bc

Tough Hunks Series 10 : Bryant The Valiant

book_age16+
2.2K
FOLLOW
4.9K
READ
spy/agent
alpha
second chance
kickass heroine
brave
bxg
mystery
bold
first love
sassy
like
intro-logo
Blurb

Sa oras na natanggap ni agent Bryant Quirino ang mensahe ay hindi agad siya nagdadalawang isip na sagipin ang babaeng minsan na niyang minahal.

Si Nadiah Cordero ay anak ng isang senador. Dinukot siya ng mortal na kaaway ng ama at dinala sa Malaysia. Humingi naman ng tulong ang ama niya sa NBI para iligtas ang anak nito.

Ngunit napag-alaman nalang ng senador na isa pala si Bryant Quirino ang naatasan sa misyon. Ayaw na ayaw pa naman niya noon sa binata para sa anak, pero wala na siyang magagawa pa dahil desperado na talaga siyang mailigtas ang nag-iisang anak.

Hindi kailanman nakalimotan ni Nadiah ang araw na sinaktan ni Bryant ang damdamin niya, kahit sampung taon na ang nakalipas. At ngayon na bumalik ito sa buhay niya sa di inaasahan na pagkakataon. Maibabalik pa kaya ang dating naudlot na pagmamahalan? O sadyang marami lang talagang hadlang?

