CHATER FOUR

2886 Words
“Magpaka-busog ka..” Natapos kaming kumain pero tahimik pa din ako. Peter has to go first, may schedule daw kasi sya ng gym sa coach nya. Sinubukan pa nyang i-cancel pero andun na daw kasi ito sa gym. “Ikaw na bahala sakanya, Kuya.” sabi pa nya bago umalis. “Adios.” Umakto pa itong sumaludo bago lumabas ng bahay. Narinig nalang namin ang sasakyan nyang palayo. “Want to watch something?” tanong ni Preston. Umiling ako. “Wala naman.” “Let's talk. Can you tell me.. what are you feeling at this moment?” aniya habang nakatitig sakin. Napa-iling ako. “I'm good.” “Are you sure?” paninigurado nya. Tumango ako. Naramdaman ko ang kamay nyang lumapat sa kamay ko. Pinanuod ko kung paano nya pinagsaklop ang kamay naming dalawa. “I really hate it when you cry..” bulong nya. I know. Natataranta ‘yan sya kapag minsan bigla nalang akong umiiyak. Lalo na pag masakit yung puson ko dahil sa regla ko. I tend to cry suddenly. “I just didn't expect the results.” panimula ko. “We all didn't. Hindi ka nag-iisa. We saw how you played the game, and you did your best.” aniya. Ramdam ko ang sinseridad sa boses nya. And the words he said sounded so beautiful. Isa din naman ito sa nagustuhan ko sakanya. He has his own words to comfort you if you needed it. “Thank you..” halos ayun nalang ang salitang lumabas sa bibig ko. Napapikit ako ng maramdaman ko ang labi nyang dumampi sa noo ko. “You know I'll do anything for you.” bulong nya pa. Pinagdikit nya ang noo namin. Ang kamay nya ay sakop ang pisngi ko. Oh, how I could treasure this moment. “Asterin, can we try again?” Bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ang tanong nya. Hindi ko kailangang isa-isahin ang mga dahilan kung bakit hindi kami pwede. He might have seen it too, but chose to ignore it. If he can, I can't. “I can't..” Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng sinabi ‘yan sakanya. Hanggang kailan ko sya tatanggihan? Kung sa susunod na tanungin nya ko, can I still say No? “Let me fight for us.. hindi mo kailangan lumaban.. ako ng bahala satin..” No, that will be unfair. It was supposed to be our fight. You and me. Not just you. Duwag lang ako, at hindi ko alam kung kaya kong lumaban para sating dalawa. “Hindi mo naiintindihan..” umiling ako. “Then make me. Make me understand. Anong hindi pwede, Asterin? What's stopping you?” sunod-sunod na sabi nya. “Lahat sila.” halos mapaos ang boses ko. “Baby, I'm willing to talk to anyone who's thinking what we have is wrong.” “I'm sorry..” “I love you, Erin. I know you know that.” Gusto kong sabihin na mahal din kita. Kasi yun yung totoo. Is it okay to say it? Bakit parang bawal? O ako lang talaga ang pumipigil sa sarili ko sa dami ng iniisip ko. “Mahal din kita.” Napapikit nalang ako uli ng maramdamang dumampi ang labi nya sa labi ko. Kung nung nakaraan ay saglit lang, ngayon ay matagal. It's nice and warm. It's passionate. Gumanti ako sa halik nya. Hanggang sa naging mapusok kaming dalawa. “This is what we can do for now..” tumawa sya ng maghiwalay ang labi namin. Ano bang iniisip nya? Balak nya ba kong bembangin? Parang ewan ‘to. Umirap ako. “Bakit may iba ka pa bang balak? Tumigil ka, Preston.” “Wala.. what are you thinking?” tumawa pa sya lalo. “Ikaw ha..” Tinulak ko ang mukha nya palayo gamit ang kamay ko. “Baliw.” “May plano ka ba para bukas?” tanong nya. “Wala. Bakit? Kikidnapin nyo nanaman ako?” tumaas ang kilay ko. “Titignan lang namin yung rest house sa Batangas, Peter might not go. Kailangan nyang maiwan para sa kompanya.” sagot nya at sinandal ang ulo sa headrest ng sofa. “Pwedeng sumama?” tanong ko. Napatingin sya sakin. “Sasama ka? Kahit tayong dalawa lang?” Tumango ako. “Oo nga, parang ayaw mo naman.” “No, of course, I want to be with you. Ikaw lang inaalala ko, baka hindi ka komportable. Pero pwede ko din naman isama si Peter kung gusto mo..” aniya. Tumawa ako. Kasasabi nya lang kanina na kailangan nya si Peter para sa kompanya pero biglang isasama nya naman agad. “Kung kailangan mo si Peter sa kompanya, pwede naman syang hindi sumama. Wag mo ng ipilit..” sabi ko naman. “Then we can go. Tayong dalawa lang..” ngumisi sya. Naningkit ang mata ko. “Parang ayoko na, may masamang balak ka ata sakin.” Umakto syang nasaktan. “Ouch. Ganyan na ba tingin mo sakin?” Napa-iling ako. “Ewan ko sayo. Anong oras ba aalis?” “Mga six ng umaga, dadaanan pa kita dito. Bring anything you need.” sabi nya pa. Tumango lang ako. Kami naman talaga ang madalas bumyahe ng malalayo. Minsan pa ay kasama si Peter kung hindi naman busy. Gaya nga ng sabi nya bago pa man mag ala-sais ay nasa labas na sya ng bahay. Kausap pa nya ata si Peter. “Kuya, I'm telling you. Don't do anything stupid.” dinig ko pa ang boses nya. Naka-loudspeaker ata sya dahil nag-aayos sya sa backseat ng bag. “Stop being overdramatic. It's not like I'm doing a crime, dumbass.” kontra nya naman. Napa-iling nalang ako at natawa. Ang aga-aga naman nitong dalawa. “I'm just saying, Kuya. Let me talk to Erin.” anito. “No.” sagot naman ng isa. “Tatawagan ko nalang sya.” laban naman ng isa. Lumapit ako kay Preston at inabot ang cellphone nya para kausapin si Peter. “Ano?” tanong ko. “Erin, make sure to lock your doors. If plano nyo mag overnight.” sabi nya. “Ang aga pa, Peter Castellano. Matulog ka pa. Puyat lang ‘yan.” sabi ko sakanya. “I'm just worried?” hindi sya makapaniwala. Tumawa ako. “Sige na, I'll text you.” Pinatay ko na ang tawag at binalik ang cellphone kay Preston. Inabot ko na din sakanya ang bag ko para mai-ayos nya sa likod. Isang malaking backpack lang naman ang dala ko. Pero madaming laman. “Sakay na.” aya nya. I've made sure all the doors front and back are locked as well as the windows. Nang masigurong okay na lahat ay saka nako sumakay sa harap. Madilim pa lang at pasikat pa lang ang araw. Namiss ko yung mga sponty trips namin. Lalo na pag pareho kaming stress. Sa school and sa work. Trips to Tagaytay. Antipolo. Baguio. At madami pa. Mga biglaang yaya kung saan man kami mapunta. “Any plans for the holy week? Uuwi ka ng Ilocos?” tanong nya. “Hindi ko pa alam, baka magpahinga nalang ako sa bahay nya. Malamang ay madami ding babyahe at ayokong makipag-sabayan.” sagot ko. “Kayo ba? Anong plano nyong dalawa?” “Wala pa. Pero kung gusto mo.. we can go together sa Ilocos. We'll drive.” aniya. “Ayy nako, tigilan nyo kong dalawa. Gusto kong magpahinga.” napa-iling ako. Iniisip ko pa lang na andun sila sa bahay namin sa Ilocos ay gulo-gulo na ang utak ko. Tumawa sya. “What? Why? Ayaw mo ba kaming makasama?” “Manahimik nalang tayo dito sa Maynila kung ganun.” sabi ko. Tumango sya. “Pwede naman. Dun ka nalang samin.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. “Anong dun nalang sainyo?” “Dun ka mag-holy week samin.” sagot nyang muli. “Sa penthouse?” “Yeah. Or pwede naman dyan nalang sayo, kung saan ka komportable.” Ang confident ng sagot nya ha. Sabagay, kung sakali ay ganun naman talaga ang mangyayari. Kung hindi sa bahay namin ay sa bahay nila. Hindi ko din lubos maisip kung bakit kami andito. He's my ex and yet.. magkasama kami? Ano ‘to? Ex to friends? Walang ganun, but damn. Tignan mo kung nasaan ako ngayon. “Pwede kang umidlip..” aniya. “Okay lang, hindi pa naman ako inaantok.” sabi ko. “Just tell me, kung nagugutom ka or need mo mag bathroom break.” paalala nya. “Okay.” sagot ko naman. Nakita kong may inabot sya sa backseat. Isang malapad at malaking bagay. “I brought the iPad with me. You can play on it if you want.” sabi pa nya. “May data ‘to?” tanong ko naman. “Yeah, I did. Kaka-load lang.” Ang taray. I think this is his personal iPad. Laptop or Mac ang gamit nya sa trabaho. Pagbukas ko ng cover ay umilaw at lumitaw ang screen. And it's asking for a password. “Anong code? Paki-type.” hinarap ko ang iPad sakanya para sya ang mag-type. “It's your birthday and mine.” tumawa sya. Umirap ako. Tinype ko ang password. Birthday ko 16 at sya naman ay 14. Na-unlocked yung screen. Ano bang nasa isip nya at ganun ang nilagay nyang password? “Bakit hindi ka nagpalit ng password?” tanong ko. “Mas madaling tandaan ‘yan e.” rason nya. “Ewan ko sayo.” Wala akong ginawa sa iPad kundi manood ng Youtube. Sya naman ay nakikinig sa mga pinapanuod ko. Random videos lang naman. Lalo na ng KPOP group na gusto ko. Ni hindi ko na namalayan na nakakatulog na pala ako. Naramdaman ko nalang na parang lumalim ang pinagsasandalan ko at may bumalot saking jacket. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising nalang ako ng hinahaplos ni Preston yung pisngi ko. “Wake up, baby. We're here.” marahan nyang sabi. Napabangon ako at napatingin sa paligid. Isang malaking bahay ang bumungad sa paningin ko. Sobrang ganda. This is not the first time, pero matagal na din nung huli ko itong nakita. Sabay kaming bumaba sa sasakyan. “Ni-renovate ‘to?” tanong ko. “Yeah. Last year.” sagot nya naman. Lumabas ang isang matandang lalaki sa bahay at sinalubong kaming may ngiti sa labi. “Sir, andito na pala kayo.” anito. Sumunod na lumabas ang isang matandang babae. “Sir Preston, maligayang pagbabalik po.” ani naman ng matandang babae. “Nako, kasama nyo pala si Miss Erin. Magandang umaga po, napaka-ganda nyo pa rin naman..” Napangiti ako. “Thank you po, Mang James. Kamusta ho?” Humarap ako sa matandang babae. “Good morning po, Nay Melanie.” “Nakakatuwa naman at magkasama pa din kayong dalawa.” ani matandang babae. Napangiti nalang ako at di na nagsalita. “Sya nga pala, nagluto kami ng pang-almusal. Paniguradong gutom at pagod kayo sa byahe. Pumasok na kayo sa loob..” Nakasunod ako sakanilang pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong ako ng maaliwalas na disenyo ng bahay. “Nalinis na din pala namin yung master's bedroom.” sabi ni Nay Melanie. “Isang kwarto lang po?” napatanong ako. “Ah.. e. Hindi ba kayo magsasama sa isang kwarto? Pasensya na, akala ko kasi.. lilinisin ko nalang yung kabila. Nako, bakit hindi ko naisip ‘yun.” naglakad na palayo si Nay Melanie. “Okay lang po, Nay. Pasensya di din namin nasabi agad.” sabi naman ni Preston. “Tulungan na kita.” ani naman ng asawa nya. “Kain na tayo.” aya sakin ni Preston. Naupo na kami sa dining, pinagsandukan nya ko ng sinangag at nung mga ulam. “Ang dami naman.” sabi ko. “Okay lang ‘yan. Wala kang kinain buong byahe.” Tahimik kaming kumain. Masyado akong nahihipnotismo ng tanawin sa labas. May sliding door sa katapat na mahabang lamesa ng dining area. May daan duon papunta sa pool area na kita din ang overlooking. “Ipapa-baba ko na yung mga gamit natin mamaya.” paalam nya. Tumango lang ako. Ano bang sasabihin ko? Sumama lang naman ako dahil nababagot ako sa bahay. Pagkatapos namin kumain ay nagboluntaryo nakong maghugas ng mga plato. Pinigilan pa nila ako pero kalaunan pumayag din. Si Preston ay nasa likod ko lang pinapanuod akong maghugas. I can feel his stares, pakiramdam ko buong pagkatao kitang-kita nya. Nang matapos akong maghugas ay naka-abang na pala sya na may dalang pamunas ng kamay. Lumapit sya sakin ay sya na ang nagpunas ng kamay ko. “Kaya ko namang magpunas ng kamay..” sabi ko. “Alam ko, but I still want to do it.” sagot naman nya. Marahan nyang pinunasan ang kamay ko. I suddenly remembered before, lagi nyang ginagawa sakin ‘to. Lalo na sa condo nila, kapag nagluluto kami ng pagkain. Ako ang laging naghuhugas, kahit umayaw sya wala syang magagawa. “Thank you.” lang ang nasabi ko. “Kung gusto mo maligo sa pool, you can. May dala ka bang panligo?” tanong nya ng matapos syang magpunas. “Yes, ako pa ba?” tumawa ako. “Pero baka mamayang gabi, mas masarap magbabad sa pool.” “Sa office lang ako, puntahan mo nalang ako if may kailangan ka.” sabi nya. Tumango ako at tumambay sa sala para manood ng TV. Nang mapagod kakanuod ay binuksan ko ang sliding door sa dining area palabas sa pool area. Mataas na ang sikat ng araw pero hindi masakit sa balat. Naupo ako sa isang upuan dun at nagpa-araw. Sobrang ganda talaga ng tanawin. Napagod nanaman akong panoorin ang tanawin kaya pinuntahan ko si Preston sa opisina nya. May kausap sya sa cellphone, mukhang tungkol sa kompanya. “Yes, please. Paki-send sa email ko lahat ng proposals na sinend nila.” aniya. Nakita nya kong pumasok at sinundan ng tingin. Naglakad-lakad lang ako sa opisina nya para tignan ang mga pagbabago. May bintana sa likod nya kung saan naka pwesto ang swivel chair. “Hindi. Send an email back to Mr. Portugal, his proposal is not ideal. Saka ko na sya kikitain kapag maayos na at naaayon ang proposals nya.” Nakikinig lang ako sakanya. Napalapit ako sa lamesa nya, umurong sya ng bahagya gamit ang upuan. Inabot nya ang kamay nya, nagtataka akong tumingin sakanya. Wala sa sariling inabot ko naman ang kamay ko. Hinawakan nya ‘yon at hinila palapit sakanya. Nakasandal ako sa lamesa nya o napa-upo habang hawak nya ang kamay ko. Nahigit ko ang hininga ng dalhin nya ito palapit sa labi nya at dinampian ng halik. What is this now, Preston? “Thank you, Rhocel. I'm sorry for asking this on a weekend.” aniya. “Bye.” Nang maibaba nya na ang cellphone ay humarap na sya sakin. “Bored?” tanong nya. Umiling ako. “Hindi pa naman, malapit na.” Tumawa sya. “May gusto ka bang gawin? Or kainin?” Umiling akong muli. We’re ex-lovers and yet he’s still sweet and I let him do these sweet things. “Erin..” tawag nya sakin. “Hmm?” “Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. I was expecting na tatanggihan mo yung alok ko na pagsama dito..” “Gusto ko din naman pumunta sa ibang lugar, tsaka, wala ka ding kasama.” napayuko ako. “Can I ask something?” tanong nya. “Ano?” napatingin ako sakanya. “Anong gusto mong matanggap sa graduation mo? Pag-isipan mong maigi, name anything you wish or you want to have.” Kumunot ang noo ko. “Bakit naman?” “I'll give it to you. I will give anything you want, kahit ano pa ‘yan.” “Paano pag gusto ko ng isang milyon?” “Deal. Ayun lang?” “Cash?” “I can call the bank now to process it.” “OA ka, joke lang. Tsaka, matagal pa naman. Wala pa ko sa era na ‘yun.” sabi ko naman. “Isang milyon lang ba? Ayun lang kailangan mo?” ngumisi sya. Marahan kong kinurot ang matangos nyang ilong. “Napaka-yabang mo!” “Hey, I'm not. Ako lang ‘to, kayang ibigay kahit anong hilingin mo.” tumawa sya. Umirap naman ako. “Ewan ko sayo.” But deep inside, kinikilig talaga. Sino ba naman ang hindi kikiligin? Isang lalaki na kayang ibigay sayo lahat. Handang ibigay sayo ang lahat. Kahit nga yata house and lot ang hilingin ko ibibigay nya kaagad. “Mamayang hapon pala, nagyayaya si Mang James mag-inom. Kasama yung mga ibang taga dito. Okay lang ba?” paalam nya. Nangunot ang noo ko. “Bakit nagpapaalam ka sakin?” Nagkibit-balikat sya. “Papayag ka ba o hindi?” “E-Edi uminom ka.. sino naman ako para pagbawalan ka?” napa-iwas ako ng tingin sakanya. “Sayo lang naman ako sumusunod.” sagot nya naman. “Baliw. I'll just check our rooms.” sabi ko at naglakad na palabas ng opisina nya. Naghuhurumentado nanaman kasi ang dibdib ko. Walang palya talaga syang gawin sakin ‘to. Kahit nuon ay ganito nya din akong nakuha. Sa matatamis na salita at gawa. Hanggang kailan ko kaya kayang pigilan ang sarili ko? Magpapa-pigil pa ba ako? Kakayanin ko pa kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD