"Mukhang uhaw na uhaw ka?" tanong ni Leo sa kanya habang sinasalinan niya ng juice ang baso ni Liza. Pakiwari kasi ni Liza ay natutuyo ang lalamunan niya dahil sa kaba. "Ayos ka lang ba talaga, Liza?" dugtong pa nito na nagtataka kung bakit panay ang inom nito ng juice. Tumango-tango lang ito para hindi siya mahalata ni Leo na nag-aalala ito. Marahil nag-aalala ito dahil ngayon lang niya naranasan ang makasama ang kanyang mahal sa iisang bubong. Hindi na nakatiis si Leo inusisa na nito ang kasintahan. "Mukhang may iniisip ka kasi. Pwede bang malaman kung ano ang iniisip mo at panay ang inom mo ng juice. Halos maubos mo na kasi lahat ng laman ng nasa pitchel o sadyang uhaw na uhaw ka lang talaga." "Ewan ko ba! Parang nanunuyo kasi ang lalamunan ko. Pero infairness ang sarap ng timpla mo

