“Heto na ang ipinangako kong kape.” Nakangiting inabot niya ang tasa sa binata.
“Thank you.” Sandaling hinipan nito iyon bago humigop ng kaunti. “Hmm… this is good. Mabuti na lang pala at hindi ako tumanggi sa imbitasyon mo. Masarap ka palang magtimpla ng kape.” Puri nito bago muling dinala ang tasa sa mga labi nito pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang matiim na pagtitig nito sa kanya habang humihigop ng kape. Sandali lang iyon dahil kaagad na ibinaling na nito ang pansin sa kanyang ina na inabutan ito ng mangkok ng mainit pang minatamis na saging at s**o. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at pinamulahan ng pisngi sa kilos na iyon ni ng binata.
Ano’ng gusto niyang ipahiwatig…?
Mabuti na lang at medyo mainit din ng hapon na iyon kaya kung sakali mang mapansin siya ng mga magulang niya at pwedeng isipin ng mga ito na dahil iyon sa panahon. Hinamig niya ang sarili at umupo sa tabi ng kanyang ina. Tahimik na kinuha niya ang mangkok na para sa kanya at kumain. Paborito niya iyon kaya naman agad na nawala na sa isip niya ang ginawa ni Aries at maganang nilantakan ang meryenda.
Halos nangangalahati pa lang ang mangkok ni Aries ng biglang tumunog ang cellphone nito. Sandaling tinitigan nito kung sino ang tumatawag bago nagpaalam sa kanila saglit para sagutin iyon. Sinundan niya ito ng tingin palabas. Kahit nakatalikod ito ay sexy pa rin itong tingnan. Napangiti siya sa sarili. Sa dami ng mga gwapong lalaki na nakilala niya, only Aries was able to caught her attention. Kahit na parang hindi nito intensiyon iyon. Pero paano niya ipaliliwanag ang maya’t-mayang pagtitig nito sa kanya? Napabalik ang isip niya sa kasalukuyan ng muling pumasok ang binata. Napansin niyang parang naging balisa ito.
“Pasensya na po kayo pero kailangan ko na pong umalis. That was my uncle on the line. May kailangan pa po akong asikasuhin.” Paumanhin nito.
“Gano’n ba? Sige, hijo. Mahihintay mo ba kung ipagbabalot kita para maiuwi mo sa inyo? Hindi mo na naubos ang meryenda mo,” Alok ng nanay niya.
“Hindi na po, nakakahiya naman sa inyo. ‘Wag na po kayong mag-abala.”
“Sige na, ‘wag ka ng mahiya,” Nakangiting giit ng nanay niya. “Pasasalamat na rin namin sa pagtulong mo sa anak ko. Mabilis lang ito, hijo.” Tumayo na agad ang nanay niya at nagpunta sa kusina.
Nakangiting sinundan ito ng tingin ng binata. Akmang liligpitin na rin nito ang pinagkainan nito pero pinigilan ito ng kanyang ama.
“Kami ng bahala d’yan, hijo. ‘Wag ka ng mag-abala. Bisita ka namin,” Saway ng tatay niya.
“Sige po,” sagot nito bago sumulyap sa gawi niya. Ngitian siya nito na agad na nagpatahip sa dibdib niya. Bawat ngiti nito sa kanya ay nakakadagdag sa eratikong t***k ng puso niya.
Maya-maya ay lumabas na rin ang nanay niya mula sa kusina bitbit ang isang Tupperware.
“O, ito Aries. Dinagdagan ko na rin para makakain ang kasama mo sa bahay. Sandali, may kasama ka ba sa bahay? Hindi na pala kita natanong.” Sunud-sunod na sabi ng nanay niya.
“Tamang-tama lang po ito. Tatlo kami sa bahay.” Nakangiting tinanggap iyon ng binata.
Siya naman ay natigilan sa tanong ng nanay niya. Hindi nila iyon napag-usapan kanina.
Sino kaya ang kasama niya sa bahay? Girlfriend kaya niya o asawa?
Tanong ng isang bahagi ng isip niya. Parang may kumurot sa puso niya sa kaisipang iyon. Umiwas siya ng tingin dito. Hindi man lang sumagi sa isip niya ang bagay na iyon kanina. Masyado siyang nadala sa kakaibang nararamdaman niya para sa binata at sa paglalapit sa kanila ni Andeng.
Para namang nabasa nito ang nasa isip niya sa naging sagot nito.
“Matutuwa sina Manang Carmen at Mark sa pasalubong ko sa kanila. Masarap po ang meryendang niluto niyo. Siguradong magugustuhan din nila ito.” Puri pa nito sa nanay niya.
Para siyang nakahinga ng maluwag ng malaman iyon. Hindi niya napigilan na ang pagsilay ng ngiti sa labi niya bago napatingin sa masayang anyo ni ng binata.
“Anak, hatid mo na muna si Aries sa labas. Baka hinihintay na siya ng kausap niya.” Sabat ng Tatay niya.
Tumango siya at iginiya na palabas ang binata ngunit muli nitong binalingan ang mga magulang niya.
“Maraming salamat po ulit dito...” Sandali itong tumigil na tila nag-iisip ng itatawag sa mga magulang niya.
“Tatay Andro at Nanay Nerissa na lang ang itawag mo sa amin, Aries.” Agad na salo ng tatay niya na kahit hindi nakangiti ang labi ay mababakas sa mga mata ang pagsang-ayon sa binata. Alam niyang nakuha agad ng binata ang paghanga ng tatay niya.
