Kinabukasan ay maagang nagising si Manang Linda para makapagluto ito ng babaunin ni Sophia pagpasok nito sa trabaho. Ang sarap ng tulog ni Sophia, mabuti na lang ay nakapag set ito ng alarm clock bago matulog. Pagtunog ng alarm clock ay kaagad na itong tumayo at nagtungo na sa banyo. Pero bago ito maligo ay pinuntahan muna niya si Manang Linda para sabihin na huwag na muna siyang ipagluto ng baon niya dahil hindi pa naman siya sigurado kung makakapag duty na siya ngayon sa bar. Dahil ang sabi pa lang naman sa kanya ni Mr. Cortez noong tinawagan siya nito ay magrereport pa lang ito sa kanyang opisina. Kaya ang ginawa na lang ni Manang Linda ay ipinagluto siya ng almusal para makakain muna ito bago mag report sa opisina. Nang pabalik na si Sophia sa banyo ay tinanong muna siya ni Manang Lin

