Alodia "Ahhm, nay! May almusal po ba dyan? Nagutom po kami ni Ethan sa biyahe eh." Kabado ako nang ibahin ko ang topic. Nakatitig lang kasi ang mga magulang ko kay Ethan nang magsabi ito kung pwede akong ligawan. Para bang natulala sila. Itong si Ethan naman pinipilit maging komedyante kahit hindi naman bagay. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak nya. Akala nya yata, ang lahat ng bagay ay biro. Paano kung maniwala ang mga magulang ko sa sinabi nya? Isang malaking problema ito. "Oo anak. Buti at naparami ang luto ko ng tuyo kaninang umaga. Ipagtimpla mo na lang ng kape ang kaibigan mo. Masarap iyon ipares sa sinangag." Suhestiyon ni nanay "Ang tanong ay kumakain ba sya ng tuyo? Sa itsura nya ay parang hindi pa sya nakakatikim ng ganung klase ng pagkain." Pag-aalala naman ni tatay Umilin

