Pagkatapos malaman ni Sophia ang dahilan ng panloloko ni Liza sa telepono ay hindi naman ito nagalit sa matalik na kaibigan. Naintindihan pa nga ito ni Sophia marahil ay naiinip lang din ito o hindi kaya ay namimiss lang nito ang kulitan nilang magkaibigan. Dahil sa pangungulit ni Liza kay Sophia ay lalo niyang namiss ang matalik na kaibigan. Pero iba na ngayon ang sitwasyon. May mas lamang na ngayon sa kanyang puso at iyon ay dahil sa bago nitong mahal. Pero hindi pa rin naman nawawala si Liza sa kanyang puso. May lugar pa rin naman ito sa puso niya. Sinabi na rin ni Manang Linda kay Sophia na tatawagan daw siya ulit ni Liza pagkatapos ng klase nito. Tumango lang si Sophia sa sinabi ng matanda saka ito bumalik sa kanyang silid. Nang matapos na ang lahat ng ginagawa ni Manang Linda sa ku

