CHAPTER 4

1722 Words
Like a balloon that burst, his hopes went down to the drain. How would he ever find her now? Pero hindi pa rin siya tuluyang nawawalan ng pag-asa. Hindi siya susuko ng gano’n na lang. Isa ito sa parte ng trabaho niya, ang dead ends. At kaya siya naririto ngayon ay para resolbahin ang kasong ito. “Maraming salamat, Mr. Ortiz sa oras ninyo at para sa impormasyon na ito.” Tukoy niya sa mga papeles na iniabot nito sa kanya. “Well, as I said. I want to help. I can only imagine the grief of this family for so long. I am also a father myself,” Malungkot nitong ibinaba ang tingin sa magkasalikop na mga kamay nito. Hindi lingid kay Mr. Ortiz ang kwento ng pamilyang matagal ng naghahanap sa nawawalang anak ng mga ito, na pagkatapos ng maraming taon ay hindi pa rin ito natatagpuan. “Yes, that’s why I need to find her. So, they can finally be happy,” Pagsang-ayon niya dito. Hindi pa siya isang magulang ngunit dama niya ang paghihirap ng kalooban ng mag-asawang Silva. Alam niya rin ang pakiramdam ng malayo sa pamilya. “I hope that you find her soon,” Ngumiti na itong muli. “Thank you, Sir. I sure hope that I do.” Gumanti siya ng ngiti. “Anyway, I won’t keep you anymore from your work. Thank you again.” Tumayo na siya at muling nakipagkamay dito. “The pleasure is mine Mr. Montes. Have a nice day and good luck!” Hanggang makalabas siya ng restaurant ay mataman pa rin niyang pinag-iisipan ang mga nakalap na impormasyon na kung tutuusin ay parang hindi rin makakatulong sa kanya. Napatingala siya sa langit at piping umusal ng panalangin. He was not a religious man but that time, he felt like he needed His guidance. Nagpasya siyang pumunta muna sa sentro para mas makapagisip-isip ng sunod niyang gagawin. Habang naglalakad siya ay hindi maiwasang sumagi sa isip niya ang una niyang konklusyon. Maaaring wala na nga sa mundong ito ang taong hinahanap niya. Hindi pa man talaga siya nagsisimula ay tila nawawalan na siya ng pag-asa na mahahanap niya si Caroline. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. “How can I ever find her?” Mahinang tanong niya sa sarili. Naalala niya ang pangako niya sa larawan ni Caroline at ang pangako niya rin kay Carol. Maybe this was why he felt uncomfortable taking this job in the first place. Because he would not succeed on this mission. Nahahapo siyang napasandal sa isang puno na nakita niya bago mariing napapikit. Pagmulat niya ay eksaktong napako ang mga mata niya sa isang napakagandang babae. Nasa kabilang kalsada ito at mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang maamong mukha nito. Dahil sa mahabang buhok nito ay tila ito isang anghel. Maputi din ito at may katangkaran kumpara sa babaeng kasama nito at masayang nakikipagkuwentuhan. Kahit simpleng bestida lang ang suot nitong bestida ay hindi pa rin niyon naitago ang balingkinitang katawan ng babae. Habang tinitigan niya ang babae ay lalo siyang parang naaakit dito. Para bang napakasarap nitong titigan at pinapagaan niyon ang kung ano mang alahahanin niya. For a while there, time seemed to stop around him and all he could focus on was the nice feeling this beautiful lady was stirring inside his chest. Namilog ang mga mata niya ng mapagtanto ang isang bagay. Kamukhang-kamukha ito ni Carol! Muli siyang napatitig sa babae. She could be her! Sigaw ng isip niya. Mabilis ang mga hakbang na tumawid siya para makalapit sa babae ngunit huli na dahil sumakay na ito sa isang tricycle at ang babaeng kasama nito. Maraming dala ang mga ito na madaling naikarga ng driver at pagkatapos ay pinatakbo na ang tricycle. Tumakbo siya upang habulin ang mga ito ngunit sa bilis niyon ay hindi na niya naabutan ito. Humihingal siyang tumigil sa isang tabi ng kalsada. Napangiti siya. Nagkaroon siya ng panibagong pag-asa. “I will find that lady, no matter what.” Determinadong wika niya. *** Nang kinagabihan ay agad niyang tinawagan si Carol. Hindi siya makapaghintay na ibalita rito ang nakita kanina. “Hi, Carol! You won’t believe this! But I have some good news for you!” Masayang anunsiyo niya dito. “What?” Natawa ito. “You know that there is only one good news that we are expecting from you.” Biro nito. Bahagyang lumambong ang kanyang mga mata dahil sa narinig. “No, not yet.” “Oh,” Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang lumungkot ang anyo nito. “But I am talking about some good news and I hope that it is very much related to your family right now.” Ibinalik niya ang sigla sa tinig. “Okay…?” Naguguluhang tanong nito. “So, what is it?” Her voice sounded expectant. “I went to the restaurant this morning.” He paused before he continued what he was saying. “Sadly, I didn’t get much information from there. Just like what the previous investigators gathered before me. But when I was walking on the streets, oh, Carol, you won’t believe this, really!” His excitement got the better off him that he was laughing at the same time. “I saw a woman, a young and very beautiful woman.” Natawang bigla si Carol. “What?! Seriously, Aries? Why are you telling me that now?” Inakala nitong tungkol sa pambababae ang tinutukoy niya. “No! That’s not what I meant.” Wika niya ng maintindihan niya ang sinasabi nito. “What I’m trying to say is that, I saw a woman. And do you know what the shocking yet best part is?” “No…?” Naguguluhang sagot nito. “She looks just like you and your mom, Carol! She could be Caroline!” He was very excited to tell that to her. This may be too early to say. Pero malakas ang pakiramdam niya na konektado ang nakita niyang babae sa misyon niya. His guts told him so. “W-What?” Carol was shocked to hear his news. Bahagyang tumaas ang boses nito. Sandali itong hindi nakapagsalita. Kasabay niyon ay narinig niya ang pagbagsak ng isang bagay na nalaglag sa linya nito. He thought that something happened to her on the other line. “Hey, Carol! Are you still there? Is everything alright there?” Nag-aalalang tanong niya. Alam niyang nagulat ito sa ibinalita niya. “Y-Yeah. I’m here. W-What are you saying again?” Kahit hindi niya ito nakikita ay ramdam niya ang pagiging emosyonal nito. Who wouldn’t be? Siya man ang nasa katayuan nito ay magiging ganoon din ang pakiramdam niya. “I said I saw a woman who looks just like you. But she was younger. I just couldn’t tell her age because of the distance between us this morning. Pero kamukhang-kamukha mo ang babae kanina. Hindi ako maaaring magkamali. This is a good lead. I’m going to find her.” Natutuwang paliwanang niya rito. Ngiting-ngiti siya. His blood was pumping in his veins. He was never been so excited in a mission. “Oh, God! I hope that she is Caroline, my baby sister.” Narinig niya ang mahinang paghikbi nito. “Carol, I know that this is kind of shock and difficult for you to take it all in at once. But you need to be strong, okay? For your parents… for your family.” “Aries, please find Caroline. Please, ibalik mo siya sa amin.” Nakikiusap na sabi nito. Lumakas pang lalo ang paghikbi nito at hindi na napigilan pa ang pag-iyak. Para namang may dumaklot sa dibdib ni Aries. “Don’t worry. As what I promised you, I will do everything I can to bring her back, okay? Magtiwala lang tayo. My gut tells me that I’m on the right track this time.” Alo niya sa kaibigan. “Okay, okay.” Her voice seemed to smile at that hopeful thought. Sandali pa silang nag-usap bago nagpaalam sa isa’t-isa. Ayaw na muna niyang isipin at ibang pang negatibong posibilidad. Okupado ang isipan niya ng babaeng nakita niya kanina. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit napakasaya niya ng mga sandaling iyon. Kaligayahan na ngayon niya lang naramdaman. *** Kanina pa ni Carol pinindot ang end button ng cellphone niya ngunit hindi niya pa rin ito magawang bitawan. Hindi rin niya magawang ibuka ang bibig. Nais niyang magsisigaw sa tuwa ngunit kasabay din niyon ay ang pagbukal ng masaganang luha sa kanyang mga mata. Halos mahulog siya sa upuan ng marinig ang sinabi ni Aries. Nabitawan niya ang hawak na hair brush. Had her ears failed her? Did she just hear him right? And when he confirmed it, hindi na niya napigilan pa ang pagbagsak ng mga luha niya. Magkahalong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Tama ang lalaki, hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. It was too good to be true. Too good… Maya-maya pa ay hinamig na niya ang sarili at pinahid ang mga luha sa pisngi pagkatapos ay napangiti siya. Hindi pa man sigurado ay may kakaibang pakiramdam siya sa balitang nalaman. May kung anong malamig na bagay ang parang humaplos sa dibdib niya. Ngunit gaya ng sinabi ng binata, wala pang katiyakan ang konklusyon nito. Pero kahit gano’n ay nararamdaman niyang malaki ang posibilidad na ito nga ang nawawala niyang kapatid. Ang sabi ni Aries ay kamukhang-kamukha raw niya ito. At kamukhang-kamukha nga niya si Caroline. Kahit na ilang taon rin ang agwat ng mga edad nila ay makikita ang malaking pagkakawangis nila. She could be Caroline! She prayed that the woman was her long-lost sister. That, finally, their long search was over. “Caroline…” Nakapikit at may ngiti sa labi na sambit niya sa pangalan ng nakababatang kapatid. “Come home to us, my dear sister. Come home to us,” Napagpasyahan niyang hindi na muna ito ipaalam sa kanyang mga magulang. Nais niyang makasiguro muna si Aries. She would let them know after Aries proved that the woman was Caroline. Ayaw niyang masaktan ang mga ito kung sakali na hindi ang babaeng iyon ang nawawala niyang kapatid. Malaking pag-asa ang nabuhay sa kanyang dibdib. May ngiti sa mga labing naglakad siya papunta sa kama. At ng gabing iyon ay unang pagkakataon na nakatulog siya ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD