Gwen's Point of View: " Ano ang pinag-usapan niyong dalawa? " tanong ko kay Markus nang bumalik siya mula sa pag-uusap nilang dalawa ni Lester. " Sinabi niya lang sa akin na susunduin na raw kita bukas, " sagot ni Markus sa akin na pinagtaka ko. " Bukas? Wala pa naman isang buwan simula noong lumipat kami ni Baby Zion, ah! " nagtataka kong tanong sa kanya. " Bakit? Ayaw mo na bang umuwi at manatili na lang dito, Gwen? " bigoa nitangvtanong sa akin. " Syempre, gusto ko na ring umuwi, Markus pero nakakapagtaka lang kasi ang usapan ay isang buwan, magtatatlong linggo pa lang kasi kami ni baby Zion dito, " sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga siya , " Marami raw kasi siyang aayusin sa pag-alis niya kaya hindi ka na niya maasikaso na ihatid-sundo, " paliwanag niya. " Sabagay. So,

