CHAPTER 5

1665 Words
Maagang nakatanggap ng tawag si Aries mula kay Mr. Ortiz. Ayon dito ay may nakalap din daw itong impormasyon mula sa mga dating empleyado ng restaurant ng masunog iyon. Nais siya nitong makausap ng personal kaya inanyayahan siya nito sa opisina nito. Hindi niya rin niya gaanong natanong ito dahil sa pagmamadali niya. “I will go there right away. Thank you, Mr. Ortiz.” Pagkapatay niya sa cellphone niya ay nagmamadali siyang ihanda ang gamit niya. Mabuti na lang at maaga siyang gumising at maligo. Bumaba na siya pagkatapos. “Manang Carmen?” Tawag niya sa ina ni Mark na katiwala sa bahay na tinutuluyan niya. Mula sa kusina ay sumungaw ang magkahalong puti ngunit kakaunti ng itim na buhok ng matanda. “Ano ang kailangan mo, anak?” Nakangiting tanong nito. “Magpapaalam po muna ako, pinapupunta ako kaagad ni Mr. Ortiz sa opisina niya. Hindi ko alam kung anong oras na po ako makakauwi dahil baka may lakarin pa ako pagkatapos naming magkita. Kayo na po muna ni Mark ang bahala dito.” Paalam niya sa matanda bago kinuha ang susi ng kotse at nagmamadali ng umalis. Tiyak at puno ng kasiglahan ang mga kilos niya. *** “Hoy! Tapos ka na ba?” ani Andrea kay Cara. Magkasama sila nito na nagpunta sa bayan at parehong gumagawa ng kani-kanilang resume sa isang computer shop. “Hindi pa nga,” Bahagya lang niyang sinulyapan ang kaibigan habang panay ang tipa sa keyboard. “Eh, gutom na ako, Cara,” Daing nito sa kanya. “Ipa-save na lang muna natin ‘yong ginagawa mo. Tapos balikan na lang natin mamaya. Kumain na muna tayo. Gutom na gutom na ako. Hindi ko na kaya.” Pagmamakaawa nito sa kanya. Napatawa siya sa sinabi nito. “Teka nga muna, hindi ba at nag-meryenda ka kanina? Ano at gutom na gutom ka na naman?” Sa unang tingin sa kaibigan ay hindi aakalain ng sino man na ang katulad nitong payat na babae ay may alagang sawa sa tiyan. “Sa gutom na gutom na nga ako,” Pagmamaktol pa nito. Lalo naman siyang napahagalpak ng tawa. “Sige na nga. Baka mangayayat ka pa niyan.” Sinulyapan niya ang suot na wrist watch. “Tanghali na rin pala,” Gusto sana niyang tapusin na muna ang ginagawa bago sila kumain. Pero naaawa naman siya sa kaibigan. Sa itsura nito ay mukhang hindi ito nagbibiro na gutom na gutom na nga ito. “Please, Cara?” Pinaganda pa nito ang mga mata nito habang matiim siyang tiningnan. “Hmm, sige na nga.” Naiiling na sabi niya dito habang nililigpit ang ilang gamit niya sa ibabaw ng computer desk. “Yes!” Para naman itong nanalo sa lotto sa sagot niya. Napasuntok pa ito sa hangin at kulang na lang ay magtatalon ito sa tuwa. Pagkain lang ang nakakapagpasaya sa kaibigan niyang ito. “Miss, pwede bang paki-save muna nitong ginawa namin?” Tawag niya sa maliit na babaeng nagbabantay sa shop. May pagka-cute ito bagama’t may katabaan. Nakangiting kinuha nito ang flash drive na inaabot niya at ibinalik matapos na mai-save ang ginawa niya. “Salamat,” Nginitian niya ang babae bago binalingan ng pansin si Andrea. “O, saan mo gustong kumain? Ililibre na kita. Tutal ako naman ang nag-aya sa’yo dito.” Pagkasabi niya niyon ay tila bombilyang umilaw ang mga ata ng kaibigan niya. “Talaga? Salamat, friend!” Natawa naman siya sa akto nito. “Ikaw talaga! O ano? Saan mo gustong kumain?” Sandali muna itong nag-isip bago sumagot. “Lahat ba ng gusto kong kainin, sagot mo?” Nakangising wika nito. Sa tagal nilang magkaibigan ay basa na niya ang nasa isip nito. “I know what you’re thinking,” Natatawang sabi niya. “Ililibre kita pero ‘wag mo namang uubusin ang laman ng wallet ko.” Biro niya. “Oh, no! You have to pay for this, dear friend. Gutom na gutom na talaga ako.” Hinawakan pa nito at hinimas-himas ang sariling tiyan. “Halika na nga!” Hila na niya ito. Palakad na sila ng biglang may humablot sa dala niyang bag. “Ang bag ko!” Nangigilalas niyang sigaw ng makahuma sa pagkabigla sa pangyayari. Sinaklob siya ng matinding takot. Ngayon lang nangyari sa kanya ang ganito. Nasa bag niya ang wallet, cellphone, ID at iba pang personal na gamit niya. “Tulong! Tulungan n’yo po kami! May snatcher po!” Sigaw ni Andeng. Nilapitan nito ang isang naglalakad na lalaki upang hingan ng tulong ngunit hindi sila pinansin nito at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Nang biglang may pumaradang kotse sa tapat nila at iniluwa niyon ang isang malaking bulto ng lalaki. Hindi na siya nagdalawang isip pang lapitan ito at humingi ng tulong. “Sir, tulungan niyo po kami. Tinangay po ng snatcher ang bag ko,” Naluluha niyang sabi. Iyon lang at mabilis na umaksyon ang lalaki. Agad itong nawala sa harapan nila at nakita nilang hinahabol na nito ang magnanakaw. Sa laki ng mga hakbang nito ay mabilis nitong naabutan ang lalaking umagaw sa bag niya. Pumiglas ang magnanakaw kaya napilitan ang lalaking tumulong sa kanila na labanan ito. Nagpambuno ang dalawa at napatigil ang mga tao sa paligid nila. Nagtakbuhan ang mga ito palayo at nagkaroon ng komosyon dahil sa nangyayaring kaguluhan. Pero tila walang kalaban-laban ang snatcher sa lalaki dahil agad nitong napatumba ang snatcher. Sa kilos ng lalaki ay tila sanay na sanay ito sa mga ganoong sitwasyon. Para tuloy silang nanonood ng shooting ng isang aksyon na pelikula. Ilang sandali pa at dumating na rin ang mga pulis at dinampot pabalik sa presinto ang magnanakaw. Saka pa lang kinuha ng lalaki ang bag niya na nasa kalsada na at pinagpagan iyon. Medyo nanginginig pa rin ang katawan niya sa takot. Talaga namang shock siya sa nangyari. She was roaming this city since she was a child ang nothing bad happened to her, only now. “Miss, here is your bag.” Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ang lalaki sa kanila at iniaabot na nito sa kanya ang bag niya na nabawi nito sa magnanakaw. Ngayong magkaharap na sila nito ay saka lamang niya napagtuunan ng pansin ang pisikal na itsura nito. Kanina ay hindi na niya nagawa pang pansinin iyon dahil sa pagmamadali nito na habulin ang snatcher. He was definitely the most handsome man that she has ever seen in her entire life. Tila hindi man lamang ito pinawisan sa ginawa nitong pakikipaglaban. Kahit hindi na basa ang buhok nito ay mukha itong bagong paligo. Nanunuot sa ilong niya ang panglalaking pabango nito. Hindi iyon matapang at tama lang para sa kanya. At kahit na simple lang ang suot nitong asul na polo at denim pants ay hindi pa rin mapipagkakaila ang malakas na dating nito. Nasisiguro niya hindi basta kung sino lang ang lalaki. Napatitig siya sa mga mata nito. Eksaktong nakatitig din sa kanya ito. He has deep set eyes, expressive and she felt like he could see right through her. It’s brown color glinting in the midday sun. Nalalambungan ang magagandang mata nito ng katatamang kapal ng mga kilay. At ang mga labi nito… “Hoy, Cara! Inaabot na sa’yo ni Pogi ang bag mo!” Siniko siya ni Andeng kaya naman tila nagising siya sa hipnotismong hatid ng lalaki sa kanya. Napangiti ang lalaki dahilan para makita niya ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Alam nito ang ginawa niyang pagsuri sa pisikal ng itsura nito kanina. Agad na pinamulahaan siya ng pisngi. “T-Thank you,” Nakatungo niyang sabi dito. Hindi niya kayang tingnan ito sa mga mata. Nais niyang ring batukan ang sarili sa pagkautal niya. “You’re welcome.” Maging ang boses nito ay lalaking-lalaki sa pandinig niya. “By the way, I’m Aries Montes. And you are?” Inilahad nito sa kanya ang isang kamay. Nahihiyang inabot niya iyon at nag-angat ng tingin dito. Bahagya siyang napapitlag ng maramdaman ang tila kuryenteng nanulay sa pagdidikit ng mga palad nila. Agad siyang napabitiw dito. “A-Ako nga pala si Cara.” Gusto niyang batukan ang sarili niya sa pagkautal niya. Kilala niya ang sarili sa pagiging kalmado at mahinahon sa pakikipag-usap sa mga taong mas higit na mataas sa kanya. She was never the type to be easily intimated. Ngunit iba ang dating ng lalaking ito sa sistema niya. Sandali pa lamang niya itong nakikilala ay tila hindi na siya mapakali sa presensya nito. Ang mabilis na t***k ng kanyang puso ang makapagpapatunay niyon. “Well, it’s nice to meet you Cara.” Nakangiting wika nito. May kislap sa mga mata nito ng sabihin nito ang pangalan niya. “At ako naman si Andrea, pogi. Andeng na lang for short. Bestfriend ako ni Cara,” Ngiting-ngiting sabat ng kaibigan niya na iniabot din ang kamay kay Aries. Nakahinga siya ng maluwag dahil binasag nito ang tensiyon na namumuo sa pagitan nila ng lalaki. Natawa naman si Aries bago binalingan ang kaibigan niya. “And you, too. It’s a pleasure to meet the both of you.” Magiliw nitong kinamayan ang kaibigan niya. “Nice to meet you, too!” Andeng said energetically that made them all laugh. “So, saan na nga pala kayo pupunta ngayon? I mean, do you mind, if I ask? I just want to make sure na safe kayo.” Kapagkuwan ay tanong nito sa kanilang magkaibigan. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Actually, kakain na sana kami ni Cara. Kalalabas lang namin sa computer shop.” Inunahan na siyang sumagot ng kaibigan at ito na rin ang nagsalaysay ng mga nangyari bago dumating ang lalaki. Alam niyang humahanga ang kaibigan niya sa ipinakitang katapangan ni Aries para tulungan sila. “Oh, right!” He said as if he realized something then he looked at his watch. “It’s almost one in the afternoon. I have not eaten lunch yet. Why don’t you join me for lunch? It’s my treat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD