CHAPTER TWO

2775 Words
Nakasunod sya sakin papasok ng bahay. Ako lang naman mag-isa dito, bahay ito ng Lolo at Lola ko, pero nasa probinsya sila ngayon at ako nalang ang naiwan dito. Pagpasok hinubad nya yung sapatos nya at iniwan sa lagayan. He knows the way around the house. He used to sleep in before. With me. “How are your grandparents?” tanong nya at sumunod sa kusina. “Okay lang naman.. nag-ani daw sila ng palay kahapon. Magpapadala daw sila ng bigas..” kwento ko naman. Sumandal sya sa counter habang nanonood sakin na pagtimplahaan sya ng kape. Inabot ko na sakanya ito pagkatapos haluin. Nakita ko yung ginahawa sakanya nung tumikim sya ng kape. “Madaming ginagawa sa office?” tanong ko. “A bit.” maikling sagot nya. He must be stressed. Madami din siguro syang iniisip sa kompanya. “You should take some time-off.” suhestyon ko. “Yeah, I guess, I should.” sabi nya at humigop muli sa baso. Saglit kaming nagkatitigan. Bumilis ang t***k ng puso ko, kaya agad din akong umiwas ng tingin. “Uhm.. lagay mo nalang sa lababo yung baso pagkatapos. Magbibihis lang ako..” paalam ko. Palabas nako ng kusina ng pigilan nya ko. Hawak nya ang pulsuhan ko, ramdam na ramdam ko ang init ng palad nya sa balat ko. “May problema ba?” tanong ko. “I'm sorry.. hindi ko na mapigilan..” Pagkasabi nya ‘nun ay hinila nya ko papunta sakanya at pinagdikit ang labi namin. Gulat na gulat ako sa ginawa nya. His eyes were close while mine are open wide. Mabilis din naman syang lumayo sakin. Gulat pa din ako sa nangyari at halos di nakagalaw sa kinatatayuan ko. “I'm sorry.. I'm so sorry..” sunod-sunod na sabi nya. “.. I just can't take it anymore. Miss na miss na kita..” halos pabulong na ang pagkakasabi nya nun. “S-Sorry din.. n-nagulat lang ako..” “Do you want me to go now?” tanong nya. “Yes, please.” sagot ko agad. Kinuha nya ang coat nya at saka naglakad na palabas ng bahay. Lumingon muna sya sakin bago isara yung pinto. “f**k. Wrong move.” dinig ko pang sambit nya bago makalabas ng gate namin. Natawa ako sa reaksyon nya. Damn. Hindi naman sa hindi ko gusto yung halik. Nagulat lang talaga ako. I actually miss his kisses too. Ayun nga lang ay.. hindi na pwede. Kailangan ng pigilan at kalimutan. As much as possible. Hindi agad ako nakatulog. Buong gabi ko inisip yung halik ni Preston. Mabilis lang yung pero parang tumatak na sakin. When was the last time we kissed? Matagal na din. The day I decided to stop whatever we have. Nasa Antipolo pa ata kami ‘nun. Peter has to pick me up. Hindi ko kayang makasama pa yung kapatid nya pagkatapos kong sabihin na itigil na namin kung anong meron kami. Natatakot ako sa sarili ko, dahil baka bawiin ko iyon. Kinabukasan wala akong ginawa kundi gawing busy ang sarili ko. Maaga ako pumunta ng school para sa training namin. But damn that kiss is still getting me. “Okay ka lang, Asterin? Parang ang lalim ng iniisip mo a.” dinig kong sambit ni Rolando. Ngumiti ako. “Okay lang.. napagod lang siguro.. ang inet din kasi.” “Kaya natin ‘to, hindi na nga bago satin ‘to. We're just getting on the same team, kung nuon sila nanalo, this time it's going to be us.” aniya. Tumawa ako. “Wow. I like that energy, Rolando. Tara na nga, few more laps pa.” Roland is a nice partner. Ilang taon na din kami magkasama sa badminton. Kaya hindi kami pinapalitan, dahil maganda daw ang tandem naming dalawa. Paglabas ko ng school, nakita ko nanaman yung sasakyan ni Peter. Bakit nanaman sya andito? “Bakit ka nanaman andito?” tumaas ang kilay ko. “May kasalanan ka pa sakin.. iniwan mo ko kasama yung kapatid mo.” Tumawa sya. “Sorry na. May nakalimutan lang talaga akong gawin nyan.. gusto mo mag foodtrip ngayon?” “Ayoko. Pagod ako sa training.” sagot