Napangiti ang dalaga sa narinig niya marami ngang nagsasabi na para raw silang pinagbiyak na bunga ng kanyang ina. "Nabalitaan ko ang nangyari kay Maritess sa Mommy mo. Kauuwi ko lang dito ng makarating sa akin ang masamang balita. "Marahil ang aksidenteng ayaw na ni Zoe marinig at isipin pa. "Kumusta na ang mga properties niyo sa Singapore? Medyo malaki na rin ang naipon ng Mommy at Daddy mo roon. At alam ko ang lahat ng iyon ay nakapangalan sayo. Alam mo ba iyon?" patuloy ng Ginang. "Opo. Nakagawa po ng last will ang Mommy bago sila naaksidente," malungkot na tugon nito saka ito napayuko. "Mabuti naman kung ganoon. Nahihiya nga ako sa Mommy mo. Biglang natigilan ang Ginang, hindi niya alam kung tama pa bang kwento niya ang lahat ng pangyayari bago naaksidente ang mga magulang nito. "

