Gwen's Point of View : Nakapiring ang aking mga mata. May nakahawak sa aking dalawang kamay at inaaalalayan nila ako papunta kung saa. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng malakas na hangin at tunog ng helicopter. Habang papalapit kami ay mas lalong lumakas ang hangin hanggang sa pinaakyat nila ako dito. " Bakit mo ba ito, ginagawa, Mr. de Ayala? " nagtataka kong sigaw na tanong sa kanya nang makasakay kami ng helicopter. Malakas kasi ang tunog ng helicopter kaya pasigaw ko siyang tinanong. " Dahil ikaw ang katadhana na maging kasama ko habang buhay, Gwen, " sagot niya sa akin. " May asawa at anak na ako kaya paano mo nasabi ang tungkol diyan! " tanong ko sa kanya. " Dahil ikaw ang nagsuot ng wedding gown ng aking asawa noong kinasal kami, " sagot niya lang sa akin. " Hindi