*****

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hindi ka nararapat na mamatay dito." Napalinga-linga si Nadiah sa paligid nang marinig niya ang boses na iyon. Hindi niya kasi maigalaw ang buong katawan niya dahil nakatali ang mga kamay at paa niya sa isang silya sa madilim na silid na iyon. At dahil sa higpit ng mga tali niya kaya siya masyadong nahihirapan. Ilang oras na rin ang ginawa niyang pagpupumiglas, subalit hindi talaga niya magawang makalaya mula sa pagkakatali. Tuloy sarili lang niya ang pinahihirapan dahil sa nagkasugat-sugat siya dahil sa pilit niyang makawala. "Kung sasabihin mo sa kanila...ang gusto nilang malaman..." Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Baka palayain ka pa nila." Ilang beses naman ang ginawang paglunok ni Nadiah. Kailan ba yong huli siyang pinainom ng mga dumukot sa kanya? Matapos siyang lumunok ng ilang beses ay nagawa rin niyang magsalita sa wakas. "Wala akong nalalaman." pakiramdam niya parang bangungot lang ang lahat ng ito. Nong isang araw, nag sa-sunbathing pa nga siya sa isa sa mga beaches sa isla ng Zamboanga eh. Hanggang sa... Isang bangungot nga ang naranasan niya ngayon kaya gusto na talaga niyang magising. Jun Gonzalvo, iyon ang pangalang natatandaan niya na kasabay din niyang nadukot. Ilang araw na ba ngayon simula ng dinukot sila ng mga hindi kilalang tao? Pang-apat na araw o panglima na ba? Sa mga nakalipas na araw, sobrang nakakaawa na talaga ang kalagayan ni Jun dahil ang lalaki ang palaging tino-torture ng mga dumukot sa kanila. Siguro malapit na rin ang oras na siya na ang isusunod kay Jun. "Hindi ako...perpekto." Jun's ragged voice whispered to her. "Pero ikaw...wala ka namang ginawang masama...ang ama mo lang." Ang ama niya. The not-so-honorable Senator Abner Cordero. Hindi man niya alam kung sinu-sino ang mga tumangay sa kanya, pero once na magtatanong na ang mga ito sa kanya, baka doon pa niya malalaman kung anong atraso ng ama niya sa mga masasamang-loob na dumukot sa kanya. Ang tanong - bibigyan kaya ng panahon ng ama ang pagkakadukot niya? O baka magpapakitang tao na naman ito sa harap ng taga media. Ewan, hindi talaga niya mabasa ang ugali ng ama. Nadiah exhaled slowly. "Perpekto o hindi..." natigilan siya dahil hindi naman niya alam ang pinaggagawa ni Jun sa buhay nito. Ngunit hindi na iyon mahalaga pa. Dahil si Jun lang ang tanging nagpapanatili sa katinuan niya sa mga sandaling iyon. "Basta maniwala ka lang na kakayanin nating makatakas mula rito." Ngunit narinig niyang tumawa lang ito ng pagak. Nakikita lang naman niya ang mukha ni Jun tuwing umaga pag masinagan ito ng sikat ng araw. Sa nakikita niya may itsura naman si Jun na kahuhumalingan talaga ng mga babae. Subalit hindi ito ang tamang oras na mag-isip siya ng ganyan. "May mga...pinagsisihan ka ba?" tanong sa kanya ni Jun. She saw his head tilt toward her as he waited for her response. Napakurap-kurap naman si Nadiah dahil pilit niyang nilalabanan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya. May pinagsisihan nga ba siya? "Merong kaunti." Panandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa muli siyang tinanong ng lalaki. "Umibig ka na ba, Miss Cordero?" "Oo, once--" Naisip ni Nadiah na wala ng dapat itago sa mga panahong naghihintay na sa kanila si kamatayan. "Ngunit ang masakit, hindi ako minahal ng taong mahal ko." Natigilan lang sila nang biglang umawang ang pintuan at iniluwa roon ang mga lalaking dumukot sa kanila. Agad namang kinabahan si Nadiah sa di maipaliwanag na takot. Ilang beses din ang ginawang pagmumura ni Jun. Pero... Pero mukhang hindi na si Jun ang sadya ng mga lalaking ito. Sa kanya na kasi nakatuon ang paningin ng mga ito. Hindi! Hindi to maaari... Kaya't hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Nadiah at ubod lakas siya na sumigaw. ----- Bryant Quirino felt a trickle of sweat slide down his back. Trenta minutos na kasi siyang hindi gumagalaw sa posisyon niya dahil sa hinihintay niya ang go signal upang pasukin niya ang gusali kung saan naroroon si Nadiah. Just hold on, baby. Baby - yan kasi ang dati nilang endearment ni Nadiah noon. Dahil hanggang ngayon kasi, iyan pa rin ang turing niya rito. Kaya nga sa oras na humingi ng tulong sa kanila ang senador ay hindi talaga siya nagdadalawang isip. Dinukot ang anak ko. Tulongan mo akong mahanap siya, pakiusap sa kanya ng senador. Dalawang salita lang yan, pero ang laki ng impact sa kanya. Kaya hindi agad siya nagpatumpik-tumpik at sinet-up niya ang kanyang team papunta sa Malaysia kung saan naroroon ang dalaga. Dahil gagawin niya ang lahat mailigtas lamang ito. "There's movement." narinig niyang sabi sa isa sa ka team niya via comm link. Halos hindi naman siya makahinga sa narinig. "I have a visual on the target." Mas lalo namang lumakas ang pintig ng puso niya. Ito na nga ang pagkakataong hinihintay nila. Movement and hopefully...visual confirmation. Hindi kasi nila susugurin ang lugar, not until-- "Nakita ko na siya. Kinaladkad ang babae pababa sa pasilyo. Tinutukan siya ng patalim sa leeg." Bingo! Iyan nga ang hinihintay niyang visual confirmation. Naka standby lang muna si Bryant kahit alam niyang sa mga oras