"Mauna na kami, Erin." paalam ng dalawa kong kaibigan.
"Kita-kits bukas.." paalam ko din.
Kumaway ako sa dalawa at pinanuod silang umalis. Maglalakad lang ako pauwi, medyo malayo, pero kayang lakarin. Iba din ang daan namin pauwi kaya hindi kami nagsasabay-sabay.
Ayoko ng makipagsiksikan sa mga jeep. Punuan pa naman ang mga ito kapag ganitong hapon. Isa pa work-out and stamina din ito. Good for the health, tipid pa sa pamasahe.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang isang pamilyar na sasakyan. Isang lalaki ang naka-sakay sa loob, nakababa ang bintana at nakasandal ang braso nito duon. Halata mong may hinihintay.
"Hey, miss." bati nya habang naka-ngisi at nung nakita ako.
Inirapan ko sya. "Bakit ka andito?"
"Inaantay ka, ayaw mo ba? Hindi mo ba ko namiss? Dalawang araw tayong hindi nagkita, dahil busy ako sa training." lumabi pa sya at nagpa-cute.
Kung hindi lang gwapo 'to, baka sinabunutan ko na to e. Kaso baka sugurin ako bigla ng mga fangirls ng lalaking 'to. Kalahati ata ng mga babae sa school namin may gusto sakanya.
"Free time na?" tanong ko.
"Ikaw talaga inaantay ko.." sagot nya naman at tumango.
"Wala ka nanamang mahanap na babae mo 'no kaya ako ang ginugulo mo?" tumaas ang kilay ko.
Peter is famous to a lot of girls. Lalo na kapag naglalaro sya ng soccer, he was a varsity player in our school before. At saksi ako sa mga babaeng halos sundan na sya kung saan sya pumunta. Ni hindi ko rin alam kung paano kami naging mag-kaibigan. Samantalang inis na inis ako sakanya dahil sa sobrang hangin nya.
"Kain tayo.." aya nya naman.
"E diba kaya mo nga ako sinundo." nilagay ko ang bag ko sa backseat at pumasok na ng sasakyan nya.
Sanay nako kay Peter at ganun din naman sya sakin. Isang linggo din ang lumipas nung huli kaming nagkasama dahil tinutulungan nya ang kapatid nya na mag-asikaso ng kompanya ng pamilya nila.
Naunang grumaduate si Peter sakin, I was in my Senior high nung naging close kami. Ni hindi ko na maalala kung paano nagsimula.
"Saan ba tayo kakain?" tanong ko.
"BGC. May bagong bukas na kainan sa high street. Balita ko masarap daw dun." sagot naman nya.
Naghanap lang kami ng maayos na parking bago namin nilakad ang restaurant na sinasabi nya. Madaming tao sa paligid, dahil na din siguro at Friday ngayon.
"Sigurado ka bang masarap dyan?" tanong ko sakanya habang naglalakad kami.
Natatawa ako dahil bitbit nya ang bag kong kulay pink.Maraming nagkakamali ng akala.. na meron kaming relasyon, pero ang totoo hanggang magkaibigan lang talaga kami.
Kilabutan nalang talaga ang isa samin kung mag-landian kaming dalawa.
Pumasok kami sa isang magandang restaurant. Maganda ang ambience ng restaurant at maaliwalas. Madami ang kumakain, kaya mukhang masarap nga ang sine-serve. May mga tao na naka-pwesto sa labas, sa tingin ko ay sila ang receptionist.
"Reservation for Castellano." sambit nya dun sa lalaki.
”This way, Sir.” sagot naman nung lalaki na receptionist.
"Ay wow, may reservation kana agad?" tumawa ako.
"Hindi ako.. si Kuya." sabi nya at hinila ako bigla papasok.
Shit. Andito yung Kuya nya? Hindi nya sinabi sakin! I hate you, Peter!
"Hayop ka, andito ba yung Kuya mo? Totoo ba?" pabulong kong tanong sakanya.
Tumango sya. "Yeah, sya nag-aya at sya nagsabi na isama ka dito. Because we know.. magugustuhan mo dito."
"Gago ka talaga.." pilit kong inaalis yung hawak nya sa kamay ko pero masyado syang malakas.
Di kalayuan nakita ko na yung kapatid nyang binabasa ang menu. Nag-angat sya ng tingin at nagtama ang mata namin. Napa-iwas naman ako agad. May kasalanan ako sa kapatid nya at diko tuloy alam paano sya haharapin.
"Upo." hinila nya ko sa upuan na malapit sa kapatid nya.
Sinamaan ko sya ng tingin. Nasilaw ako sa pagkain, dapat pala di ako sumama. Grrr! Nakakainis ka, Peter!
”Glad to see you here.” bati nya sakin pero hindi ko pinansin.
Inabot sakin ng kapatid nya ang isang menu. "Order anything you like."
"H-Hindi ako gutom." sagot ko naman at hindi pinansin yung menu na inabot nya.
"Sinungaling, nagre-rekelamo ka kanina. Gutom ka, sabi mo. Alam ko meron silang.. mango tapioca dito e. Masarap daw 'yun?" ngumisi si Peter, tila nang-aasar.
Gusto kong kunin yung menu at ihampas sakanya.
Tumikhim ako at kinuha yung menu. I hold it high enough to cover my eyesight from them. Halos maglaway ako ng makita ko ang picture ng mga pagkain na mukhang masarap. Halos lahat ata ay paborito ko.
Pakiramdam ko ay sadya ito. At pakiramdam ko masama talaga ang loob sakin ng kapatid nya.
"Ready to order, Sir? Ma'am?" lumapit ang isang waiter samin.
"You can get the lady's order first." sabi ng kapatid ni Peter.
Tumawa si Peter, masamang tingin ang tinapon ko sakanya. May araw din sakin ang lalaking 'to. Humanda sya sakin.
Binigay ko yung order ko sa waiter, medyo madami pero, okay lang yan. Alam kong silang magkapatid ang magbabayad, gagantihan ko nalang sila dito at parang pinagkaka-isahan nila ako.
"Hindi ka gutom sa lagay na 'yan?" tumawa ang kapatid ni Peter.
Inirapan ko lang sya at hindi sumagot.
"I'll just go to the restroom." paalam ni Peter at tumayo.
"Hoy! Dito ka lang!" pigil ko naman sakanya.
Hindi ako pwedeng maiwan dito. Baka isako ako bigla ng kapatid nya.
"Mag-C-CR lang ako.." pinandilatan ako ni Peter pero ganun din ginawa ko sakanya.
"Hindi nga pwede.." sabi ko sakanya ng may diin.
Marahan nyang inalis ang kamay kong nakakapit sa damit nya.
"Naiihi nako." sabi nya ng nakangiti at naglakad na paalis.
Sigurado akong narinig lahat ng kapatid nya ang eksena na 'yon dahil ramdam na ramdam ko na yung mata nyang nakatitig sakin. Nagpanggap nalang akong busy sa cellphone.
"Peter invited you and you said yes? You're hurting me, Asterin."
Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Kaya ayokong maiwan mag-isa kasama sya. Ilang araw nya na kasi akong kinukulit na sumama para kumain sa labas pero lagi ko ding tinatanggihan.
Kokonsensyahin nanaman ako nito.
"I'm sorry.. hindi ko naman alam na dito nya ko dadalhin e. Besides, diko alam na andito ka." sabi ko naman at iniwasan ang tingin nya.
"So, if nalaman mong andito ako umpisa pa lang, you will reject his invite?" ramdam ko ang tabang sa boses nya.
"H-Hindi naman sa ganun.." sabi ko sakanya habang nakayuko at pinaglalaruan yung mga daliri ko.
Hindi kasi nila naiintindihan. Iba ako sakanila, malaki ang agwat namin. I'm not pertaining by the age, wala akong pakialam sa edad. But the fact that they're rich and I'm not on the same level with them.
Castellano's have a good image. At ayokong ako ang makasira 'nun. Masyado akong maliit para mapalapit sakanila. Natatakot ako na baka ako ang dahilan para masira sila.
Being friends with Peter has some consequences too. I've heard a lot of gossips. Nakikipag-kaibigan lang daw ako kasi mayaman sya. At nilalandi ko daw si Peter, because I'm a gold digger.
And they even doubted why I got accepted to their family's scholarship program. I was one of the top students. Paanong hindi ako makakapasok? Medyo mayabang ako sa part na 'yun. Marami din kasing hindi natanggap.
But those are my hard work. Some people know that but a lot doesn’t.
"I don't see anything that we're doing wrong." aniya sa marahang boses.
"Sa mata natin, wala. Pero sa iba, madami." paliwanag ko naman sakanya.
"Hindi ko talga maintindihan kung bakit mas mahalaga yung sasabihin ng iba." napa-iling nalang sya.
Tama, hindi nyo talaga maiintindihan. Pero yung pakiramdam na pati kayo ay huhusgahan ng mga tao dahil sakin ay hindi ko kaya. Minsan na ding napa-away si Peter sa isa sa mga estudyante sa school bago sya grumaduate.
The guy was hitting on me just because he wants to be friends with Peter. Gusto nya ding makapasok sa varsity. Si Peter ang naka-diskubre ‘nun at nabalitaan ko nalang na na-suspend sila ng ilang araw dahil sa away sa field.
Maya-maya lang ay nakabalik na si Peter. Naningkit ang mata nyang papalit-palit ang mata samin ng kapatid nya.
"Ganto lang tayo dito?" tanong nya samin.
Inirapan ko sya at napa-iling naman ang kapatid nya.
Dumating din naman agad yung pagkain. Halos si Peter lang din naman yung daldal ng daldal. Isang oras din ata kaming naupo dito para lang maubos yung mga pagkain na inorder namin.
”Laban mo sa ibang school, Erin? Next week?” tanong ni Peter.
Tumango ako. “Yeah. Yung dating nakalaban nyo din, championship.”
”Wow. Matitinik ‘yun. Same players like before?” tanong nya pa.
”I guess. Yung duo pa din.” sagot ko naman din.
”Sheesh. Good luck, I’ll watch. Gusto ko makitang matalo yung duo na ‘yun.” ngumisi sya. “Baka si Erin ‘yan..”
”Baliw. Magaling sila, I’ve watched them before. Ilang years na din after nung naka-match namin sila, its either they got better or still the same.” sagot ko at uminom ng tubig.
”You can beat them.”
Pareho kaming napatingin ni Peter sa kapatid nya.
“You’ll watch?” tanong ni Peter sakanya.
Tumingin sya sakin. “Do you want me to go?”
Ilang beses akong napa-kurap. “Bakit ako? It’s up to you.”
”Well, ikaw ang papanoorin ko at pupuntahan ko. If you don’t want me to go, I won’t.” sabi nya.
”B-Bahala ka.. pwede naman..” napa-iwas nako ng tingin.
I do want you to go. I wanna see you there.
Nag-usap yung dalawa tungkol naman sa training ni Peter or internship sa kompanya nila.
“Why don’t you appoint me already?” pangungulit ni Peter.
”No one gets appointed without knowing the basics.” sagot naman ng kapatid.
”Come one, matututunan ko din naman agad ‘yun.. eventually.” pangungulit muli ni Peter.
Nakikinig lang ako sa magkapatid at hindi umiimik. Pero natatawa ako kay Peter, pagod na siguro ito sa training at gusto na ng may hinahawakan ng department sa kompanya.
But his brother is right. No one gets appointed without knowing the basics. Kailangan nya talagang matutunan mula sa umpisa. It’s better to be ready than never.
“Erin, kausapin mo si Kuya..” sumbong nya naman sakin.
Nagkibit balikat naman ako at patuloy lang sa pagkain.
”Thank you.” turan sakin ng kapatid nya.
”Oh wow, you two in this now, huh?” napa-iling nalang si Peter.
”You have to learn everything from scratch, Peter. Your brother is right tho. No one gets to the top without knowing anything.” paliwanag ko naman.
Umirap si Peter na ikinatawa ng kapatid nya. Para na itong bata ngayon na pinapagalitan ng mga magulang nito.
Naubos din naman namin ang pagkain at nagpahinga saglit bago nagpasya na umalis.
"Paano ba 'yan? Mauuna nako, dahil may lakad pa ko." sabi nya sakin, "Kuya, ikaw na bahala kay Erin. Please, iuwi mo ng buo at may pasok pa 'yan bukas."
Umawang ang labi ko sa sinabi nya at hindi ko na napigilan ng maglakad na ito palayo. Lumingon ito at kinindatan ako. Damn it. Naisahan nanaman ako. Ang bilis ng ganti nya!
I can't believe he left me here with his brother!
"May iba ka pa bang pupuntahan?" dinig kong tanong ng kapatid nya.
Umiling ako. "Ikaw ba?"
"None." sagot nya. "Wanna go somewhere?"
"San naman tayo pupunta?" tanong ko naman.
"Somewhere.. anywhere, you like." sagot naman nya.
“Marami pa kong tatapusin na.. school works so..”
“Sure, ihahatid na kita.” aya nya at naglakad na kami papuntang parking.
Nakasunod lang ako sakanya, hindi ko alam kung saan sya nag-park kaya sya ang pinapa-una ko. I can feel him looking at me from time to time.
Probably checking on me.
Mabilis din naman kami nakarating sa sasakyan nya. His car still smells the same as before. You can smell his manly scent inside. Which usually turns me on.
This is not the first time I'm riding in his car. Everything is still the same.
Hinanap ko sa bag ko yung hair clamp ko dahil humaharang ang buhok ko sa mukha ko. Mukhang napansin nya iyon.
Binuksan nya ang maliit na compartment sa dashboard at kinuha ang isang blue na hair clamp.
”You can use this. But you have to give it back.” sabi nya at inabot ang hair clamp.
This is one of my hair clamp. And I can still remember where I bought this. Sa Baclaran, sinama ko sya duon isang beses para magsimba.
“Bakit ko ibabalik.. akin ‘to diba?” tumaas ang kulay ko.
“Technically, it's mine. I paid for it.” ngumisi sya.
Umirap nanaman ako. Akala ko naiwala ko na ito, andito lang pala sakanya.
Kinikilig ako, pero bawal 'to. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. How can he keep this despite all the ‘No’ that I’m giving him?
"How's your day?" tanong nya.
"Okay naman.. stress pa din sa ACADS, but I can manage." sagot ko naman.
One of the things I liked about him is asking how my day was. Masarap sa pakiramdam na merong nagtatanong kung kamusta ang araw mo at ang mga ibang bagay sayo.
Pa-simple ko syang tinignan. Napaka-gwapo nya talaga. He so manly, and what do we call this? The big boy type of guy. Pareho silang gwapo ni Peter, at walang tapon.
Sa sobrang gwapo nya, mas lalo kong napagtatanto na hindi kami bagay. Hindi naman ako kagandahan, simple lang naman ako. Maputi, sakto lang ang laki ng katawan, may hugis. Pakiramdam ko wala akong maibibigay sakanya.
Nakikita ko sya madalas sa mga Magazine, may kasa-kasamang magagandang babae, sopistikada, mas maputi sakin at mas mapayat. Matatangos pa ang ilong. Anong laban ko dun?
"Deep thoughts again?" dinig kong nagsalita sya.
He noticed, and he knew. One of the reasons I liked him as well. He knows me. The bad thing is.. too well. He knows me too well.
Nung mga panahong hindi ko pa napagtatanto ang lahat, madalas kaming umalis. He would pick me up at school. But no one knows the connection we have. Even my two friends. Si Peter lang talaga ang may alam.
Si Peter naman kasi ang may dahilan kung bakit kami nagkakilala ng kapatid nya. Dahil nga close kami ni Peter, inaaya ako kumain sa labas palagi. And there was this time that we saw his brother with his business partners around.
Nagkita sila and we got introduced. At duon na nagsimula ang lahat. Nagtataka nalang ako at palagi na din akong hinahanap ng kapatid nya. Una kaming nag-usap, tungkol kay Peter.
Peter is not in good terms with their parents. Ang daddy nila nag-asawa ng iba and currently living abroad. Pero alam ko namang may hinanakit din sya sa ama nya, but as a big brother, hindi nya iyon pinapakita sa nakababatang kapatid.
"Kamusta na daw pala si Tito?" tanong ko.
Hindi ko pa nakikita ang daddy nila. Puro sa litrato lang. Yung mommy naman nila, namatay sa sakit, Leukemia. A year before Peter and I got close. Kinwento ni Peter sakin lahat, and I know his pain.
I've been there as well. At alam ko din yung sakit na nararamdaman ni Peter habang kine-kwento nya ang nangyari sa Mommy nila.
"They're fine. Unfortunately, Tita Lorelei has issues with her.. girl thing. She cannot be pregnant anymore." sabi nya sakin.
"Alam na ni Peter?"
Saglit syang nanahimik.
Umiling sya. "I did, but as usual.. he doesn't care."
"Gusto mo bang kausapin ko sya?" alok ko.
"Let him be." sagot nya naman.
"Nagsasabi naman si Peter kung may iba syang nararamdaman." sabi ko.
"Thanks for being a good friend to him." sabi pa nya.
"Wala naman akong choice. Joke. Peter is a nice friend too. I owe him a lot though." paliwanag ko naman.
"I do too." tumingin sya sakin at napatingin na din ako sakanya. "If not because of him.. I wouldn't get to know you."
"Baliw.." mahina akong tumawa.
Mabilis naman kaming nakarating sa bahay.
Inalis ko na ang suot kong clam at binalik kung saan sya nakuha kanina.
“Gusto mo bang pumasok muna? Nauuhaw ka ba? Or kape?” alok ko sakanya.
“Can I?” tanong nya.
“Oo. Tara na.” nauna akong lumabas ng sasakyan bago sya sumunod.