Pagkatapos makita ni Sophia ang bagong renovate na restaurant ay marami na siyang naiisip na gagawin dito. Makalipas lamang ang anim na buwan ay nagbukas na ang resto bar na pagmamay-ari na ni Sophia. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon na siyang sariling restaurant na dating resthouse lang nila. Laking pasasalamat niya ng dahil sa pagsisikap ng kanyang ina ay nabawi nilang muli sa pagkakasanla ang naipundar ng kanyang mga magulang. Habang abala si Sophia sa kanyang opisina ay may isang hindi inaasahang tawag siyang natanggap. Walang rumehistrong numero sa kanyang cellphone kaya hindi niya alam kung sino ito at kung sasagutin niya ba ito. Ibinaba niya ang kanyang cellphone sa kanyang desk at hinayaan lang niya itong tumutunog. At nagpatuloy lang siya sa kanyan

