Kahit na halatang kinakabahan si Sophia ay hindi nito pinapahalata kay Mr. Cortez. Panay pa nga ang tingin ni Mr. Cortez kay Sophia. Tingin na parang naninibago ito sa kanya. Napapakunot naman ng noo si Sophia kada sulyap sa kanya ni Mr. Cortez. Kulang na lang ay pandilatan niya ito ng mata. At nang ilang beses niya itong titigan ay nailang naman na si Mr. Cortez sa kanya. Hindi na nakatiis si Sophia at siya na mismo ang nagtanong kay Mr. Cortez. "Sir, makakabalik na po ba ako sa trabaho ko?" Namula bigla ang pisngi ni Sophia ng siya pa mismo ang nagtanong. Direkta naman siyang sinagot ni Mr. Cortez. "Sophia, you may start tomorrow evening. Night shift ka muna makakasama mo si Edgar bukas. Is it okay with you?" tanong naman sa kanya ni Mr. Cortez habang pinipirmahan ang back to work nito

