Chapter 2: Getting to know each other.
Cedie's POV
Sakit ng ulo ang gumising sa akin. Umupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko.
“Fck.” Bulong ko Habang sapo sapo ang ulo ko.
“Hangover?” Agad agad akong napatingala upan tignan kung Sino ang nagsalita. “Oh, gulat na gulat?”
Nakatapis lang siya ng tuwalya habang nakapamewang na nakatingin sakin.
‘Ano ba Cedie, really? Makipag hook up talaga?’ Tanong ko sa sarili ko.
Tumayo ako para hanapin ang damit ko pero laking gulat ko nang suot ko pa Dina ng pantalon ko.
“Wait, did you think na nagsex tayo?” Tanong ng lalaki habang nakangiti. “Don’t worry, I don’t take advantage on drunk guys.” Dumiretso Ito sa may cabinet at kumuha ng maisusuot. niya. Nakaupo lang ako sa dulo ng kama at pinagmamasdan siya. “Catch.” Pabato niyang inabot sa akin ang puting t-shirt.
“Nasaan yung suot ko kagabi?” Nagsusuot na siya ng damit kaya pasimple ko lang namasdan ang magandang hubog ng katawan niya.
“Nasa labahan. Puno ng suka mo.” sagot niya habang natatawa.
“Sorry.” Nahihiya kong sagot. Ano ba kasing naisip ko at naglasing ako kagabi. I was just having fun eh, Pero Ewan ang sakit at tagos sa puso yung mga spoken poetry performances kagabi. Sinuot ko yung tshirt na inabot niya sa akin at tumayo na. “Di na kita aabalahin, Saan ba palabas dito?”
“It’s okay. Kumain ka Muna sa baba.”
“Nako hindi na. Nakakahiya na masyado.” Sagot ko.
“Ngayon ka pa mahihiya…” malaman niyang sagot habang natatawa. “Sunod ka nalang sa baba when you’re ready.”
Sht sht sht! Ano ba kasi naisip ko kagabi! Di na ako maglalasing.
Pababa, napansin ko ang mga picture sa may hagdan. It’s him, kasama ang, I guess, his Mom and Dad. The guy looks familiar. Lalo na dun sa huling larawan kung Saan naka jersey uniform siya ng bastketball.
“Here.” Lapag niya sa akin ng kape at toasted bread paglapit ko sa kainan.
“I really need to go. Nakakahiya na din kasi sayo.” Sabi ko. Tinignan niya ako na parang naweirduhan siya. Tumayo siya at pilit akong inupo. “Teka teka, wag na nga eh, aalis na ako.”
“Just have some breakfast. Di maalis sakit ng ulo mo kung di ka kakain.” Left with no choice I sighed and sat properly. Mabango ang kape, umiinom ako nito ng bigla siyang nagsalita. “Nahihiya ka? Eh kagabi halis lumingkis ka sakin , di na nga ako makahinga eh.” Halos maibuga ko ang kape dahil sa sinabi niya. Natatawa Naman ang loko at parang nang-aasar pa.
“Oh god, I was drunk. Sorry hindi ko intention na mabastos ka.” I said. Sigurado namumulang kamatis na ako dito. Nakakahiya!
“Ok lang. Naiintindihan ko Naman na lasing ka.” Natatawa siya.
“Tinatawanan mo pa ako diyan ah.” Natatawa kong sagot. Medyo nawawala na kaba ko at hiya kasi parang mabait naman to.
“Hinahalikan mo pa nga leeg ko eh.” Pagkasabi niya nun ay Tumawa siya ng malakas at halos di na siya makahinga. Kasabay naman nun ang pamumula ko. Napatakip nalang ako ng mukha, pwede bang mag-disappear nalang bigla?
“Shet, sorry talaga.” Sabi ko Habang nakatakip sa mukha ko. Tuloy pa din ang pagtawa niya. Halos maluha na siya. “Tuwang tuwa ka ah, siguro gusto mo din!” Defensive ko na sabi. Paunti unti tumigil yung tawa niya.
“Hmm, Pwede na? Di ka marunong humalik eh.” Casual niyang sagot Habang pakagat siya sa toast niya.
Nagkwentuhan pa kami, actually mostly asaran lang. naikwento niya na muntik akong manakawan kagabi dahilan kaya tinulungan niya ako at inuwi nalang dito sa rest house nila. Siya lang ang andito, tulad ko mag Isang nagbabaksyon. Di ko na natanong dahilan bakit siya mag-isa dito nagbakasyon, Baka isipin niya masyado na ako chismoso.
“Salamat talaga tinulungan mo ko kagabi. Sorry sa abala. Promise, di na ako iinom ng malala kapag mag isa Hahaha!” Paalam ko sakanya.
“Ok lang yun, just be careful next time.” Sagot niya.
Naghihintay kami ngayon sa labas ng gate ng bahay nila. Medyo natagalan kasi yung Grab ko.
Ilang minuto pa ng kwentuhan namin bigla niya nabanggit na Taga Pampanga din siya.
“What?! Hindi nga? Taga Pampanga din ako!” I exclaimed. Medyo nagulat kasi talaga ako.
“Sobrang excited lang?” Pabiro niyang sagot habang natatawa.
What a small world.
Nahinto lang kwentuhan namin ng may humintong sasakyan sa harap namin. Nagpaalam na ako sakanya at ganon din siya. Nang papasok na ako sa sasakyan ay bigla niya pinigil pagsara ng pinto nito.
“I didn’t get your name.” Napatitig ako sakanya, ang gwapo niya. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, kitang kita ko ang maganda niyang mata.
“Cedie.” Wala sa sarili kong sagot.
“Luke.” Nakangiti Naman niyang sabi.
Isinara niya ang pinto at kumakaway na nakangiti sa akin habang palayoi na ang sinsasakyan ko.
Luke’s POV
Kung kagabi spoken poetry pinuntahan ko ngayong gabi iba, party, maghahating gabi na at medyo tumatama na din yung mga nainom ko. May mga nameet din ako na ibang tao dito sa club. I came here to party, yun lang. No more Than that. Open naman ako sa possibilities Pero sa tingin iwas muna. Di din naman kasi ako mahilig o sanay sa hook-up culture.
Sa club Marami ka makikitang tao. Yung Iba may kasama, yung iba gaya ko na mag-isa. Willing to dance kahit kanino, willing to have fun outside the club. Di ko first time gawin na mag-isa magparty sa club, madalas ko gawin actually, nag eenjoy kasi kapag nakakakilala ako ng mga random na tao. Iba Iba ang kwento, iba iba ang personality. It excites me when meeting strangers.
1am nang mapagdesisyonan ko na umuwi na. Medyo crowded na din kasi ang floor at higit sa lahat medyo nalalasing na ako. Ayoko Naman Sagarin sarili ko dahil nagmamaneho ako. Nagpaalam na ako sa mga nakilala ko sa club, they wanted me to stay Pero I declined.
Sumandal ako sa gilid ng sasakyan ko. Nagpapahangin. Sinindihan ko ang huling yosi ko at tumingin sa langit. Maraming bitwin, hindi maulap. Malamig ang hangin at tahimik kumpara sa loob ng club. Matapos ang yosi papasok na Sana ako ng sasakyan nang marinig ko ang mahinang pigil na sigawan tatlong sasakyan ang layo sakin.
“Sumama ka na sa akin! Tara na umuwi na tayo!” Pasigaw na Sabi ng mas matangkad na lalaki. Hawak nito ang braso ng mas maliit na lalaki. Sa nakikita ko parang hindi maganda ang sitwasyon nila.
“Jake, please! Let go! Nasasaktan na ako!”
Nakatalikod ang mas maliit na Lalaki kaya hindi ko makita ang mukha nito, Pero sa boses palang parang umiiyak na. Nagulat ako nang biglang hawakan ng mahigpit ng mas matangkad na lalaki ang isa pa sa leeg. Doon na ako tumakbo palapit.
“Hey, is everything okay?” Tanong ko. Napalingon silang dalawa sa akin. Nagulat ako nang makita na si Cedie ang lalaking umiiyak. “Are you okay?” Tanong ko kay Cedie.
“Wag ka makelam pre kung ayaw mo madamay!” Sigaw nang isa pa. pumiglas si Cedie at nagtago sa likod ko. “Cedie c’mon! Wag mo na ako galitin pa!”
“Luke please help me. Lasing siya.” Umiiyak na Sabi nito.
“Pre tigilan mo na siya.” Pagbabanta ko. Pero hindi Ito sumagot at Mukhang lalong nagalit. Sinapak ako nito sa pisngi dahilan para mapaatras ako.
Nang tangkang sasapakin ulit ako nito ay sinangga ko ang kamay niya at sinuntok ang sikmura niya. Natumba ito. Dali Dali ko hinila si Cedie sa sasakyan. Dali Dali ko din pinaandar Ito at umalis na.
Huminto na Ito sa pag-iyak. Nakatingin lang siya
“Okay ka na ba?” Alanganin kong tanong. Alam ko Naman kasi na di siya ok, Pero I just want to hear him speak.
Lumingon siya sa akin and smiled. “Ok lang. Salamat ah? Lagi mo nalang ako nililigtas.”
I smiled and pat his head. Tinuro niya sa akin kung Saan ang tinutuluyan niya. Malapit lang Ito sa city proper.
“Ok lang ba hintayin mo ako saglit dito?” Tanong nito.
Ilang minuto lang ay dali Dali itong Bumaba dala ang mga gamit niya.
“Oh napano?” Tanong ko.
“Lilipat ako ng titirhan. Okay lang kahit ibaba mo na Lang ako sa sakayan ng taxi.”
Medyo nagalanganin ako. Ganon ba siya katakot dun sa lalaki to the point na lilipat siya ng titirhan?
“It’s 3am, Cedie. Wala ka na makikitang transient na tatanggap sayo ng ganitong oras.”
“Hahanap nalang ako hot-“
“Sa bahay ka nalang.” Pagputol ko sa sinasabi niya. Pinaandar ko ang sasakyan at tinungo na ang bahay namin. Di kaya nang konsensyiya ko kung Iiwan ko nalang to sa kalye.
“Uy hindi! Masyado nang nakakahiya sayo Luke. Itabi mo nalang diyan baba na ako.” Sumagot ako ng hindi. “Ok na ako promise. Nakakahiya na sayo.”
Tinabi ko sa gilid ng kalsada. Medyo madilim at Mukhang walang dumadaan na sasakyan ng ganitong oras.
“Osige baba ka na.” Sabi ko. Kita sa mukha nito ang gulat. Tumingin siya sa paligid at lalong nag-alanganin ng makitang madilim at walang ilaw sa poste man lang. “Oh ano? Baba na. Sabi mo ok na dito?”
Tumingin Ito sa akin. Nakasimangot at Mukhang nagmamakaawa.
“Osige dito na lang…” Sabi nito.
Nang akmang bubuksan na niya ang pinto tinakot ko ito. “Hala pano kung andito yung Lalaki kanina?” Dali Dali nitong Sinara ang pinto at siya na mismo ang naglock.
“Luke naman eh! Ano ba yan.”
Tumawa lang ako at pinaandar na ang kotse. Pagdating sa bahay ay tinuro ko ang extrang kwarto. Nag offer Ito na magbabayad nalang siya Pero tinanggihan ko.
Tama ba mga desisyon mo Luke? Sigurado ka ba na awa lang nararamdaman mo sakanyan?
Maging ako Duda na sa sarili. Hindi ko na masagot mga sarili ko tanong.
End of Chapter 2