Alodia
Naupo kami ni Ethan sa may malaking bato sa may Bay na malapit lang sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko.
Mahangin ang lugar. Tanging ang hampas ng mga alon sa bato ang naririnig namin. Kitang kita mula sa kinauupuan namin ang maliwanag na ilaw mula sa mga barkong nakadaong sa di kalayuan.
Tahimik ang lugar. Kasing tahimik ni Ethan ang buong paligid. Pareho kaming nakatanaw sa malayong parte ng karagatan.
"My mom will be home soon." Wika nya
Napatingin ako sa kanya at saka napangiti.
"Eh di masaya. Ang alam ng lahat ay napakabusy ng mommy mo dahil sa business nyo di ba? Alam kong miss na miss mo na sya." Sagot ko
Matipid syang ngumiti sa akin at naghagis sya ng maliit na bato sa dagat.
"Iba sya sa lahat. She can control my life. Nakakatakot sya." Sabi nya.
Hindi ko sya maintindihan. Alam kong sobrang strict ni Mrs. Enriquez pero hindi ko alam ang tinutukoy nya kung bakit nasabi nyang nakakatakot ang kanyang ina.
"Hindi ka ba masaya na babalik na ang mommy mo?" Tanong ko
Wala syang naging reaksyon sa mga tanong ko. Mukhang hindi maganda ang relasyon nya sa kanyang ina. Sa pagkakaalam ko ay wala ng daddy si Ethan. Namatay ito sa isang car accident. Alam ko ang bagay na ito dahil nag-research talaga ako noon tungkol sa buhay ng Black Fire Trio.
"When I was a child, sobrang happy ko kapag alam kong uuwi na si mommy. Lahat naman ng mga bata ay nasasabik talaga sa kanilang mommy di ba? Pero nitong mga nakalipas na taon. Ang dami nyang plano para sa akin na hindi ko nagugustuhan." Sagot nya
Muli kaming napalibutan ng katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi nya. Nagsimula tuloy akong matakot sa mommy nya. Ang naiisip ko nga ay mas matindi pa sya sa dragon. Nakakatakot nga. At ayoko syang makaharap.
Mabuti pa ang mga magulang ng baby Enzo ko. Likas na mabait at matulungin. Hindi ka maiilang makisalamuha sa kanila dahil talagang makatao ang pamilyang Zobel. Pero ang mommy ni Ethan? Ngayon pa lang ay ayoko na syang makaharap.
Sa gitna ng katahimikan naming dalawa ay ikinagulat ko ang paghawak nya sa mga kamay ko.
Hindi na rin ako tumanggi dahil alam kong kailangan nya ng makakaramay ngayon. Natatakot marahil sya sa pagbabalik ng kanyang mommy.
Pinisil nya ang mga palad ko at inilagay nya ito sa kanyang pisngi. Nakaramdam ng matinding kalabog ang puso ko dahil sa ginawa nyang ito.
"B-bakit?" Tanong ko
Nanatili ang mga palad ko habang hawak nya ito sa kanyang pisngi.
"Gusto kong maging magkaibigan pa rin tayo kahit tapos na ang game." Malumanay na sambit nya
Napangiti naman ako. Kahit matapos man ang game namin ay gusto nyang maging magkaibigan pa rin kami. Si Ethan na mismo ang humingi ng pabor na ito kung kaya't wala akong karapatang tumanggi. At noon pa man ay pumayag naman ako na maging mag-kaibigan kami. Choosy pa ba ako?
Napakaswerte ko naman talaga at mayroon na akong kaibigan na miyembro ng Black Fire Trio.
"This coming weekend, magpunta tayo sa Puerto Prinsesa, kung saan ka lumaki. Dalawin natin ang parents mo?" Nakangiting sambit nya
Napakurap ako ng dalawang beses yata dahil sa mga sinabi nya. Pabigla bigla naman sya ng desisyon. Miss na miss ko na ang mga magulang ko at dahil kay Ethan ay madadalaw ko silang muli?
"Seryoso?" Tanong ko
Ilang ulit syang tumango sa akin.
Pinakawalan ko ang mga ngiti na kanina ko pa pinipigilan. Sa sobrang saya ko ay napayakap muli ako sa kanyang katawan.
"Yes! Excited na akong makita muli sina nanay at tatay!" Sabi ko
Unti-unti kong naramdaman ang kanyang mga palad na hinahagod ang aking likuran. Ang sarap sa pakiramdam ng kanyang ginagawang pag-lalambing sa akin.
"Gusto ko ring magbakasyon sa malayong lugar. Gusto kong sulitin ang mga araw habang wala pa si mommy." Makahulugang wika nya
"Alam kong matutuwa ka sa lugar namin. Sobrang simple nga lang ng pamumuhay namin doon. Kaya magbook ka na lang ng hotel sa bayan. Maliit lang kasi ang bahay namin eh, nakakahiya naman kung doon ka mag-stay." Suhestiyon ko
Umiiling naman sya ng ilang ulit sa akin. Nagugulat ako sa mga reaksyon nya.
"Sa inyo ako matutulog. I want to experience a simple life, kaya nga tayo pupunta sa inyo. I don't want to stay in a hotel." Madiing wika nya
Napanganga naman ako sa mga naiisip nya. Seryoso ba talaga sya? Ang isang Ethan Enriquez ay gustong matulog sa bahay namin sa Palawan? Halos barong-barong lang ang tahanan namin doon. Baka manibago sya sa buhay na nakasanayan ko.
"Wala kaming magandang kwarto. Sa papag lang kami nahihiga. Wala kaming aircon." Sabi ko pa
Nagsalubong ang dalawa nyang kilay sa akin.
"What's papag?" Tanong nya
Napakamot ako sa aking ulo. Sabi ko na nga ba at wala syang ideya sa isang simpleng pamumuhay.
"Bamboo bed." Sagot ko
Marahan syang tumango sa akin. Seryoso ko syang hinarap para malinawan sya na mahirap tumira sa probinsya namin.
"Ibig sabihin nun Baby, matigas ang hihigaan mo. Wala kaming foam matress para maging kumportable ang pagtulog mo. Sasakit lang ang likuran mo at paniguradong isusumpa mo ang matulog sa ganung klaseng kama." Wika ko
Bahagya syang napaisip. Siguro naman ay mas gugustuhin na nyang matulog sa hotel.
"I will try to sleep on a bamboo bed. I think it's exciting." Nakangiti pa nyang wika
Napasapo ako sa aking noo. Hindi ko talaga sya makumbinse. Nakakahiya pa naman ang itsura ng bahay namin. Butas ang mga bubong namin at mababakas mo talaga ang kahirapan namin.
Pero dahil ginusto nya ito at wala naman akong magagawa ay pagbibigyan ko na lang si Ethan. Mukhang hindi naman sya maarte kagaya ng ibang anak mayaman sa Universidad.
--
Sabado ng umaga kami umalis ni Ethan patungong Palawan.
Sakay kami ng chopper na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Ang pamilya ng Black Fire Trio ay nagmamay-ari talaga ng mga chopper dahil gamit nila ito para sa kanilang mga business. Pero sa ngayon ay gamit namin ito upang magtungo sa Palawan. Kung saan ako lumaki.
Kinakabahan ako habang nakasakay sa chopper. Todo ang dasal ko na sana ay walang mangyaring aberya sa paglalakbay naming ito.
Kaagad kong naramdaman ang mahigpit na hawak ni Ethan sa mga palad ko. Nahahalata nya siguro ang labis na kaba na nararamdaman ko.
"Relax." Malumanay nyang wika sa akin
Mahigpit ko rin syang hinawakan at ipinagkatiwala ko sa kanya ang lahat.
Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko. Kaba, dahil ito ang unang pagkakataon kong sumakay sa chopper at marami akong nababalitaan na minsan pumapalya ang mga ito. Diyos ko, huwag naman sana. Pangalawa ay nasasabik ako dahil makikita at mayayakap kong muli ang nanay at tatay ko.
Pagdating namin sa Palawan ay kaagad kaming sinalubong ng isang magarang sasakyan.
Mistula akong Prinsesa sa pagtrato nila. Yumuko pa sa amin ang driver at isang lalaki na kumuha ng mga gamit namin.
Kumportable akong naupo sa loob ng sasakyan. Nilibot ko ang aking paningin at nasilayan ko ang napakaeleganteng mga kagamitan sa loob nito. Mistulang isang bahay na ang sasakyan na ito. Pwedeng pwede talaga akong tumira sa loob nito eh.
"Sa Sitio Mayain tayo." Utos ni Ethan sa kanyang driver
Napahanga naman ako ni Ethan. Minsan ko lang sinabi ang lugar namin ngunit kaagad nya itong natandaan.
Mga isang oras pa siguro ang byahe bago kami makarating sa aming bahay.
Hindi ko nga alam ang magiging reaksyon ng mga magulang ko sa oras na makita nilang may kasama akong lalaki.
Bahala na. Kaibigan ko lang naman si Ethan. At ang pagiging lucky girlfriend ko ay parte lamang ng game. Hindi maaaring seryosohin. Isang magandang laro lamang ang lahat.
Ang totoo sa lahat ng ito ay ang pagiging mag-kaibigan namin ni Ethan. Iyon ang bagay na pahahalagahan ko habang buhay.
Nang makarating kami sa Sitio Mayain ay kaagad kaming pinagtinginan ng mga tao doon. Kaagad nilang pinagpiyestahan ang magarang sasakyan na pumarada sa tapat ng arko.
"Abay, si Alodia ba ito?" Dinig kong wika ni Aling Tess ang kapitbahay namin
Nginitian ko sya.
"Magandang umaga po sa inyo." Sambit ko
"Si Alodia nga!" Masayang wika nya
Kaagad nya akong sinalubong at kinamusta.
"Mukhang nakaluwag-luwag ka sa Maynila ah. Bukod sa mayaman ay napakagwapo pa ng nobyo mo." Banggit ni Aling Tess sa akin.
Napakamot ako sa aking batok. Mukhang ang iniisip ng mga tao dito ngayon ay nobyo ko ang gwapong lalaking kasama ko.
"Nagkakamali po kayo. Kaibigan ko lang po si Ethan." Paliwanag ko
Ngunit parang hindi kumbinsido si Aling Tess dahil sa reaksyon ng kanyang mukha.
"Kayo talagang mga kabataan ay masyado kayong malihim." Aniya
Ngumisi lamang ako sa kanya. Hindi ko na alam ang paliwanag na sasabihin ko.
"Mauna na po kami Aling Tess."
"Oh sya sige, puntahan mo na ang iyong inay at itay para makilala ang nobyo mo." Banggit pa nya
Marahan akong napailing. Hinayaan ko na lang ang kung anong iniisip nya. Mukhang hindi ko naman sya mapipilit na paniwalain na magkaibigan lang kami ni Ethan.
Marahan kaming naglakad ni Ethan patungo sa bahay namin. Sa paglalakad namin ay hindi kami nakawala sa mapanuring mata ng mga kapitbahay.
Ang ibang mga dalaga ay hindi naman maialis ang tingin sa kasama kong gwapo. Ibang iba kasi ang itsura ni Ethan kumpara sa mga kalalakihang naririto sa Sitio.
Sa kutis pa lang ay mahahalata nang galing sa mayamang pamilya itong si Ethan.
Nang marating namin ang aming bahay ay kaagad kong napansin si Nanay na nagwawalis ng bakuran namin. Halata ko ang pagod sa kanyang mga mata ngunit kailangan pa ring magpatuloy at lumaban sa buhay.
"Nay!" Sigaw ko
Kaagad na napatingin sa akin si Nanay. Nasilayan ko ang kanyang mga ngiti. Naramdaman ko rin ang pananabik nya sa akin.
Tumakbo ako sa kanya at binigyan ko sya ng mahigpit na yakap at masarap na halik.
"Hmmm! Amoy araw na kayo nay!" Biro ko
"Pasaway ka talagang bata ka oh. Syempre kanina pa ako sa arawan."
"Joke lang nay. Kahit amoy araw, buwan o amoy lupa man kayo, love ko pa rin kayo." Sabi ko pa
"Aba'y pasaway talaga!" Inis na sambit nya
Lagi kong inaasar si nanay. Ito ang isa sa paraan ng paglalambing ko sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi na darating ka? Ginulat mo ako!" Sambit nya
"Biglaan lang din po. Sinamahan po ako ng kaibigan kong si Ethan. Gusto nya raw po maranasan ang simpleng buhay dito sa probinsya." Paliwanag ko
Kaagad nyang tinignan si Ethan. Pinasadahan nya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Nay, sya po si Ethan Enriquez. Kaibigan ko po." Pagpapakilala ko
Hindi kumukurap si Nanay at nanatili ang mga mata nya sa kaibigan ko.
"Good morning po--Nay." Pagbati ni Ethan
Ang cute naman ni Ethan nang banggitin nya ang salitang Nay.
"Teka! Sya ba ang anak ng mga Enriquez? Isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa?"
Nagulat ako sa tinig ni tatay. Kalalabas nya lang galing sa bahay namin. Nakasukbit pa sa kanyang tagiliran ang itak na gamit nya sa trabaho.
Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya.
Nakakatakot ang itsura ni tatay. Tila hindi nya gusto ang presensya ni Ethan.
"Magandang umaga din po--tay." Pagbati muli ni Ethan.
Tumango ako kay tatay bilang pagsagot sa tanong nya.
"Sya ay anak ng isang Enriquez?" Pagkagulat ni nanay
Natulala silang pareho. Hindi nila lubos maisip na nasa pamamahay namin ang anak ng isa sa mayayamang angkan dito sa buong bansa.
Malawak naman ang naging ngiti ni Ethan sa kanila. Tila nahihiya pa nga sya sa mga magulang ko nang malaman nila na isa syang anak mayaman..
"Kaibigan lang ba? Aba'y bakit naman ganun?" Sambit ni tatay
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nabanggit ni tatay.
"Tay? Nakakahiya po. Kaibigan ko lang po si Ethan." Pagmamaktol ko
Napakamot sa kanyang buhok si tatay at para bang nadismaya sa mga sinabi ko.
"Papayag po ba kayo kung liligawan ko ang anak nyo?" Ani Ethan
Huminto ang mundo ko dahil sa mga sinabi ni Ethan sa akin. Alam kong nagbibiro lang sya.
Pero bakit naman sya magbibiro sa harapan ng mga magulang ko?