Gwen's Point of View : " Kamusta and mga sugat mo? " tanong ko kay Markus nang matapos linisin ng nurse at palitan ang bandages niya. " Masakit pa pero naiinda ko naman, " sagot niya sa akin. Umupo ako sa kanyang tabi at pinagbalatan siya ng orange. " Desidido ka na ba sa gagawin natin? " tanong sa akin ni Markus. " Oo, ito lang ang paraan para matapos na ito, " sagot ko sa kanya habang ang atensyon ko ay nasa pagbabalat. " Paano kung mapahamak ka? Paano kung saktan ka niya? " nag-aalala niyang tanong sa akin. Napabuntong hininga ako at ibinigay sa kanya ang binalatan kong orange. Kinuha naman niya ito at kinain. " Hindi naman niya siguro iyon gagawin, Markus, " sabi ko sa kanya. " Hindi natin alam, Gwen. Hindi natin alam kung ano ang takbo ng pag-iisip ng lalaking iyon.

