CHAPTER 7

1628 Words
Lihim siyang napangiti sa nakitang ekspresyon ng mukha nito. Kahit na brusko ito sa pakikipagbuno kanina sa snatcher ay pino pa rin ang kilos nito ngayon na kumakain sila. There was not even a single drop of rice on his side of the table. That’s how she was sure that he was not just an ordinary man. That kind of behavior would not have been just in spite of the moment. Lalong nadagdagan ang paghanga niya sa lalaki. Kahit na kanina lamang nila ito nakilala ay hindi siya maaaring magkamali sa pag-oobserba niya rito. Dahil na rin sa kakulitan ni Andeng ay naging palagay na rin ang loob niya sa binata at nakakain siya ng maayos. Nalaman din niya na ipinadala pala ito ng kamag-anak nito para tingnan at asikasuhin ang nais na bilhin na property ng mga ito. Hindi raw nito alam kung hanggang kailan ito mamalagi roon dahil depende raw iyon sa ano mang ipagagawa dito ng kamag-anak nito. Doon ito nagtatrabaho. Nang matapos sila sa pagkain ay muling nag-alok si Aries na ihatid sila pauwi. Ayaw niyang lalo pang makaabala dito kaya tatanggihan na sana niya itong muli ngunit agad na pumayag si Andeng at nauna ng sumakay sa sasakyan nito. Nahihiya siya sa inaasal ng kaibigan niya ngunit ayos lang iyon sa binata. Mas mabuti daw iyon na dahil nararamdaman nito na palagay na ang loob nila dito. Una nilang nadaanan ang bahay nina Andeng. “Thank you, Aries, ha! Busog na busog ako.” Hinimas pa nito ang tiyan na ikinatawa naman ng binata. “No, it’s my pleasure na sinamahan niyo ako.” He even put his hand on his chest. “Sus! Nambola ka pa, ha!” Pabirong hinampas nito sa balikat ang binata. “Anyway, ikaw na ang bahala dito sa kaibigan ko. Ingatan mo ‘yan. ‘Bye!” Paalala nito. Sandali pa nila itong sinundan ng tingin hanggang sa makapasok na ito sa bahay bago muling pinaandar ni Aries ang sasakyan. Naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Aries. Kanina kasi ay si Andeng ang palaging bumabangka sa usapan. Now that she was gone, they couldn’t seem to find the right word to start a conversation. “Ano nga pala…?” “Saan nga pala…?” Magkasabay nilang sabi. Nagkatawan sila at sandaling nakalimutan ang nararamdamang pagkailang sa isa’t-isa. “You go first,” tumatawa pa ring sabi ni Aries. “Okay,” nakangiting sagot niya. “Ano nga pala ang ginagawa mo kanina sa bayan? I mean, mabuti at eksaktong dumating ka kanina.” Lubos ang pasasalamat niya sa pagtulong nito sa kanila kanina. “Well, let’s just say that I’m at the right place at the right time to help you.” Makahulugang sagot nito bagaman at may naglalarong ngiti sa mga labi nito. “Salamat ulit, ha?” Nginitian niya ito ng matamis. “Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa pagtulong mo sa amin kanina. Pero sobrang nagpapasalamat ako na dumating ka para tulungan kami. You even risked your life...” Bahagyang gumaralgal ang tinig sa huling sinabi niya. Naalala niya ang takot niya sa nangyari. Mahinang pinilig niya ang ulo para palisin ang masamang alaalang iyon. “Hey,” Sinulyapan siya ni Aries. “Okay ka lang ba?” Bakas ang pag-aalala sa gwapong mukha nito. “O-Oo, hindi ko lang maiwasang makaramdam ng takot kapag naalala ko. Ngayon lang nangyari ang gano’ng bagay sa buong buhay ko.” Hinawakan ni Aries ang isang kamay niya. “Don’t be afraid. Hangga’t nandito ako sa tabi mo, hindi kita pababayaan. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa’yo. I will protect you with my life.” Pinisil nito ang kamay niya. Ramdam niya ang init na nagmumula sa kamay nito. Pakiramdam niya ay humaplos din ang init na iyon sa dibdib niya at naging mabilis ang pintig ng puso niya. Napatingin siya sa mukha ni Aries bago sa magkahugpong nilang mga kamay. Marahang binitiwan ng binata ang kamay niya bago muling inituon ang pansin sa pagmamaneho. Nang muling pumasok sa isip niya ang mga salitang binitiwan nito sa kanya. “Aries…?” Nakakunot ang noo na tawag niya dito. “Yes?” “Bakit mo sinabi ‘yon?” “Ang alin?” Inosenteng tanong nito. “That you will protect me?” “Because that’s what I will do.” Walang gatol na sagot nito na ikinagulat niya at lalong nagpabilis sa t***k ng kanyang puso. Binuksan niya ang bibig para magsalita ngunit walang anumang pumapasok sa isip niya. Ano ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito? Pakiramdam niya ay malalim pa itong dahilan. “Siya nga pala, saan na nga pala ang sa inyo?” Kapagkuwan ay tanong nito sa kanya. “H-Ha?” Hindi niya agad nakuha ang tanong nito dahil sa malalim na tanong na nasa isip niya. Natawa ito ng mahina. “Did I overwhelm you with my words?” Tiningnan niya lamang ito at hindi sinagot ang tanong nito. Hindi niya pa rin alam kung ano ang sasabihin niya dito. His expression became serious when realization dawned in him. “I’m sorry, Cara. I didn’t mean for you to feel uncomfortable with me. I just said what I said because that’s how I feel. I want to protect you.” Seryosong sabi nito habang nakatitig sa kanyang mga mata. “N-Nagulat lang ako dahil ngayon lang tayo nagkakilala. Hindi pa kita masyadong kilala at gano’n ka rin sa ‘kin.” Paliwanag niya. “I understand. But I want you to know that I will not do anything to harm you. At wala rin akong masamang intensiyon sa’yo. That’s the last thing on my mind.” Sandali itong nag-isip. “So, pwede ba tayong maging magkaibigan?” For a moment, she thought that he looked hopeful. Akala siguro nito ay hindi na niya ito gugustuhing makita pa. “I mean, kayo ni Andeng.” Agad na dugtong nito. Sandali niyang pinag-aralan ang mga sinabi ni Aries. Kahit na ganoon ay wala siyang makapang pag-aalinlangan dito. Alam niyang mabuting tao ito. At nahihiwagaan man siya sa bigat ng mga binitiwan nitong salita sa kanya ay alam niyang totoo ang mga iyon. Ngayon lang niya ito nakilala pero handa niyang pagkatiwalaan ito. Pakiramdam niya ay nais pa niyang makilala ito ng lubusan. “Sige.” Nakangiting sagot niya. “Thank you for trusting me.” He sincerely said to her. Sandali pa silang nagbyahe bago muling nagtanong ang binata kung saan ang bahay nila. Medyo binagalan na rin nito ang pagpapatakbo ng kotse habang tinitingnan ang paligid. “Ah, sandali, ito na pala ang sa amin, sa kabilang kanto lang.” Natanaw na niya ang bakod nila. Inihinto naman agad ni Aries ang sasakyan at itinabi sa gilid. Mabilis itong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. “Thank you. Pasok ka muna?” Alok niya dito. “Hindi ba ako makakaistorbo sa inyo?” Napangiti siya. Ilang oras palang niya itong nakakasama pero marami na siyang magagandang katangian na nakikita dito. “Hindi naman. Halika pasok ka,” “Cara, hindi ba nakakahiya sa parents mo?” Maingat na tanong ni Aries sa kanya. “’Wag kang mag-alala, mabait sina Nanay at Tatay. Ipapaliwanag ko sa kanila ang nangyari. Kung hindi mo sana mamasamain, gusto sana kitang imbitahan na magkape? Makabawi man lang ako sa’yo.” Ayaw naman niyang mag-isip ito ng iba pa. Hindi nga ba? “Hindi naman ako humihingi ng kapalit.” Nakangiting sagot nito ng maintindihan ang sinabi niya. “Pero sige, I won’t turn down a cup of coffee from a lovely lady like you.” Nauna na siyang naglakad papasok sa bahay nila para hindi rin nito mahalata ang pamumula ng kanyang pisngi. Ito pa lamang ang lalaking nakapagparamdam sa kanya ng ganoon. Naabutan nilang nagbabasa ng dyaryo ang Tatay niya sa salas habang nanahi naman ang nanay niya sa sulok nito. Kaagad siyang nagmano at humalik sa mga ito. “’Nay, ‘Tay, si Aries nga po pala.” Pagpapakilala niya sa binata. “Magandang hapon po,” magalang na bati ni Aries bago ito nakipag-kamay sa mga magulang niya. “Magandang hapon din naman, maupo ka muna hijo.” Sagot ng nanay niya. Habang tahimik naman na nakatingin lang ang Tatay niya. Alam niyang nagulat ang mga ito dahil ngayon lang siya nagsama ng bisitang lalaki sa bahay nila. “Siya po ang tumulong sa amin kanina,” Paliwanag niya sa mga ito bago isinalaysay ang mga nangyari sa kanila kanina. Agad na bumalatay ang pag-aalala sa mga mukha ng mga magulang niya. Nilapitan siya ng ina at niyakap bago tiningnan kung may natamo ba siyang kahit na anong sugat. “Nasaktan ka ba anak?” “Ayos lang po ako, ‘Nay. ‘Wag niyo po akong alalahanin. Si Aries nga po ang nakipaglaban sa snatcher, eh.” Sabay sulyap sa kinauupuan ng binata. “Gano’n ba?” Humahangang sabi ng tatay niya. Umaliwalas na rin ang mukha nito. “Maraming salamat sa pagtulong mo sa anak ko at sa kaibigan niya.” Bahagyang naging emosyonal ang tatay niya. Alam niyang nag-alala ito ng husto sa nangyari kaya nilapitan niya ito para pakalmahin. “’Tay, okay lang po ako. Hindi naman ako nasaktan. ‘Wag na rin kayong mag-aalala.” “Naku, tama na ang drama. Nakakahiya sa bisita.” Singit ng nanay niya sa kanila. “Ang mabuti pa ay tulungan mo akong maghain. Tamang-tama kaluluto ko lang ng meryenda, minatamis na saging at sago.” Pagbalik niya ay masaya ng nagkukwentuhan ang binata at ang Tatay niya. Magaling magsalita ng tagalog ang mga magulang niya dahil tubong Quezon talaga ang mga ito. Napadpad lang ang mga ito sa Cebu noon dahil sa naging trabaho ng kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD