CRUSH
You are… sweeter than sweet, prettier than pretty, cuter than cute, sexier than sexy. Lovelier than lovely, hotter than hot, no wonder I like you a lot.
~ Loveqoutes
Heina's POV
Malalim akong napabuntong hininga. Kanina ko pa tinitignan ang cellphone ko at ibabalik sa ibabaw ng lamesa at kukunin na naman tapos ibabalik din ulit sa ibabaw ng lamesa. Sa huling pakakataon ay kinuha ko na naman ang cellphone ko at nagscroll.
"Wala namang bagong post o kaya status. Dapat nandito na yun ngayon. Alas nuebe y media na ah." Sambit ko sa sarili ko at padabog kong binalik ang cellphone ko sa lamesa.
"Sa tingin ko malapit na siyang mabaliw." Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Aria na kakadating pa lang at may dalang shake.
"Oo nga. Ano na kayang stage yan. Alam mo ba Jenine?" Sabi ni Leila. Bumuntong hininga na lang si Jenine at umupo sa tabi ko.
Umupo na din ang dalawa ng nakasimangot dahil hindi man lang sinabayan ni Jenine ang trip nung dalawa. Nakita kong kinuna ni Aria ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa at tinignan ito.
"Jonathan na naman. Stalker." Sabi ni Aria at binalik sa ibabaw ng lamesa ang cellphone ko.
"Diba sila pa ng girlfriend ni Jonathan?" Biglang tanong ni Jenine sa akin.
"Yes. Ilang years na ba? Ahm. Two years? Ilang taon na nga ba in love si Heina sa kanya? Three years? Four years?" Nang-aasar na sambit ni Leila sa akin. Tumahimik na lang ako at hindi sila pinansin dahil alam kong nang-aasar lang sila.
"Maghanap ka na lang kaya ng iba Heina. Yung single, yung walang sabit." Sabi naman ni Aria at uminom sa shake na hawak niya. Kulang na lang ay takpan ko ang dalawang tainga ko sa sinabi ni Aria, dahil ilang beses ko na itong narinig mula sa kanya.
Alam ko na sawa na sila sa hopeless love ko kay Jonathan. Sobrang tagal ko ng umaasa sa kanya at hanggang ngayon ay nandito pa din ako naghihintay na mapapansin niya. Kahit nakapaimposible.
"For your information, hindi hinahanap ang love." Madamdaming saad ko at tinawanan lang nila ako ng malakas.
"Whatever. Hahaha. Love my ass." Saad ni Leila habang tumatawa pa din. Tila ba isang malaking joke ang sinabi ko.
"Sooo corny. Haha." Dugtong naman ni Aria. Si Jenine ay nagkibitbalikat lang kaya siniko naman siya ni Aria.
"Don't tell me in love ka? Wag kang gagaya sa isang yan, Hopeless." Inis na saad ni Aria.
"Hindi." Simpleng sagot lang ni Jenine at nag iba na ang topic nilang tatlo. Ako naman ay nakatingin lang sa cellphone ko na nasa table.
Paano ko kaya makukuha ang number niya? Hindi kami close at ako lang naman 'tong feeling close. Hindi din niya ako pinapansin. Napatingin ako sa tatlong mga kaibigan ko na tumahimik bigla. Nakatingin lang sila sa bandang likod ko kaya napbaling na din ako at nakita ko si Jonathan kasama si Janarra. Syempre kilala ko lahat ng kasama ni Jonathan, mula sa kaibigan niya hanggang sa mga kaklase niya, lalo naman si Janarra dahil yan ang current girlfriend nito ngayon. Ang long time girlfriend niya.
"Ang sweet. Si Jonathan pa talaga ang dumala ng bag ni Jana." Parinig na saad ni Aria pero nasa akin ang tingin imbis na kay Jonathan.
"I wish I have that kind of boyfriend." Wala sa sariling sambit ni Jenine kaya nabaling na sa kanya ang tingin nila Leila at Aria.
"Stop wishing Jen. Walang loyal na guy." Bitter na saad ni Aria. Bumalik na sa maingay ang table namin pero ako ay nasa kay Jonathan pa din ang atensyon.
