Si Mr. Ortiz ang tumawag sa kanya para sabihin na bakante na ang schedule nito ng hapon na iyon. May nakalap pa raw itong impormasyon at nais agad siya nitong makausap. His mind drifted back to what happened earlier. Ang dapat sana na appointment nila ni Mr. Ortiz ng umaga ay nakansela dahil sa emergency meeting sa restaurant. Nagdesisyon siya na umuwi na muna para basahin at pag-aralan ang ilang reports na hindi pa niya napapasadahan. Pabalik na siya ng mahagip ng paningin niya ang pigura ng dalawang babae na pamilyar sa kanya. Namilog ang mga mata niya ng mapagsino ang mga ito. This must be his lucky day! Itatabi na sana niya ang sasakyan para lapitan ang mga ito ng makita niyang inagaw ng isang lalaki ang bag na nakasukbit sa balikat ng babaeng kamukha ni Carol at agad na tumakbo pala