na iyon ay takot na takot na si Nadiah. "South side." that same voice whispered in his ear. At ang boses na iyon ay pagmamay-ari ni Taylor Mortiz. Sniper sa grupo nila at dating SEAL. "Second door." bigay alam sa kanya ni Taylor kung nasaan ang target. Sa wakas, lumalabas na rin sa lungga niya si Bryant at matagumpay niyang napasok ang gusali na hindi man lang siya nakalikha ng ingay. To his right, Edrian Lim moved in perfect sync with him. The former Scout Ranger knew how to keep quiet just like Bryant did. After all their rigid training, stealth was second nature to them now. Sinugod naman ni Bryant ang unang bantay na nakikita nila. One quick jab, and the guard's body slumped back against him. Hinila niya ang walang malay na katawan ng bantay sa dilim at sinenyasan si Edrian na magpatuloy lang. Hanggang sa narinig niya ang malakas na pagsigaw ni Nadiah. Tila umakyat ang lahat ng dugo niya sa katawan sa kanyang ulo. For a second, his vision seemed to go dark. Natunogan kasi niya ang takot sa boses ng dalaga. He rushed forward, at inunahan pa nga niya si Edrian sa paglalakad. Nakatagpo ulit sila ng isa pang bantay ngunit ipinaubaya na lamang niya ito kay Edrian dahil wala na siyang oras upang tumigil pa. "Please. Wala talaga akong alam!" Boses iyon ni Nadiah na desperadong nakikiusap. Nakaraan na silang dalawa ni Edrian sa unang pinto at ang pangalawa ay ilang dipa na lang. Hold on, hold on, baby... "Company!" babala sa kanya ni Taylor sa pamamagitan ng kanilang comm link. Subalit muntik na silang ginipit ng oras sa pagdapa dahil bigla nalang silang pinaulanan ng mga bala. Hanggang nakipagpalitan na rin ng mga bala si Bryant sa mga kalaban. Sapol ang mga tira niya dahil dalawang lalaki ang nakikita niyang nakabulagta sa sahig. Mabilis naman siyang kino-cover ni Edrian para mabuksan niya ang pangalawang pinto. Pero nang pasukin niya ang loob ng silid, napalingon agad sa kanya ang tatlong lalaki. Mabilis niyang pinaputokan ang lalaking nasa kaliwa nang akmang bumunot ito ng baril. Agad itong bumagsak sa sahig. Ginawaran naman niya ng isang malakas na sipa ang lalaking nasa kanan na sumunod sa pag-atake sa kanya. Bagsak din ito. Ngunit natigilan lamang siya nang makita niyang hawak ng lalaki si Nadiah sa leeg at tinutukan nito ang dalaga ng matulis na patalim. "Pakawalan mo siya, gago!" angil ni Bryant sa may hawak kay Nadiah. Ngunit sa halip ay sinugatan ng lalaki ang leeg ng dalaga. Nanlaki tuloy ang mga mata ni Bryant sa nakikita. Tangina! Nagkamali ka ng galaw, gago ka! "Aatras ka ba, o tatapusin ko ang buhay ng babaeng ito?" Magkamatayan na sila pero hinding-hindi aatras si Bryant. Hindi siya ang klase ng tao na aatras sa anumang laban. Nakatitig siya ngayon kay Nadiah. Balik naman siyang tinitigan nito na namimilog ang mga mata at naninigas sa takot. Hindi rin kasi niya makita ang mukha ng lalaki dahil sa naka bonnet ito, kaya wala siyang ideya kung sino nga ito. "Umatras ka na." nanginginig ang boses na sambit ng dalaga. "Please." Ngunit hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatayuan niya. Sa halip ay inangat niya ang kanyang baril at inasinta sa ulo ang lalaking may hawak kay Nadiah. Kahit isang bala lang... "Vete o esta mujer morira!" sigaw ng lalaki sa wikang kastila, saka mas idiniin pa nito ang patalim sa leeg ni Nadiah. Instead of backing up, Bryant stepped forward. Napasigaw naman si Nadiah at nagsimula na itong manlaban sa lalaki. Kinagat nito ang braso ng lalaki at nang mamimilipit ito sa sakit ay nakakita ng pagkakataon ang dalaga na makawala mula rito. Ito rin ang naging hudyat sa pagsugod ni Bryant. He caught the man's wrist, and wrenched it back. He hold the guy's wrist and the knife, then pointed it back at the bastard's own throat. Agad-agad na bumagsak ang lalaki sa sahig nang bumaon ang patalim sa leeg nito. He pulled Nadiah closer to him and tried to keep her attention off the dead men on the floor. "It's all right." sabi niya sa dalaga na may himig pang-aalo. Sunod-sunod naman na putok ang naririnig nila sa labas at sinundan pa iyon ng isang malakas na pagsabog. The voice in his ear told him that two more men had just been taken out by Edrian. Good. Gumagawa talaga ng paraan ang huli para ligtas silang makalabas ng gusali. Mas hinigpitan din niya ang pagkakahawak kay Nadiah at... Tinuhuran lang naman siya nito sa kanyang balls ng ubod lakas. Ouch!!! Bryant was so caught off guard by the move that he let her go. Tinakbohan siya nito at nagsisigaw ito ng saklolo. "Tragis naman oh!" malakas na pagmumura niya. "Hindi ako naririto para saktan ka." Bigla naman nitong hinugot ang nakabaong patalim mula sa leeg ng lalaki. "Lumayo ka sakin!" "Huminahon ka." Tangina, wala silang oras sa ganito. Alam din kasi ni Bryant na pag tatanggalin niya ang kanyang suot na bonnet ay makikilala siya nito. May protocol kasi silang sinusunod sa misyon na iyon. Their team was to stay covered during this rescue, until the target had been taken to the designated safe zone. Dapat wala talagang makakaalam sa identity nila. Not until everything was secure. "Back up and get out of my way." angil sa kanya ni Nadiah. Eh hindi nga siya sumunod sa ungas na dumukot dito. Ngayon, mamanduan na naman siya nito? Hanggang sa biglang pumasok si Edrian sa naturang silid at tiyempo ring nagsalita si Taylor sa comm link. "Extraction. Now." "Nakatakas ang dalawang kalaban." ani Edrian at napansin niyang dumudugo ang balikat nito. "At sa tingin ko, hindi hahayaan ng dalawang tarantado na iyon na makalabas tayo ng buhay dito." Napatingin siya sa paligid at matinding usok ang bumabalot sa kanila. Kaya hindi na nag aksaya pa ng oras si Bryant at binasag niya ang pinakamalapit na bintana roon. Saka dumungaw siya sa bintana at tiningnan ang kalsada sa baba. Nasa ikalawang palapag kasi sila. Kung mag-isa lang sana siya, kayang-kaya niya tumalon mula roon, pero kasama niya si Nadiah at yon ang problema. Kailangang mailabas niya ang dalaga sa gusali ni walang galos. "Clear," dinig niyang sabi ni Taylor sa kabilang linya. Nag ta-track din kasi ang kasamahan sa galaw nila. "Umalis na kayo diyan, now na! Kinakain na ng apoy ang basement." Tanginang mga gagong iyon, gusto pa ng mga itong litsonin sila para walang ebidensiya. Hinagip ni Bryant ang kamay ni Nadiah at nagpupumiglas naman ang dalaga. Ang sakit pala sa heart pag ayawan na siya ng isang babae, hugot pa niya. Ngunit wala na talaga silang sapat na oras. They need to get the hell out of there. Kaya hinawakan niya ng mahigpit ang beywang ng dalaga at kinabig papalapit sa katawan niya. "Kailangan mong kumapit ng maigi." mahinang sabi niya rito. Pero napapailing lang sa kanya si Nadiah. "Hindi ako tatalon sa bintanang yan. I have to..." "You have to live." sabad naman ni Edrian mula sa likuran nila. "Sinunog na nila ang basement, ma'am, kaya kailangan mong tumalon sa bintanang yan." Napakurap-kurap ito. In the faint light, Bryant saw the same dark chocolate eyes he remembered. Ganon pa rin naman ang mukha nito, maganda pa rin ito hanggang ngayon. "Sunog?" anito saka ito napapasinghot sa paligid. "Hindi!" Nagpupumiglas itong muli. Bryant just hauled her right back against him. Now that he had her safe in his arms, he wasn't about to let her get away. "Area's clear," sabi ni Taylor sa earpiece ni Bryant. "Extract now." Pilit namang pinuwesto ni Bryant si Nadiah sa kanilang pagtalon. Ngunit ang likot-likot talaga nito na para itong isang ahas na gustong makawala. "Hindi ako aalis dito!" angil nito sa kanya. "Kung hindi ko kasama si Jun." Sino? "Extract." mando sa kanila ni Taylor. "Wag kanang makipagtalo pa." sabi ni Bryant nang pilit pa ring pumipiksi ang dalaga. "Mga mabubuting tao kami, at nandito kami para iligtas ka." Panandaliang natigilan ito. Bumuga muna ito ng hangin saka nagpatuloy. "Lalabas lang ako dito kung kasama ko si Jun." Seryoso kaya ito? At sino naman itong putragis na si Jun? "Nasa likod siya ng kwartong ito." Iminuwestra nito ang kamay sa pintuang nasa likod na ngayon ay nababalot na ng usok. "We have to get him out." Pero sa pagkakaalam niya, walang ibang sibilyan sa gusaling iyon kundi ang mga tauhan lamang ni Guevarra. "Hindi ako aalis dito kung wala siya!" Nayanig naman ang buong gusali mula sa pangalawang pagsabog. Awtomatikong napayakap sa kanya si Nadiah. "Tara na." hikayat sa kanila ni Edrian. Keeping a hold on Nadiah, Bryant tapped his receiver. "May ibang sibilyan ba rito?" Kailangan niyang makasiguro. Hindi kasi niya maatim na may sibilyang maiwan at masunog. He motioned for Edrian to take the leap out. He had Nadiah, and there was no need for the other agent to stay any longer. Edrian yanked out a cable from his pack and quickly set up an escape line. Ilang segundo lang at nagpadaus-dos na ito sa lupa. "Negative," mabilis na tugon ni Taylor. "Now move before your butt gets fired." Hindi pa nagkakamali si Taylor. Siya at si Cindy Soler ang kasalukuyang pinakamagaling na intel nila sa NBI. Kaya nagtitiwala siya sa knowledge ng mga ito. Bigla namang napatitig sa mukha niya si Nadiah. "Y-yong boses mo..." Tragis, hindi pwedeng makilala siya nito. "Tatalon na tayo diyan sa bintana..." aniya nang marinig nila ang pangatlong pagsabog. "Sige, pumili ka - dilat o tulog?" "Ano ka ba, may tao pa sa likod nito! Nakatali siya at kung hindi natin siya isasama ay mamamatay siya sa sunog." Hindi niya dapat ito pakinggan. Kaya agad na binuhat niya ito na parang isang sakong bigas, saka mabilis siyang nagpadaus-dos pababa sa cable wire na ginawang rapel ni Edrian. By the time she'd gotten any breath to scream, they were on the ground. "Take her." aniya kay Edrian habang ipinasa niya rito si Nadiah. "Ilayo mo na siya rito." Yon lang at tapos na ang misyon niya. Subalit... Hindi kaya ng konsensya niya kung tama nga ang sinasabi sa kanya ni Nadiah. Kailangang balikan niya sa loob ang sinasabi nitong lalaki. Kaya hindi na siya nag aksaya ng oras, hinawakan niya ang cable wire at umakyat siya pabalik sa loob ng nasusunog na gusali. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K
bc

YOU'RE MINE

read
894.1K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.5K
bc

SILENCE

read
381.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.4K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.9K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook