Naagaw ang atensiyon niya ng isang matangkad na lalaki na sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad sa kanya. May hawak itong karatula na may pangalan niya.
“Hello! I’m Aries Montes.” Pagpapakilala niya sa sarili bago inilahad ang isang kamay sa lalaki. “May I call you Mark?” Tanong niya ng makalapit siya dito.
“Magandang gabi, ho, Sir! Ako nga pala si Mark.” Tinanggap nito ang pakikipagkamay niya. Napansin niyang matatas itong magsalita ng tagalog. Mukhang magkakasundo sila nito.
“Hello, good evening! Nabanggit na sa akin ni Carol ang tungkol sa tutuluyan ko habang narito ako,” Pagpapaalam niya dito.
“Oho, Sir. Dito po tayo sumunod kayo sa akin.” Tinulungan siya nitong buhatin ang ilang bagahe niya.
“Aries. Tawagin mo akong Aries. Mukhang hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin.” Ayaw niyang tratuhin siya nito ng parang amo. Naiilang siya.
“Sige.” nakangiting sagot nito. “Hindi naman magtatagal ang biyahe natin pauwi sa bahay. Siya nga pala, makakasama mo ako sa bahay pati na rin ang nanay ko. Siya naman ang bahala sa mga gawaing bahay at sa kusina. Ano man ang kailanganin mo ay sabihin mo lang sa ‘kin.”
“Salamat.” Tahimik niyang sinundan ito habang nagsisimula ng tumakbo sa isip niya ang binuong plano kung paano sisimulan ang misyon niya, ang paghahanap sa nawawalang anak nina Mr. and Mrs. Silva.
***
Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Cara. Araw iyon ng sabado kaya naman sinadya niyang hindi gumising ng maaga. Hinahayaan niya na makabawi ang katawan niya sa pagod niya sa buong isang lingo. Pagkatapos niyang makapaghilamos at makapag-ayos ng sarili ay lumabas na siya ng kanyang silid at bumaba patungo sa kusina.
Pagbungad pa lang niya ay kaagad na nanuot ang mabangong amoy ng bawang sa kanyang pang-amoy. Naabutan niyang naglalagay ng sinangag sa bandehado ang kanyang ina. Marahang inagaw niya iyon at ipinatong sa lamesa.
“Good morning, ‘Nay!” Masiglang bati niya dito bago hinalikan ito sa pisngi. Kumuha na rin siya ng tatlong plato para sa kanila. “Si Tatay po?”
“Naku nasa paboritong duyan na naman niya ‘yon at sandaling namamahinga. Hala at tawagin mo na ang Tatay mo ng makakain na tayo.” Utos sa kanya ng ina. Tuwing umaga kasi ay ugali na ng kanyang ama na umupo tuwing umaga sa duyan na nasa ilalim ng dalawang puno ng manga sa likod ng bahay nila. Marahil ay may iniisip din ito. Namataan niya agad ito.
“Good morning, ‘Tay!” Hinalikan niya rin ito sa pisngi at niyakap mula sa likuran.
“Good morning din anak,” Nakangiting baling nito sa kanya.
“May iniisip na naman po ba kayo?” Tanong niya dito. Nitong mga nakalipas na araw ay napapansin niya ang madalas na pagkatulala nito at pagtanaw sa kawalan.
Hinaplos nito ang buhok niya. “Ako? Kayo lang ng Nanay mo ang laging nasa isip ko.” Seryosong sagot nito.
“Si Tatay talaga,” Napangiti naman siya sa sinabi nito at dagling nawala ang alalahanin na sumasasagi sa isipan niya. Niyakap niya ito.
“Hindi pa ba nakakaluto ang Nanay mo?” Kapagkuwan ay tanong nito.
“Iyon nga po, ‘Tay. Pinapatawag kayo ni Nanay, tara na at nakahain na.” Yakag niya dito.
Tumayo na ito at magkaakbay silang pumasok sa loob ng bahay.
***
Hindi pa man lang sumisikat ang araw ay nagsimula na sa kanyang trabaho si Aries. Una niyang pinuntahan ang nasunog na restaurant na tinutukoy ni Mrs. Silva kung saan nawala si Caroline. This may sound cliché given that this was also the place on top of the list of the other investigators seek the first time they went here. But as much as it was an SOP among them, he would like to see it first-hand. There may be some clues that became oblivious to the others before him. Maaaring may mga ebidensya sa lugar na iyon na nakaligtas sa masusing pag-iimbestiga ng ibang imbestigador na kinuha ng pamilya Silva.
Upang hindi maging kahina-hinala sa iba ang kilos niya at minabuti niyang sa restaurant na rin na iyon kumain ng dumating ang oras ng agahan. Pagpasok niya sa restaurant ay agad na inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Ganoon pa rin ng itsura ng loob niyon base sa deskripsyon na ibinigay ni Mrs. Silva sa kanya. Marahil ay hindi binago ng may-ari ang disenyo niyon kahit pa may naganap na sunog noon sa lugar na iyon. Sa ayos at estado nito ngayon ay hindi ito kababakasan na minsan ay naganap ang isang trahedya sa lugar na iyon dahilan upang magkahiwa-hiwalay ang isang masaya at tila perpektong pamilya.
Pinili niyang okupahin ang isang pandalawang mesa sa bandang sulok ng kainan. Agad naman siyang nilapitan ng isang waiter at inabutan ng menu.
“Good morning, Sir! What can I get you?” magalang na tanong nito sa kanya.
“Good morning! Well, can I have this breakfast delight and black coffee?”
“Okay, Sir. Anything else?”
“And water, please. That’s all, thank you.” Ibinalik na niya dito ang menu at matapos magpaalam sa kanya ay umalis na ito sa tabi niya.
Maya-maya lang ay dumating na ang order niyang pagkain. Ngunit bago pa man muling makaalis ang waiter ay minabuti na niyang magtanong dito.
“Ah, excuse me. Pwede ba akong magtanong sa’yo?” Sinadya niyang hinaan ang boses niya. Sapat lang para sa pandinig ng kausap niya.
“Ano po ‘yon, Sir?” tanong nito ngunit nahihimigan niya ang tila pagdududa sa boses nito.
“Can I speak with your manager?” Direktang saad niya.
Bigla namang nahintakutan ang anyo ng waiter. “B-Bakit po, S-Sir? M-May problema po ba? M-May mali po ba akong nagawa?” Pautal-utal na tanong nito.
“No! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I just want to have an appointment with him regarding some personal matters. My name’s Aries Montes. Here’s my ID. I work as a private investigator.” Paliwanag niya sa maling akala nito.
Parang bulang naglaho naman ang pagdududa at takot sa anyo nito.
“Sige po, Sir. Ipapaalam ko po sa manager namin ang kahilingan niyo. Kumain na po muna kayo.” Sabi nito bago nagpaalam na sa kanya.
Pagkaalis ng waiter ay sinimulan na niyang kumain habang nasa isip ang mukha ng isang batang babae na kahit isang beses niya lamang tiningnan ay tila nakatatak na sa kanyang isipan. Pagkalipas ng tatlumpung minuto ay tapos na siyang kumain. Agad niyang hinanap ang waiter at tila naman nakakaunawa itong tumango sa kanya.
“Kung handa na po kayo ay pwede niyo ng makausap si Mr. Ortiz. Hinihintay po niya kayo sa opisina niya. This way, Sir,” Nagpatiuna na itong maglakad sa kanya. Inihatid siya nito sa taas na bahagi ng restaurant. Kapagkuwan ay tumigil sila nito sa tapat ng lumang pintong kahoy. Iyon na ang opisina ng manager ng mga ito dahil na rin sa karatula na nakasabit sa pinto. Tatlong beses muna itong kumatok.
“Come in,” sagot ng tinig sa loob.
“Thank you.” Inabutan niya na ng tip ang waiter.
“Salamat din po, Sir. Maiwan ko na kayo,” Nagpaalam na ito sa kanya at naglakad pabalik sa trabaho nito.
Huminga muna siya ng malalim bago pinihit ang seradura ng pinto. He had never been so nervous in a mission, just now. At hindi niya maintindihan kung bakit.
Isang lalaki ang nakaupo sa likod ng mesa na naroon ang nakita niya. Sa tantiya niya ay nasa early forties pa lang ang edad nito. May hawak pa itong ilang papeles na pinipirmahan nito. Agad itong tumayo ng makita siya.
“Good morning, Mr. Montes!” Iniabot nito ang isang kamay sa kanya.
“Good morning, Mr. Ortiz! Thank you for accommodating me in such a short notice.” Sabi niya bago tinanggap ang pakikipagkamay nito sa kanya.
“It’s okay, I want to be of help when I can.” Nakangiting sagot ni Mr. Ortiz. He was a pleasant man. Maliwanag din ang bukas ng mukha nito.
“I hope that I won’t keep you away from the things that you’re doing for too long.”
“Don’t mention it, have a seat. Do you want coffee or anything to drink?” Ito man ay bumalik na rin sa upuan nito kanina.
“Oh no, I’m alright but thanks anyway. I just had my meal downstairs.” Tanggi niya sa alok nito.
“So, what can I do for you, Mr. Montes?”
“I was a private investigator hired by the Silva family? I would just like to ask you about the fire incident that happened way back year 2000.” Panimula niya.
Bumadha sa mukha ni Mr. Ortiz ang rekognisyon. “Oh, I remember now, I hope you don’t mind me saying this. Many men like your job had gone here before to ask about that incident. I want to help, of course, but what can I only tell you is the facts that I know.”
“It’s okay Mr. Ortiz. That’s all I need for now.” He felt relieved that the man was so accomodating and eager to help.
“Well, this information is limited to what the legal reports were. I can give you a copy and I trust that you will value this as confidential as you can. I was not an employee here when that happened. And sadly, Mr. Benitez who was the manager of this restaurant when that unfortunate incident happened passed away last month.” Pagpapaliwanag nito sa kanya.