Amoy ng alak ang nasisinghot niya sa hangin. Subalit mas nanaig pa rin ang amoy ng dugo. "Pa?" Malakas na sigaw niya. Kahit masakit ang buong katawan niya pero nakuha pa ring tanggalin ni Bryant ang seat belt na nakakabit sa katawan niya. Ngunit hindi ang papa niya. Bryant stared at the wreckage of the car. Twisted metal. Broken glass. And his father pinned behind the wheel, head craned at an unnatural angle. Nanginginig naman ang mga daliri niya nang ilapat niya ito sa leeg ng ama para pakiramdaman ang pulso nito. Ngunit wala na itong pulso. Wala na itong buhay...papa.... "Tulong..." Mahina siyang napahikbi habang pinagmamasdan ang nakakaawang sinapit ng ama. Nagulantang na lamang siya nang marinig niya ang tinig ng isang babae na tila namimilipit ito sa sakit at humihingi ng saklol

