Habang sinusundan nito si Liza ay tingin ito nang tingin sa mukha ng ate niya. Bakas na naman kasi sa mukha nito ang inis. "Ate Liza, ayos ka lang ba?" tanong nito habang nakasunod sa likuran ng kapatid. Ngunit, kahit na anong kausap niya rito ay hindi siya kinikibo nito. Kinalabit pa niya ito sa balikat para lang mapansin siya. Pero kahit na anong gawin niya ay diretso lang ito sa paglakad patungong kusina. "Uy, Ate Liza! Ate! Ate!" paulit-ulit na sambit nito. At nang makapasok sila ng kusina ay hinarap kaagad nito ang inang abalang-abala sa pagluluto ng agahan nila. "Mommy!" tawag ni Liza habang nanunulis ang nguso nito. "Anak! Bakit bumangon ka na? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Pag-aalala ng ina. "Opo. Okay na po ang pakiramdam ko. Gusto ko lang po sanang tanungin iyong tungkol s