“Tatay Andro and Nanay Nerissa,” ulit ni Aries na bakas rin ang kasiyahan sa mukha. “Salamat po ulit sa masarap na meryenda at sa pagpapatuloy niyo sa ‘kin. Sige po, mauna na po ako sa inyo,” Paalam nito.
“Wala ‘yon. Kami nga ang dapat magpasalamat sa’yo. Kung may kailangan ka at may maitutulong kami sa’yo ‘wag kang mahihiya na magsabi sa amin, ha? Bukas ang tahanan namin para sa’yo.” Sabi ng nanay niya na nakangiti rin.
Mas umaliwalas ang mukha ni Aries sa narinig. Magalang na tumango ito. Bago naglakad patungo sa pinto. Sinundan niya ito tulad ng utos ng kanyang tatay. Nang makalabas sila ay binalingan siya ng binata.
“Your parents are very kind.” Sabi nito. “Just like you…”
Her heart instantly swelled with pride for her parents. Simple man ang pamumuhay nila at salat sa ibang bagay ay maipagmamalaki naman niya ang kagandahang asal at mabuting pakikisama ng mga magulang niya na siya ring ipinamana ng mga ito sa kanya. Mula pagkabata ay lagi siyang pinapaalalahanan ng nanay niya na maging mabait sa kapwa at ‘wag magkait ng ano mang tulong na pwede niyang ibigay. Maliit man daw o malaki ay tiyak na may maitutulong sa taong nangangailangan.
“Oo naman. ‘Yan talaga ang maipagmamalaki ko. Sayang nga wala akong kapatid, eh.” Palagi niyang biro iyon sa mga magulang niya na bigyan siya ng mga ito ng kapatid para kumalat pa ang kabutihan ng lahi nila. Ngunit laging paliwanag ng nanay niya ay sapat na daw siya kaya hindi na biniyayaan ang mga ito ng isa pang anak.
“You’re an only child, then?” Napalingon ito sa kanya.
“Oo, eh. Sa kasamaang palad. Gusto ko nga sanang magkaro’n ng kapatid, eh.” Biro niya ngunit wala itong tugon sa sinabi niya at tila may malalim na iniisip. Hanggang sa nakarating na sila sa tapat ng sasakyan nito.
“Cara…” tawag nito sa kanya. His voice sounded different that she thought it was about something serious.
“Yes? May problema ba?” She looked at his face eagerly.
“Will you mind if I visit you here once in a while? Habang narito ako sa Cebu.”
Agad na sumikdo ang dibdib niya sa sinabi nito. Ayaw man niyang aminin pero ang isang bahagi ng puso niya ay umaasam na makita niyang muli ang binata. Hindi niya naitago ang gulat na bumakas sa kanyang mukha. Napadiretso siya ng tingin sa mga nito na noon ay nakatitig din sa kanya.
“B-bakit?” Iyon ang agad na lumabas sa bibig niya at nais niyang batukan ang sarili dahil doon.
Way to go, Cara! Way to go! Can you not think of any dumber question?
Sita ng isang bahagi ng utak niya. Nag-init agad ang pisngi niya at itinuon ang paningin sa isang tuyong dahon sa may paanan niya.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Aries. “Good question.”
“P-pasensya na,” Nakatungong sabi niya. Hindi niya ito kayang tingnan dahil sa kahihiyan. Hindi niya kasi maintindihan ang sarili kung bakit hindi siya makapag-isip ng tama kapag nasa malapit ito. Palagi siyang may maling nagagawa o di kaya naman ay nasasabi. Tulad ngayon.
“But that is one question that I’ll let you know the answer by yourself.” Misteryosong sabi nito. Amusement was laced in his voice.
“A-ano?” Awtomatikong napaangat ang tingin niya dito.
Ngunit tanging ngiti lang ang nakuha niyang sagot dito. Wala na rin siyang nagawa pa dahil umikot na rin ito papunta sa driver’s seat ng sasakyan nito. Habol niya ito ng tingin hanggang sa magpaalam ito sa kanya. Wala na ang kotse nito sa paningin niya pero nakapako pa rin ang mga paa niya sa kinatatayuan niya. Hindi pa rin tuluyang ma-absorb ng sistema niya ang mahiwagang sagot ni Aries.
******************************
Nangigiti pa rin si Aries habang binabagtas niya ang daan papunta sa opisina ni Mr. Ortiz. He probably looked like an idiot smiling like that all by himself. If someone happened to see him right now, he or she might think that he was crazy. But what the heck? He was beyond ecstatic. He met her again, ang this time ay nakausap at nagkakilala na sila ng dalaga. But there is some nagging feeling in his chest. The same emotion that he felt when he first laid his eyes on her.
Maybe this is just because I finally had the chance to confirm my suspiscion about her real identity.
“Cara…” usal niya sa pangalan nito. A beautiful name for an equally beautiful lady. Muling sumagi sa isip niya ang magandang mukha ng dalaga… at ang pagkagulat nito sa sinabi niya. Napangiti na naman siya. He couldn’t get her pretty face off his mind.
Bagaman at malaking ebidensya na maituturing ang pagiging magkamukha nito at ni Carol, hindi pa rin niya maaaring basta na lamang itigil ang pag-iimbestiga niya. Maraming tao ang maaaring maging magkahawig, a doppel-ganger. Hindi siya pwedeng maging lax na lang dahil doon. In his line of job, evidence and facts were the strongest element to find out the truth.