Hindi man bago ang ganitong eksena sa akin pero ang sakit at inggit na nararamdaman ko ay parang laging bago kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama at masaya. Umupo na sila sa isang table na malayo sa amin. Mukhang kukuha na ng order si Jonathan at bago siya makaalis ay hinalikan niya sa pisngi si Janarra. Tsaka lang ako umiwas ng tingin sa kanila at umayos ng upo.
Napakaswerte talaga ni Janarra. Maganda naman talaga si Janarra, no wonder kung bakit siya na in love dito. Matalino din at mabait.
Dito ko unang nakita si Jonthan sa cafeteria. Grade 9 pa lang ako nun. Malaki ang campus kaya hindi ko alam na dito din pala siya nag-aaral. Nakita ko siya na nakaupo at kasama si Janarra, ang sabi nila ay mag best friend daw silang dalawa simula Grade 7 palang. Nagustuhan ko siya nung time na yun, nalaman ko din na mas matanda siya ng one year sa akin. Ginugol ko ang three years ko sa kanya, hanggang ngayon na grade 11 na ako at siya naman ay grade 12 na.
Grade 9 ako nung nalaman ko na nililigawan ni Jonathan si Janarra. Doon ko din nalaman na mahal ko na si Jonathan. Sabi ko titigil na ako, hindi ko alam kung bakit ang laki ng impact ni Jonathan sa akin kahit hindi naman talaga kami ganun kalapit sa isa't-isa. Pero lumipas ang araw na hindi ko kayang tumigil sa pagmamahal sa kanya. At hanggang ngayon ay umaasa pa din ako na mamahalin niya ako higit pa sa pagmamahal niya kay Janarra.
"Heina. Ano? Sasama ka ba?" Takang napatingin ako kay Leila na naghihintay ng sagot ko.
"Huh? Saan?" Naguguluhang tanong ko kaya napailing na lang siya at alam nitong hindi ako nakikinig sa kanila kanina.
"Sa gym. May practice kasi kami." Sagot ni Leila.
"Ayoko. Tinatamad ako. Kayo na lang." Wala sa sarili kong sagot habang panay ang sulyap sa gawi nina Janarra at Jonathan.
"Okay. May basketball practice pa naman si Jonathan." Napaayos ako ng upo sa sinabi ni Leila at ngumisi.
"Anong oras ba yan? Titignan ko yung schedule ko, baka may klase ako." Pasimpleng saad ko at napailing na lang sila.
"Ewan ko sayo. Ang arte mo." Sabat naman ni Aria, napapout na lang ako at tumingin sa gawi nila Jonathan na kumakain ngayon.
"Arrrrgh. Hopeless ka na talaga Heina. Nakakainis. Hindi ako magpapakatanga kagaya mo." Inis na sambit ni Aria. Hindi ko na lang ito pinansin at kinuha ko ang cellphone ko sa table tsaka nilagay sa bag ko.
"Alis na kami. May klase na kasi kami. Basta mamayang 3pm, kita na lang tayo sa gym." Paalala pa ni Leila at tamad na napatango na lang ako.
Nilibot ko ang tingin ko at konti na lang ang tao sa cafeteria. Wala na din sila Jonathan, mukhang umalis na sila. Aalis na din sana ako pero nagulat na lang ako ng may humawak sa likod ko.
"Heina, may nakita ka bang necklace dito nung dumaan kami? Nawawala ko eh." Hindi ako makapagsalita ng makita ko si Janarra sa harap ko, lalo na si Jonathan na blangkong nakatingin sa akin. Alam ni Jonathan na may gusto ako sa kanya, magkaroon ka ba naman ng mga kaibigan na ang iingay. Pero mukhang hindi alam ni Janarra ang tungkol dito.
Binalot ako ng kaba, hiya at saya dahil kay Jonathan. Dahil nasa harap ko siya ngayon at minsan lang ito mangyari sa isang taon.
"Huh? Aah. Hindi ko napansin." Naiilang kong saad at nginitian si Janarra, pero ang mukha nito ay malungkot at parang nagpapanic.
"Come on Jonathan, let's find it." Panic na saad nito. Siguro ay napakahalaga nito para kay Janarra.
"I'll buy you another one. Ano bang klaseng necklace yun?" Kunot-nuong tanong ni Jonathan kay Janarra. Napaiwas na lang ako ng tingin. Hindi alam kung dapat na ba akong umalis dito o manatili dahil ito lang naman ang pagkakataon na makikita ko ng ganito kalapit ang lalaking lihim kong minamahal.
"Hindi! Importante yun sa akin." Halos pasigaw na saad ni Janarra. Narinig ko na lang ang malalim na buntong hininga ni Jonathan.
"Okay. Hanapin natin." Walang nagawa si Jonathan at nagsimula na siyang tulungan si Janarra sa paghahanap.
"Tulungan ko na kayo." Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. Nakita kong tinignan ako ni Jonathan ng masama. Ano bang problema niya, kahit wala ka dito Jonathan, tutulungan ko pa din si Janarra. Wag mong isipin na dahil sayo kaya ko gagawin ito, sa kabilang parte ko Oo. Umangat ang tingin ni Janarra sa akin at nginitian ako bago tumango.
"Jana, ano bang design ng necklace mo para mas madali nating mahanap." Suhestiyon ko sa kanya. Mukhang nag-aalinlangan pa itong sumagot sa tanong ko.
"The pendant is a heart shape. Silver siya then medyo malaki ang pendant kaya madali lang itong mahanap." Sagot niya at nagpatuloy sa paghahanap.
"I can't remember I gave you that kind of necklace." Biglang sabi ni Jonathan kaya napatigil si Jana sa paghahanap. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa ng palihim.
"My mom gave it to me. Kaya sobrang mahalaga yun sa akin." Napatango na lang si Jonathan sa sagot ni Jana. Naghanap din ako pero wala akong makita.
"Oh!" Masayang sigaw ko.
"Nahanap mo na ba?" Patakbong lumapit si Jana sa akin. Napapout na lang ako at nahihiyang ngumiti.
"Ano. Hindi pa." Mahina akong natawa at pinakita sa kanila ang nakuha ko. "May nakuha kasi akong 50 pesos." Masayang sambit ko ngunit mukhang ako lang ang nasiyahan. Tipid na nginitian lang ako ni Jana habang si Jonathan naman ay inirapan ako.
Napaupo na ako dahil sa pagod. Mag iisang oras na din kaming naghahanap pero wala pa din kaming makitang kuwintas. Nakita kong umupo na din si Jonathan pero si Jana ay naghahanap pa din.
"May klase ka na Jana." Paalam ni Jonathan habang nakatingin sa relo niya. Napatingin din ako sa relo ko. Wala pa akong klase.
"Ang dali talaga ng oras, buti na lang wala pa akong klase." Sabi ko sa sarili ko.
"Should I skip? I'm sure na bukas wala na yun dito." Malungkot ang mukha ni Jana nang tignan ko siya.
"Pumasok ka na. Wala pa akong klase kaya hahanapin ko na lang dito." Parang napipilitang saad ni Jonathan. Napatalon naman sa tuwa si Jana at niyakap si Jonathan. Pinaglaruan ko na lang ang sapatos ko para aliwin ang sarili.
"Thank you." Sambit ni Jana kay Jonathan at bumaling sa akin. "Wala ka pa namang klase Heina diba? Please help Jonathan to find my necklace." Sumamo ni Jana. Napaangat ako ng tingin at natigilan saglit. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang alok niyang nakakatukso.
Gusto ko man tumanggi dahil alam kong mali pero mas pinili ko pa ding tanggapin ang alok niya. Dahil sa isang tao, dahil kay Jonathan. Napasulyap ako kay Jonathan at nakacrossed-arms lang siya habang malalim na nakatingin sa akin.
Pagkaalis ni Jana ay tumahimik bigla ang paligid. May iilang estudyante pa naman ngunit dahil gitna na ng ors ng klase ay mas lalong kumukonti ang mga estudyante.
Hindi manhid si Jonathan, matagal na niyang alam na may gusto ako sa kanya kaya iniiwasan niya ako. Sino ba naman ang lalaking hindi iiwas kung mahal naman niya ang girlfriend niya diba? Sigurado akong mahal niya si Jana.
"Tara. Hanapin na natin." Nakangiti kong saad. Tumango lang siya.
Nagsimula na naman kaming maghanap. Lahat ng sulok ng cafeteria ay tinignan namin. Pero wala talaga kaming nahanap, walang kuwintas na nakita.
"Sigurado ba talagang dito yun nawala? Baka naman sa hallway, o kaya sa room niyo." Sabi ko at sumulyap kay Jonathan pero hindi niya ako pinansin. Hindi ko nga alam kung narinig niya ba ang sinabi ko.
"Baka naman naghahanap tayo sa wala." Biro ko at tumawa ng mahina. Napasulyap ako sa kanya para tignan ang reaksyon nito ngunit blangko lang ang reaksyon nito na tila walang narinig.
Tinignan ko ang relo ko at namilog ang mga mata ko sa gulat.
"3PM na? My gooood. Ilang oras na pala tayong naghahanap dito." Gulat kong sambit at halos pasigaw iyun. Dahil doon ay nakuha ko na ang atensyon ni Jonathan at mukhang nagulat din siya.
Napasulyap si Jonathan sa relo niya at mabilis na kinuha ang bag nito at nilagay sa balikat niya bago lumapit sa akin. Sa bawat paghakbang niya ay siyang pagbilis ng kabog ng dibdib ko.
"May klase ka?" Tanong niya sa akin.
"Wala.." Wala na akong klase dahil kanina pang 2 PM yung klase ko pero hindi ko namalayan. Kanina pang tapos ang klase ko at hindi ko na naabutan dahil sa kanya.
"May practice ako. Pwedi bang.. Hanapin mo muna?" Pakiusap niya sa akin. Sa unang pagkakataon ay hindi ko nakitaan ng inis o irita ang mukha at boses niya. Sa unang pagkakataon ay hindi niya ako inirapan o sinungitan.
Sa sobrang saya ng pakiramdam ko ay hindi ko nagawang tumanggi at malapad na ngumiti bago mabilis na tumango.
"Susubukan ko." Masayang sambit ko. Tinapik niya ako sa balikat bago siya umalis.
Nung nasiguro kong wala na siya ay tsaka lang akong impit na napatili sa sobrang saya at dahil doon ay hindi mawala sa labi ko ang mga ngiti habang naghahanap.
Pero lumipas ang ilang oras at nandito pa din ako sa cafeteria. Mukhang wala na yun dito, sigurado ba talaga si Jana na dito yun nawala?
"Heina!" Rinig kong sigaw ni Leila at patakbong lumapit sa akin. "Bakit nandito ka pa? Diba sabi ko pumunta ka sa gym?" Takang tanong nito sa akin na nakakunot-nuo.
"Sorry. Nawala kasi yung kwintas ko kaya hinahanap ko. Tapos na ba kayo?" Pagkukunwari ko. Gusto ko mang ikuwento sa kanya ang nangyari ngayong araw pero alam kong mas maiinis lang siya sa katangahan ko. Yung tipong nagpapakatanga kana nga, kinikilig at masaya ka pa.
"So ibig sabibin kanina ka pa dito?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tinanguan ko na lang siya at kinuha ang bag ko.
"Mukhang tapos na nga kayo. Tara uwi na tayo. Asan na sina Aria?" Tanong ko at nagsimula na kaming maglakad.
"Kanina pa umuwi. Hindi ka man lang nagsabi, sana tinulungan ka namin. Nahanap mo na ba yung kuwintas?" Tanong pa ni Leila pero umiling lang ako.
"May sundo ka ba?" Tanong ko nang makalabas na kami sa school.
"Oo. Ikaw? Meron ba? 6 PM na din. Wala ng masyadong sasakyan dito." Sabi nito at sakto naman na may tumigil sa aming harapan na sasakyan. Sundo na ito ni Leila.
"Oo. Haha. Sige na. May sundo ako." Sabi ko at tumango na lang siya. Pagkaalis ng sasakyan niya ay nagsimula na din akong maglakad. Tinignan ko ang cellphone ko at akmang tatawagan na ang sundo ko pero nagulat ako ng may biglang bumusina sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko ang pamilyar na kotseng itim. Bumaba ang bintana nito at kinawayan ako ni Janarra.