Sa lakas ng pagtulak sa kanya ni Zoe ay tumama ang braso nito sa may lamesa. Kahit nakaramdam siya ng sakit ay hindi niya ito ininda para hindi na mag-alala pa sa kanya ang kaibigan bagkus ay tinawanan na lang niya ito. Lumapit siya kay Zoe para tanungin kung ayos na ba ang pakiramdam nito. "Okay ka na ba? Handa ka na bang magkwento? Makikinig naman ako." Basag niya sa katahimikan ng kaibigan. Ramdam niyang napatingin sa kanya si Zoe. "Now, tell me," dugtong pa nito. Hindi muna ito nakasagot. Biglang lumalim ang iniisip ni Zoe. Hinayaan muna siya ni Sophia na makapag-isip ng maayos. "Kapag handa ka na magkwento sabihin mo lang. Handa naman akong makinig kahit ano pa iyan," mahinahong sabi nito saka hinagod ang buhok ni Zoe. Tumayo si Zoe at pumasok sa kanyang kwarto ng hindi man lang

