Hindi alam ni Nadiah kung ilang oras na ang pagbabyahe nila. Wala na rin siyang pakialam don. Ang inaalala lang niya ay baka masiraan pa siya ng bait dahil palagi nalang nagpabalik-balik sa isip niya ang imahe ng lalaking bihag habang kinitil nito ang sariling buhay. Sa hinuha niya ay labis talaga ang takot ni Lucio sa amo nitong si Guevarra dahil mas pinili pa nitong kitilin ang buhay kaysa ipagkanulo ang kanyang boss. Sa durasyon ng pagbabyahe nila, ginugol lamang ni Bryant ang buong oras nito sa pakikipag-usap sa cellphone. Mukhang kausap nito ang kanilang superior at humihingi ito ng paliwanag dito kung bakit natunton ng mga kalaban ang lokasyon nila. Gusto kasing paimbestigahan ni Bryant kung sino talaga ang nag leaked sa impormasyon kung nasaan sila. But every now and the

