Gwen's Point of View: " Buti hindi naapektuhan kung ano ang meron kayo ni Markus, Gwen? " tanong sa akin ni Joanna. " Oo nga, bakit kasi pumayag kayo sa gusto ng ex boyfriend mo? Baka ginagawa lang niya iyon para mapalapit ulit siya sa iyo! At kapag nangyari yong ay babawiin ka niya kay Markus! " komento naman ni Erica. " Hindi naman kami naapektuhan kasi nakapag-usap kaming dalawa ni Makus at sa una pa lang, siya ang nagsabi na sundin ko ang hiling ni Lester dahil siya naman daw ang totoong ama ng anak ko, " sagot ko sa tanong ni Joanna. " At sa una pa lang, sinabi ko na kay Lester na hindi na maiibalik pa iyong dating nararamdaman ko sa kanya. Wala namang naging problema sa amin iyon basta ang balak ko lang ay madama niya ang pagiging ama bago siya umalis, " sagot ko sa mga tanon

