Chapter 6

2067 Words
Ethan Sa pagdaan ng mga araw ay mas lalo kong nakikita o nasasaksihan kung gaano kabaliw si Alodia kay Enzo. I don't know the reason, but I feel jealous. Araw-araw ay may sulat si Alodia para sa kaibigan ko. Kagaya ng nakagawian ko ay ako ang nagbabasa ng mga ito. Kagaya ng dati ay binubura ko ang pangalan ni Enzo sa sulat na iyon at ipinapalit ko ang pangalan ko. Mistula akong nababaliw pero mas maluwag ang puso ko sa tuwing gagawin ko ito. Marahan kong isinisilid sa malaking box ang sulat kasama ng iba pang mga regalo nya para kay Enzo. May mini stuffed toys. May mga bulaklak, may key chain na heart shaped at kung ano ano pa. Halos maumay na nga rin ako sa iba't-ibang cakes at mga sweet pastries na ibinibigay ni Alodia. Wala naman akong magawa kundi kainin ang mga ito at magpanggap na ibinibigay ko ang mga iyon kay Enzo. Masakit sa puso kapag naiisip ko kung ibibigay ko naman ang mga ito sa kaibigan ko ay malamang na balewalain nya ito or worse to happen ay itapon lang nya ang masasarap na pastries sa basurahan. Hindi kaya ng damdamin ko iyon. Alam ko kung gaano kahalaga para kay Alodia ang lahat ng ito kaya mas mabuti nang ako na lang ang manginabang sa lahat ng paghihirap nya. Isang umaga... "Pakiramdam ko ay hinahanap na ako ni Enzo. Nakikita ko kasi minsan na parang lagi syang tulala at may malalim na iniisip. Ano sa palagay mo? Hindi ba nya ako hinahanap sayo?" Kinikilig na banggit sa akin ni Alodia habang paalis na kami at papunta na sa Universidad. Binuhay ko muna ang makina ng sasakyan ko bago ko sya sinagot. Nag-iisip na ako ng mga isasagot sa kanya. "Huh? Ahhm, nagtatanong lang sya kung kanino galing. I always told him na someday makikilala ka rin nya." Sagot ko Naramdaman ko ang malakas na paghampas sa akin ni Alodia. "Ouch!" Reklamo ko Lagi na lang syang ganito. Sa tuwing kikiligin sya ay ako ang nabubugbog nya. "Ayy sorry naman. Sorry Baby..uhhmm." sambit nya Nagulat ako nang bigla syang lumingkis sa aking braso na syang hinahampas nya kanina at binigyan nya iyon ng mga halik. Hindi na nya namamalayan ang kanyang ginagawa dahil sa sobrang kilig na bumabalot sa buong katawan nya. May kakaibang kuryente naman ang dumaloy sa buong sistema ko. Kakaibang kaligayahan ang nararamdaman ko nang gawin nya ang pagyakap at paghalik sa braso ko. Nang ihinto ko ang sasakyan ay kaagad ko syang inakbayan at pinaulanan ko rin ng halik ang kanyang noo. Alam kong ikinagulat nya rin ito dahil parang tumigil ang mundo nya sa ginawa ko. Kagaya rin ng pagtigil ng mundo ko dahil sa ginawa nya sa akin kanina. "Baby, pwede bang tawagin mo rin akong baby? Kahit alam ko namang si Enzo talaga ang baby mo." Hiling ko sa kanya Marahan syang yumakap sa aking katawan. Ang sarap ng yakap na iyon. Ngayon ko lang ito naramdaman. "Okay, baby.." bulong nya Muli ko syang hinagkan sa noo. Hindi nya alam kung gaano ako kaligaya dahil tinatawag nya akong baby. Kahit alam ko naman na napilitan lang sya ay may kakaiba pa ring pintig ang puso ko. Isang halik pa sa kanyang noo ang ginawad ko sa kanya. "Ikaw lang ang baby ko. Aalagaan kita habang nasa puder kita." Wika ko Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko sa kanya. Pero ito talaga ang gustong sabihin ng puso ko. Nasaksihan ko ang pagkagat ng labi ni Alodia. Tila ba bigla syang nahiya sa sitwasyong ito. "Baby, mali-late na tayo?" Bigla nyang sambit Napakamot ako sa aking batok. Masyado yata akong naligayahan sa eksena naming dalawa. Kumalas kami mula sa mahigpit na yakapan at tila nailang o nahiya na kami sa isa't-isa. Ngayon ko lang nakita na nahihiya si Alodia. Malakas ang personalidad nya at tila wala sa kanyang bokabularyo ang salitang hiya. Pero ngayon ay ramdam na ramdam ko ito sa kanya. Ibinaling nya ang kanyang mukha sa bintana ng kotse at hindi na muling tumingin pa sa akin. Napailing na lang ako at unti-unting napangiti. Ang cute talaga ni Alodia. Nang makarating kami sa parking area ng Universidad... "Ohh!" Wika niya na hindi man lang tumitingin sa akin. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin sya? Iniaabot nya sa akin ang isang paper bag. Napangisi na lang ako. Hindi talaga sya nagsasawang bigyan ng kung ano anung regalo ang kaibigan ko. Kinuha ko ang paper bag at tinignan ito. "Wow! Blueberry cheesecake?" Pagkagulat ko Natakam ako sa isang ito. Ang swerte ni Enzo dahil may isang tao ang labis na nagmamahal sa kanya. "Pupuntahan ko na lang si Enzo sa may locker room mamaya para maibigay ito." Sabi ko pa. Umiling si Alodia sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Bakit naman hindi sya sumasang-ayon? "Para sa iyo ang blueberry cheesecake." Wika nya Bumilog ang mga mata ko. Para sa akin pala ito? "Huh? Pero bakit?" Tanong ko Hinarap nya ako at saka nya ako pinakitaan ng maganda nyang ngiti. Madali akong nahawa ako sa mga ngiting iyon. "Gusto ko lang mag-thank you sa lahat ng mga ginagawa mo. Tinutulungan mo ako para mapalapit kay Enzo. Hindi mo ako hinuhusgahan. Hindi ka nagagalit sa kabaliwan ko." Paliwanag nya Nakonsensya akong bigla dahil sa mga ibinulgar nya. Ang buong akala nya ay tinutulungan ko talaga sya para mapalapit kay Enzo. Ang hindi nya alam ay itinatago kong lahat ang mga bagay na ibinibigay nya sa kaibigan ko dahil ayokong sayangin ang lahat ng paghihirap nya. Kaagad kong binuksan ang blueberry cheesecake. Kumuha ako ng spoon at kaagad ko itong tinikman. Pumikit pa ako para namnamin ang lasa nito. Saka ako bumalik ng tingin sa kanya. "Wala iyon. Basta nandito lang ako okay-- Baby?" Wika ko She smiled at me and I witnessed something more beautiful than the stars. Ibang klase. "Yes--baby." Sagot nya Ang sarap naman pakinggan. Sana nga ay totoong ako na lang. Ako na lang sana ang pinaglalaanan nya ng ganito. Bakit ko ba naiisip ang mga bagay na ito? Hindi ko rin maipaliwanag. "I love you baby." Sambit ko sa kanya Lalong lumawak ang ngiti sa mga labi nya. "I love you more, baby Ethan." She melts my heart with her beautiful smile ang sweet voice. Ahh! Mukhang nasa panganib ako. Hindi na normal ang nararamdaman ng puso ko. -- Alodia Kaasar naman talaga si Ethan. Parang gusto nyang bihagin ang puso ko. Gusto nyang nakawin ito mula kay Enzo. Ang akala nya ba ay hindi ako naaapektuhan sa mga ginagawa o sinasabi nya? Sobrang pagpipigil ang ginagawa ko dahil gusto ko pa ring maging loyal kay baby Enzo ko. Pero babae lang ako. Medyo marupok din kapag nasa tabi ko na si Ethan. Sino ba naman ang hindi rin kikiligin sa isang tulad nya? Gwapo, mabait at sobrang lambing. Kailangan kong mag-isip ng paraan. Hindi ako dapat mahulog sa kanya dahil una pa lang naman ay alam ko na sa puso ko kung sino ang mas matimbang. Si Enzo lang ang mahal ko. Wala ng iba! Sana lang talaga ay magkaroon ako ng lakas ng loob para umamin na sa kanya. Alam kong hinahanap nya rin ako. Alam kong kahit papaano ay nagiging masaya sya sa mga regalo ko para sa kanya. Alam ko rin na kinikilig sya sa tuwing babasahin nya ang mga sulat ko para sa kanya. Naniniwala ako na isang araw, hahanapin din ako ni Enzo. Hahanapin nya yung babaeng labis na nagmamahal sa kanya ng buo. Habang nagpupunas ako ng mesa sa fast food restaurant na pinagtatrabahuhan ko ay bigla na lamang akong nilapitan ni Amara. "Nalilito ka na ba?" Tanong nya Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa kanya. "Anong sinasabi mo?" Tanong ko Kaagad ko namang binalikan ang mesang nililinisan ko. "Natutulala ka rin kasi kapag kasama mo si Ethan, tapos napapangiti ka rin ng hindi mo alam. Kahit itago mo, halatang halata eh." Pang-aasar nya Napahinto ako sa ginagawa ko. Hindi ko alam ang sinasabi nya. Totoo ba na nangyayari sa akin iyon? "N-natutuwa lang ako kay Ethan. Napakabait nya sa akin. Lahat ng ipagawa ko sa kanya ay ginagawa naman nya. Wala syang reklamo. Perfect boyfriend nga eh. Pero sa huli, kay baby Enzo pa rin ako bumabalik." Paliwanag ko Kinurot nya ang tagiliran ko. "Aray! Ano ba?" Galit na reklamo ko sa kanya Nang tignan ko si Amara ay may nakakainis na reaksyon sya sa akin. Tila inaasar ako? Ano bang gustong palabasin ng babaeng ito. "Eh, kung sabihin ko sayo na parang may gusto sayo si Ethan?" Wika nya Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. "Huh? Paano mo nasabi?" Nanginginig na tanong ko Pero tinalikuran na nya ako. Nakakainis sya! Hinabol ko sya hanggang sa kitchen. "Hoy! Ano na ba? Bakit mo nasabi yun?" Tanong kong muli Hinarap nya ako ngunit nakaismid na ang kanyang mukha. "Bakit ka interesado?" Nang-aasar na sabi nya Napalunok ako. Bakit nga ba bigla akong nahiya sa kanya? Bakit nga ba bigla akong naging interesado dahil sa mga sinabi nya? "Huh? Wala naman. Gusto ko lang malaman kung paano mo nasabi na may gusto sa akin si Ethan? Mag-kaibigan kaming dalawa. Hindi lang lucky girlfriend ang turing nya sa akin." Paliwanag ko pa sa kanya. Rumolyo ang mga mata nya sa akin. "Okay, sabi mo eh." Wika pa ng kaibigan ko. Nakakainis sya. Bakit ba nya ginulo ang utak ko? Pero napaisip tuloy ako. Paano kaya kung talagang may gusto sa akin si Ethan. Ang ganda ko naman talaga masyado kung mangyayari iyon. Napailing ako ng paulit-ulit sa mga naiisip kong kahibangan. Mabuti pang magtrabaho na lang kaysa mag-isip pa. Nang bumalik ako sa dine in area ay kaagad kong napansin ang isang lalaki na nakaupo sa alfresco. Likod pa lang nito ay panalo na. Halatang gwapo at galing sa angkan ng mayayaman dahil sa mamahalin nitong suot. Ang mga dumadaang mga babae ay panay ang pagpapacute sa lalaking iyon at para bang hihimatayin habang kumakaway sa lalaki. Sino ba iyon? Artista ba sya o modelo? Sa tingin ko ay sobrang sikat nya kaya sya pinagkakaguluhan sa labas. Ilang saglit lang ay lumingon ang lalaking sobrang gwapo kapag nakatalikod. Nalaglag ang mga panga ko nang makita ko kung sino iyon. Ang ganda ng mga ngiti nya sa akin. Maaliwalas ang kayang mukha at nakakaakit talaga ang kagwapuhan nya. "Baby?" Bulong ko sa sarili ko Si Ethan pala ang gwapong lalaki na pinagkakaguluhan ng mga babae sa labas. Napanguso ako. Gusto kong sabunutan ang mga babaeng iyon eh. Kaagad akong lumabas para makita sya. "Hi Baby!" Pagbati nya sa akin Lahat ng mga babaeng parang bulateng nangingisay sa kilig ay napatingin sa akin. Pinagmasdan pa nila ako mula ulo hanggang paa. Kinakalkula nila ang babaeng tinawag ni Ethan ng Baby? Ang iba ay hindi maipinta ang itsura dahil sa tindi ng inggit sa akin. Nakataas pa ang kilay nung isa at tila hindi makapaniwala na ako ang Baby ng isang Ethan Enriquez. Ngumiti ako at nilapitan ko si Ethan. Nahawi ang kumpol ng mga babae nang dumaan ako. "Yes, baby? Anong ginagawa mo dito? Masyado mo naman akong na-miss." Wika ko at pinaparinig ko talaga sa mga babaeng nangangarap kay Ethan. Ngunit mas ikinagulat ko nang bigla akong yakapin ni Ethan sa harapan ng mga babaeng iyon at ginawaran nya ako ng halik sa aking noo. "I always miss my baby." Bulong nya Wala akong nagawa kundi ang tuluyang yakapin sya. Bigla akong nahiya sa amoy ko. Naghalo ang amoy ng mantika, chicken at fries sa damit ko. Bahagya akong kumalas mula sa pagkakayakap nya. "Eh bakit nga nandito ang baby ko?" Tanong ko Nginitian nya ako. Oh my God ang gwapo! Pigilan mo pa ang puso mo Alodia! Para kay baby Enzo ka lang okay? Pero sh.it naman kasi si Ethan eh, ang lakas din magpakilig. "After ng duty mo, samahan mo ako sa bay? Gusto ko lang ng makakausap ngayon." Malumanay na wika nya sa akin. Bakit kaya parang ang lungkot nya? Tila may problema talaga sya at kailangan nya ng makakausap ngayon. Bilang kaibigan ay pumayag naman ako sa alok nya. Hinawakan ko ang balikat nya at ginantihan ko ang maganda nyang ngiti sa akin kanina. Sasamahan ko sya ngayon dahil alam kong kailangan nya ng isang kaibigan na makikinig sa mga kwento nya. Sasamahan ko sya, dahil kaibigan ko si Ethan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD