CHAPTER THREE

2559 Words
“I'm home, and never be gone!” Agad kaming napalayo sa isa't-isa ng marinig ang pamilyar na boses. Hindi ko alam kung saya ba yung mararamdaman ko o dismaya e. Masaya dahil napigilan o dismaya dahil napigilan. “Erin?” “Hey.” bati ko sakanya at ngumiti. Pumasok si Peter at nilapag ang gym bag nya sa isa upuan. Lumapit sya sakin at niyakap ako. “What the hell are you doing here?” “Dinner? Nasa dessert na kami.” sagot ko naman at tinapik ang likod nya. Hinila ni Preston palayo ang suot na hoodie ni Peter sakin. Sinamaan nya ng tingin ang kapatid nya dahil duon. Ilang hakbang lang ang layo namin sa isa't-isa pero ang layo ng narating ni Peter. “Nagkabalikan na kayo?” kumunot ang noo nya. “No!” agad na sagot ko. “Kung papayag sya, why not?” nagkibit-balikat ang katabi ko. Napatingin ako sakanya ng masama. Naningkit ang mata nya saming dalawa. “I texted you.. speaking of, I think I left my phone.” sabi nya at lumabas ng kusina. Iiling-iling nalang si Preston sa kakulitan ng kapatid nya. They're so different. Nonchalant type si Preston, si Peter naman ang OA. “Kung ano-ano sinasabi mo dyan..” inirapan ko sya. Tumawa sya. “What?” “Tapos na kayong dalawa mag-kainan?” pumasok na si Peter sa kusina. Sunod-sunod akong napa-ubo sa tanong nya. Umawang naman ang labi ni Preston sa gulat. “May naka-alala siguro sayo..” sabi ni Peter.. Inabot ko ang buhok nya at sinabunutan pero hindi ganun kalakas. Yung bibig talaga ng lalaking ‘to, kahit kailan. “Ouch!” daing nya. “Ano ba namang tanong ‘yan?!” sinamaan ko sya ng tingin. “Nagtatanong lang. Kumain na ba kayo?” laban nya naman. “Ganyan dapat yung tanong..” sabi ko. “Wala namang mali sa tanong ko kanina? Nagkainan na ba? Kumain na ba? Iisa lang naman ‘yun?” tumaas ang kilay nya. Hindi ko na sya pinansin. Kahit kailan talaga. Sumasakit ang ulo ko sakanilang magkapatid. Para akong nag-aalaga ng isang adult at isang bata. “Paano ka pala napunta dito? May usapan ba tayo?” aniya habang sumasandok ng dream cake. Umiling ako habang kinukuhanan ang sinandok nya sa plato nya. “S-Sinundo ako ng Kuya mo..” sagot ko naman. “Saan?” tanong nya. “Sa school.” sagot ko ulit. “Nagpa-sundo ka?” tanong nyang muli. Umiling ako. “Binasa nya yung text ko sayo.” Tinignan nya ng masama ang kapatid nya. “Ginamit mo ko, Kuya?!” aniya. Gusto ko nalang iumpog ang ulo ko sa pader. Napa-iling nalang nanaman si Preston. Pareho kaming nangungunsumi sa kapatid nya. “I'll just wash up.” paalam ni Preston at lumabas ng kusina. “Wala kang pasok bukas?” humarap sakin si Peter. Umiling ako, dahil busy sa pag-nguya. “Dito kana matulog.. bukas na kita ihahatid.” sabi nya. Pagod na din naman ako at ayoko ng makipag-talo. Hinanda ni Peter ang isang guest room. “Wait. I’ll look for some clothes upstairs that you can use..” aniya. Hinintay ko lang sya saglit at bumalik syang may dalang damit. “Kay Kuya ‘yan.. ayan na yung nahanap ko e. Wag ka ng mag-inarte.” aniya ng hindi man lang ako pinagsasalita. Sa dami ng damit nya at sa kapatid pa talaga nya ang kinuha nya. “Okay ka na dito?” tanong nya bago lumabas ng kwarto. “Yep. Thank you.” sabi ko at ngumiti sakanya. “Lock the door. Baka may gumapang sayo..” tumawa sya. “Tarantado ka talaga.” Mabilis lang din naman ako naghilamos. It's not like I’m not used to them at their home. Nuon ay halos di nako umuwi dahil ayaw nila akong pauwiin na dalawang magkapatid. Kinaumagahan, umalis na si Preston. Nag-almusal lang kami ni Peter bago nya ko hinatid at pumasok na din sya sa opisina nila. Dahil wala nga akong pasok ay naglinis nalang ako ng bahay. Nilabhan ang dapat labhan. Pagdating ng hapon ay nag jogging at dumaan sa grocery. Tinawagan ko din sila Lola at Lolo para kamustahin. “Sigurado ka bang, okay ka lang dyan?” tanong muli ni Lolo. “Oo nga, Lo. Wag kang masyadong mag-alala, okay lang ako dito. Inaalagaan naman ako ni Peter.” sabi ko. Kilala nila si Peter dahil pinakilala ko sya nuon nung andito pa sila sa Maynila. “O sya, sige. Basta si Peter ang kasama mo palagay ang loob namin.” sabi naman ni Lola. “Baka this coming holy week, dyan po ako.” sabi ko. “Talaga? Nako, mabuti naman.” excited na sabi ni Lola. Miss na miss ko na din sila ng sobra. Maaga ako natulog dahil na din siguro sa pagod maghapon. Paspasan ang workout kinabukasan. Mamaya na din kasi ang laban sa ibang school. Pupunta daw si Peter para manood, hindi ko lang alam kung ganun din si Preston. Alam ko namang busy sya, at hindi naman sya required pumunta. Pero kung gusto nya.. pwede naman. “Ready, Erin?” tanong ni Coach. Tumango naman ako habang nag-stretching. Nakita kong dumating na yung mga taga-ibang school sa kabilang court. Nagkatinginan pa kami ng isang lalaki. Ngumisi sya sakin. Pero hindi ko pinansin at nag-focus sa pag-kokondisyon ng katawan ko. Ilang beses kong naramdaman ang pagsulyap sakin ng lalaki galing sa kabilang school. “Erin. Kanina ka pa ata ini-spottan nung nasa kabila a?” puna ni Rolando. “Pabayaan mo sya. It might be one of his tactics. Hindi gagana sakin ‘yan.” sabi ko at tumawa. “Baka type ka, Erin.” tumawa naman si David, isa din sa mga players ng team. “Pwes, hindi ko sya type.” sabi ko naman. Naghiyawan sila. But he has the look. Pero hindi ko lang talaga sya type. Ramdam na ramdam ko ang pagsulyap-sulyap sakin ng lalaki galing sa kabilang court. What's his deal? Nag-warm up na kami ni Rolando. Ilang munito nalang kasi ay magsisimula na. Pumwesto na din kami sa side namin. “Kaya natin ‘to, Erin. Just like before..” aniya. “Fighting! Mananalo tayo!” sabi ko at nag-high five kami. I've watched some of their matches. At isa lang ang masasabi ko, magaling nga sila. Aaminin ko na kinabahan ako dito pero agad ko ding pinalis sa isip ko ang takot. Walang oras para matakot. Saamin ang unang shuttlecock. Hinagis ko ‘yun sa ere at hinampas ng raketa. Mabilis iyong nasalo ng nasa kabila kaya napunta samin ulit ang shuttlecock. Pabalik-balik lang ito samin. Napansin kong nagpalit ng pwesto ang dalawa sa kabilang court. Oh, I know that. That's one of their tricks. That won't work. Ayun ang akala ko. Hindi namin nahabol ni Rolando ang shuttlecock dahil masyadong malakas ang pagkakahampas sa kabila. May ngisi sa labi ng lalaki sa kabilang court. Babae din ang kasama nya. But I feel like.. sya lang ang nagbubuhat. The girl was just a decoy. Talo kami ng first round. But we won the second one. Now the third one will be crucial. Kung sinong mananalo dito ay syang mananalo talaga. “Erin.. focus. Pansin ko ikaw ang target ng lalaki sa kabila. Laging dinadala sayo yung shuttlecock.” sabi ni Coach. I noticed that too. Sinasadya nya ata e. “Do you personally know him?” tanong ni Coach. Umiling ako. “I've seen him but I don't know him. Wala kaming interaction kahit isa.” “Well.. he's targeting you.” Sunod-sunod nanaman ang palitan namin ng shuttlecock sa magkabilang court. s**t. Napapagod nako. This is not good. Tumaas ang kulay ko ng makitang nakatitig nanaman sya sakin. Hinagis nya ang shuttlecock, akala nya siguro hindi ko makukuha. I did send the shuttlecock back. Ngumisi din ako sakanya. He laughed. Siguro ay hindi nya inaasahan ang ginawa ko. But it's okay, if we can't win this one, we'll surely can next time. “Erin.. kinakabahan nako dito..” dinig kong sabi ni Rolando. “Wag kang kabahan, bantayan lang natin galaw nila. Yung lalaki, hindi nya naman masyadong inaano yung ka-partner nya. She barely even move.” sabi ko. “Napansin ko din ‘yan..” tumawa sya. “Go, Erin!” sigaw ng mga kaibigan ko sa bleachers. Is he around? Pasimple kong nilibot ang mata ko sa paligid. And there I saw him. Kasama nya si Peter. May sinasabi sakanya ang Dean pero parang hindi sya nakikinig. Our eyes met. Ilang segundo tumagal ang mata namin sa isa't-isa bago ko hinagis ang shuttlecock at hinampas ng malakas. Mabilis iyong nasalo sa kabila at binalik samin. Nakuha ni Rolando at ang babae sa kabila. Ang lalaki ang nakakuha at halatang gustong ipatama sakin. Sinalo ko ‘yun at binalik sa kabila. Parang kaming dalawa nalang ng lalaki ang naglalaban. It's getting exhausting. Ito na ata ang pinaka-mahabang laban na ginawa ko. But in the end, hindi na namin nailaban. They won and we lost. Hingal na hingal akong napa-upo sa sahig habang naghihiyawan sa kabilang court. Nilapitan ako ni Rolando at umupo sa tabi ko. “Okay lang ‘yan, we'll surely win the next match.” sabi nya. Tumawa ako. “Dapat lang.” Tumayo sya at naglahad ng kamay sakin para alalayan ako. Lumapit kami kila Coach at nakipag-high five lang. “Wag masyadong dibdibin. This is just our first match with them.” sabi nya samin. He's right. This is just the first match. Definitely not the last. Kinuha ko ang bag ko at nakita ang cellphone kong umilaw. A text message was received. Binuksan ko yun para basahin. Peter: Magaling ka pa rin. Tumawa ako at napa-iling. Isang text nanaman ang nakuha ko galing naman kay Preston. Preston: You still won for me. I actually don't need those words but I guess I need it now. I just didn't expect it. O baka masyado lang talaga akong naging mataas sa sarili ko. My friends tried to make it a big deal. Hindi nila masyadong in-open yung topic ng laro. Tahimik lang din ako. “Magpahinga ka ng maayos.” sabi ni Jasper. Pinanuod ko silang maglakad palayo. “Miss. Sakay kana.” Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Peter. Ngumiti sya sakin. Pero nakatitig lang ako sakanya. “Ayaw mo bang sumabay sakin? Pwede naman kay Kuya. Susunod nalang ako sa bahay nyo, we ordered some food.” sabi nya. Pumarada ang isang SUV sa gilid ng sasakyan ni Peter. Nakababa ang bintana sa passengers seat at nakita ko si Preston duon. “Sige na, sakay na.” lumapit sya sakin at marahan akong tinulak papunta sa sasakyan ng kapatid nya. “Ayaw nya sakin, sayo nalang daw..” sabi pa nya. Hindi ako kumibo dahil wala din akong energy para makipag-away at kumontra. Pumasok nako sa loob ng sasakyan. Hinintay lang namin maunang umalis si Peter. “Nilalamig ka ba?” dinig kong tanong nya. Umiling ako. “Hungry?” tanong nyang muli. Umiling nanaman ako. Kinuha nya ang cellphone nya at nakitang kinonekta nya ito sa bluetooth ng sasakyan. A familiar song played. How would you feel? by Ed Sheeran. I know the song ‘cause it was one of my favorites. Hindi ko naman talaga dinidibdib kapag natatalo kami. But I feel like I didn't try my best. Saan kaya ako nagkulang? Is it training? Kulang ba ko sa work out? O baka nainis lang talaga ako sa lalaki kanina. Mayabang. That's what he is. I swear kapag nagkita kami ay aawayin ko sya. How would you feel? If I told you I love you.. It's just something that I want to do “Are you disappointed with what happened?” Napatingin ako sakanya ng magsalita sya. Am I? Of course. Sinong hindi? Pero bakit parang ako lang ang naapektuhan? Masyado ba kong naging mataas sa sarili ko? “Peter got your favorite foods.” sabi pa nya. Wala pa din akong kibo. Napagod din siguro ako sa laban. Ayoko nalang din mag-isip ng kung ano-ano. Hanggang sa makarating ako sa bahay ay tahimik lang. Kausap na din ni Peter yung delivery rider. “Gusto mo bang magpahinga nalang? We can eat tomorrow instead.” sabi ni Preston. Umiling ako. “Hindi okay lang, andito na yung pagkain e. Hindi na ‘yan masarap bukas.” Pumasok na si Peter sa bahay dala-dala yung pagkain. “Ito na..” aniya. Pumunta kaming kusina at kumuha ako ng mga plato na gagamitin. Nilapag ko yun sa lamesa ng walang imik. “Kuya..” narinig kong tawag ni Peter sa kay Preston. “W-We bought ice cream.. and some c-cakes.” sabi ni Preston. Napatingin ako sa kanilang magkapatid. Nanlabo ang mata ko at hindi na napigilan ang mga luha kanina pang gustong bumagsak. “s**t. Sabi ko ayusin mo, Kuya e.” sisi ni Peter sa kapatid. “Wala naman akong sinabing mali?” kunot ang noo ni Preston. Lumapit sakin si Peter at niyakap ako. “That's okay, Erin. It's okay.” sabi nya pa habang hinahaplos ang likod ko. Sunod-sunod na hikbi ang pinakawalan ko. Naiyak lang talaga ako dahil sa mga nangyari at sa ginawa nilang dalawa. Hindi naman sila dapat nag-abala pa na ganito. It feels like we're celebrating something.. kahit wala naman dapat. “You don't want the ice cream ang cake ba? We can get something else.” alok ni Preston. “Takoyaki ba? Diba sabi mo nung isang araw nag-ccrave ka ‘nun?” sabi naman ni Peter. Umiling ako. Naka-subsob pa din ang mukha ko sa dibdib nya. Ako na ang unang humiwalay at pinunsan ang luha ko. “Kumain na tayo, I'm fine. Sorry. I just.. need to let it out.” sabi ko. “You don't have to say Sorry..” sabi ni Preston. “Walang problema kung umiyak, kahit maglupasay ka pa dyan.” sabi naman ni Peter. May narinig kaming dumating na motor at tinawag ang pangalan ni Preston. “Oppps. Andyan na ata yung takoyaki.” sabi nya. “Kunin ko lang..” Lumabas si Peter ng bahay para puntahan yung rider. Lumapit si Preston sakin at pinunsan ang takas na luha sa mata ko. “I know it's okay to cry but.. don't. I can't stand here watching you..” bulong nya. Nagkatinginan kami. Ang daliri nya naman ay humahaplos sa pisngi ko. Iba talaga ang itsura ni Preston sa malapitan at iba din sa malayo. Ang layo din ng itsura nya pagdating sa mga picture at magazines. “You did your best.. they saw it. Peter saw it and I did too.” sabi pa nya. Wala sa sariling pasandal nalang ako sakanya. Ano kaya ang sitwasyon ko ngayon kung wala silang dalawa? Baka naglupasay na talaga ako. Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin. He's so warm. Ganun ba dapat pag daddy vibes? Joke. Ang bango. Dagdag pogi points talaga sa mga lalaki kapag bagay sakanila yung amoy ng pabango nila. Or it's just Preston. Walang tapon. “Got the food now.” Humiwalay nako sakanya ng pumasok si Peter dala ang isang box na may takoyaki. Natatakam nako. Pinunasan ni Preston yung basa kong pisngi bago inabot ang isang plato para sandukan ako. “Magpaka-busog ka..” aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD