CHAPTER 1
Nakatayo si Aries sa harap ng mansiyon ng mga Silva. Ilang minuto na siya roon ngunit hindi niya magawang ipaalam sa mga ito ang presensya. He couldn’t put a finger on it, but something tells him not to take the job. Pakiramdam niya ay hindi ito mauuwi sa mabuti. And he always trusted his instincts. That’s what put him on the top of his job. Lamang ay hindi niya maaaring pahindian ang pamilyang ito.
Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan niya bago pinindot ang doorbell sa tabi ng mataas na gate ng mga ito. Hindi naman nagtagal at sumilip ang isang may edad na babae sa maliit na pinto sa gate.
“Magandang umaga po, ako si Aries Montes, pinapunta po ako dito ni Ms. Carol Silva,” pagpapakilala niya.
“Magandang umaga din, ho, Sir. Hinihintay na po nila kayo. Ipasok niyo na rin daw po ang sasakyan niyo.” Magalang na sagot ng kawaksi bago binuksan ang malaking gate para sa kanya.
Sandali siyang nagpasalamat at bumalik na sa sasakyan. Nang maipasok na ito sa loob ay hindi niya maiwasang mamangha sa pagiging grandiyosa ng tahanan ng mga Silva. It’s somehow similar to his family’s ancestral home.
Home…
Mapait siyang napangiti at ipinilig ang ulo sa mumunting alaala na nagtatangkang bumalik sa kanyang isipan.
He decided to walk to the front door. Namataan niya agad si Carol sa harap ng malaking pintong kahoy. Matagal na silang magkaibigan mula pa noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Pareho kasi silang miyembro ng isang organisasyon sa unibersidad na pinasukan nila noon. Although, hindi na sila masyadong nagkita nitong mga nakaraang ay may komunikasyon pa rin sila dahil hanggang ngayon ay pareho pa rin naman silang aktibo sa organisasyon nila.
“’Glad you made it!” Nakangiting salubong ng babae sa kanya.
“You know that I’m willing to do anything for you,” Nakangiting niyang biro dito.
“I know, right!” Ganting biro din nito. Kapagkuwan ay biglang lumalamlam ang mga nito. She cleared her throat.
“Come on, they’re waiting,” aya nito sa kanya. She led him inside the house.
Naabutan nila sa salas ang mag-asawang Silva. Kahit na may edad na ang mga ito ay mababakas pa rin ang kagandahan at kakisigan ng mga ito. Kamukha ni Carol ang ina nito.
“Good morning po, Sir, Ma’am,” bati niya sa mga ito. Kapwa siya nginitan ng mga ito.
“Good morning din, hijo,” Mr. Silva extended a hand for a handshake at magalang na inabot niya iyon.
“Is he?” baling ni Mrs. Silva sa anak nitong si Carol.
“Yes, mom. He’s Aries Montes, a college friend. Although, I never got to invite him over the house before, that’s why, ngayon lang po kayo nagkakilala. He is the Private Investigator that I’m telling you all about,” Paliwanag ni Carol sa mga magulang.
“Bueno, I already studied your credentials and frankly, it’s quite impressive. You have such a good track record in your job, so, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. We want to hire you. Please help us find our daughter,” Nakikiusap na wika ni Mr. Silva. Sa bandang huli ng sinabi nito ay bahagyang gumaralgal ang tinig nito. Ramdam niya ang pangungulila nito sa nawawalang anak.
“We believe that she’s still alive.” Saad ng ginang.
“Ipagpapaumanhin po ninyo. I hope that you don’t get me wrong but how did you come to know this conclusion? Is there any other lead?” He asked carefully. He knew that they were vulnerable now.
“Sadly, no.” Malungkot na sagot ni Mr. Silva.
“But I know in my heart that she’s still alive.” Singit ni Mrs. Silva.
His heart went for them. Nahabag siya sa nakitang anyo ng mga ito. Ramdam niya ang paghihirap ng kalooban ng mga ito. All the riches in the world was within their reached with just one flick of their hands, but the only thing na makakapagpasaya sa mga ito ay mailap na makuha ng mga ito.
“As part of the information gathering that I will do, maaari niyo po bang ikwento kung kailan, saan at paano nawala ang anak ninyo?”
Lalong bumakas ang lungkot sa mukha ng ginang.
“It was summer in year 2000. We were in Cebu for a vacation. We were all excited to see Magellan’s Cross.” Napangiti ito na tila naalala ang masayang sandali ng mga ito bago dumating ang trahedyang nagpahiwalay sa isang anak ng mga ito.
“Go on, ‘Ma, it’s ok. We’re here for you,” Nginitian ito ni Carol bago bahagyang pinisil ang kamay.
