Napatingin silang lahat sa pamilyar na kotse na tumigil sa tapat ng bakuran nila. Naroon din sa bahay nila si Andrea ng mga oras na iyon at kasalukuyan silang nasa kubo sa harapan ng bahay nila. Nagtatanong ang mga mata na napabaling ito sa kanya. Umiling siya upang sabihing wala rin siyang alam. Maya-maya lang ay sumilay ang isang mapanudyong ngiti sa mga labi nito. Pinandilatan niya naman ito at pasimpleng nilingon ang mga magulang niya. Tila nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang nakatuon ang pansin ng mga ito sa dumating na bisita. Maging ang mga ito ay bakas rin ang pagtataka sa mga mukha. “Magandang umaga po!” Bati ni Aries sa kanila. May bitbit itong plastic bag sa kaliwang kamay nito at isang kahon ng cake naman ang nasa kanang kamay nito. “Magandang umaga din naman sa’yo,

