanyang tingin sa aming dalawa na para bang hindi siya makapaniwala na magkasama kami. I don't know though if it was a positive impact or a negative one for Aki or for me? "Uhh..." Kalma Rain! Ngayon ka lang naman magsisinungaling e. Sumang-ayon ka na tulungan siya kaya bakit naduduwag ka ngayon? I bit my lower lip when I saw how the instructor patiently waiting for my explanation. I heaved a deep sigh and about to speak when he did it first. "I'm with her. Mrs. Lopez called the both of us. You can ask her by yourself, Mrs. Geronimo." Taka akong sumulyap kay Aki pagkatapos ay sa kaharap na professor na awkward kong nginitian. After a few seconds of watching us, her face came back to normal. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na siya nang-usisa pa. "You can both go to your seat." Then hinarap niya ang board at muling nagsulat doon. Nagkatitigan pa kami sandali ni Aki. I thought, he will say something but no words came from his mouth. Umiwas ako ng tingin at pinigilan ang sarili na bumuntong hininga ng malalim. Bakit Rain? Are you expecting something from him? Stupid! You didn't saved him! He saved himself. And it was a hard slap for me na makita siyang kumilos at nilagpasan ako. Nakakatawa lang dahil hindi ko alam na may parte pala ako sa sarili ko na assumera. Sobrang kitid ng utak ko sa part na simple gesture lang, binibigyan ko na ng kahulugan. "Thanks." Sandali akong napatulala dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya pa iyon. Gulat ko siyang sinundan ng tingin na naglalakad patungo sa sarili niyang upuan. I'm waiting for him to look at me. Hindi kasi ako sigurado kung galing ba iyon sa kanya o guni-guni ko lamang, but he never did. Imbes humiga siya sa desk ng upuan at may plano pa atang matulog buong klase. I bit my lower lip to avoid my self from smiling. I'm not sure about what I heard yet I'm hundred percent sure that he's not just my crush. He's more than that. I first saw Achilles playing basketball at court alone. Ginabi ako ng araw na 'yon dahil napagtripan ako. I was set up and being blame that's why my professor punished me to clean the whole classroom alone. Naalala ko pa ang palihim kong pagrereklamo at ang matinding inis na naramdaman ko ng araw na iyon. But now, I'm grateful about that day because it was the reason why I get to know him. Papunta ako sa maintenance office para isauli ang cleaning materials na ginamit ko when I heard a sound which is bouncing ball and shoes friction. Gusto ko sana iyong balewalain. Natural lang na makarinig ako ng ganong klaseng tunog lalo na't malapit lang ang gymnasium sa hallway na dinadaanan ko. I don't know though what push me to choose the path to gymnasium. Sa halip na dumiretso sa maintenance office, naglakad ako papunta roon. Nang makarating, dahan-dahan akong sumilip sa salaming bintana ng pintuan ng gymnasium. And there, I found him. The way he move, dribbling the ball and shoot it in ring. I found my self adoring him. I thought, he was a senior. Matangkad kasi siya at matipuno. Matangos ang ilong at may pagkasingkit ang mga mata. His face was lethargic but it made him more attractive and handsome. Besides, hindi ko talaga siya nakikita o nakakasalubong sa building namin kaya di ko inasahan na magkayear lang pala kami at magkapareho pa ng program na kinuha. I watched him with full of admiration the whole fifteen minutes. I was amazed of how his wet hair complimented the shape of his jaw. Kaya hindi ko namalayan na ganon ko na pala siya katagal pinanunuod. And it's really hard to take your eyes away from that kind of view. Lahat na ata ng positive adjective, nasabi ko na sa kanya. Hindi pa sana ako titigil kung hindi lang dumating ang mga kasamahan niya which is nalaman ko na mga pinsan niya after a month. Sikat din siya kaya hindi naging mahirap sakin na alamin ang pangalan niya. Simula no'n, lagi ko na siyang napapansin sa hallway, nakikita sa cafeteria at sa mga benches sa football field kasama ang mga pinsan niya. Sa bawat impormasyon na nasasagap ko tungkol sa kanya, unti-unti kong napagtanto na I'm out of his league. That he's too perfect for me. After all, isa lang naman akong babaeng utak lang ang ipagmamalaki. "You can go now! Class dismiss!" After the declaration, mabilis pa sa alas kwatro kung magsialisan ang iba kong kaklase. Naiwan ako at mangilan-ngilang kaklase kabilang ang grupo ni Nathalia. Sa kalagitnaan na ko ng pagliligpit ng gamit nang lumapit sakin si Nathalia. "Bakit kasama mo si Aki?" She frankly asked which is hindi ko inasahan. Napahinto ako sandali dahil sa gulat ngunit agad din na nakarecover pagkalipas ng ilang segundo. "Matagal na siyang nag-aantay sa labas kanina. Doon ko siya nadatnan." I honestly explained. Gusto ni Nathalia si Aki kaya wala siyang rason na gumawa ng bagay na ikakasira nito. Kaya sinasabi ko sa kanya ang totoo. "Should I thank you then?" Halata naman sa boses niya ang sarkasmo kaya ginawa ko lahat para magpasensya. Sinukbit ko ang bag sa magkabilaang balikat pagkatapos hinarap siya. "Nagpasalamat na siya." Wala sa sarili kong sambit na namisinterpret niya pa ata dahil patuya siyang suminghap. "So does it make you better?" "Hindi ganon ang ibig kong sabi-" "Shut up!" Asik niya kasabay ng paghakbang niya palapit sakin. "Do you think you are better than me because Aki noticed you?" Tinikom ko ang aking bibig at lumunok ng bahagya. The expression of her face was dangerous. She's like a mad cat. Minsan ko na rin itong nakita noon kaya sandali akong napaisip. "I'm not. Hindi ko lang maintindihan kung sino ba talaga ang pinag-uusapan natin." "Sino ba sa tingin mo?" "Hindi ko alam." "Hindi mo nga ba alam? Or you're just pretending that you didn't know?" She paused. At lumapit pa lalo sakin, this time bumulong siya. "After all, you are indeed good in that field." I was caught off guard to the fact that I don't really understand what she meant. Kaya hindi na ko nakahanap pa ng depensa na sasabihin. Lumayo si Nathalia at bago niya ko tinalikuran, nanunuya niya kong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. I can't forget how her eyes filled with hatred, insults and anger. Hindi ko tuloy maiwasang magtanong. "Is it really possible that a person hated you for no reason?" "Bakit mo naman natanong yan anak?" Umalis ako sa pagkakapalumbaba at tiningala si Nanay Edith na napahinto sa paghihiwa ng gulay para lang mapakinggan ang paliwanag ko. "Uhm...mayroon kasi akong kaibigan. Simula pa raw no'ng senior high, lagi na siyang inaaway ng mga kaklase niya. Uh..wala naman siyang natatandaan na ginawan niya ang mga ito ng masama." "Ipinanganak ang tao na mabuti. Nagiging masama lang tayo dahil pinili natin ito. Posible na may taong kinaaayawan nga siya ng walang dahilan ngunit sa edad niyong iyan, naniniwala ako na may dahilan ito. Iyong malalim na dahilan upang makapanakit o makagawa ng masamang bagay." "Pero di ba nay, hindi ka dapat nananakit ng ibang tao sa kahit anong dahilan?" "Oo naman. Mali pa rin iyon." Pagsang-ayon niya saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Ako naman ay pinili na lamang na h'wag intindihin ang sinabi ni Nathalia. Malamang ay nasabi niya lang iyon dahil sa matinding pagseselos. And speaking of, napangiti ako ng maalala ang nangyari kanina. Hindi ko maiwasang kiligin kahit na ang tanda ko na para roon. May naging crush din naman ako no'ng high school pa lang ako pero isang buwan na ang pinakamatagal. Ako kasi ang tipo ng babaeng mabilis maturn off pero kay Aki, hindi ko alam kung kailan. Hindi ko man siya kilala ng lubusan pero masasabi kong may alam naman ako tungkol sa kanya. Siya ang tipo ng kaklase na mahilig matulog sa klase pero matalino. Mukhang tahimik at seryoso but I already saw him laughing hardly in front of his cousins. Kaya napagtanto ko na baka depende sa kausap niya ang level ng pagsasalita niya. "Uuwi ka na? Hinahanap ka ni Kyla ah." Harang sakin ni Allison na s'yang dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "Bakit daw?" "Tungkol sa project niyo sa business com." She plainly replied. "Uh..nasan siya?" "Nasa rooftop." Rooftop? Bakit naman sa dinami-dami ng pupuntahan niya, rooftop pa? "Ah sige." Ang tangi ko na lamang nasabi sa kabila ng kakaibang kutob. I don't want to act suspiciously but I couldn't manage. Kaya naman bago ako pumanhik, tinext ko muna si Kyla. Me: Kyla, hinahanap mo raw ako? Nasa fourth floor na ko nang matanggap ang mensahe niya. Kyla: Yup. I'm already done on my part kaya ipapasa ko na sana sayo. Me: Sige. Ako na kukuha. On the way na naman ako d'yan sa rooftop. Napabuntong hininga ako ng malalim ng mabasa ang reply niya. Halos gusto kong pagalitan ang sarili sa pagiging OA. Nahusgahan ko pa tuloy si Allison na nagmamagandang loob lang hayst! Dahil sa nabasa, naging panatag ang loob ko at hindi na nag-isip pa ng masamang mangyayari. Ipinagpatuloy ko ang pag-akyat hanggang sa makarating ako sa rooftop. Nabuksan ko na ang pintuan no'ng nagvibrate ang phone ko sa panibagong mensahe. Kyla: Huh? Nasa gymnasium ako. Panandaliang kumunot ang aking noo. Inirerehistro ko pa lang sa aking utak ang nabasa nang nauna ko ng makita mula sa aking balintataw ang paglapit ng pamilyar na bulto. Dali-dali ko iyong tiningala at nakompirma na parehong tao ang nakikita at naiisip ko. Napansin ko rin na hindi siya nag-iisa. So my instinct was right? 'Na isa na naman itong planadong pagkikita. I know it! Nahulaan ko ng may pinaplano na sila sa gitna ng pananahimik nila ng buong isang linggo. No-I actually aware na hindi sila ang tipong mananahimik na lang bigla. "Para saan na naman ito?" Imbes na sumagot, hinablot niya ang hawak kong phone na lubos kong ikinagulat. "Nathalia!" "What?! I just want to borrow your-oops, nahulog," Halos napanganga ako ng makita ang pagbitaw niya sa phone ko. Lumagapak ito sa sahig na ikinabasag ng screen nito. Hindi makapaniwalang tinapunan ko siya ng tingin. "Ano bang problema mo?" I hissed. "Ikaw. Your whole existence." She replied as side of her lips rose with mockery. My forehead wrinkled in confusion. "Iwan niyo kami." Sipat niya sa mga kasama. Walang sabi-sabi, sinunod agad ng mga kasama niya ang inutos niya. It implies that the authority and power is all on her. "Why do you keep meeting with me then?" Muli kong tanong. Hindi na pinagtuonan pa ng pansin ang pag-alis ng mga ito. Saka lang sumagot si Nathalia nang sumarado na ang pintuan at kami na lang dalawa ang natira. "Because you're quite entertaining." At mapang-asar niya kong tinapunan ng tingin. Kita sa kanyang dalawang mata ang kasiyahan na nakikita akong laglag ang panga. Sumalubong din ang kilay ko at hindi makapaniwalang tinignan siya. I can't believe! Seriously? Kailan pa naging entertainment ang ginagawa niya? I was quiet the whole time because I choose to understand her. Ayoko rin ng gulo pero napipigti na talaga ang pasensya ko ngayon. "You didn't change at all. You are still the loser president back then." "Ikaw rin naman." Sambit ko na ikinangisi niya lalo. May kasama na rin na pagtaas ng kilay sa kanyang ekspresyon. "Hindi ka rin nagbago. Nakakaawa ka pa rin." No'ng napawi ang ngisi niya saka lamang rumihestro sa aking kukote ang sinabi. Bago ko pa man ito magawang bawiin, isang sampal na ang aking natanggap mula sa kanya. "What?! Nakakaawa?!" Nagpupuyos niyang wika pagkuwa'y tinulak-tulak ako. "Hindi! Nabigla lang ako. I didn't mean to hurt you." Paliwanag ko habang sapo-sapo pa ang aking pisngi. "How dare you to say it to me?!" Subalit hindi siya nakikinig, hindi nagpapapigil. She did everything to hurt me. Ako naman ginamit ang mga palad para protektahan ang sarili mula sa panunulak niya. "Wala kang karapatan na sabihin sakin ang bagay na iyon! Wala kang kwenta! Loser!" "Tama na, nasasaktan na ko." Halos naiiyak kong awat ngunit para siyang bingi, hindi nakikinig. She was persistent and mad! "Aray!" Sigaw ko nang tumama ang aking puwet at siko sa sahig. Napangiwi ako at naiyak dahil sa sobrang sakit ng impact. "Nathalia, that's enough!" Hindi naging hadlang ang mga kaibigan niya para tumigil siya sa pagwawala. Kailangan pa ng mga ito na hilain siya mula sakin at ilayo para lang tumigil. "Bitawan niyo ko! Tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng yan." Pagpupumiglas pa nito habang tinatapunan ako ng matatalim na titig. "Nakakaawa?! Sino ngayon sa ating dalawa ang nakakaawa? You two-faced b***h! How dare you to look down on me!" "Tama na, Thalia. Ilabas niyo na siya." Hindi ko na nasundan pa ang mga nangyayari. I'm too shocked and frustrated. Everything is a mess. I didn't know where did I go wrong? I tried. Really hard. But in the end, I failed to protect my self again. • • • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD