Nagkatinginan silang magkaibigan. Tila sinasabi ng mga mata ni Andrea na paunlakan nila ang imbitasyon ng lalaki. May munting bahagi sa kanya na gustong tanggapin ang alok nito. Pero nahihiya rin naman siya dahil ngayon lang nila ito nakilala. Isa pa ay sila ang nagawan ng pabor nito at ayaw naman niya na sila pa ang ililibre nito.
“Ah, nakakahiya naman sa’yo. Tinulungan mo na nga kami tapos ililibre mo pa kami.” Bahagya siyang kinurot ni Andeng sa tagiliran. Hindi nito gusto ang naging pasya niya.
“No, please, I insist.” Nagsusumamo ang tinig at itsura nito. Tila naman lumambot agad ang puso niya sa pakiusap nito. Hindi niya mapangalanan ang damdamin na umusbong sa dibdib niya. Para bang hindi niya ito kayang pahindian. At bago pa siya muling makapagsalita ay inunahan na siya ni Andeng.
“Okay, sige! Naalala ko na gutom na ako kanina pa. Nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan.” Walang prenong sabi nito. Tumingin ito sa kanya at itinaas-baba ang mga kilay bago patabinging ngumiti sa kanya.
Tiningnan naman siya ni Aries. Hinihingi nito ang pagsang-ayon niya. Sinulyapan muna niya ang kaibigan bago sumagot.
“Sige na nga,” Napipilitan man ay pumayag na rin siya.
“Great!” Lumawak ang ngiti ni Aries. Napatingin na naman siya sa mga labi nito. Maganda ang hugis ng mga labi nito para sa isang lalaki. Pero hindi iyon nakabawas sa sensuwalidad nito. Mamula-mula rin ang mga labi nito kaya alam niya na wala itong ano mang bisyo. Manipis lang ang itaas niyon at bahagyang makapal sa ibaba. Sapat lang para sa isang halik.
Sandali… Ano?
Bahagya niyang ipinilig ang ulo para alisin ang mga pumapasok sa isip niya na hindi tama para sa isang babae at dalaga na gaya niya.
Ano’ng nangyayari sa ‘kin?
Piping tanong niya sa sarili.
“We can use my car. Come on,” Aya sa kanila ni Aries na nagpabalik ng diwa niya sa mga ito. Iginaya sila nito patungo sa nakaparadang sasakyan kung saan nito iyon iniwan kanina. Binuksan nito ang parehong pintuan ng kotse para makasakay silang dalawa.
Sandali siyang nagdalawang-isip kung sa harapan ba o sa likuran siya sasakay. Ngunit hindi na siya hinayaan pang makapag-desisyon ni Andeng dahil inunahan na siya nitong sumakay sa likuran. Nag-peace sign pa ito sa kanya at pasimple siyang itinaboy na maupo na sa unahan.
Naiiling na sumakay siya at binigyan ng nagbababalang tingin ang kaibigan. Ngiting-ngiti naman ito sa kanya na tila walang pakialam sa banta niya. Pinagdikit pa nito ang dalawang hintuturo sabay nguso kay Aries. Nanlaki ang mga mata niya at agad na tiningnan ang lalaki kung nakita ba nito ang ginawa ni Andeng. Mabuti na lamang at umikot ang lalaki para sumakay sa driver’s seat kaya hindi nito nakita iyon. Napahawak na lamang siya sa noo niya para takpan ang namumulang mga pisngi.
Andrea was really acting bold and it made her so uncomfortable. They only met the man now, for God’s sake! She sure felt the tingling sensation in her skin when their palm touched but that was it. Nothing more. It’s not as if their going on a date.
“Andeng, tigilan mo ‘yan! Ano ka ba? Nakakahiya!” Mahina ngunit mariin na saway niya sa kaibigan. Sinasadya nitong paglapitin silang dalawa ni Aries.
Bago pa makasagot ito ay sumakay na si Aries at nginitian silang dalawa. Muli na namang bumilis ang t***k ng puso niya ngayon na malapit na naman sila sa isa’t-isa.
“So, ladies, please tuck in and fasten your seatbelts.”
“O-Okay,”
Ano ba, Cara? Bakit ka ba nauutal sa presensiya ng isang lalaki?
“Are you alright there?” Tanong nito sa kanya. Sa kaba niya ay hindi tuloy siya magkandatuto kung paano hihilahin ang seatbelt sa tabi niya. Pakiramdam niya ay nagmumukha siyang tanga sa harapan ni Aries. Heto siya, isang c*m laude at hindi man lang niya magawa ang isang simpleng bagay sa harapan ng isang lalaki!
“H-Hindi ko mahila.” Napakagat labi siya dahil pagkapahiya. Sigurado siyang pagtatawanan siya ni Andeng mamaya kapag sila na lang ang magkasama nito. Sa mata ng kaibigan niya ay isa siyang perpektong babae na walang hindi kayang gawin maging ang isipin. Pakiramdam niya ay gusto na lang maglaho ng sandaling iyon dahil sa labis na kahihiyan. Kaya niyang tanggapin ang pang-aasar ni Andeng ngunit parang hindi niya kayang isipin ang magiging impresyon sa kanya ni Aries. Para bang nakapakahalaga sa kanya ng iisipin at sasabihin nito sa kanya ng mga sandaling iyon. After all, first impression last.
“Oh, let me help you.” Dumukwang ito sa kanya kaya naman lalo silang nagkalapit nito. Nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy nito na pinaghalong pabango at ang natural na amoy nito.
Napatingin siya sa mukha nito. Ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha nila. Nang mapatingin din ito sa kanya ay sandaling parang tumigil ang oras. Naging seryoso ang anyo nito at sa malapitan ay mas maganda ang mga mata nito.
Tumikhim si Andeng at iyon ang nagpagising sa kanya. Ngumiti naman si Aries sa kanya at mabilis na naikabit sa kanya ang seatbelt bago umayos sa upuan nito at ini-start ang sasakyan. Halos hindi siya gumagalaw sa pwesto niya dahil alam niyang pulang-pula ang mukha niya ng mga sandaling iyon. Wala na siyang mukhang maihaharap pa sa lalaki. Bahagya niya itong sinulyapan. Hindi na ito nakangiti pero mababakas pa rin ang kasiyahan sa mukha nito.
“So, Aries, hindi ka talaga taga-rito?” Basag ni Andeng sa katahimikan na bumalot sa kanila. Ipinagpasalamat niya iyon dahil hindi niya kakayanin pang magbukas ng usapan.
“Yeah, I’m actually from Manila.” Sagot naman nito. Napansin niya na maingat itong magmaneho. Kahit na nakikipag-usap ito ay hindi nito inaalis ang tingin sa kalsada.
“Are you just visiting or…?” Sinadyang ibitin ni Andeng ang tanong nito. Bata pa lang ay kilala na niya ito kaya alam niya kung ano ang nais nitong malaman. Andrea was fishing for an information about his status. Mukhang gusto ito ng kaibigan niya. Pero bakit hindi na lang ito ang umupo sa pwesto niya?
Tila naman naging tensiyonado si Aries sa tanong ng kaibigan niya. “Ah, I’m here for work.”
“Ano naman ang trabaho mo dito?” tanong pa rin ni Andrea. Hindi ito titigil hangga’t hindi nito nakukuha ang gusto nitong malaman.
“Andeng, tama na ‘yan. Nakakahiya naman kay Aries.” Saway niya kay Andeng. Nag-aalala siya na baka makulitan si Aries dito kaya hindi na niya napigilan pang sumabat sa mga ito.
Natawa naman si Aries sa kanya. “No, it’s okay. Actually, I like your lively spirit Andeng. I can tell that you’re a good friend.” Puri nito sa kaibigan niya.
“Yes, of course!” Sagot naman ng kaibigan niya na bahagya pang iniliyad ang dibdib.
Maging siya ay natawa rin. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba niya. Mabuti na lang talaga at kasama niya ito.
“Okay lang ba sa inyo kung dito na tayo kumain?” Kapagkuwan ay tanong ni Aries ng lumiko sila sa parking lot ng isang sikat na restaurant.
“Oo naman! Masarap ang pagkain dito.” Sagot agad ng kaibigan niya. Alam niyang excited na ito dahil sa wakas ay makakakain na rin ito.
“How about you, Cara? Okay lang ba sa’yo dito?” Baling nito sa kanya. He seemed to roll off her name in his tongue pretty good. Kay sarap pakinggan ng pangalan niya ng binigkas nito iyon. Napansin din niya na palagi nitong hinihingi ang pagsang-ayon niya.
“Oo, okay lang.” Tipid na nginitian niya ito.
“Okay.”
Mula sa pagbaba sa sasakyan hanggang sa makapasok sila sa loob ng restaurant ay inalalayan sila ni Aries. Ipinaghila pa sila nito ng upuan sa pang-apatang mesa na napili nilang okupahin. Magkatabi silang naupo ni Andeng habang nasa harapan naman nila ang lalaki. Nilapitan sila ng isang waiter at inabutan ng menu. Kaagad namang pinasadahan ng lalaki iyon.
“So, what’s your specialty here?” Tanong ni Aries sa waiter.
“Lechon belly, pochero and mango pizza, Sir.”
“Okay, all good. Would you like that for our lunch?” Baling sa kanila ni Aries.
“Ah, oo. Okay sa ‘kin ang kahit ano.” Tipid na sagot niya.
“Okay na okay sa ‘kin!” Nakangiting sabi ni Andeng na nakathumbs-up pa. Umilaw agad ang mga mata nito ng marinig ang lechon.
“All right.” Nakangiti rin na sagot ni Aries bago muling binalingan ang waiter para um-order.
Maya-maya ay dumating na ang mga in-order nila. Dinagdagan pa iyon ni Aries ng ibang putahe.
“Woah! Ang dami at ang sasarap!” Sumandok agad si Andeng ng pagkain. Walang duda na gutom na gutom na nga ito.
Samantalang siya, kahit gutom ay hindi niya magawang makakain ng maayos. Alam niyang pasulyap-sulyap sa kanya si Aries at sobrang naiilang siya. She felt so conscious of his casual stare that she couldn’t even open her mouth big enough to put the spoon full of food in. Naiingit siya sa kaibigan dahil hindi man lang ito nakakaramdam ng kahit kaunting hiya sa bago nilang kakilala. Magana nitong nilalantakan ang mga masasarap na pagkain sa harap nila. Diretso lamang ito sa pagsubo at walang pakialam sa paligid nito.
Pero hindi naman kasi siya ang tinititigan ni Aries.
Sagot ng isang bahagi ng isip niya.
Ganoon pa man ay pinilit pa rin niyang kumilos ng kaswal sa harap nito.
“This is good.” Sabi ni Aries na nakapikit pa habang tila ninanamnam ang pagkain sa bibig nito. He ate with so much gusto.