“We were eating in a restaurant that time. I was busy with the kids. I was trying to calm them down because they were squealing happily. Then, my husband went out for a while to answer a business call, when someone shouted na may sunog. Nag-panic ang mga tao at lahat ay nag-uunahan na makalabas ng restaurant. I couldn’t find Rod. I was scared not for myself but for my two daughters. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanilang dalawa. Maybe it was the adrenaline but my feet acted on instinct and I started to head for the exit pero dahil sa dami ng taong kumakain noon sa restaurant, idagdag pa ang mga tao na galing sa itaas ng building, hindi magkamayaw ang mga tao na gustong makalabas at makaligtas sa apoy.” Nag-umpisang bumagsak ang mga luha sa mga mata ng ginang. She was reliving the painful memory.
“It’s alright, sweetheart. Let me handle this for you,” inakbayan ito ni Mr. Silva bago niyakap. May mumunting luha rin sa gilid ng mga mata nito. Maging si Carol ay tahimik na umiiyak na rin sa isang tabi.
Mrs. Silva cleared her throat before speaking again. “No, I can do this. Please,”
“I’m sorry, Ma’am. Alam ko na mahirap para sa inyo na sariwain ang mga alaalang ito. It causes to re-open the wound that you have, if there’s another way to make it easy for you,” His heart was also aching at the same time.
Ngumiti sa kanya ang ginang. “You’re a good man, Aries. Thanks for your concern, but I can do this. I also need to face this,” matapang na sagot nito kaya umusbong ang paghanga niya para dito.
“I was holding tight to the both of them ng may bumangga sa akin dahilan para matumba ako at mapahiga. Some people are stepping over at me. Pero hindi ko ininda iyon dahil ang nasa isip ko ay nabitawan ko si Caroline, my baby. She could also be stepped on. Kahit anong sigaw ko ay nilalamon lang nga ingay ng paligid ang boses ko. Hanggang sa maramdaman ko na parang may humampas sa ulo ko. I became unconscious after that. Then, nagising na lamang ako na nasa hospital room na ako. My husband is crying beside my bed. Hindi pa man niya sinasabi ay nahulaan ko na ang nais niyang iparating. Nawawala ang bunsong anak namin at hindi pa ito natatagpuan hanggang ngayon.” Hindi na nito nakayanang itago pa ang sakit na nararamdaman. Bumuhos ang pinipigilan nitong mga luha. He could only imagine the pain that this family is suffering. Naalala niya ang sariling pamilya. Kumpleto nga sila ngunit hindi naman sila buo.
“Ma…?” Nag-aalalang tanong ni Carol dito.
“I’m, okay, anak. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko kapag naalala ko ang kapatid mo.”
“She would be twenty-three years old by now,” sabat ni Mr. Silva bago pinahid ang luhang kumawala na rin sa mga nito. Tila ba nadagdagan ang edad ng mga ito ng ilang taon sa loob lamang ng sandaling magkakausap sila.
“I don’t know what to say to ease your feelings. Tatapatin ko na rin kayo. I am confident enough of my abilities, but still, that cannot guarantee na mahahanap ko ang anak ninyo. I’m sure that you already hired the best of the best before me. But one thing that I can promise you is that I am doing everything that I can to find her at maibalik sa inyo.” Buong sinseridad na sabi niya sa mga ito.
Dead or alive, I don’t know yet.
Matapos makuha ang lahat ng impormasyon na kakailangan niya ay nagpaalam na rin siya sa mga ito. Inihatid siya ni Carol palabas ng bahay. Nagpaumanhin naman sa kanya si Mr. Silva dahil hindi nito maiwan ang asawa na emosyonal pa rin hanggang ngayon.
“Pasensya ka na, it was just a painful memory to all of us.” Mas naging malungkot ang mukha ng babae.
“I understand. It’s a natural reaction to the people who experienced that kind of suffering. Hindi biro ang pinagdaanan niyo,”
Kapagkuwan ay seryosong tumingin ito sa kanya. “May gusto sana akong itanong sa’yo. My hopes are that we can find her. But this has been in the back of my mind for quite some time,” Napabuntong-hininga ito bago itinuloy ang sinasabi. “I don’t want to think about this scenario, but what if…?” Ibinitin nito ang sasabihin ngunit gano’n pa man ay naintindihan niya ang nais nitong ipahiwatig.
Damn!
“Hindi ko gustong bigyan ka ng agam-agam sa bagay na iyon. I know that this may sound harsh or unfeeling, but that is a possibility.”
Tila nanghina ang babae sa narinig. Tinakpan nito ng mga kamay ang mukha at biglang humagulhol. Naawa siya sa kalalagayan nito. Niyakap niya ito at marahang hinaplos ang likod.
“Katulad ng pangako ko sa mga magulang mo ay hahanapin ko ang kapatid mo. Hahanapin ko si Caroline sa abot ng makakaya. To come heaven or hell, I will find her.”