ko. “Bili nalang tayo ng food, dalhin natin sa bahay nyo.” sabi nya. “At bakit sa bahay namin?” tanong ko naman. “Wag ka ng masyadong sinasabi, order nalang tayo pizza. Nakatipid ka pa ng dinner diba? Sakay na.” aya nya. Wala akong nagawa kundi magpa-uto nanaman sakanya at sumakay sa sasakyan. Mabilis din naman kaming nakarating sa bahay. Habang nasa byahe, nag-order na din kami ng mga pagkain. Angel's pizza ang theme ng dinner ngayon. Sakto lang ang pagdating namin ay mabilis din naman dumating ang order na pagkain. “May nabalitaan ako..” biglang sabi ni Peter habang nagsasandok kami ng pagkain. “Ano nanaman ‘yan?” tanong ko pagkatapos ay kumagat sa pizza. “Galing si Kuya dito kagabi?” tanong nya. How did he know? Did Preston told him? “Oo, pero saglit lang sya..” sagot ko naman. “Talaga?” may pagdududa sa boses nya. Inirapan ko sya. “Oo nga, ano bang sinabi nya?” “Syempre, diko sasabihin. Malay natin iba pala ang sinasabi ng isa sainyo..” tumawa sya. Mahina ko syang hinampas sa braso. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa presensya ni Peter. Madami at malaki ang naitutulong nya sakin. He sometimes make my life easy and hard at the same time. He's a good friend. “Hindi mo na ba talaga kayang balikan si Kuya? Nagtatanong lang ako a, I'm just curious. Hindi ko naman sasabihin sakanya..” sabi nya. Sa lapag kami pareho naka-upo. May carpet naman ako sa lapag habang nakapatong sa coffee table yung pagkain. Sumandal ako sa sofa. “Hindi mo rin maiintindihan..” sagot ko. “Ipa-intindi mo sakin. Mas mahirap ba ‘yan kaysa sa Calculus na tinuro mo sakin dati?” kumunot ang noo nya. “Gaga. Syempre, ibang sitwasyon at concept naman ‘yun..” napa-iling ako. “Masyadong mataas si Kuya mo para sakin..” “Edi ibaba natin.” umirap sya. “Ewan ko sayo.” hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. “Look, kung ang iniisip mo.. yung sinasabi ng ibang tao.. ngayon pa ba? Ngayon ka pa ba magkakaroon ng pakealam kung ang layo na din ng narating nyo?” seryosong sabi nya habang sinasandukan ang plato ko ng carbonara. “Wow. Saan galing ‘yan?” tumawa ako. “By heart.” kumindat naman sya sakin. “Basta.. naguguluhan pa ko.. masyadong madaming tumatakbo sa isip ko.” ayun nalang ang nasabi ko. “Kuya likes you a lot. Hindi ko nga alam kung like pa ba yung dapat na term. Erin, matagal na kayong magkakilala. You knew each other from head to toe already. Wala ng oras para isipin mo pa yung iba..” nagulat ako ng marahan nyang ginawi ang ulo ko pasandal sa balikat nya. “Lasing ka ba?” wala sa sariling tanong ko. “No. Why? Amoy alak ba ko?” kunot ang noo nya. “Hindi naman. Para kasing.. wala ka rin sa sarili mo.” sagot ko naman at tumawa. Nanood kami ng movie habang kumakain. May mga natira pang pagkain pero niligpit nya yung lahat at siniksik sa ref ko. “Uuwi nako at pareho tayong may pasok bukas.” paalam nya. Pinanuod ko syang lumabas ng gate at sumakay sa sasakyan nya. Bumusina sya bago humarurot ang sasakyan palayo. Peter is right. Madami na kaming pinagdaanan ni Preston. Ilang beses ko na din syang tinaboy nuon, at saksi si Peter sa lahat. Muntik pang madamay si Peter at hindi ko na sana kakausapin matigil lang ang koneksyon ko sakanilang magkapatid pero naawa ako sakanya. Pakiramdam ko mamimiss ako ni Peter. Ginawa ko na ang lahat. Pinigilan ko na ang dapat pigilan. I just can't right now. Ang mundo ay puno ng mapang-husga. Kahit sabihin mong hindi mo intensyon, nahusgahan mo parin ang isang tao kapag nag-isip ka ng masama sakanya. Ginawa kong busy ang sarili ko buong araw. Ayoko mag-isip masyado. May tamang oras para isipin ang ibang bagay. Madilim na nung makauwi ako. May kailangan kasing tapusin na group activity at pinili