Gwen's Point of View : Nang dumating si Markus mula sa Villa-Escudero, agad ko siyang tinawag para ipaalam sa kanya tungkol sa tawag kanina. Kaming dalawa lang ni Markus dito sa loob ng kwarto dahil inilabas ko si baby Zion papunta sa kanyang mga laruan at pinabantayan siya sa kanyang tagapangalaga. " Bakit? Mukhang napakaseryo mo, Gwen? " tanong niya sa akin. Napabuntong hininga ako, " Tumawag na naman ang lalaking nagbigay ng house and lot sa akin kanina, " panimula ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng seryoso, " Ano ang sabi niya? " tanong niya sa akin. " Gusto niyang magkita kami bukas, alas nuwebe ng umaga, " dertso kong sagot sa kanya. Napangisi siya, " Dalawa tayong pupunta, Gwen! " sabi niya sa akin. kinuha ko ang aking celpphone at ipinakita sa kanya ang ipinadala

