Aries didn’t let any moment go to waste. The minute that he finished packing all his stuff that he’ll be needing for his mission, he went off with his flight to Cebu – the place where Caroline Silva got lost.
Kahit na hindi niya alam kung gaano siya katagal mamalagi sa lugar na iyon dahil nakapende iyon sa misyon na hawak niya ay sapat na laki lang ng bagahe ang dinala niya. Habang naghihintay sa airport ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Naging matigas agad ang kanyang anyo ng makita ang caller ID. Sandaling nagtalo ang isip niya kung sasagutin ito.
“Hello,” his voice sounded cold.
“Hi, babe!” Malambing na sagot ng babae sa kabilang linya. Hindi niya alam kung napansin ba nito ang tono ng boses niya o ipinagsawalang bahala na lang nito iyon.
“What do you want, Kharen?” He was annoyed that she called him and was about to snap at her. Pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang hindi iyon mauuwi sa mabuti. Hindi ngayon ang oras at lugar para kastiguhin niya ito.
Kharen was his girlfriend but only in name. He never took their relationship seriously especially when he knew that she was still fooling around with other men. She thought that he didn’t knew. But some of the people from their circle of friends were concerned about him and told him. He was planning to break-up with her right after. But, since then, and every time that he brought that up, she turned violent and threatened to end her life if he ever tried to leave her.
Nagkakilala sila nito sa isang party na dinaluhan niya noon. He was surprised to see her there. After all, she was a known socialite being one of the country’s sought-after actress, model and endorser. It turned out that they both have a common friend in their circle.
He felt instant attraction with her. She was very beautiful and sweet, strong and smart, too, everything that he looked for in a woman that will fit the role of his wife someday. They talked and laughed the whole night. Everything about them seems to be in unison. He thought that they were compatible in every way. Hindi lumipas ang gabi na hindi niya ito inayang lumabas. Sobrang saya niya ng gabing iyon dahil pinaunlakan nito ang paanyaya niya. Given her status, he thought that he would turn down someone like him who was just a normal guy.
At first, she seemed to be a perfect girlfriend, all loving and caring, all the qualities that he liked about her. But as months go by, her attitude towards him changed. Lumabas rin ang tunay nitong kulay. Napakaselosa nito at lahat na lang ng babaeng napapalapit sa kanya kahit na ang mga pinsan niya ay pinagseselosan nito. She was so possessive of him and a total b***h with anger management issue.
“Oh, come on. Don’t be like that, babe. Where are you?” She was using her seductive voice again but he knew better. Once, he was a victim of that voice, too. But lately, napapansin niya na unti-unti na rin siyang nawawalan ng interes sa babae. She was just now a willing female at the right place and at the right time to quench his needs and nothing more.
“I’m in a mission right now.” Tipid lang ang sagot niya para maramdaman nito na ayaw na niya itong makausap pa. As annoying as she was, he still didn’t want to start a fight with her right now.
“Why didn’t you tell me earlier?” Nagtatampong sabi nito. “When will you be back?”
“I don’t know, depends on the mission,”
“Where is that mission again?” pangungulit nito.
“You don’t have to know. My flight’s up. Bye,” Sakto na narinig niya ang pagtawag sa flight number niya.
Caroline, here I come.
***
“Cara!” Napalingon siya sa tumawag sa pangalan niya. Nakita niyang hangos na tumatakbo papalapit sa kanya si Andrea. Ito ang matalik na kaibigan niya.
“Hi, Andeng!” Ganting tawag niya dito. “O, ano’t humahangos ka? Para kang hinahabol ng aso, ah.” Natatawang sabi niya. Pulang-pula kasi ang mga pisngi nito at hinihingal sa pagmamadaling abutan siya.
“Hinahabol nga kasi kita! ‘Di ba sabay tayong pupunta sa bayan ngayon?” Pagpapa-aalala nito sa kanya.
Katulad ng kanyang ina ay isa ring mananahi ang ina nito na si Nanay Celia kaya lagi silang magkasama sa pamimili ng mga tela at iba pang kagamitan sa pananahi ng mga ito.
“Oo nga pala!” Natampal niya ang noo. “Pasensya ka na, nawala sa isip ko.” Hinging paumanhin niya rito. May usapan na sila nito noong isang araw pa.
“Ikaw, ha! May memory gap ka na agad!” Ang lakas ng halakhak nito.
“Memory gap agad!” Natawa siya. “Siya nga pala, kamusta na si Tatay Mario?” Kapagkuwan ay tanong niya sa kaibigan.
Nagkasakit kasi ang ama nito at naisugod pa sa ospital. Hindi niya nagawang dumalaw dahil tumulong siya sa nanay niya na noon ay maraming tinanggap na tahiin. Nang matapos naman sila ay nailabas na rin daw ang tatay nito. Ang plano sana niya ay bisitahin ito mamaya pagkagaling niya sa bayan.
Biglang nawala ang ngiti sa labi ng kaibigan niya. “Okay na naman si Tatay, kaya lang ay doble ingat na raw ang kailangan niya sabi ng doktor. Na-mild stroke pala si Tatay kaya gano’n. Mabuti na nga lang daw at walang gaanong naging pinsala sa katawan ni Tatay maliban sa kanang braso at kamay niya. Medyo nanghihina pa ang pangkapit niya, eh.” Paliwanag nito.
“Naku, kawawa naman si Tatay Mario. May kailangan ba siyang gawing therapy para do’n?” Usisa niya.
“Wala naman daw. Kailangan lang ni Tatay magpalakas at inumin ang mga gamot niya. Pero hindi na si Tatay pwedeng magtrabaho. Sa bahay na lang siya. Pwede siyang maging katulong ni Nanay sa pananahi, mga magagaang na gawain lang. Ang inaalala ko lang ay ang gastusin namin ngayon.” Napabuntong-hininga ito.
Hindi kasi katulad niya na solong anak, may dalawa pang nakatatandang kapatid si Andeng. Pareho na ring may sariling pamilya ang mga ito.
“Siguradong tutulong ang mga kapatid mo, ‘wag kang mag-alala.” Ngumiti siya at inakbayan ang kaibigan.
“Alam ko naman ‘yon. Pero ayaw kasi ni Tatay umasa sa kanila. Alam mo naman na ma-pride rin ‘yon.”
Natawa siya. “Hindi bale, malapit na tayong makahanap ng trabaho, nararamdaman ko.”
Magkaiba man ang kurso nila ay sabay naman silang gr-um-aduate sa parehong kolehiyo sa kanilang bayan. Business Administration ang kinuha niya samantalang ito naman ay kursong Education. Hindi naging hadlang ang magkaiba nilang kurso para bigyan ng suporta ang isa’t-isa sa pag-aaral nila. Dahil doon ay pareho silang nagtapos na Magna c*m Laude.
“Nagsimula ka na bang mag-apply?” tanong nito.
“Hindi pa, eh. Pero nabanggit ni Aling Telay kay Nanay na may bakanteng posisyon daw sa bagong bukas na bangko sa bayan. Susubukan ko.”
“Ako rin, sa lunes aasikasuhin ko ang paga-apply sa public school dito. Para hindi na rin ako mapalayo kinay Nanay at Tatay lalo na ngayon may iniinda si Tatay.”
“O siya tara na, tatanghaliin na tayo lagot tayo ‘pag nagkataon baka magsara si Aling Mila, sabado pa naman ngayon.”
“Vamonos!” Panggagaya nito sa isang sikat na cartoon character bago naglakad na parang isang sundalo.
“Luka-luka ka talaga!” Naiiling na wika niya habang nakasunod sa kaibigan.
***
Kalalapag pa lang ni Aries ng eroplano ay nag-ring agad ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot ng makitang si Carol ang tumatawag.
“Hi! How are you? How’s your flight? I assume you are already in Cebu?” Masiglang tanong nito sa kanya.
“Yes, actually kadadating ko lang. The plane just landed.” sagot niya.
“Oh, okay, that’s good. I know that you’re tired from your trip, but I just wanted to let you know that we will cover all your expenses. We have already made an arrangement for the house that you will be staying in while you’re there. And its location is great, malapit sa lahat.” Her voice sounded ecstatic with high hopes. She was in a good spirit.
“Oh, thank you. But you shouldn’t bother. I mean, I can take care of myself here. Don’t you worry about me.” Nahihiyang sabi niya dito.
“No, we insist. We want to do it, anyway. We’re friends, right? And besides, mama and papa were the ones who wish for that.”
“Okay,” Hindi na siya nakipagtalo pa. Lalo pa at ang mga magulang pala nito ang may nais niyon.
“So, that’s all! I just called to tell you that. Settle yourself and good luck! I hope that you find my sister the soonest possible.”
Bahagya siyang natigilan ngunit bago pa nito mahalata iyon ay muli siyang nagsalita.
“I will do my best. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nahahanap si Caroline.”
“Thank you, Aries. That means a lot for us. I will not hold you any longer. I think, Mark is already there to fetch you. If you need anything there, you can just tell him right away, okay? Bye!” Paalam nito pagkatapos na sandaling magbigay ng kaunting description ng lalaki.
“Bye.” He immediately scanned the area to look for the man that Carol was telling him about.