"You're going to be all right," Nadiah said as she pressed towels against Taylor's wound. "I'm getting you help, okay?" Tatawag sana siya ng ambulansya kaso patay ang linya ng telepono sa taas. Patuloy pa rin ang naririnig niyang putukan sa labas pero bakit wala man lang dumating na back up sa kanila? Hinawakan naman ni Taylor ang kamay niya. His fingers were bloody, and they slipped over her skin. "Magtago ka." Napapailing siya. "Hindi kita iiwan dito." "Just stay...down." Anito. Now he sounded just like Bryant. Pilit naman niyang ngumiti rito. "Pupunta lang ako sa kwarto ko ha para kunin 'yong cellphone ko." Pero ang totoo, tatawag siya para humingi ng tulong. Hindi niya hahayaan nalang ito na wala siyang ginagawa. Pinatay man ang linya ng mga telepono nila pero maari naman siyang tu