namin dito nalang sa loob ng school tapusin. Nakita kong may text message si Peter. Late na nung nakita ko, mahigit isang oras na din pala ang lumipas. Ako: Anong problema mo nanaman? Pauwi pa lang ako. Nag-aabang nako ng jeep. Ayoko maglakad ng ganitong madilim sa daan. Mas maganda ng marami akong kasabay pauwi. Tumunog muli ang cellphone ko at nakita ang reply ni Peter. Peter: Why are you still at school? Kumunot ang noo ko. Ang seryoso naman. Pero mabilis akong nagtype ng reply. Ako: Groupings. Nag-aabang nako ng jeep. Mabilis naka-reply si Peter sakin. Peter: Stay where you are. Puno ako ng pagtataka. Parang may mali. Pero sinunod ko nalang din ang sinabi nya. Siguro mga kinse minutos din ako nag-antay. Isang malakas na tunog ng big bike ang dumating. The driver was wearing full gear. Ang gwapo pa ng suot nitong helmet. Wait. s**t. Kilala ko ‘to! “Preston?” “Why are you still here? Anong oras na?” naramdaman ko ang inis sa boses nya. “M-May groupings kami.. paano mo nalaman na andito pa ko?” takang tanong ko. “Iuuwi na kita.” yun lang ang tanging nasagot nya. Napatingin ako sa big bike nya. “Dyan?” tanong ko. Napatingin din sya. “I didn't have time to.. traffic if gagamit pa ng sasakyan.” “Hindi ako sumasakay ng big bike, Preston.” sabi ko. “Then how are you gonna get home?” tanong nya. “Jeep. Sino ba kasing may sabi na pumunta ka dito?” tumaas ang kilay ko. “Have you seen the time? 7:30 pm na.” aniya naman. “I know. Kaya nga sasakay nalang ako ng jeep, kasi ayokong maglakad.” paliwanag ko naman. “I'll wait then.. till makasakay ka.” “Umuwi kana.” sabi ko. “No. Aantayin kita or sasakay ka sa big bike.” “Fine.” nagulat sya sa sagot ko. “What do you mean ‘Fine'?” “Sasakay ako.” Nakita ko ang ngisi nya. Inabot nya sakin ang isa pang helmet. “Wag kang haharurot a.” banta ko. Kahit kailan talaga hindi ko gusto ang big bike. Maingay at takaw disgrasya. Accidents happen anytime. I never liked to ride big bikes. Pero dahil mahilig sa Preston sa mga ganitong motor ay parang nagugustuhan ko na din. Ayoko lang sakyan. Isa pa, masyadong mataas.. di rin ako marunong umakyat. “Mataas nga..” reklamo ko. Tumawa sya. “Kumapit ka sakin..” Sinuot ko na ang helmet at humawak sa kamay nya. Mabilis akong nakasakay sa big bike. “Okay kana?” tanong nya. I gave him a thumbs up. “Kumapit ka.” aniya. “Dito nalang ako hahawak..” sabi ko at humawak sa upuan. I could barely grasp anything. Siguradong lilipad ako nito. “Dito ka humawak..” kinuha nya ang kamay ko at pinulupot sa bewang nya. “.. here.” “Oo na. Sige na..” umirap ako kahit alam kong hindi nya yun makikita. Humigpit ang yakap ko sa bewang nya ng umandar na ang big bike. Required ata na mabilis talaga ang andar kapag naka-big bike. Pero saka ko lang din na realize na maganda ang city lights kapag naka motor ka. Napansin ko nalang din na nasa ibang daan kami. Saan nanaman ako dadalhin nito? Kung saan-saan nalang ako napupunta kapag kasama ko yung magkapatid. “Saan nanaman tayo pupunta?” tanong ko. “Eastwood.” sagot nya lang. Actually, nagsisigawan kami. Hindi kasi kami magkarinigan. Makapal kasi yung foam ng helmet. Mabigat din. Mabilis din naman kaming nakarating ng Eastwood. Maganda ang paligid pag gabi. Kuminang ang mata ko sa mga nakikita ko. Hininto nya ang motor sa gilid. “Dinner?” tanong nya. “Hindi ka pa kumain?” tanong ko din pabalik. “Nagluluto ako bago umalis.” sagot naman nya. “I’ll bring you home.” Kumapit akong muli ng umandar sya. Pabalik kami ng BGC. Andito kasi ang condo milang magkapatid. I don’t even know kung condo ba ‘yun or penthouse na sa laki. Pamilyar sakin ang daan sa building nila. s**t. Bakit nya ko dadalhin sakanila? Pumasok kami sa underground parking. Binati sya ng guard at tinanungan nya naman. “Bakit tayo andito?” kunot ang noo ko. “Kakain?” tumaas ang dalawang kilay nya. “Nung luto mo?” “Yes, bakit? Ayaw mo ba nung luto ko?” may pagbabanta sa boses nya. “H-Hindi naman.. tara na nga.” tumalikod nako at naunang naglakad. “Lead the way, miss. Lagi ka namang nandito dati.” ngumisi sya. Umirap ako. “Dati ‘yun.” “Pwede pa rin naman hanggang ngayon..” tumawa sya. Trip nya talagang asarin ako ngayon e ‘no? Nauna akong pumasok ng elevator at pinindot ang floor. Sumunod din naman sya agad. Nagkadikit ang kamay namin sa railings ng elevator. Para akong na-kuryente kaya agad ko ding nilayo. Napansin nya din ata pero wala syang sinabi. Mabilis kaming nakarating sa floor nila. I think there's like 2 or 3 penthouse on the top floor. Kanila ata ang pinaka-malaki. “Open it.” utos nya sakin. Tumaas ang kilay ko. Inuutusan nya ba ko? Pero wala din naman akong nagawa. I pressed my thumb on the scanner on the door. “Door opened. Welcome back, Asterin.” Muntik ko ng makalimutan, high-tech nga pala ang bahay nila. They know who's thumb or your identification is. As long naka-register ka sa system. And I'm still here? Nauna pa kong pumasok kaysa sa may-ari ng bahay. Ang kapal ng mukha diba? Edi mayabang nanaman ako nyan? Nasa access pa ko ng bahay nila. “Where’s Peter?” tanong ko ng maupo sa sala. “Gym.” Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Peter. Kailangan andito din sya. Nagulat ako ng may tumunog na cellphone. Nakita ko si Preston na hawak ang cellphone ni Peter at winagayway sakin. “s**t. Ibig sabihin—” “Nabasa ko lang, I did not touch his phone.” depensa nya agad. Tinignan ko sya ng masama. Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko! “Come on, let's eat..” aya nya. Pumasok kami sa malaking kusina nila ay naamoy ko kaagad ang mabangong niluto nya. “Maaga ka nakauwi?” tanong ko. Tumango sya habang kumukuha ng canned coke sa refrigerator at inabot sakin ng bukas na. Kapag maaga kasi sya nakakauwi, nakakaluto talaga sya. Pero pag gabi na ay nag-oorder nalang sila o kaya'y nagpapaluto sa cook nila. Sinandukan nya ko ng ulam sa plato na may kanin na. “Eat well, baby.” Umirap ako bago ko sinimulan kumain. Nagluto sya ng Beef Caldereta. Masarap talaga sya magluto. A woman could ever ask for it. “How was it?” tanong nya. “Masarap.” sagot ko naman. “Mukha nga..” “Ikaw kanina ka pa.” inangat ko ang kutsara ko sakanya. Tumawa nanaman sya. “Sorry, you're cute pag naiinis..” “Di ako natutuwa.” sabi ko at tinignan sya ng masama. Mas lalo syang tumawa. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. “Desserts?” alok nya. Nagpintig ang tenga ko. What can he offer naman kaya? “Anong meron?” tanong ko. “Check the fridge, white container. I'll just get some plates.” aniya. Tumayo ako para lumapit sa refrigerator nila. Sosyal ang refrigerator nila, double door. Knock knock door din ata ‘to. “Asan dito?” tanong ko dahil wala akong makitang white container. Hanggang sa naramdaman ko ang presensya nya sa likod ko. Tumatama ang hininga nya sa tenga ko. I can feel and hear his breathing. “I swear it's there..” salita nya. Shit. Kailangan pa naging epekto ng boses nya sakin? Or do I just love to hear his voice up close? Umayos ka, Asterin! “Oh.. here.” tinuro nya ang black container. “Sabi mo white?” reklamo ko. “I thought so too.” tumawa sya. Akala ko umalis na sya sa likod ko pero pagharap ko ay nandun pa din sya. Tumaas ang kilay ko. Nakatitig lang sya sa mata ko. Nakita kong bumaba ang mata nya sa labi ko. Papalapit nalang ng papalapit ang mukha nya sakin. Move, Erin! Gumalaw ka! Damn it. “I'm home, and never be gone!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD