Chapter 3: Getting to know each other.

1539 Words
Chapter 3: Getting to know each other. Cedie's POV Pangalawang araw ko na dito sa rest house ni luke. Grabe ang ganda ng bahay! Ang interior ng bahay ay Puti at ang accent nito ay ang mg kahoy sa ceiling. Halos palibot ng salamin ang bahay. Madami din halaman sa loob ng bahay kaya lalong napakaganda nito.  Medyo kabado ako kumilos sa bahay nila, ayoko nga makabasag. Wala sa budget ko ang magbayad kaya todo ingat ako. Nakakahiya na din Talaga kay Luke. Hindi niya ako kilala Pero kung tulungan niya ako ay parang matagal na kaming magkaibigan.  Habang hinihintay ko si luke magising bigla na lamang pumasok sa isip ko yung kagabi. *Flashback* Pagmulat ng mata ko si luke agad nakita ko. Nakatitig sa akin at nakangising aso. "Buti naman at gumising ka na" Sabi niya. "Kanina pa ba tayo dito?” "About 20mins. Hinihintay lang kita magising.” Nakangiting sagot nito. "Bakit hindi mo ako ginising? Nako. Kahiya naman naghintay ka pa.” "Ginising kita pero ang sabi mo lang '5 more minutes babe' kaya hinayaan nalang kita.”  I did not said that! Kahiya! "Sorry natawag pa kita ng ganon. Cringe no? Hahaha!” Biro ko dito. "Ayos lang yun babe. Umakyat ka na sa kwarto mo. Malapit na sumikat ang araw oh.” sabay ngiti ng nakakaloko. “Ewan ko sayo! Tara na nga.” Sagot ko. “Tara sa kwarto ko?” Biro nito. Nilingon ko ito at nginitian, sasakyan ko trip mo. “Or Pwede din sa kwarto ko?” Kinindatan ko ito bago ako umkyat ng hagdan. *End of flashback” Okay rin naman sakin kung maging tawagan naming yung Babe, ay teka? Ano to? Speed lang Cedie? Hahahaha!. Pero seriously medyo nakakahiya na mga thoughts ko. I got up ng 10 Am. I went to the market para mamili man lang ng mailuluto. Ayoko naman pati pagkain ay si Luke pa din ang sasagot. Mabilis lang ako sa palengke at agad na bumalik sa bahay niya. Inihanda ang lulutuin dahil isang oras na lang ay lunch na. I finished cooking after a good 1 and a Hal hour. Halos mag-aala una na nang hapon hindi pa din gising si Luke. Minabuti ko na gisingin na siya, to check up on him na din Baka napano na yun.  *Knock knock* Walang sagot. *Knock knock* "W-wait l-lang.” Halatang antok pa si luke, ang cute naman ng half-groan half-talk na wakeup voice niya.  Pagkabukas ng pintuan ay parang uminit bigla sa baguio. Biglang nagsahara dessert ang feeling.Naka boxers lang si luke. Sana pala di na ako nagpaka dora the explorer at chef sa kusina dahil may almusal na dito. "Good morning baby.” Si Luke. Di pa naka move on sa babe at ngayon baby naman. Di ko sure kung naihi ako sa sinabi niya sa totoo lang. "Baby ka diyan! Tara na nga, pinagluto kita. Nakialam na ako ng kusina ah? Nakakahiya naman kasi kung ikaw pa magluto.” Habang nauna na ako Bumaba ng hagdan para di na niya makita pamumula ko. Woooh! Ang init. Pano kaya siya nagka-abs na ganyan? “You liked what you saw noh?” He asked while smiling. “Namumula ka eh.” I rolled my eyes and continued preparing the table. “As if.” Sagot ko. "Kaya pala gusto mo na kainin abs ko! Hahaha!” “Gutom yan. Gutom!” Pinaghain ko na siya at pinilit na kumain na.  Pano ako kakain kung mas masarap pa sa luto ko ang kaharap ko. "Hmmm. Ang sarap naman ng coffee. Ang galing mo pala magtimpla?” “Thanks. Nanay ko nagturo, ganyan kasi timpla ng sa Tatay ko.” "Masarap pa to sa mga coffee shop eh. Pwede araw araw mo na ako ipagtimpla?” My pleasure! - My inner malandi answered.  "Oo naman. Nakikitira ako sa bahay mo eh.” Sagot ng normal na Cedie. "Wag mo isipin yan. Consider yourself as my visitor or kung gusto mo consider me as your Babe!”  "Nakaka-quota ka na ha. Ako ba pinagtitripan mo Luke ha?” Nung gabi na isinama niya ako dito ay naikwento ko sakanya kung sino si Jake. Akala ko nga papaalisin na niya ako. Pero gulat ko nang hindi man lang siya nagflinch nang sabihin ko na “I’m gay, and that guy is my ex.” “Nope. Biro lang. Para maging comfortable ka lang.” “So ganyan pala si Luke sa ibang tao to make them comfortable?” Paasar ko na sagot sakanya. “No. Special treatment lang kay Cedie.” Sagot Naman nito. Halos random harutan lang ang naganap sa table. Tulad ng mga pagflex niya ng muscles niya para lang ipagyabang. He’s the type of guy na secure sa p*********i niya. Hindi issue kung may bakla sa paligid. Hindi issue kung ano iisipin ng iba dahil mature siya na tao. Di man ako masyado nakakain kase 70% ng ginagawa niya ay pagtitig sa akin at 30% naman ay pagkain, total of 100% plus bonus na pang-aasar.  Pagtapos ng kainan namin... Nagpasya na ako maligo. Nakahubad na ako lahat lahat ng maalala kong wala ako towel sa banyo. Nangyayari din ba sainyo yun? o sadyang bopols lang ako minsan. So ayun lumabas ako na nakaboxer para humingi ng towel kay Luke. Kumatok ako sa pinto niya kaso walang sumagot so pumasok ako nang biglang- "Waaahhh! Sorry sorry!" Sabay talikod. Nakahubad si Luke, as in HUBAD! nakita ko yung ano! Jusko po nagkasala ang aking mga mata! Patawad po! "Pwede na humarap naka towel na ako.” Sabin niya habang tumatawa. Di man lang nahiya. "Bakit kasi di ka sumagot nung kumatok ako. Kadiri!” Paasar kong sagot. "Asus. Pang bench body naman katawan ko. Pano ba Yan Wala na ako maitatago sayo nakita mo na lahat! Hahaha!” "Lul! Pahingi ako towel.” Di parin ako makatingin ng diretso sakanya. "Eto nalang-“ “Ay ayoko! Wag!” Balak niya hubarin yung towel na suot niya. Aba Bastos ah.  “Biro lang!” Tumatawa itong tumungo sa cabinet at kumuha ng bagong towel. Hawak niya ang towel at hawak ko ang kabilang dulo. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.  Anong tingin yan? “B-baket?" "Sabay na tayo maligo!" with matching ngiting aso. "Bayagan kaya kita?!” Sagot ko. Masyado na ata kaming komportable para taong magkakilala pa lang sa Ilang araw. "Biro lang! Hahaha! Labas ka na baka ano pa magawa ko, halos wala ka pa man din suot. madali tanga-“ Hindi ko na siya pinatapos at kumaripas na ako ng takbo papuntang kwarto ko. Nilock ko ang pinto. Double lock pa! Plano ko Talaga na pumunta sa strawberry farm. Nagpaalam ako kay Luke na lalabas muna ako pero mukhan inip din siya sa bahay niya kaya pumilit na sumama nalang siya. Kaya heto kami ngayon naglilibot sa strawberry farm. Pitas dito. Pitas doon. Tahimik at ngiting ngiti ako sa pagpitas ko nang biglang may bumungo sakin. “Ay strawberries ko!" Natapon ang pinaghirapan kong pitasin na strawberries. Yumuko ako para pulutin mga to dahil Pwede Naman hugasan.  "Ay sorry po. Di ko sadya. Sorry po talaga” "Natapon na. wala na ako magagawa. Ingat ka na lang sa susunod.”  Bata pa siya siguro nasa 15 years old pa lang. "Sorry po talaga.. Kung gusto niyo po sayo na lang tong akin.” bago pa ako sumagot may sumingit na. "It's okay. Bibili nalang kami. Cedie, let's go.” "Pero sayang pipitas pa ako.” "Bili nalang tayo sa may shop nila. Fresh din naman yun.” "Sorry po ulit kuya. Vin nga po pala name ko. Sorry ulit and sorry din po sa boyfriend niyo.” “Hindi ko boyfriend to bata.” Sagot ko sabay turo kay Luke na pangiti-ngit lang sa gilid ko. Nakangisi lang si Luke. Parang tanga/m******s lang. Bago kami umalis ng farm nagpapicture muna kami sa isang malaking strawberry. Nakaakbay siya para daw kunwari talagang magkaibigan kami. Nagsususpetsa na tuloy mga tao. Next stop naman namin ay sa isang restaurant. Habang hinihintay namin yung order ay nakaramdam ako ng ihi. Nagtungo ako sa cr. After ko umihi nagsalamin muna ako ng biglang may lumapit sakin. Alam mo yung mga nantitrip? “Dito sa cubcle.” Sabi nito. Alam ko na ibig niya sabihin kaya umiwas ako at patakbong lumabas ng banyo saktong paglabas ko ay papasok si Luke. “Napano ka?” Tanong nito. “May manyak sa loob-“ “Hey halika dito.” Tawag ng lalaki. Hindi na ako nakasagot ng biglang sapakin ni Luke yung lalaki. Nang matumba ito ay siya namang dagan ni Luke at pinagsasapak ito. Halos magmakaawa na yung Lalaki, nahirapan ako sa pag-awat kay Luke Pero nakuha ko din na patigilin siya. Umalis na kami at dfumiretso na lang sa sasakyan. “You didn’t have to do that.” Sabi ko sakanya. “Patingin nga ng kamay mo.” dagdag ko. Pinaubaya naman nito ang kamay niya, sinuri ko ang kamay niya na may konting gasgas na dumudugo. Pinunasan ko ito ng tissue at nilagyan ng alcohol.  “Aray teka teka!” Sinubukan nitong bawiin kamay niya pero hinawakan ko ng mahigpit. Hinipan ko ito at dahan dahan na pinunasan. “Kaya ko Naman sarili ko eh.” Sabi ko.  “Kayang tumakbo, Oo. Di mo man lang pinagtanggol sarili mo.” Sabi nito. Umuwi kami ng bahay. Gabi na din kasi. Ako na ang nagluto dahil hindi natuloy ang pagkain namin doon sa restaurant.  “Wow! Adobo!” Masayng sabi nito. “This has to be the best adobo! Ang sarap ng timpla ah?” Dagdag nito. “Wag ka na mambola. Kumain ka na lang. Pathank you ko Yan kasi Lagi mo ako tinutulungan.” … Matapos ng dinner ay nagyaya siya na uminom ng beer. Di din kami makalabas Sana para mag club dahil malakas ang ulan. Doon kami sa terrace sa taas nagset up. May Silong doon kaya hindi kami mababasa. Kitang kita ang ganda ng Baguio Tuwing gabi dahil sa mga ilaw ng mga bahay at ng mga gusali. “Bakit ka andito?” Tanong nito sa akin. Uminom ito sa beer niya. “Let me guess, para mag move on?”  Nilingon ko Ito at nginitian.  “Parang ganon na nga.” “Baka gusto mo ikwento?” Tanong nito. “Promise di magbabago tingin mo sakin?” End of Chapter 3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD