Hindi na rin mapalagay si Sophia dahil sa pag-aalala niya sa matalik na kaibigan. Hindi niya namamalayan na pinagmamasdan na pala siya ni Manang Linda. Gusto na siyang lapitan ng matanda para mag-usisa pero nag-aalangan pa ito na lumapit sa kanya. At dahil sa pag-aalala sa kaibigan ay muli siyang tumawag sa magulang nito. Eksakto naman bago ang huling ring ay sumagot na ang ina ni Liza. "Hello po, tita? Si Sophia po ito. Pwede po ba malaman kung nakapasok na po si Liza sa university. May nakapagsabi po kasi sa akin na nasa school daw po siya ngayon pero sabi naman daw po sa dorm ay hindi pa raw po siya nakakabalik mula nang umuwi raw po siya diyan. Totoo po ba iyon, tita?" "Si Liza ba kamo?" "Opo. Nandiyan po ba siya o nakapasok na po?" Pinag-iisipan pa ng ginang kung sasabihin na ba ni

