Sa saliw ng mabagal na musika, pumapailanlang ang malamyos na tinig ng arkiladong singer na naroon, ay nagsasayaw sina Aries at Elaigne. Nasa gitna ang mga ito ng ginawang dancefloor para sa party. Sweet na sweet ang dalawa at halos magkayakap na dahil sa sobrang pagdidikit ng katawan habang nagsasayaw. Kitang-kita niya ang pagngingitian ng dalawa. Elaigne was looking up at Aries dreamily with admiration written all over her face. Pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay sa batok ng binata. Huminga siya ng malalim at pumikit ng mariin. Pero wala iyong nagawa para pawiin ang sakit na gumuhit sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay parang may gumuhong kung ano doon. Nangako sa kanya ang binata na hindi siya pababayaan nito pero ano ang ginawa nito? Iniwan na nga siya nitong mag-isa sa table, ng

